Kabanata 14
Iba na pala talaga kapag nasa college na. Wala na yung pachill- chill lang katulad noong high school. Ngayon kailangan ng sipag para makatungtong sa last year ng college. At ito na nga 'yon.
Matapos kong maistress, mapressure at magkadapuyat sa pag-gawa ng thesis at depensahan iyon, sa wakas, fourth year na rin ako. OJT na lang ang kailangan kong i-render bago ako makagraduate.
"You need to render 600hrs on your OJT." Sabi ng Speaker sa amin dahil orientation ngayon para sa upcoming OJT namin.
Expected ko na 'yan. Wala naman na kaming ibang subject kundi itong OJT na lang.
"Myghad! I cannaaaat!" Reaksyon ni Eli.
"600hrs?! Ngayon palang gusto ko ng sumuko!" Sabi naman ni Patricia. Silang dalawa lang ang kasama ko ngayon sa orientation dahil si Vien ay masama ang pakiramdam at si Zeus naman nasa kompanya nila.
"Pagoda ang self ko nito everyday!" Patuloy na reklamo ni Eli.
"Dapat hindi ka na lang nag hospitality management kung puro reklamo ka!" Pagbibiro ko dito.
"Argh! I hate this lyf!"
"Maaari niyo ng tignan kung saan kayo dineploy na nakapaskil sa bulletin board per department." Sabi ng nagsasalita bago matapos ang orientation.
Next week start na ng On-The-Job Training namin at sobrang excited na ako doon.
"Siguro si Isla at Arzeus sa mga kanyang kompanya lang." Sabi naman ni Patricia habang naglalakad kami papunta sa department namin.
"Of course, gurl! Bakit lalayo pa kung meron naman ng sariling kompanya!" Saad naman ni Eli.
"Hindi kayo sigurado." Nginitian ko sila ng makahulugan bago naunang maglakad sa kanila palapit sa billboard. Hindi na rin masyadong madaming tao dahil binagalan talaga namin ang lakad. Ayaw namin makipagkumpulan sa tao.
"Owemji! Bakit hindi sa company niyo ikaw mag te-training?!" Gulat na tanong ni Patricia.
Napalingon ako sa kanila. Parehong nanlalaki ang mata dahil sa gulat.
"Satru ba 'tong nakikita ko?" Tanong ni Eli. "Gurl, baka malabo lang mata ko or typo lang sila?! Is this right?" Dagdag niya pa.
Ngumiti ako bago ko sila tinanguan pareho.
"Owemjiiii! Nahihibang ka na ba talaga, gurl?" Eli asked.
"Nope."
"Anong pumasok sa isip mo, gurl? May sarili naman kayong kompanya bakit lumayo ka pa?" Tila hindi pa rin makapaniwala si Patricia.
"Gusto ko lang maiba para fair naman. Hindi dahil may sarili kaming kompanya ay doon na agad ako mag te-training." Paliwanag ko sa kanila pero mukhang hindi sila naniniwala.
"Totoo nga!" Depensa ko.
"Well... I think may hidden agenda ka talaga!" Nanliliit matang sabi ni Eli.
"Of course, wala! Mag o-ojt ako doon para magrender ng 600hrs! Yun lang!" Depensa ko sabay ngiti ng makahulugan.
"Nako, gurl! Ilang taon na ang lumipas! Baka nga hindi ka na noon kilala."
"Hindi ako mag-o-ojt para makita ko siya, no!"
"Ay sus! Maniwala ako. For three years gurl na hindi kayo nagkikita tapos sasabihin mo sa amin na nandoon ka lang para mag ojt, sino niloko mo?"
"Gorabels na nga tayo gurl, iwan na natin tong delulu na hindi na nadidiligan!" Pag-aaya ni Eli kay Patricia.
"Hoy! Kayong dalawa pinagkakaisahan niyo ako ah!" Inis na sinabi ko bago habulin silang dalawa.
"Ano 'tong nabalitaan ko na nagdesisyon kang hindi sa kompanya natin ikaw mag-o-ojt?" Salubong sa akin ni Kuya Leigh pag-uwi.
"Bakit ba, Kuya? Bawal ba ako magdecide sa sarili ko?" I asked him.
"Of course, not!"
"Ayun naman pala eh! E'di hayaan m—"
"No! Sa ipapalipat kita. Sa kompanya ka natin magtatrabaho and that is final!" Mataas na tonong sabi ni Kuya.
"Kuya naman!"
"Bakit kayo nag-aaway?" Mom asked. Nandito na pala sila.
"Mom! Dad! Si Kuya Leigh ayaw akong payagan mag ojt sa ibang kompanya!" Salubong na sumbong ko sa kanila.
"Oh! I forgot to tell you Leigh, Anak, Isla decided na sa iba siya mag-o-ojt to be fair naman daw sa mga schoolmates niya." Pagtatanggol ni Mom sa akin.
"But Mom! Ang dami nating kilalang kompanya bakit doon pa sa kaibigan ko?" Galit na sabi ni Kuya. "Alam niyo naman pong may gusto 'yan doon kay Zach eh!"
"That is good then, kapag ikinasal sila, magme-merge ang dalawang malaking kompanya, diba!"
"Mom, naman! Bata pa 'tong si Anastacia, kasal agad ang iniisip mo!" Reklamo ni Kuya.
"Hayaan mo na ang kapatid mo. She is 21 years old already."
Dinilaan ko siya at mapang-asar na nginitian siya. Sino ngayon ang nasunod? Hahahaha!
Masaya akong naglalakad papunta sa kwarto ko. Buti na lang dumating si Mommy.
Nagpalit at nagbihis na ako ng pambahay. Umupo ako sa upuan ng study table ko para mag-ayos ng requirements na kailangan para naman sa kompanyang pag-o-ojt-han namin.
Busy akong mag-ayos ng makarinig ako ng tatlong katok mula sa labas ng pintuan ko.
"Pasok!"
Tinignan ko kung sino 'yon, Nang nakita kong si Kuya, hindi ko na lang siya pinansin at nagbusy-busyhan sa ginagawa ko.
"You really what to train under the Saldavia Empires?" Kuya asked pagkapasok, umupo siya sa dulo ng higaan ko.
"Yes, Kuya... Hindi na magbabago ang isip ko." Sabi ko sa kanya.
"Is this because you want to see Zach?"
Tinignan ko siya. Yes it is because of him. After three years na hindi ko siya nakita, I am still attracted to him.
"No, Kuya. Gusto ko lang maging fair sa schoolmates and classmates ko. Baka ang isipin nila kapag sa kompanya natin ako mag-ojt, hindi na ako kikilos dahil anak naman ako ng may-ari." Paliwanag ko rito. Isa rin naman talaga 'to sa mga dahilan ko.
Unang una lang talaga sa listahan ko kaya doon ko gusto dahil para makita si Zach.
"Okay. Kung iyan ang desisyon mo, hindi na kita pipigilan. Ayokong nag-away tayo little sis!" Sabi niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo para lumapit sa akin.
"Hindi na nga pala bata ang little sis ko!" Sabi niya at ginulo ang buhok ko.
"Ikaw kasi eh. Ayaw mo pa ako payagan, nag-inarte pa kanina." Pang-aasar ko.
"Ayoko lang kasi na masaktan ka kung sakaling bumalik iyang nararamdaman mo para sa bwisit na kaibigan ko na 'yon." Saad naman ni Kuya.
"Pero Kuya... Huwag kang magagalit sa itatanong ko..." panimula ko. Kinakapa ko kasi kung pwede ko ba siyang tanungin about kay Zach. Baka may idea siya bakit bigla nalang nawala parang bula.
"Go ahead, What is it?"
"Alam mo ba kung... kung bakit nawala bigla si Zach, Kuya?" Tanong ko.
"I.. I don't know." Sabi niya.
Hindi ako naniniwala na hindi niya alam. Magkaibigan sila at alam ko magkasosyo sila sa isang negosyo. Kaya imposibleng hindi niya alam.
"Okay, Kuya. I'll just go to sleep. Inaantok na pala ako." Sabi ko sa kanya. Hindi ko na inayos ang mga gamit kong nakakalat sa lamesa. Nagtungo na ako sa higaan ko para mahiga.
"Gisingin mo na lang ako kuya kapag dinner na." Sabi ko at ipinikit ang mata.
Naramdaman ko siyang lumabas na ng kwarto ko. Kaya idinilat ko ang mata ko. Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng higaan ko.
I open my i********: account to check if my updates ba si Zach or online kaya siya. But to my disappointment, wala. Wala lahat even my chats, walang reply.
I really hate him. May pasabi-sabi pa siyang can you wait for me, Isla. Tsk! Bahala ka sa buhay mo! Kapag nagkita tayo sa Lunes, hindi talaga kita papansinin! Isa kang Stranger sa paningin ko!
"I will deploy you all in different department base on your major. Meaning kung ang course mo ay HRDM, mapupunta ka sa department nila, same sa others. Okay." Sabi ng isa sa mga nag-o-orient sa amin.
"May mga magkakaibigan ba dito?" Tanong nung isa na mukhang strikto.
Nagkatinginan kaming mga trainee sa isa't isa. May classmates ako na kasama pero hindi naman kami close. Parang si Arzeus nga lang ang kaklase ko na friend ko eh.
"Aalisin natin ang kasiyahan niyo, okay ba 'yon?" Mapang-asar na sabi ni Ma'am Joy.
Narinig kong nagreact ang mga schoolmates kong kasama dito. Joy ang pangalan pero aalisin ang kasiyahan ng mga magkakaibigan dito. Galing ah!
"At sa mga nagtatanong kung ngayon ba ay umpisa na ng training niyo, the answer is no. Tomorrow will be the official start of your training. We will make a group chat para doon i-send kung saan kayo i-aasign. Are we clear?"
"Yes, Ma'am." Sabay sabay naming sabi.
"Do you have any questions? If none, that would be all. See you all tomorrow." Sabi ni Ma'am Joy.
Nauna na silang lumabas at naiwan naman kaming lahat. 8am nandito na kami then 12nn natapos ang orientation. Maaga pa, pwede pang gumala.
I opened my messenger para magchat sa group chat namin. Gusto kong tanungin kung same lang ba sa amin na orientation palang ngayon at bukas pa ang umpisa.
'Orientation lang kami ngayon, bukas pa start' chat ko.
'Same! Arat gala us!' Chat naman ni Patricia.
'Sorry gurls, orientation lang din namin ngayon but later pa ako uuwi, daming papabals here!' Chat naman ni Eleis.
'Loko ka! Inuna mo pa 'yan kaisa sa mga friends mo' Chat ni Patricia.
'Start na namin ngayon, sorry girls.' Chat naman ni Vien.
'Seryoso?! Wala kayong orientation?'
'Meron kaso diretso training na. 'Wag na raw magsayang ng oras'
In the end, we decided na hindi na lang mamasyal ngayon. Uuwi na lang siguro ako para makapag-pahinga.
Pero bago umuwi, dapat magikot-ikot muna dito sa company nila. Hindi pwedeng hindi. May dapat tayong hanapin.
Lumabas na ako ng room kung saan kami nagorientation. Luminga-linga ako sa paligid baka nandito lang siya nag-iikot sa bawat departamento.
Inikot ko na yata ang bawat floor pero hindi ko pa rin siya makita. Isang floor na lang ata ang hindi ko napupuntahan, ang mismong floor kung nasaan ng opisina niya.
Naglakad ako papuntang elevator para umakyat ulit sa taas. Kaso pipindutin ko na sana ng may nauna sa akin. Kunot noo kong tinignan kung sino iyong pumindot, biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng makita kung sino ang nakatayo sa tabi ko.
"Zach...."
♡
06-10-24