Kabanata 15

1974 Words
Kabanata 15 Kahit lumipas ang tatlong taong hindi ko siya nakita, ito... ito pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. Bumibilis parin ang t***k ng puso ko kada makikita ko siya. "Zach..." Hindi na ako nagdalawang isip kung may makakakita ba sa amin, agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit. Inamoy ko ang kanyang pabango, hindi pa rin siya nagbago, iyon parin ang amoy niya. Sobrang bango. "I miss you so damn much!" Mahinang sabi ko sa kanya habang nakayakap parin. "What are you doing here?" Iyon ang unang lumabas sa bibig niya. Hindi 'man lang magawang magsabi ng I miss you too. "Of course, hinahanap ka." Pagdadahilan ko. "Can you please remove your hands on my waist?" Sabi niya. Umiling lang ako at hindi ko siya sinunod. Bahala siya. Miss ko na siya tapos ang cold lang ng trato niya sa akin. Bigla lang ako napaalis sa yakap at lumayo sa kanya ng may maalala pala ako. Sinabi ko pala sa sarili ko, two days ago na kapag nagkita kami ulit ay isa siyang stranger sa paningin ko. Ano ba naman kasi, Isla! Ang lambot ko talaga pagdating kay Zach! Nawawala yung mga prinaktis ko! Dapat cold din ako sa kanya, hindi pwedeng siya lang. "Sorry, I didn't mean to hug you. Una na ako." Paalam ko dito at patakbong umalis. Kaso naalala ko nga pala na halos nasa tuktok na pala ako ng building nila. Ang hirap naman kung maghahagdanan lang ako pababa. Ang bobo naman sa part na 'yon, Isla! Hindi ka marunong mag-isip! Nakita mo lang si Zach parang bumaliktad na ang utak mo! No choice ako kaya imbis na maglakad pababa sa hagdanan ay babalik na lang ulit ako kung saan nag-aantay sa elevator. I gain my self esteem bago lumakad pabalik sa elevator. Cold lang dapat, Isla. Dapat maging cold ka rin sa kanya. "Sorry, nandito pala ang elevator, akala ko nalipat na. Hehehe." Ilang na sabi ko bago pindutin ang floor pababa. Bumukas na kanina yung elevator bago ako tumakbo paalis pero bakit hindi 'man lang pumasok sa loob si Zach, kung pupunta pala siya sa opisina niya. Habang inaantay kong bumukas ang elevator, nagbusy-busyhan akong magcellphone. Scroll lang kunwari sa i********:. "What are you doing here? Hindi rito ang orientation niyo." Napatayo ako ng tuwid ng marinig ko ang sinabi niya. Shet! Bakit sobrang lapit naman niya ata? Ramdam ko na ang hininga niya. "Why are you not talking to me? Hmm.." He said. Halos manlambot ang tuhod ko dahil sa ginawa niya. Gusto kong sumandal sa kanya bilang supporta kaso nahihiya ako at the same time naiinis ako. Dapat maging cold din ako sa kanya. Pinipilit kong hindi siya pansinin. Kaya ko 'to! Siya nga tatlong taon niya akong hindi 'man lang nireplyan o magpakita 'man lang. Tapos ako, konting pakilig niya lang okay na agad! Pa heart to get muna dapat, Isla! Bumukas ang pinto ng elevator, buti naman. Nagmamadali akong pumasok para maikalma sana ang sarili. Ang bilis na nga ng t***k ng puso ko tapos halos mawalan pa ako ng balanse sa sobrang pag-lambot ng tuhod ko. Pero imbis na maikalma, mas lalo pa yatang lumala ng pumasok din ito sa loob ng elevator. Tinignan ko siya sa kanyang ginagawa, pinindot niya sa basement one ang button ng elevator. Sumarado ng pintuan ng elevator at sakto, kaming dalawa lang ang nandito! Wtf! Pakiramdam ko ay hindi lang ako ang nakakarinig sa t***k ng puso ko, sa tingin ko ay pati rin siya. "Don't be too nervous, Isla." He said. Tinignan ko siya sa reflection sa elevator at nakitang nakatingin din siya sa akin. Bahagya akong lumayo ng makitang humakbang siya papalapit sa akin. Myghaad! Ano ba, Isla! Ayusin mo ang sarili mo! Hindi dapat ganito. "Hmm.. To answer your question, yes... I damn miss you so much!" After he said those words, he grabbed me to give me a kiss. It is not a typical kiss na after lumapat ang labi ay okay na. This is different. He kissed me like he really damn misses me so much! Parang feeling ko mamamaga ang labi ko sa oras na bitawan ng labi niya ang labi ko. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang nasa bewang ko ay bumaba papunta sa pwet ko, at ang isa naman ay naglalakbay paakyat sa dibdib ko. "Ah!" Napadaing ako ng idikit niya ako sa pader sa loob ng elevator. "Sorry, napalakas yata." "No, okay lang." Sabi ko at ako na rin ang naunang humalik sa kanya. "f**k! Isla! I damn really miss you so much!" Sabi niya ng bumitaw kami sa halikan. Feeling ko talaga namamaga na ang labi ko. Tinignan ko ang sarili ko sa repleksyon at nakitang namumula ang labi ko. "I'm sorry for the past three years..." dagdag niya. "I hate you!" Sabi ko dito at mahinang pinalo siya sa dibdib. "I know... I know that, Isla." "Hindi ka 'man lang nagparamdam sa loob ng tatlong taon. Chat ako ng chat sa i********: mo, kahit isang reply lang, wala!" Reklamo ko. "Feeling ko nga ginamit mo lang ako noon eh. Nakipag-s*x ka sa akin then mawawala na lang parang bula!" "I'm sorry for all, Isla... I didn't mean to leave you for three years..." Inangat niya ang baba ko para mapatingin ako sa kanya. "Babawi ako." Saad niya. "It is about your ojt that is why your here, right?" He asked na ikinatango ko lang. Busy akong tumingin sa kanya. Ngayon ko lang narealize na parang mas lalo siyang tumangkad at medyo lumaki pa ang kanyang katawan. Pinisil ko ng bahagya ang braso niya, Ang tigas ah. Everyday ba siyang nag-g-gym for the past three years? "What are you doing?" Medyo natatawang sabi niya, umiling lang ako. "Ilang hours ang ojt niyo?" He asked. "600hrs." Sagot ko rito. "Oh! You will see me everyday..." "Maybe... Depende kung saan ako ilagay ni Ma'am Joy na killjoy!" "Killjoy? What happened earlier?" "Wala naman. Joy kasi pangalan niya then aalisin niya raw ang kasiyahan ng mga magkakaibigan, ilalagay sila sa bawat department." Paliwanag ko. "Really?" He asked. Tumango naman ako bilang sagot. Tumunog ang elevator hudyat na nasa basement one na kami, kung saan pinindon ni Zach. I forgot dapat sa ground floor lang ako. Pipindutin ko sana ulit ang button, kaso pinigilan niya ako. "I hahatid na kita." Sabi niya. "Pero, diba may trabaho kapa?" "Sino ba ang may-ari ng kompanya na 'to?" He asked. Oo nga pala siya nga pala ang may-ari, he can do whatever he want. "Wala ka bang meeting?" I asked him ng pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya. Sumakay ako doon bago niya sagutin ang tanong ko. "I resechedule my meetings for today." Sabi niya bago isarado ang pintuan. Pinanood ko siya kung paano siya umikot papunta sa driver seat. Inantay ko siyang pumasok sa loob bago ko ikabit ang seatbelt. "Did you already eat your lunch?" He asked. "Not yet." "Where do you wanna eat?" He asked while driving. "Sa bahay na lang. Tinatamad na akong kumain sa labas." Sabi ko dito. "Okay..." While he was busy driving, inilibot ko ang paningin ko sa interior ng sasakyan. Napakunot ang noo ng mapansin iba ito sa nasakyan kong sasakyan three years ago. Sabagay tatlong taon na nga pala ang nakalipas. Baka ibinenta na niya iyon at naglabas ng bagong model ng sasakyan. "What are you thinking?" He asked. "Wala... Naalala ko nga pala dapat galit ako sa'yo! Magpapacold muna ako!" Narinig kong tumawa siya. "Anong nakakatawa?" Taas kilay na tanong ko dito. "The cold lady earlier become hot after what happened." Pang-aasar niya. Naalala ko tuloy iyong nangyari kanina sa elevator. Bigla tuloy akong nahiya sa kanya. "I guess, you like my welcome gift?" "Huh?" Litong tanong ko. Anong welcome gift? Wala naman siyang regalong binigay sa akin ah. "You want me to do it again?" He asked. Shet! Yung kiss ba yung tinutukoy niyang welcome gift? Lumayo ako ng bahagya sa kanya, halos nakadikit na ako sa may pintuan ng sasakyan. Hindi naman sa tumatanggi ako, gusto ko rin naman kaso nasa daan kami baka mahuli pa kaming may ginagawa. Saktong pagkarating sa bahay ay dumating din si Kuya. Nauna lang kami ng five minutes sa kanya. Narinig kong bumusina siya para pagbuksan ng gate. Pinanood ko muna si Kuya na ipark sa loob ang sasakyan niya bago bumaba. "Kuya!" Sigaw ko dito ng makababa na rin siya ng sasakyan. "Kararating mo lang?" Tanong niya. "Oo, Kuya." "Nandito ang isang sasakyan kaya malamang hindi ka nagpasundo at imposibleng lakarin mo ito dahil malayo..." Tinaasan niya ako ng kilay bago lumabas at sinilip ang sasakyan na nakapark sa gilid. Lumabas ang lalaking nakasakay sa itim na BMW, ang gwapo niyang maglakad tapos ang lakas pa ng dating dahil naka three piece suit. "Zach, bro, ikaw ang naghatid dito sa pasaway kong kapatid?" Tanong ni Kuya ng makalapit. "Yeah, nagkusa na ako dahil baka maligaw pa. Mukhang walang dereksyon kanina dahil naabutan kong pagala-gala sa kompanya ko." Pagdadahilan ni Zach na ikinataas ng kilay ko. Bakit ayaw mong aminin na naghalikan tayo sa loob ng elevator dahil sobrang namiss mo ako. "Sorry, mukhang naistorbo ka pa yata ng kapatid ko. Kaya sabi ko sa kanya na huwag na sa kompanya mo magtraining, matigas lang talaga ang ulo." "Kuya! Huwag mo naman akong ipahiya! Nagpapagood shot na nga eh!" Reklamo ko. "Tigilan mo ako. Kuya mo ako kaya dapat sumunod ka. Magthank you ka kay Kuya Zach mo dahil hinatid ka niya pa rito" Wtf! Ang tagal ko ng sinasabi na hindi ko nga ituturing na Kuya si Zach eh! "I hate you Kuya! Sabi ko nga hindi ko tatawagin na Kuya si Zach! I really like him from the buttom of my heart!" Lumapit ako kay Zach at hinatak ko ang braso niya upang pumasok sa loob. Pero bago pa kami tuluyang pumasok, pinigilan na kami ni Kuya Leigh. "Hoy! Saan kayo pupunta at binitbit mo pa talaga si Zach?" Medyo inis na tanong niya. "Sa kusina, Kuya! Sa kusina! Kakain kami kasi nagugutom na ako!" Inis na sabi ko sa kanya bago ulit hatakin si Zach papasok sa loob nh bahay. Iniwan ko na rin si Kuya sa labas, bahala siya sa buhay niya! "Kumain ka na ba?" Iyon agad ang tanong ko sa kanya ng makarating kami ng kusina. "Yes..." Sagot niya. "Then do you like desserts? How about cake or ice cream? Meron kasi kami dito eh." Sabi ko habang nagtitingin ng makakain. "I prefer ice cream." Sabi niya. Kinuha ko ang ice cream na nasa freezer at tinignan kung anong flavor iyon. "Okay lang ba na cookies n cream? Ito kasi yung favorite kong ice cream eh." Tanong ko sa kanya pagkalapag ko ng isang gallon na ice cream. Meron na rin kaming kutsara at bowl na nasa lamesa. "No problem. I'll eat it anyway." Sabi niya. Nagpresinta na rin na siya na ang mags-scoop ng ice cream. While we are both busy eating ice cream, pumasok si Kuya sa loob ng kusina na nakapangbahay na. Masama ang tingin niya sa aming pareho. "Bro, mag-usap nga tayo mamaya. Baka mamaya malaman ko na lang na kayo na pala o kaya ikakasal na pala kayo." Pagkausap ni Kuya kay Zach. "Ano ba, Kuya! 'Wag mong sirain yung ice cream date namin!" Inis na sabi ko dito. "May nalalaman ka pang ice cream date diyan! Anastacia! 21 years old ka pa lang magtapos ka muna ng pag-aaral mo!" Halos maubos na ang pasensiya ni Kuya sa akin. "Ewan ko sa'yo, Kuya." Inirapan ko siya at hinarap si Zach na busy lang manood sa away namin ni Kuya. "'Wag mo na pansinin 'yan si Kuya! Ubusin mo na rin iyan para makabalik ka na ng opisina. 'Wag mo na lang sundin si Kuya Leigh." Sabi ko dito. ♡ 06-12-24
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD