Chapter 1
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Hazel sa mga nangyayari, bigla-bigla na lang tila bumaliktad ng maraming beses ang mundo niya. Noong isang araw kasi ay biglang sumulpot si Mr. Stanley sa bahay-ampunan at sinasabing parte siya ng pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang pamilya sa buong mundo na pinapatunayan nito sa pamamagitan ng isang DNA test results na sinasabing siya talaga si Hazel Vanica Nuevareal, ang isa sa dalawang nawawalang apong babae ng mga Nuevareal noong nangyari ang trahedya.
"Are you ready, Miss Hazel?" Nakangiting tanong ni Mr. Stanley na tinanguan lang niya. "Wala ka na bang nakakalimutan?"
Umiling siya. "Wala na po."
"Then, shall we?" Tinanguan niya ito saka binalingan sina Sister para magpaalam.
"Mag-iingat ka lagi, Hazel." Paalala ni Sister Anna.
"Opo."
Iginiya na siya ni Mr. Stanley pasakay sa backseat ng isang magarang kotse na bihirang makikita sa bansa, nang makasakay na si Mr. Stanley sa tabi ng driver ay umandar na paalis ang sasakyan.
Hindi niya napigilan na lingunin sina Sister na kumakaway sa kanila at hindi rin niya napigilan na mapaluha dahil talagang mamimiss niya ang bahay-ampunan kung saan siya lumaki at nagkaisip.
"Don't be sad, Miss Hazel. You can visit them anytime you want." Ani Mr. Stanley na nilingon siya.
"Alam ko naman po iyon pero mahirap po palang lisanin ang lugar kung saan ka lumaki at nagkaisip kahit na inihanda mo na ang sarili mo para sa araw na iyon since hindi naman po talaga permanent ang pagtira ko doon." Bahagyang ngumiti siya.
Pinahid niya ang tumulong luha sa magkabila niyang pisngi saka itinuon ang atensyon sa mga nadadaanan nilang mga gusali, tao at kung anu-ano pa para malibang siya.
Sinundo siya nito para iuwi daw sa bahay ng lolo niya, doon din daw nakatira ang mga pinsan niya na puro mga lalaki. Ayaw daw kasi ng lolo nila na bumukod ang isa sa mga ito hangga't wala pang mga asawa't anak, na-trauma daw kasi ang matanda sa trahedya na nangyari sa kanilang pamilya kung saan nawala ang dalawang apo nitong babae at namatay ang asawa't tatlong anak nito kasama ang mga asawa ng mga ito.
"Mabait po ba ang lolo at ang mga pinsan ko, Mr. Stanley?" Usisa niya.
"Yes, they are but your cousins, they have a very strong personality that's different from each other that people are wary of their presence, you'll understand what I mean when you met them. Though, they have a few common traits, traits that Nuevareals are very known for which they inherited from their fathers, the traits of the Nuevareals." Bakas sa boses nito ang admiration para sa mga ito. "And based on my research, you're just the same with the rest of the Nuevareals, an authoritative, dominant, intelligent, multi-talented and valiant girl but you also got the charm, friendliness, kindheartedness, persistence and talents of your mother. Aside from the fact that you look exactly like her except for the eyes, nose and hair which you got from the Nuevareals."
Napangiti siya. "Talaga po? Kamukha ko si Mommy?"
"Kamukhang-kamukha. Kapag nakita ka panigurado ng mga nakakakilala sa kanya ay iisiping ikaw siya."
"I'm happy to hear that." Aniya saka isinandal ang ulo sa headrest ng backseat bago pumikit. "Kahit hindi ko siya naaalala at nakilala dahil baby pa ako noon, I can still know what she looks like in person."
"Don't worry, there's a lot of pictures at the mansion of your mom and dad. Pinakaiingatan ang mga iyon ni Señor para hindi ninyo makalimutang magpipinsan ang hitsura ng mga magulang ninyo."
Nang dahil sa heavy traffic ay halos tatlong oras ang biniyahe nila hanggang sa makarating sila sa isang napakalaking palasyo na modernized, hindi na talaga ito matatawag na mansyon sa sobrang laki at may apat na palapag pa ito pero sabi ni Mr. Stanley ay may basement pa iyon.
Lagpas yata ng isang kilometro ang layo ng mismong palasyo mula sa gate na sobrang taas, siguradong walang magtatangkang magnakaw rito sa taas ba naman ng gate at sa layo ng lakarin, siguradong hindi pa sila nakakalabas ng gate ay mahuhuli na sila at panigurado na maraming CCTV cameras na nakakalat dito.
Marami ring iba't ibang klase ng puno at halaman ang nakahilera sa driveway na dinaanan nila na parang isang eco-park na may palasyo sa gitna na parang napakalayo nito sa city samantalang nakatayo ito sa gitna ng lungsod.
"B-Bahay po ito ng...l-lolo ko?" Nauutal na tanong niya sa sobrang pagkamangha ng makababa ng kotse.
Tinanguan lang siya ni Mr. Stanley. "Shall we? Everybody is waiting for you."
Iginiya siya nito papasok sa loob ng palasyo, nailang siya ng madatnan sa magkabilang gilid ng double doors na siyang main door ng palasyo ang nakahilera na mga babae at lalaki na karamihan ay naka-uniform na parang pang-hotel at mga men-in-black tapos merong mga naka-chef uniform at meron ding naka-long sleeves na polo-shirt. Tapos sa dulo ay may apat na nakatayo malapit sa isang grandiosong hagdan, nakaharap ang mga ito sa mismong double doors .
"Welcome home, Miss Hazel." Sabay-sabay na bati ng mga ito sabay yuko.
Kung bakit naman kasi may pagyuko pang nalalaman ang mga tao dito hindi niya tuloy alam kung anong itutugon sa mga ito kaya nakagat na lang niya ang kanyang lower lip saka siya iginiya ng nangingiting si Mr. Stanley sa apat na nasa may hagdan. Sa tingin niya ay mga nasa 40s o above na ang apat na ito katulad ni Mr. Stanley.
"Welcome home, Miss Hazel." Bati ulit ng mga ito sabay yuko.
Nakakailang naman ang ganito, para naman siyang prinsesa kung yukuan ng mga ito.
"Miss Hazel, this is Jonard Ferrer, the head of security." Itinuro nito ang naka-pang men in black na suit. "Then, this is Chef Gregor Pavolli, the executive chef." Pagpapakilala naman nito sa naka-chef uniform. "Then, this is Sandro Laudicho, the head butler." Anito sa naka-white long sleeves na may necktie na blue stripes, vest at wool pants na royal blue tulad noong mga lalaki na parang pang-hotel pero walang necktie ang mga ito. "And this is Rosalinda Danillo, the head housekeeper and steward." The only woman among the four na tulad din halos ng pang lalaki ang suot pero ang style ng vest ay pa-halter ang style saka imbes na necktie ay naka-blue flowery scarf ito habang blue ribbon naman sa ibang babae.
"Hello po." Bati niya sa mga ito.
"Your grandpa and cousins are waiting for you upstairs, Miss Hazel." Ani Butler Sandro habang nakangiti. "They're very excited to see and meet you."
Napatingala siya sa itaas, nakadungaw mula roon ang pitong nag-gwagwapuhang mga lalaki na parang mga greek gods na bumaba mula sa Mount Olympus at napansin niya ang pagkakapareho niya ng mga mata sa mga ito, gray eyes with streaks of silver at pati ang matangos na ilong saka ang kulay ng buhok na brown.
Ang tatlo sa mga ito ay mukhang may pagka-spanish habang yung apat naman ay mukhang mga korean habang siya naman ay mukhang british kaya hindi kaagad mapapansin ng kahit sino ang features nila bilang mga Nuevareal kung hindi pagtutuunan ng pansin at hindi sila pakatititigan lalo na kung hindi alam ang distinct features ng isang Nuevareal.
"Mukha ngang excited sila na makilala ka, Miss Hazel." Sabi ni Mr. Stanley ng mapatingin din sa may itaas.
Mukhang excited ba ang mga iyon? Nakakatakot kayang makatingin ang mga ito na parang sinusuri ng mabuti ang katauhan at hitsura niya. Magkakaiba ang dating ng mga ito pero ramdam naman niya na walang gagawing masama ang mga ito sa kanya kahit hindi niya mabasa ang iniisip ng mga ito sa blangkong ekspresyon ng mga ito kaya lang kinakabahan pa rin siya.
Inakay na siya ni Mr. Stanley paakyat ng hagdan kaya naalis ang tingin niya sa mga ito pero ramdam niya na nakasunod pa rin ang tingin ng mga ito sa kanila lalo na sa kanya na mas lalong nakapagpakaba sa kanya.
Nang makarating sila sa itaas ay sinalubong sila ng isang matandang lalaki na may hawak na tungkod, sa tingin niya ay nasa 70s na pero bakas pa rin ang pagiging guwapo at matikas nito noong kabataan nito at halata sa postura pati sa pananamit nito na galing ito sa mayamang pamilya kahit na simple lang ang suot nito.
"Lolo Pogi?!" Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ito na ikinangisi ng matanda.
Nakilala niya ito sa mall, ilang buwan na ang nakakaraan noong nag-aapply siya ng scholarship sa iba't ibang ahensya. Pinupulikat ito noon kaya nilapitan niya ito at tinulungan para makaupo sa isa sa mga bench na naroroon, binilhan pa nga niya ito ng buy 1 take 1 na burger at tubig saka sinamahan hanggang sa mawala ang p*******t ng mga binti nito. Pagkatapos noon ay ilang beses pa ulit silang nagkita sa iba't ibang lugar at sitwasyon, binigyan pa nga siya nito ng calling card kung sakaling mangailangan daw siya.
"How are you, Hazel?" Bati nito. "My beautiful granddaughter."
"Ikaw po si Don Alejandro Nuevareal? Ang lolo ko?" Nagulat na usisa niya.
"Yes to both." Nakangising sagot nito. "Can you give please your old man a hug, our princess?"
Hindi siya nag-atubili na yakapin ito dahil noong una pa lang naman ay magaan na ang loob niya rito, gumanti din ito ng yakap sa kanya.
"I'm so glad that you're home." Dinampian nito ng halik ang sentido niya. "Sorry kung natagalan, apo. I just have to make sure that my intuition and suspicions were right because I don't want to hope and give you false hope."
"Ayos lang po, Lolo Pogi. You were just in time." Aniya. "Na-miss po kita pero mukha pong mas tumanda yata kayo sa ilang buwan lang, Lolo Pogi."
Nabaling ang atensyon nila nang makarinig ng tawa mula sa kinaroroonan ng pitong pinsan daw niya, tumatawa ang tatlo sa mga ito habang nakangiti lang yung apat na ikinahinga niya ng maluwag at nabawasan ang kabang nararamdaman niya.
"Lalo na talaga kayong nagmumukhang matanda, grandpa." Tumatawang sabi ng isa sa mga ito. "Magpa-botox na kaya kayo o kaya ay facelift."
"Shut up, Calvin." Saway rito ni Lolo Pogi.
"You can't call him Lolo Pogi anymore, Hazel. He's not handsome anymore with all his wrinkles." Ani pa ng isa na naka-eyeglasses na sa tingin niya ay kakambal ng nauna dahil sobrang magkamukha sila pero hindi naman yung tulad ng identical twins.
"Isa ka pa, Kelvin." Sinamaan naman ito ng tingin ni Lolo bago bumaling sa kanya. "Hija, just to keep your twin cousins shut up. Just call me, Lolo Hans or grandpa, wag na Lolo Pogi para wala nang kumontra."
So, kambal nga talaga ang dalawa.
Nakangiting tumango siya. "Sige po, grandpa."
"Boys, come here and greet your cousin." Tawag nito sa mga ito.
Unang lumapit sa kanila ay yung kambal na bigla siyang dinampian ng halik sa magkabilang pisngi ng sabay na talagang ikinagulat niya.
"Welcome home, princess!" Sabay na sabi ng mga ito.
"Calvin Ace Nuevareal, 23." Pakilala noong walang salamin.
"Kelvin Ace Nuevareal, 23." Sunod na pakilala naman noong may salamin.
"Ahm... Hi."
"Sorry for my obnoxious twin older brothers, princess. They can be really annoying when they're together." Singit ng isa na medyo hawig din sa kambal. "Aldust Iñigo Nuevareal, 20. Just call me, 'Dustin', the youngest Bautista-Nuevareal and the most handsome of all."
"I beg to disagree, little bro." Kontra ni Kuya Calvin. "I'm the most handsome of all."
"Bros, just accept it. It is me who is the most handsome in our generation." Hirit naman ni Kuya Kelvin.
Sa totoo lang lahat naman silang pito ay walang tulak-kabigin pagdating sa physical attributes pero s'yempre sa opinyon niya ay meron talagang pinaka-appealing sa mga ito sa paningin niya.
"Mga oldies na rin kayo like grandpa kaya may mga wrinkles na rin kayo kaya ako ang pinakaguwapo." Inirapan lang ni Kuya Dustin ang kambal saka nakangiting tumingin sa kanya. "Right, princess?"
Nagulat siya nang balingan siya nito kaya napatingin siya sa lolo nila na natatawa lang na tinanguan siya bago niya ibinalik ang tingin sa tatlo.
"Ahm... You're all handsome naman po pero no offense, mga kuya pero siya yung pinakaguwapo sa inyong lahat." Itinuro niya yung abala sa hawak nitong libro habang nakasandal sa railings pero mukha namang wala doon ang tensyon kaya bahagyang napangiti ito, sa tingin niya ay ito ang pinakabata sa mga ito.
Saka naman niya itinuro yung hunky na mukhang spaniard royalty na nakahalukipkip at nakangisi habang nakasandal din sa railings malapit sa hagdan kung saan nakadungaw ang mga ito kanina. "And he's the most irresistible with his dominating aura."
Sinamaan ng tingin ng mga ito ang mga itinuro niya at inismiran.
"Excluding the Gonzales-Nuevareal, meaning those three mestizo spaniard-looking guys." Hirit pa ni Kuya Calvin.
"Then, kuya, it would be the other chinito guy there." Natatawang sagot niya.
"Mga bros, walang pag-asa." Hirit naman ni Kuya Kelvin. "Mukhang wala man lang tayo sa top four."
"Will you three get out of the way?" Masungit na sabad naman noong isa pang chinito at kaagad namang tumabi ang tatlo, niyakap siya nito ng sobrang higpit at saka dinampian ng halik ang sentido niya. "Finally, we found you, princess. I'm your Kuya Lee, Aleandro Henry Nuevareal, 27. I'm the older brother of these three morons."
"I'm Alexander Marx Nuevareal, the first born in our generation and the older brother of those other 2 mestizo spaniard-looking jerks at the back. Call me, 'Kuya Alex' or 'Kuya Xander'." Ani naman noong sinabi niya na pinaka-irresistible sa mga ito, kasunod pala ito ni Kuya Lee. "Can I hug you?"
Tumango siya at lumapit dito para ito naman ang yakapin. Nang ilayo siya nito ay natuon ang tingin nito sa suot niyang kwintas na ang pendant ay letter H na may princess crown ang pendant at may maliliit na bato na humuhulma sa letter H saka parang may buhangin na naka-embedded sa silver na metal nito na nagpapakinang sa buong kuwintas at pendant tapos sa likod ay may nakasulat na pangalan niya. Mula pagkabata ay nasa kanya na iyon, ayon kina Sister ay suot niya iyon ng dumating siya sa ampunan kaya iniingatan niya iyon ng maigi at hindi hinuhubad.
"Bakit, Kuya?" Usisa niya.
Nginitian siya nito. "Nothing. I just thought we lost that necklace you're wearing when that tragedy happened but fortunately, it was just with you all along."
"Nasa akin na ito mula pa noong dumating ako sa ampunan, sabi nina Sister ay ito ang nag-iisang meron ako na mula sa mga magulang at pinanggalingan ko bukod sa suot kong baby dress." Kwento niya.
"I was trying to put that necklace on her that day." Sabad ng isa pa sa mga mestizo na papalapit sa kanila sa tingin niya ay ito na pinakaseryoso at tila walang emosyon sa pito. "I thought I dropped it that day but luckily, it was with you. By the way, I'm your Kuya Ford, Francis Orlando Nuevareal, 25. The genius in the family."
Itinuro naman ni Kuya Calvin yung isa pa na sa tingin niya ay pinakabata sa mga ito, abala ito sa isang libro kaya na-curious siya roon. "And that's the youngest male in ou—"
"Wow!" Tili niya ng malinaw na mabistahan ang cover ng libro na hawak nito at mabilis na nilapitan ito. "Kuya, kung tapos mo nang basahin pwede ko bang hiramin?"
Basta talaga pagdating sa mga novels o kahit anong libro na nakakakuha ng interes niya specifically, romance genre ay naglalahong parang bula ang hiya niya.
Nagulat yata ito sa ginawa niya pero tumango naman agad ito. "Of course, princess."
"Thank you, Kuya..." Napakatamis na ngiti ang iginawad niya rito.
"Mukhang pati sa favorite cousin list ni Princess ay nasa dulo tayo, mga bros." si Kuya Kelvin.
"Sean. I'm your Kuya Sean, Simon Anthony Nuevareal, the youngest among those morons." Pagpapakilala nito. "If you want, I can lend you the first 6 books from the series of this book since I'm not still done with this one. I have a complete set."
Nagningning yata ng husto ang mga mata niya sa sinabi nito. "Talaga, Kuya? Hindi ko tatanggihan iyan since I love to read and I'm an avid fan of the author of that book. Balak ko nga sanang bumili ng kahit yung first book lang ng series niyan kapag sumweldo ako."
"Ano bang laban natin kay Sean? Dahil siya ang bunso dati ay lagi siya ang kinakampihan nina kuya." si Kuya Dustin.
"Because you're always doing annoying pranks to Sean." Si Kuya Ford.
"Umayos nga kayong tatlo, hindi na kayo mga teenagers." Sermon naman ni Kuya Lee. "Mga sakit sa ulo."
"Boys, behave." Saway naman ni lolo.
Mga pasaway at ang kukulit rin pala ng mga pinsan niya pero hindi na nila pinansin ni Kuya Sean ang conversation ng mga ito.
"I'm glad to hear that, princess." He pat her head. "At least, from now on, I have someone who shares the same interests as I am in this household that I could banter with and exchange insights about different novels or books. It makes me enthusiastic just by thinking about that."
Nginitian niya ito ng sobrang tamis dahil ganoon din ang nararamdaman niya kapag may nakikilala siya na kapareho niya ng interes.
"Why don't we all sit down first." Ani Grandpa na nauna nang umupo sa couch kaya nasisunuran na sila. "Princess, sit beside me."
Tumalima siya na umupo katabi ang lolo nila, hindi niya napigilan na igala ang tingin sa paligid. Halos puro formal life sized portraits at iba't ibang formal family portraits ang naka-display sa dingding ng living room o sala sa second floor.
Natigil ang tingin niya sa isang family portrait of three, kamukhang-kamukha niya ang babae na may buhat na baby na sa tingin niya ay nasa 4-5 months habang nakaupo katabi ang isang napakaguwapong lalaki na sa tingin niya ay asawa ng babae.
"That's your mom and dad, princess." Ani Grandpa tukoy sa portrait na napagtuunan niya ng pansin. "You really look like your mom kaya naghinala kaagad ako na ikaw si Hazel namin and I was right plus your eyes, nose and hair definitely says you're a Nuevareal. Akala namin ay magiging hati ang hitsura mo noong baby ka pa pero mukhang mas naging kamukha mo ang mommy as you grew up at hindi lang basta kamukha kung hindi exact replica ni Vanessa."
Bumaling siya rito. "Pwede ninyo po ba akong kwentuhan tungkol sa kanila? Para makilala ko sila kahit na hindi ko na sila nakagisnan."
Bakas ang lungkot sa mga mata nito habang nakangiting nakatingin sa kanya. "Of course but it's quite a long story, I'll tell you about them some other time."
Tinanguan lang niya ito, naiintindihan naman niya na kahit matagal nang nangyari yung trahedyang iyon sa pamilya nila ay parang sariwa pa rin ang hapdi at sakit na idinulot niyon lalo na sa lolo nila.
"Princess, kuwento ka naman ng tungkol sa sarili mo." Hikayat ni Kuya Calvin.
"Hazel Morales po ang binigay na pangalan sa akin sa ampunan since Hazel po yung naka-engraved doon sa suot kong kwintas tapos yung apelyido po ay sina Sister na po ang nag-isip." Kuwento niya. "Ahm...kaka-graduate ko lang po ng senior high last month tapos nag-18 na ako a week ago kaya dapat po ay lilipat na ako doon sa murang apartment na nakita ko na malapit lang sa cafe at university kung saan ako mag-aaral ng college pero biglang dumating si Mr. Stanley."
Bago pa man talaga kasi dumating si Mr. Stanley at nalaman niya ang tunay niyang pagkatao ay plinano na niya ang lahat sa kanyang pag-alis sa ampunan since 18 na siya, balak niyang umupa sa isang one-bedroom apartment gamit yung monetary reward na ibinigay sa kanya ng admin ng university na papasukan niya sa pag-top sa scholarship exam ng university at halos 3 weeks na rin ng magsimula siya sa part-time job niya sa isang cafe na malapit lang din sa university saka doon sa apartment kaya walking distance lang sana ang magiging pagpasok saka pag-uwi niya.
"18? Princess, you're only 17." Ani Kuya Ford. "October 14 is your real birthday."
"Mukha ka na kasing 1 year old noon sa laki mo kahit na 6 months ka lang kaya siguro akala nila sa ampunan ay 1 year old ka na." Ani Kuya Lee.
Medyo nalungkot siya dahil ibig sabihin noon ay hindi pa siya pwedeng makapagtrabaho. "Ang malas naman. Paano yung trabaho ko sa Hevn Cafe? Ang alam pa naman ni Miss Hevn na 18 na ako noong isang linggo."
"Trabaho? Princess, you don't need to do that anymore. You're a Nuevareal." Ani Kuya Ford.
Napanguso siya. "But I want to. Masaya kayang magtrabaho doon, kaka-start ko lang doon 3 weeks ago kapag nag-resign ako ay siguradong mahihirapan sila Miss Hevn. Pinilit ko pa nga si Miss Hevn na tanggapin ako kahit hindi pa ako 18 noong nag-apply ako kaya please payagan na ninyo ako na ituloy ang pagtatrabaho doon."
Nakatingin lang sa kanya ang pito. "But how can you work if you're just 17?"
Ngumisi siya. "Then, I'll take advantage of being Hazel Morales."
"But I already got the positive response from the court for the acknowledgment that Hazel Morales and Hazel Vanica Nuevareal is only one person and the latter will be the name you'll use from now on, Miss Hazel. Kaya pinapalipat ko na sa Nuevareal lahat ng school records mo, even doon sa papasukan mong university." Sabad ni Mr. Stanley na nandodoon pa rin pala.
Nilingon niya ito. "Pero valid pa rin naman po yung documents under the name of Hazel Morales, di ba? Besides, iyon pa ang pangalan kong gamit sa aking school ID since nakuha ko iyon bago pa man po ninyo ako pinuntahan sa ampunan."
Tumango ito na ikinangisi niya saka isa-isang tiningnan ang mga pinsan niya na nagtinginan muna bago natuon ang tingin sa Kuya Xander nila.
"Ano payag na kayo?"
Napabuntung-hininga si Kuya Xander bago siya nginitian na lalong nagpagwapo rito. "As you wish."
"Thank you, Kuya." Malakas na sabi niya sa sobrang saya niya.
"You're more beautiful when you're smiling like that." Komento ng Kuya Ford niya na ikinahiya niya kaya siguradong pulang-pula ang mukha niya, ang hirap kasi kapag pinkish white ang complexion.
"Saang university ka nga pala papasok, Hazel?" Usisa ni Kuya Dustin.
"Sa Vardent Elite University, I topped the scholarship exam kahit na sobrang hirap talaga niyon na para bang ayaw nilang magbigay ng scholarship." Proud na sabi niya. "Malapit rin iyon sa Hevn Cafe."
"Wow! So proud of you, princess." Ani Kuya Kelvin.
"I think it's really destiny that all Nuevareals are going to be students of Vardent." Nakangising ani naman ni Kuya Calvin.
"We have another genius in the family." Nakangising ani Kuya Ford. "We're proud of you, princess."
"And not just a genius but an out of this world genius because finally, a Nuevareal got a 100% in that Vardent scholarship exam." Mayabang na sabad ni Grandpa na may kasama pang malakas na evil laugh. "Wala nang maipagyayabang sa akin si Tomas, hindi lang siya ang may apo na pang-out of this world ang talino."
Napatawa siya habang mukhang nagulat naman ang mga ito sa sinabi ng lolo nila kaya napamaang na nakatingin sa kanya ang mga ito at tila hindi makapaniwala na na-perfect niya ang scholarship exam ng Vardent na alam ng lahat na sobrang hirap kaya tinatawag pa ngang pang-alien.
"Wow! Mas matalino ka pa kay Kuya Ford." Bulaslas ni Kuya Calvin. "99% ang nakuhang average ni Kuya Ford and he got 900K as an additional reward. Nag-try din kasi kaming lahat na mag-exam for scholarship at lahat kami nakapasa na hindi baba sa 94% ang mga average at nasa top 3 rank per year level."
Nagulat siya na kumuha rin ng scholarship exam ang mga ito. "Kumuha rin kayo ng scholarship exam?"
Ngumisi si Kuya Kelvin. "It's some kind of a tradition for Nuevareals and Daltons to take the Vardent scholarship exam to know our intellectual capabilities and luckily, there's still no Nuevareal and Dalton that failed the scholarship exam and all Nuevareals were always been in top 3 rank per year level including you."
"Aside from that ay para makalibre na rin sa tuition fee doon dahil siguradong sobrang laki ang matitipid namin saka yung monthly allowance ay malaki rin tapos may bonus pa kung makakasama ka sa top 3 at iba pa yung bonus kung nasa 90% and above ang average sa scholarship exam." Dagdag ni Kuya Calvin.
Napapatawa siya ng palihim dahil sa kaalamang may pagkakuripot din pala ang mga pinsan niya para lang makalibre ng tuition kahit na sobrang yaman na ng pamilya nila.
"So what do you want as a reward for topping that scholarship exam?" Usisa ni Kuya Xander.
"Kailangan ba, Kuya?" Nakakunot-noong sabi niya na ikinakibit-balikat lang nito. "Huwag na. Balita ko kasi ay may regalo ang admin ng Vardent sa mga naka-90% above sa exam na tig-200K tapos kapag nasa top 3 pa sa ranking ay may additional na tig-300K kaming tatlo, bukod pa doon ay dodoblehin daw ang monthly allowance ko at binigyan pa nila ako ng additional 1 million pesos since naka-100% ako sa exam na third time pa lang daw nangyayari in the history of Vardent."
"You know, Princess. It's your mom who was the first one who got 100% average in the scholarship exam in Vardent, Hazel." Nakangiting sabad ng lolo nila. "Which really frustrated your dad since he was expecting that he'll be the top 1 but he ended up second. That's how your parents' love story started."
"May pinagmanahan naman pala si Hazel."
"A Dalton, then a Saavedra and now a Dalton-Nuevareal, the top 3 wealthiest family in the world are the families where the 3 super genius that perfected the most hard and complicated exam in the world came from." Natatawang sambit ni Kuya Kelvin. "Baka ang sumunod naman na maka-perfect ay isang Saavedra-Nuevareal o baka Nuevareal-Saavedra."
"Baka yung huli, kambal, since parehong naka-perfect at pang-out of this world ang talino noong dalawang puno kaya mas lalo nang pang-out of this world ang bunga."
"Hindi ba noong baby pa lang si Hazel ay gusto nina grandpa at Lolo Tomas na ipagkasundo ang dalawa ni Saavedra para ipakasal someday."
Anong pinagsasasabi ng mga ito? Parang pini-pair up siya ng mga ito sa taong hindi niya naman kilala, sana naman ay hindi uso sa pamilya nila ang arranged marriage or marriage for convenience s***h business dahil talagang mag-aalsa-balutan siya agad-agad.
Biglang bumusangot ang Kuya Dustin niya. "Tumigil nga kayo, Kuya! Huwag ninyong i-pair up doon kay Saavedra si Hazel, hindi ako papayag na siya ang makatuluyan ng prinsesa natin kahit ano pang mangyari."
Saka siya binalingan nito na sobrang seryoso kaya medyo kinabahan siya at hindi naiwasang mapalunok.
"Princess, iwas-iwasan mo ang Saavedra na iyon at baka mahawaan ka ng sandamakmak na germs at virus ng lalaking iyon." Babala nito sa kanya.
Sino naman kayang Saavedra ang tinutukoy ng Kuya Dustin niya? Mukhang sobrang talino rin nito para maka-100% rin sa scholarship exam bago siya at mukhang may galit ito o sama ito ng loob sa lalaking iyon.
Binatukan ni Kuya Lee ang bunsong kapatid. "You're over reacting. Huwag mong idamay si Hazel sa childish feud ninyong dalawa, it doesn't concerns her and she doesn't even know him yet."
Hindi pa rin nawawala ang pagkabusangot nito habang hinahaplos ang ulong binatukan ng nakakatandang kapatid at hindi na umimik pa.
"But going back to your reward, princess. What do you want? Getting a 100% really deserves a reward." Ani ni Kuya Xander.
Napaisip siya sa kung anong nais niyang reward. "If you really insist, I want fiction books. English or tagalog, especially if it's romance or mystery novels but not horror please. I'm not fond of horror, books or movies."
Ngumiti ito. "Consider it done but is there anything else aside from books?"
Nakangiting umiling siya. "Okay na po yung books."
"How about a horse?" Bigla siyang napatingin sa lolo nila na nakangiting-nakangiti at hindi niya maiwasang magningning ang mga mata sa sinabi nito.
Nagpigil siya ng ngiti at napakagat sa ibabang labi niya. "No need, that's too expensive, Grandpa. Kahit gusto ko ay ayaw ko—"
Napabuntung-hininga ito. "Paano ba ito? Bukas ay dadating na dito yung mga binili kong kabayo para sa'yo mula sa Europe, hindi ko na maibabalik iyon kahit ayaw mo."
"Pero saan ko naman po patatakbuhin yun dito? We're in the middle of the city." Excited pero nag-aalangang sabi niya.
"Princess, napakalawak ng backyard natin kaya wala kang magiging problema sa bagay na iyon." May kayabangang sagot ng lolo nila pero hindi naman bagay dito.
"So, kaya ka nagpagawa ng horse stable at paddock dito." Komento ni Kuya Calvin. "Akala ko naman dahil gusto naming dalhin dito sina Candor mula sa rancho natin."
"That's hitting two birds with one stone. Kaya nga malaking kuwadra at paddock para ma-accommodate pati rin ang mga kabayo ninyo na gusto ninyong dalhin dito sa mansyon since matagal na ninyong nire-request ang tungkol sa bagay na ito tapos nagkataon naman na isa rin ito sa hilig ng prinsesa natin." Paliwanag ni Grandpa. "Saka bukas rin ay dadating mula sa rancho yung mga paborito ninyong kabayo since may ipapadala ako sa rancho pagbalik nila."
Mukhang natuwa ang mga pinsan niya sa balitang iyon kaya nag-high five pa ang kambal niyang pinsan habang malakas na napa-yes naman ang Kuya Dustin niya at nagpasalamat lang ang apat na iba pa niyang kuya sa lolo nila.
"Saan ka naman natutong mangabayo, princess?" Usisa ng Kuya Lee niya.
"Ahm...pinilit ko po yung dating teacher ko noong elementary na turuan ako pero bilang kapalit ng libreng pagtuturo sa akin ay kailangan kong linisin ang kuwadra ng horse riding club na pag-aari niya nang thrice a week saka lumaban sa iba't ibang equestrian competition." Kuwento niya sa mga ito.
"Wow. You're amazing, Princess."
"Madiskarte pala itong prinsesa natin, Grandpa."
"Hindi lang doon madiskarte ang pinsan ninyo, sa mas marami pang mga bagay." Proud na sabi ng lolo nila saka siya inakbayan. "Save your questions later, okay, boys. Our princess needs some rest."
"Tara, princess, ihahatid ka na namin sa kuwarto mo." Yaya ni Kuya Calvin.
"No. Guguluhin ninyo lang ang pagpapahinga ni Hazel." Kontra ni Grandpa na ikinasimangot nina kuya. "Stanley, tawagin mo sina Sandro at Rose para ihatid si Hazel sa kuwarto niya. Kapag itong mga ito ang naghatid ay kukulitin lang nila ang pinsan nila, imbis na makapagpahinga."
"Okay po, Señor." Gamit ang telepono na naroroon ay tinawagan nito sina Mrs. Danillo.
"If that's the case then I think I need to go back to work." Paalam ni Kuya Xander, lumapit ito sa kanya at dinampian ng halik ang ulo niya na ikinagulat niya at namula siya. "I'm really happy you're home." Binalingan naman nito ang lolo nila. "Grandpa, I'm off. I'll be home before dinner."
"I'll go with you, kuya." Seryosong sabi ni Kuya Lee na ginawa rin nito ang ginawa ni Kuya Xander saka sabay na bumaba ang dalawa kaya mas namula siya, nakasalubong ng mga ito sina Mrs. Danillo at Mr. Laudicho na may kasama pang apat na babae na halos kaedad lang niya o mas matanda lang sa kanya ng ilang taon.
"Señor?" Si Mrs. Danillo at Mr. Laudicho.
"Pakihatid na si Hazel sa kuwarto niya." Ani Grandpa sa mga ito.
"Sama kami!" Hirit ng tatlong makulit niyang pinsan.
Sinamaan ni Grandpa ng tingin ang mga ito. "No. You stay here. Magpapahinga ang pinsan ninyo."
"Magtrabaho na lang kaya kayo." Komento ni Kuya Sean kaya napanguso ang kambal niyang pinsan.
"Go ahead, Sandro, Rose." Ani Grandpa.
"Let's go, Miss Hazel." Yaya nito na tinanguan lang niya saka tumayo.
"Grandpa, mga kuya, pahinga lang ako." Paalam niya sa mga ito.
"Rest well, princess." Ani ng mga ito.
***
NASA 3rd floor ang kuwarto ni Hazel, kulay white ang pinto nito na double door din like the other rooms they passed by pero mas maliit ito ng konti sa main double door ng palasyo. Pagpasok niya ay namangha talaga siya ng husto, it's a combination of pink, white and red—her favorite colors. Isa pa, napakalaki ng kuwarto niya, five times or more yata ang laki nito sa isang kuwarto sa bahay-ampunan.
"Sobrang laki naman po nito, Mrs. Danillo." Manghang komento niya habang nililibot ang buong kuwarto niya na talo pa ang presidential suite ng isang five star hotel sa sobrang elegante na para talagang kuwarto ng isang royalty.
"Nanay Rose na lang, Miss Hazel. Iyon ang tawag sa akin ng halos lahat dito." Nakangiting sabi nito. "Ito talaga ang kuwartong nilaan para sa'yo kahit kapapanganak pa lamang sa'yo noon. Ipinaayos lang ni Señor nitong nakaraang buwan para sa pagdating mo, nagustuhan mo ba?"
Nakangiting tinanguan niya ito. "Sobra po."
"By the way, Miss Hazel. These are Eunice, Sheena and Quincy, they will be your stewards and they will see to your every needs." Pakilala nito sa tatlong kasama nitong babae.
"And this is Melissa, she'll be your assistant in everything. She can handle your schedule and ask her to do anything you need some help with like a typical secretary." Pakilala naman ni Butler Sandro doon sa isa pa na babae na naka-skirt na royal blue ang kulay, yung pang-opisina tapos naka-2-inch black pumps shoes, ito lang ang nakitang niyang ganoon ang suot dahil kahit yung mga babae ay naka-wool pants na pang-babae.
"Hi." Nakangiting bati niya sa mga ito.
"Hello po, Miss Hazel." Sabay-sabay na bati rin ng mga ito.
"It's nice meeting you and don't worry, I'll try my best to be a good girl para hindi kayo mahirapan sa akin." Sambit niya sa mga ito na ikinangiti ng mga ito sa kanya. "And I hope we can be friends and get along well."
"Sige, Miss Hazel. Maiwan ka na namin para makapagpahinga ka na." Ani Nanay Rose.
Pagkalabas na pagkalabas ng mga ito ay inexplore niya ang bawat sulok ng kanyang kuwarto, ang walk-in closet niya na puno ng mga branded na mga gamit at pati yung banyo na kasing laki rin ng isang bahay na para talaga sa isang prinsesa, sa tingin rin niya ay mamahalin ang lahat ng furnitures at fixtures rito bukod pa sa dalawa ang malalaking smart TV na magkatalikuran na isa sa harap ng kama niya at yung isa ay sa may sitting room tapos doon din sa sitting room ay may mahabang study desk siya na nakaharap sa floor to ceiling na fiberglass wall-window.
Hindi siya makapaniwala na sa kanya ang kuwarto na ito at isa pala siyang prinsesa, hindi man isang royal blood ang kanilang pamilya ay ganoon na rin since ang pamilya nila ang pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang pamilya sa mundo.
Ang pinakahuli niyang inexplore ay ang mga bookshelves at nang makakita ng librong gusto niyang basahin ay saka siya humilata sa kama niyang queen sized na sobrang lambot, ilang minuto lang ay nakatulugan na niya ang pagbabasa sa pagod sa biyahe at puyat.
*****
All Rights Reserved.