Kabanata 12

2237 Words
Kabanata 12 "Hindi ko alam, Vien. Basta nagtanong na lang siya kung kaya ko raw ba siya antayin." Tinawagan ko agad si Vien pagkauwi ko ng bahay. Sa circle of friends namin siya lang yung makakausap ko ng matino. Hindi ka niya babarahin kapag yung usapan ay matino. Unlike kila Patricia at Eleis, puro kalokohan ang nasa isip. "Tinanong mo ba kung bakit?" "Hindi ko na nagawa..." Panghihinayang ko. "Bakit?" Tanong niya sa kabilang linya. "Nagulat kasi ako sa tanong niya! Kaya ang nagawa ko na lang ay tumango," Saad ko rito. "May problema ba siya sa kompanya niya?" "I don't know... Paulit-ulit ko 'yan tinanong sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Tinataboy niya lang ako." "Kung may problema 'man sa kompanya niya, Isla... I think you should give him space. Tutal may panghahawakan ka naman dahil tinanong ka niya kung kaya mo ba siyang hintayin," paliwanag niya. "Pero Vien, apat na araw ko na siya binigyan ng space. Siya na nga mismo yung hindi nagpakita sa akin. Kulang pa ba 'yon?" Reklamo ko. "Isla... we have our own life and responsibilities na dapat gawin. Hindi porque't may gusto ka sa isang tao, sa'yo lang ang focus niya. Marami rin siyang dapat gawin. Remember, he is a president and CEO of his own company," pagpapaalala niya sa akin. "Alam ko naman 'yon, Vien. Pero kasi diba dapat may time parin siya sa akin?" I asked. "In the first place, naging kayo ba?" Diretchong tanong niya na ikinasakit ng puso ko. "Hindi..." Mahina at may paghihinayang kong saad. "Hay nako, Isla... Ngayon alam mo na ang feeling na magkagusto sa isang tao. Dati tinatanong mo ako kung ano feeling ng may boyfriend... to tell you honestly, masaya lalo na kung wala naman kayong magiging problema," Saad niya. "Ang mapapayo ko lang sa'yo ngayon, Isla, hayaan mo muna siya. Kung kaya mo siyang hintayin then go. Wala namang mawawala diba," pagpapayo niya sa akin. Napabuntong hininga ako habang iniisip ang sinabi ni Zach. "Can you wait for me, Isla?" Argh! Bakit? Aalis ba siya? Kung aalis siya, saan naman niya balak pumunta? Wait! Baka magpapakasal siya? Baka nababankrupt na yung kompanya ni Zach kaya kailangan niya magpakasal? Tapos kapag okay na saka siya babalik kaya niya ba ako pinag-iintay? Hindi.. Mali itong iniisip ko. Hindi pwede. Ayokong maging kabit. Pero paano kung magpapakasal siya sa ibang bansa tapos pagkalipas ng ilang years, makikipag-divorce siya at babalikan niya ako? Argh! Ano ba 'tong mga naiisip ko? Bakit ba ako nag-ooverthink? Bahala nga si Zach sa gusto niyang gawin. Hindi ko naman hawak ang buhay niya. Hindi ko rin siya dapat hintayin dahil hindi nga naging kami. Dahil sa dami kong iniisip nagdesisyon akong itext ang mga kaibigan ko para ayain silang uminom sa malapit na club dito sa amin. Gusto kong magpakalasing! Wala silang paki kung anong gusto ko. Nasa tamang edad na ako kaya ko na ang sarili ko. "Kuya! Aalis ako." Sabi ko ng makita siya sa salas, nakaupo habang busy na nakaharap sa laptop niya. Gabi na pero nakatutok parin siya sa laptop niya. Ganyan ba talaga kapag isang businessman? Laging busy? "Saad ka pupunta? Sino kasama mo?" Inangat niya ang tingin sa akin bago iyon tinanong. "Sila Eleis, Patricia, Vien at Zeus. Pupunta lang kami diyan sa malapit na club," Sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilang. Ano na namang problema niya? Bawal ba akong umalis? Bawal ba akong pumunga sa club at uminom o kaya magpakalasing? "Anong gagawin mo doon?" Tanong niya. "Ano ba ginagawa sa Club, Kuya? Mag-aral?" Sarkastiko kong tanong sa kanya. "Tinatanong kita ng maayos, Anastacia!" May bahid ng galit ang boses niya. "S'yempre, Kuya Leigh, iinom kami." "Drink moderately... 'wag kang uuwi ng lasing kundi malilintikan ka talaga sa akin, pati na rin kila mommy." Pananakot niya. "Oo na, Kuya. Hindi ako maglalasing. Iinom lang ng konti tapos aalis na. Mag-uunwind lang kami nila Patricia." "Sige na. Umuwi bago maghating gabi." Paalala niya. "Noted, Kuya. Bye." Saad ko at masayang naglakad palabas ng bahay. Papayag rin naman pala ang dami pang tinanong. Lumabas ako ng bahay at nagpahatid sa aming driver. Pagkarating ko doon ay hinarang ako ng dalawang bouncer. Hinanapan nila ako ng ID. Buti na lang meron akong dala. Nang makita nilang ayos na, pinapasok na nila ako sa loob. Agad kong inilibot ang paningin ko sa loob ng club. Nasaan na kaya sila? Ichachat ko na sana sila kaso hindi natuloy ng may tumawag sa pangalan mo. Nilingon ko 'yon at nakitang si Eleis ang tumawag sa akin. Medyo tago ang pwesto nila kaya pala hindi ko sila makita. I walk fast but suddenly it goes slow when a saw a familiar figure seating beside Vien. Who is this man? Malamang hindi si Russell yan dahil break na sila. And when I finally saw who is this man, hindi na ako nagulat. It is Dominic Leveriza... yung lalaking kasama ni Zach noong 18th birthday ko at ang kaibigan ni Kuya. I am sure meron ng something sa dalawang 'to. Imposible namang wala. Madalas na silang magkasama simula ng makipag-hiwalay si Vien sa Ex-boyfriend niyang babaerong si Russell. "Diyan ka na gurl." Tinuro ni Eleis ang bakanteng pwesto sa tabi ni Zeus. Naupo ako sa tabi ni Arzeus. Inagaw ko sa kanya yung alak na iniinom niya at ako na ang umubos no'n. "What the heck, Isla!" Medyo galit na saad ni Zeus. "Bakit? Bawal ba ako uminom?" "Hindi sa gano'n... Masyadong matapang ang alak na ininom mo." Saad niya. Kaya siguro ganon na lang siya makapag-react. "Don't worry, kaya ko na ang sarili ko." "Alam ko naman kaya mo na ang sarili mo pero mali pa rin ang ginawa mo... mababa ang tolerance mo sa alcohol." Panenermon niya. "Alam ko 'yon. Kaya nga inaya ko kayong lahat para bantayan ako diba! Tara! Magsayaw tayo!" Isang baso pa lang 'yong ininom ko feeling ko tinamaan na ako. Ilang percentage kaya ang alcohol content ng alak na inorder ni Zeus. Masaya akong naglakad sa dance floor at sumayaw ng sumayaw. Kalimutan lahat ng problema... sa lovelife pati na sa school. Nang medyo napagod ako, bumalik na ako sa table namin at kinuha doon ang kakabukas lang ng bote ng alak. Tinunga ko 'yon ng walang pag-aalinlangan. Gusto ko magpakalasing! "Ano ba!" Inis na saad ko. Pinigilan kasi ako ni Zeus sa pag-inom ng alak kaya may natapon sa suot kong damit. "What is your problem? Tignan mo! Nabasa tuloy yung suot kong damit!" Galit na sabi ko kay Zeus. "Isla. Tigilan mo na 'yan. Lasing ka na." Nag-aalalang saad ni Vien. "Oo, nga gurl, napapadalas ang pag-inom mo ng alak. It is bad for health." Saad ni Eleis. "Wala kayong pake kung ano 'man ang gawin ko sa buhay ko." Sabi ko sa kanila. "Tara na, Isla, iuuwi na kita." Pag-aaya ni Zeus. "Ayoko! Gusto ko pa magsaya! Hayaan mo muna ako." Sabi ko sa kanila. Nahihilo ako at nasusuka na pero tiniis ko muna 'yon. "Masakit ba talaga magkagusto sa taong di ka gusto? Pareho kaya kami ng nararamdaman ngayon?" Wala sa sarili kong saad. "Ikaw!" Itinuro ko si Dominic. "Sabihin mo diyan sa kaibigan mo na... na... hindi ko na siya aantayin! Bahala siya sa buhay niya! Break na kami!" "Hindi naman naging kayo, Isla! Kaya tumigil ka na at umuwi na. Tignan mo itsura mo. Wala pa ngang isang araw ang nakakalipas ng magkita kayo parang isang taon na sa'yo." Saad ni Vien. "Ikaw!" Diretcho kong tinignan sa mata si Zeus. "Bakit.. bakit hindi na lang ikaw ang nagustuhan ko? Mas matagal naman na kitang kilala, si Zach, buwan pa lang ang nakakalipas!" Lasing na saad ko sa katabi ko. "Sana... sana... kung ikaw lang rin eh 'di... hin—" I woke up the next day na sobrang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari? Wala akong maalala kung paano ako nakauwi ng bahay. Nagalit kaya si Kuya? Sabi pa naman no'n na 'wag akong magpapakalasing dahil malilintikan ako sa kanya. Patay ako nito! Baliw ka kasi, Isla! Sino bang may sabing uminom ka ng uminom! Ayan! Di mo alam kung paano ka nakauwi! Paano na lang kung ikaw lang mag-isa ang naglasing? E'di baka may masama ng nangyari sayo! Stupid, Isla Anastacia! Nagdecide na akong bumangon kahit ayoko pa dahil masakit ang ulo ko, pero kailangan dahil nangangamoy alak na rin ako. Nagtungo ako sa banyo para maligo. Binabad ko ang sarili ko sa pagligo at di namalayan na halos umabot na ako ng dalawang oras. Linggo ngayon at wala naman akong gagawin kaya nagsuot lang ako ng isang plain shirt at short bago bumaba. Naabutan ko si Kuya sa living room na naglalaptop na naman. "Morning, Kuya." Saad ko rito. Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi. Pinapakiramdaman ko rin kung galit ba siya o hindi. "Anong sinabi ko sa'yo kagabi?" Bungad na tanong niya. "Uh... uwuwi ng maaga?" Pagpapalusot ko. "Hindi "yon. Yung isa pa?" Seryoso tanong niya. "Sino mga kasama ko?" "Isla Anastacia! Hindi 'to oras para makipagbiruan." May bahid ng galit ang na sinabi niya. "Sorry na, Kuyaaa! Inagaw ko kasi yung iniinom ni Zeus, kaya ako nalasing!" Pang-hingi ko ng sorry sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at nagsosorry. "Huwag mo akong ipagrounded, Kuya..." saad ko. Nagpapacute pa ako para mas effective. "Tigilan mo ako. Kumain ka na roon. Umalis sila Mommy dahil may inaasikaso." Sabi niya habang sinusubukang tanggalin yung kamay ko na nakahawak sa braso niya. "'Wag mo akong isumbong kila, Mommy, please...Kuya." pagmamakaawa ko. Ayokong magrounded dahil nasubukan ko na 'yon. I was 15 years old that time and a stuborn kid, of course... I decided to go out para mag unwind kasama si Zeus ng hindi nagpapaalam. Akala ko makakauwi rin ako kaagad ng hindi nila nalalaman kaso dahil nasira yung kotse na sinasakyan namin, umabot kami ng gabi sa daan. Sobra yung kaba ko ng makitang nasa labas na silang tatlo. "Good evening po, Tita, Tito, Kuya Leigh," bati ni Zeus. "Hinatid ko lang po si Isla. Alis na po ako." Tumango sila at hinayaan umalis si Zeus bago ako galit na hinarap. "Bakit hindi ka umalis ng hindi nagpapaalam?" Agad na tanong ni Kuya Leigh. "Anak... Anong pumasok sa isip mo at umalis ka ng hindi nagpapaalam?" Malumanay naman na tanong ni mommy. "Gusto ko lang... po mag-unwind..." nakayuko kong saad. "Dapat sabihin mo pa rin, kaya nga may mga magulang ka, Isla! Papayagan ka naman namin, nak basta magpaalam ka lang ng hindi ganito na nag-aalala kami! Lalo na ang mommy mo." Mataas na boses na saad ni daddy. "Sorry po, Dad, Mom... Kuya." Sincere na sabi ko sa kanila. "Hindi ko 'to palalagpasin!" Galit na saad ni Daddy na ikinakaba ko. Anong gagawin niya? "You are 1 month grounded! Walang cellphone or any gadgets!" "Honey!" "Dapat lang sa anak natin 'yan, hon... para matuto siya sa pagkakamali niya at hindi na ''yon ulitin." "Sige na, Kuya... 'wag mo akonh isumbong." Pagmamakaawa ko dito. May kasama pang pag-papacute. "Oo na! Sige na. Kumain ka na roon. May mainit na sabaw diyan para sa hangover mo." Pagsuko ni Kuya. "Thank you, Kuya! Love you!" Masayang saad ko at pumunta na sa kusina para kumain. Mabilis lang natapos ang weekends at lunes na naman ngayon. Pasukan na naman. "Kamusta? Napagalitan ka ba ng Kuya mo?" Bungad na tanong ni Patricia pagkarating ko sa tambayan namin. "Malamang! Akala ko magagrounded na naman ako. Buti na lang effective yung pagpapacute ko sa Kuya ko." Paliwanag ko sa kanila. "Ano ba kasing nangyari? Wala na akong maalala kung paano ako nakauwi sa bahay." Tanong ko. "Nagsleepwalk ka pauwi, gurl!" Biro ni Eleis. "Hindi kaya ako nagsleepwalk!" Depensa ko. "Hindi mo talaga malalaman dahil tulog ka! Hahaha" pag-aasar ni Patricia. Seryoso yung tanong ko pero babarahin ka naman nila. Tumingin na lang ako kay Vien at Zeus. Nanghihingi ng sagot. "You suddenly sleep on my shoulder," Sagot ni Zeus. Finally! Nakakuha rin ng tamang sagot. "May gusto ka pang sabihin kaso 'di mo na natuloy dahil nakatulog ka na. After no'n nagdecide na rin kaming umuwi. Hinatid ka ni Zeus sa inyo." Paliwanag ni Vien. "Thank you..." taos puso kong pasasalamat kay Zeus. Bakit ba hindi na lang ikaw ang nagustuhan ko? Buti pa ikaw may pakialam sa akin... Pinapahalagahan mo ako samantalang si Zach, binabalewala lang ako. "Una na kami, mag-iingat ka." Pagpapaalam ni Vien. Tumango naman ako. "Bye, gurl!" "Bye, ingat sa pag-uwi." Sabi ko at kinawayan sila. Nagpa-iwan ako mag-isa dahil gusto ko antayin si Zach para makausap siya tungkol sa sinabi niya noong sabado. Panay ang tingin ko sa mga dumadaan na sasakyan habang nakaupo sa waiting shed. Kaso wala ang hinahanap kong sasakyan ni Zach. Nagdecide akong pumasok sa loob para tignan kung nandoon pa si Ma'am Alisa, kaso wala siya doon. Nakaligtaan ko ba yung sasakyan ni Zach? Hindi ko 'rin naman nakita si Ma'am Alisa na umalis. Bagsak ang balikat ko habang naglalakad pabalik sa waiting shed. Magpapasundo na lang ako dahil ayokong maglakad. "Kuya..." "Sinundo na kita rito dahil sabi ng kaibigan mo, nagpa-iwan ka na naman." Mahinahong saad ni Kuya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat at sumakay na doon. Pagkasakay naman ni Kuya sa driver seat, may sinabi siyang hindi ko maintindihan. "Simula bukas, 'wag ka ng magpa-iwan kapag uwian niyo na. Hindi mo naman kailangan mag-antay sa mga taong hindi na babalik..." ♡ 07-10-23
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD