Kabanata 16

1465 Words
Kabanata 16 "Oo nga! Nagkita na kami kanina. Hinalik—" Imbis na isikreto ang nangyari kanina hindi ko na nagawa, nadulas na ang bibig ko. Bakit naman kasi walang preno eh! "Ahhhhh! Gurl! Ituloy mo 'yang sasabihin mo. 'Wag mo kaming bitinin." Kinikilig na reklamo ni Patricia. Kavideo call ko kasi sila Patricia at Eleis. Si Vien ay busy parin dahil nga umpisa na ng OJT nila. "Nagchange of saliva sila, gurl! Ahhh!" Kinikilig din na sabi ni Eleis. "Ang ganda naman ng regalo niya sa'yo after so many years! So e'di tangal na ang pagiging cold mo sa kanya?" Malokong tanong ni Patricia. "Tinatanong pa ba 'yan, gurl! Of course tangal na ang coldness ni Isla, Dapat ang tinatanong kay Isla kung kaylan siya madidiligan!" Nagtilian naman silang dalawa ng sabihin iyon ni Eleis. "Tumigil nga kayong dalawa. Gagraduate muna tayo bago mangyari 'yon." Sabi ko sa kanila. "Don't us, gurl! Sa kompanya ka nila nagtraining! So imposible na walang mangyaring dilig." Sabi ni Patricia. "Ewan ko sa inyo, ibaba ko na 'to" Sabi ko. Gusto ko na rin kasing umiwas sa mga topic na ganyan. Tama na yung nangyari three years ago, dapat may label muna kami o kaya hangga't hindi pa kami kasal walang mangyayari sa amin. Ibinagsak ko ang cellphone sa gilid ko at napatitig sa kisame, Si Zach ba talaga ang humalik sa akin? Hindi ba ako namamalik-mata o baka naman doopelganger lang ang kasama ko. Nawala lahat ng iniisip ko tungkol kay Zach ng tumunog ang cellphone ko. Napabangon agad ako ng makitang may notification galing kay Zach. It was my follow request three years ago... sbsldvia started following you. Binasa ko talaga ng mabuti dahil baka namamalik-mata lang ako. Inaccept niya na ba ako o baka napindot niya lang? Mas lalong tumibok ang puso ko ng makitang tumatawag si Zach sa i********:. Shet! Gumagawa na ba siya ng first move? Kung Oo, hindi na kailangan dahil Oo na rin agad ang sagot ko. Inayos ko muna ang buhok ko dahil baka magulo pati na rin ang suot kong pantulog, bago sagutin ang tawag. "Did I disturb you?" Iyon ang unang bungad niya sa video call namin dalawa. "No!" Agarang sagot ko. Umiiling-iling pa ako sa kanya. "Bakit ka nga pala napatawag." I asked. "Did you already see what department you were in?" he asked. "Not yet." I told him. Titig na titig ako sa screen ng cellphone ko. Ang gwapo ba naman kasi ng kausap ko. He is just wearing a plain gray shirt dahil iyon lang naman ang nakikita ko sa screen. At mukhang nakahiga na rin siya, kagaya ko. "Are you going to sleep na ba?" I changed the topic. "Not yet. Just relaxing. I have so much paperwork that needs to be signed by me," he said. "You should rest," I told him. "Sige baka magkaroon ka ng madaming pimples niyan." Pang-aasar ko. He chuckled a little bit before he respond. "Really? Is that true?" "Oo kaya! Yung kaklase ko nga dati wala naman siyang pimples tapos nung napuyat kakalaro ng ML, ayun ang dami ng tumubo sa face niya." Kwento ko. I heard him chuckled again. "Anong nakakatawa? Totoo naman yung sinasabi ko. Magkakapimples naman talaga kapag palagi kang puyat." Depensa ko. "I didn't say anything, Don't be defensive, baby." He chuckled again. "Sa titig mo kasi parang hindi ka naniniwala sa sinasabi ko eh!" "Well... A part of it." "Oh, diba! Sabi ko na nga ba eh. Hindi ka pala talaga naniniwala sa akin. Babye na." Sabi ko at in-end call ko na agad. Hindi ko na siya inantay pang magsalita. Bahala siya. Hindi pala talaga siya naniniwala sa akin. Kaya pala ganon na lang ang reaksiyon niya kapag sinasabi ko sa kanyang gusto ko siya. Sa inis pinatay ko ang cellphone ko ng tumunog iyon dahil sa tawag ni Zach. Inilagay ko sa bedside table pagkashut down at natulog na lang. Kinabukasan maaga ako nagising dahil excited ako. Kahit may LQ kami ni Zach, excited parin akong makita siya. "Mom, Dad, Kuya Leigh! Alis na ako. Baka malate pa ako sa OJT ko." Paalam ko sa kanila habang nagmamadaling bumaba sa hagdanan. Kailangan ko rin kasing makatakas kay Kuya dahil baka malate ako dahil sa kanya. "Kuya driver, alis na po tayo, bilisan mo po." Medyo nagpapanic na na sabi ko kasi natatanaw ko na si Kuya papunta rito. "Sa school po ba Ma'am?" "No, Kuya. Sa kompanya nila Zach." Sabi ko rito. Pinaandar naman na agad ni Kuya Driver ang sasakyan kaya nakatakas din kay Kuya. Nakangisi ako habang papaalis na kami kasi wala ng magagawa si Kuya. Nakayuko si Kuya at mukhang tinitignan ang cellphone niya. Mga ilang minuto ang lumipas nagvibrate ang cellphone ko. 'Don't skip your breakfast, Anastacia. I will tell Zach to give you food' Galing 'yon kay Kuya. Nagtext siya na papadalhan na lang ako ni Zach ng pagkain. Wait... What?! No... Bestfriend nga pala ni Kuya si Zach, malamang, sa kanya ipapautos dahil kay Zach ako mag o-ojt. Assuming lang ako na baka okay na maging boyfriend ko si Zach. Hindi ko na lang nireplyan 'yon hanggang sa makarating ako sa companya nila Zach. I am just wearing a formal attire today. Hindi ko alam kung pwede ba mag casual attire dahil hindi ko naman natanong. Sumakay na ako sa elevator para pumunta sa conference room dahil doon iaannounce ang mga terms and conditions ng kompanya pati na rin kung saan kaming department ilalagay. Speaking of department, naalala ko nga pala tinanong ako ni Zach kung nakita ko na nga ba yung assign department namin. Agaran kong tinignan sa cellphone ko para makita kung saang departamento ako naassign. I found my name on the list and bakit ako lang? Solo flight ba 'to? Due to curiousity I slide the document kung saan nakalagay kung kanino mapupunta. Mr. Zachariah Bryce Saldavia Wait... what? Kaya ba siya tumawag sa akin kagabi para sabihin na magiging under niya ako? Bigla ko naalala ang nangyari kagabi, nagtatampo nga pala ako sa kanya. Kailangan niya akong suyuin. Kung hindi magpapalipat ako ng department! "Good Morning po." Bati ko sa mga taong nasa loob na ng conference. Umupo ako sa bakanteng upuan na nakita ko. Inilapag ko ang mga gamit ko habang inaantay pa namin ang iba. "Ang swerte mo naman, Isla! Si Mr. Zach ang hahandle sa iyo sa OJT natin!" Sabi ng katabi ko. Nginitian ko lang siya bilang tugon. As if naman gusto kong mapunta kay Zach! Hindi niya ba alam na baka maraming makaalam ng relasyon naming dalawa dahil dito! Dapat ko siyang kausapin, pero paano kung nagtatampo nga pala ako. "Good Morning, Everyone." Bati ni Ms. KillJoy pagkapasok niya. "Are you excited, Trainees?" She asked. "Yes!" Sagot nila. I rolled my eyes sa tanong ni Ms. KillJoy. Mukha ba kaming bata para tanungin ng ganyan? "Nakita niyo na ba ang mga assigned department niyo?" Tumango naman sila habang ako ay busy lang na nakikinig. Gusto ko na 'tong matapos. Hindi pa man din nag uumpisa gusto ko na agad tapusin. "By the way. Bago kayo magstart today, We will have a short background history in this company and then later on you will meet the youngest owner of this company." Paliwanag ni Ms. Joy para sa agenda ngayong umaga. Nag-ingayan naman ang ibang mga babae ng marinig nilang mamemeet namin ang youngest owner ng company na 'to. Mga Beh! Tumigil tigil kayo! Akin na 'yon! Ako ang pinili. "Alright! Everyone, listen." Nagsimula na si Ms. Joy sa kanyang dinidiscuss habang lahat kami ay busy na nakikinig sa kanya. Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan ng conference room at may pumasok doon na isang lalaking naka three piece suit. Dirediretcho siyang pumunta sa harap at naupo roon. Pinanood ko ang bawat kilos niya. Pumangalumbaba siya at tila parang naistorbo ito dahil sa itsura niya na parang galit. Hindi pa rin ako nito dinadapuan ng tingin. "Everyone, Trainees! This is Mr. Zachariah Bryce Saldavia, the youngest owner of FlyTech Aircraft. Enterprises." Pagpapakilala ni Ms. Joy. At doon palang din ata niya ako napansin ng ipinakilala siya. Nagtama ang paningin namin at inirapan ko lang siya. "Good Morning Trainees!" Bati nito sa amin. Wala akong panahon para makinig sayo! Hindi tayo bati! "I hope you enjoy your 600 hours of training here at my company. Alam niyo naman na siguro ang mga rules natin dito. You also have your monthly allowance that covered your transportation and meal." Paliwanag niya. Inismiran ko siya. Hindi ko kailangan niyan! Magbabaon na lang ako ng pagkain! "Just enjoy and love what you are doing. Thank you!" Finally! Natapos na rin siya magsalita. "By the way..." Akala ko tapos na hindi pa pala. "Ms. Acuesta, your breakfast is in my office..." ♡ 08-21-24
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD