Kabanata 13
Unti-unti ko ng naiintindihan yung sinabi ni Kuya na may mga taong hindi na babalik...
Hindi ko sinunod si Kuya at inantay parin si Zach sa school. Nagbabakasakaling magkita kami. Kaso lumipas na ang isang linggo, hindi ko parin siya nakikita.
Ayokong tanungin si Ma'am Alisa dahil baka kung ano lang ang isipin niya. Akala ko nga noong isang araw sinundo ni Zach si Ma'am Alisa dahil sumakay siya doon sa sasakyang nag-aantay sa kanya. Buti na lang nasilip ko yung driver at hindi si Zach ang nagdadrive.
Bakit ba hindi nagpapakita si Zach sa akin? Iniiwasan niya ba ako?
Lumipas ang isang buwan... wala paring nagpapakitang Zach sa paligid. Tinignan ko rin ang kanyang i********: kaso wala namang update o post 'man lang.
Bakit parang mas masakit pa 'to kaisa sa magrounded ng isang buwan? Masakit na hindi ko pa rin nakikita ulit si Zach.
Hindi naman naging kami, pero s**t! Namimiss ko na siya! Bakit ba kasi ako naattract sa kanya?! Tapos wala pang kasiguraduhan kung gusto niya rin ba ako?
Anong dahilan bakit kailangan ko siyang intayin? Lalo akong kinakain ng kuryosidad ko Zach!
"Can you wait for me, Isla?"
Argh! Bahala ka nga sa buhay mo, Zach! Kung ayaw mo magpakita e'di 'wag.
Hinayaan ko na lang ang sarili ko na libangin para kahit papaano ay mawala sa isip ko si Zach. Pero sa huli iniisip ko pa rin siya.
Sa araw-araw na pag-iisip sa kanya gabi-gabi, doon ako nakapagdecide na aantayin ko siya kahit gaano pa siya katagal bumalik.
I don't think if it is still a puppy love basta ang alam ko sa sarili ko, nakikita ko ang future ko with him.
"Namimiss ko na siya..." malungkot na saad ko sa mga kaibigan ko.
"Sobrang namimiss ko na siya..."
"Gurl! Grabe ka! Inlab ka na talaga!" Saad ni Patricia.
"It's been months already, Isla. Mag-move-on ka na. 'Wag mo ng panghawakan yung sinabi niya!" Sabi naman ni Vien.
"Hindi ko kaya..."
"Ganyan silang mga lalaki! Gagawa sila ng paraan para mafall ang isang babae pagkatapos iiwanan din naman agad!" Medyo galit na sabi ni Vien.
"Hindi naman lahat ng lalaki, Vien."
Sabay kaming tatlo napalingon sa nagsalita. Finally, dumating na rin sila.
"Anong hindi? Tama kaya si Vien." Pagtatanggol ni Patricia.
"Anong chika mga sissy?" Pagmamarites ni Eleis.
"Si Isla, inlababo!" Walang prenong sabi ni Pat.
"Inlove?" Nakakunot na tanong ni Arzeus.
"Oo! Inlove si Isla doing sa lalaking kumuha ng kanyang vir-" tinakpan ko na ang bibig ni Pat. Ang lakas lakas ng boses tapos nasa school pa kami.
"Wala talagang preno 'yang bibig mo, Pat!"
"Isla..."
Napatingin ako kay Zeus ng tawagin niya ako.
"Bakit?"
"Can we talk? Ihahatid na rin kita sa inyo?" Pag-aalok ni Zeus.
Tumingin naman ako sa mga kaibigan ko.
"Ah... sige. Una na kami. Mag-usap lang kayo diyan. Dapat bukas kayo na ha! Joke!" Pang-aasar ni Pat.
"Una na kami, mag-ingat kayong dalawa sa pag-uwi." Paalam naman ni Vien.
"Bye, gurl!"
Nagpaalam narin ako sa tatlo at nauna na silang umalis.
Kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa lamesa kaso hindi pa naman kami tuluyan naglalakad papuntang parking lot kung nasaan ang kotse ni Zeus, kinuha na niya ang bag ko at siya na ang nagdala. Hinayaan ko na lang rin na gawin niya 'yon. Sanay naman na kasi ako simula high school.
"Is it true?" Zeus asked while we are walking towards his car.
"About?"
"That... you are inlove?" He stop walking and he faced me. Bakas sa mata niya ang sakit habang tinatanong iyon.
"Zeus..."
"Just answer it, Isla. Are you inlove?"
"Yes..."
"Is this the guy you met at the club paradise?" Tila nag-iba ang tono ng boses niya ng tinanong niya iyon.
"Yes..."
"Sigurado ka ba sa nararamdaman mo, Isla? You fall inlove with a total stranger!" Buo at may diin saad niya.
"He is not a stranger anymore! Kilala ko siya! Kilala rin siya ni Kuya!" Galit na sabi ko. "Why do you care ba?!"
"Why do I care? Because I am your friend, Isla!"
"Then... support your friends lovelife," I told him.
Napangisi siya ng bahagya bago nagsalita, "I can't do that."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What?
"What do you mean?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.
"I can't support you seeing that you are in love with a totally stranger," he seriously told me.
"He is not a stranger! Kilala ko siya!" Saad ko.
Bahagya siyang natawa, "Then where is your not so-called stranger? Bakit hindi na siya nagpapakita sayo? Did he dump you?" Walang prenong tanong niya.
Sa inis ko sa kanya ay kinuha ko ang bag ko mula sa kamay niya at tinalikuran siya. What is his problem?
Bakit bigla bigla na lang siyang naging ganon?! Hindi na lang maging proud at supportahan ang kaibigan niya!
"Kuya, saan ka pupunta?" Tanong ko ng makarating na ako sa amin. Nakita ko kasi siyang nagmamadali lumabas ng bahay.
"Pupunta ako sa company, nagkaproblema lang. Isarado at ilock mo ang pinto pagkapasok mo." Sabi niya bago sumakay ng sasakyan.
Bakit nagkaroon ng problema sa kompanya? Ngayon lang ako nakarinig na nagkaproblema doon.
Natigil ako sa pagbabasa ng notes ko para bukas dahil may quiz kami nang marinig ko ang mga sasakyan na pumapasok sa loob ng garahe.
Lumabas ako para sana salubungin sila. Kaso pababa palang ako may naririnig na akong usapan.
"Bukas magpapatawag ako ng meeting para maayos ang problema." Naririnig kong sabi ni Kuya Leigh.
"Sa ngayon magpahinga na muna kayo, Mom, Dad." Dagdag na rinig kong sabi ni Kuya.
Dahil sa pasaway ako gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kompanya.
"Ano po bang nangyari?" Tanong ko ng makababa ako.
"Wala, anak. May maliit lang na problema kaylangan sulusyonan agad." Saad naman ni Mommy.
"Bakit gising pa ang prinsesa namin?" Tanong naman ni Dad.
"Nagrereview kasi ako, Dad. May quiz kasi kami bukas."
"Ang sipag naman ng anak ko, malamang baka kagaya ka rin ng Kuya mo, c*m Laude pagkagraduate." Dagdag ni Dad.
Sana nga, Dad.
"Nako, Dad. 'Wag ka ng umasa na magiging c*m Laude 'yan! Mukhang maaga ngang magkakaboyfriend 'yan kahit pinagbabawalan ko, sobrang tigas lang talaga ng ulo!" Sumbong ni Kuya.
"Isla, bata ka pa, hindi dahil nasa tamang edad ka na pwede ka na agad magkaroon ng boyfriend ah, hindi naman sa pinagbabawalan kita, importante pa rin naman kasi ang makapagtapos." Sabi naman ni Mama.
Sinamaan ko ng tingin si Kuya na ngayon ay nakangisi at halatang nang-aasar.
"Opo, akyat na po ako sa taas." Sabi ko at iniwan na sila doon.
Nakakainis ka talaga Kuya!
♡
06-06-24