WATT 2

5172 Words
Chapter 2 MAAGANG nagising si Hazel kahit na sobrang kumportable ang kuwarto niya ay kailangan na niyang gumising para maghanda sa pagpasok sa trabaho dahil morning shift ang pasok niya sa cafe ngayong summer vacation, buti na lang pumayag ang lolo at mga pinsan niya na magtrabaho pa rin siya pero with strict conditions na masyadong marami para i-elaborate pa niya. Mainly, it's about not losing her scholarship and being on the top 3 while working and of course, for her safety. Naabutan niyang nagluluto na ng agahan ang mga assistant ni Chef Gregor nang pumunta siya sa kusina, mukhang maaga rin kung pumasok ang mga pinsan niya. Akala pa naman niya ay makakapaghanda siya ng agahan para sa mga pinsan at lolo niya, nawala sa isip niya na may executive chef at mga assistant chefs ang palasyong ito para sa paghahanda ng pagkain. "Good morning, guys!" Bati niya sa mga ito. Nagulat ata niya ang mga ito kaya tila nataranta ang mga ito sa presensya niya kaya medyo natawa siya. "Guys, relax. Ako lang ito." Sabi niya sa mga ito. "M-May kailangan po ba kayo, Miss Hazel?" Nauutal na tanong ng isa sa mga ito. "Wala naman. Ano nga palang agahan natin?" Tanong niya. "Hotdog, beef tapa, corned beef, spam, sunny-side up egg, sinangag and sliced bread po." Sagot nito. "Kakain na po ba kayo? Tapos na rin naman po kaming magluto." "Ang aga ninyo pong mag-prepare ng breakfast, maaga po ba pumapasok ang mga Kuya ko?" Usisa niya. "Mga 7 po kasi ay pumapasok na sa opisina ang mga kuya ninyo kaya dapat mga 6 am ay nakahanda na ang agahan." Sagot sa kanya ng isa sa mga ito. "Ipapahain na po namin ito kaya sa patio na lang po kayo maghintay." "Patio? Sa may pool?" Nagtatakang tiningnan niya ito. "Opo. Doon po kasi gusto ng mga pinsan ninyo mag-agahan lagi, tuwing tanghalian at hapunan naman po ay sa dining hall na." Sagot naman ng isa pa. "Ah, okay." Aniya. "Ano pong gusto ninyong inumin? Coffee, milk or hot choco?" Tanong ulit nito. "Hot choco, please. Thank you." Nginitian niya ito bago tinungo ang patio para hindi na rin niya maabala ang mga ito. Humahangos na nakasalubong niya ang tatlo niyang steward at pati si Melissa na kaaga-aga ay mukha nang mga haggard na mukha ang layo ng tinakbo. Nagsiyuko ang mga ito. "Oh, anong nangyari sa inyo?" Natatawang tanong niya. "Sorry po, Miss Hazel." Sagot ng mga ito habang nakatungo na ikinataka niya. "Bakit?" Tanong niya sa mga ito. May ginawa ba ang mga ito na hindi maganda? "Kasi hindi po namin kayo naasikaso ngayong umaga." Napatawa siya at nginitian niya ang mga ito. "It's fine. Walang kaso iyon, kaya ko namang asikasuhin ang sarili ko kaya hindi ninyo kailangang humingi ng paumanhin." "Pero trabaho po namin ang asikasuhin kayo, Miss Hazel." Sagot ni Sheena. "At pumalpak na po agad kami sa unang umaga ninyo dito." Ani Quincy. "Normal naman talagang pumalpak saka walang kaso sa akin, as long as you're doing your job effectively and efficiently. Bumawi na lang kayo bukas pero make sure na aagahan ninyo, ayokong ma-late sa trabaho." Nakangiting sabi niya. Gumanti na rin ng ngiti ang mga ito sa kanya saka tumango. "Yes, Miss Hazel." "Okay." Nilagpasan na niya ang mga ito para tumungo sa patio for breakfast. Nagsisimula nang maghain ng agahan ng makalabas siya pati ang hot choco niya ay nakahain na rin, pagkaupong-pagkaupo niya ay siya ring paglabas ng Kuya Lee at Kuya Xander niya. "Good morning, mga kuya." Nakangiting bati niya sa mga ito bago naglagay ng pagkain sa plato niya. Lumapit ang mga ito sa kanya saka dinampian ng halik ang sentido niya bago nagsiupo sa pwesto ng mga ito. Hindi pa rin niya mapigilang mamula kapag ginagawa ng mga ito ang paghalik sa noo, sentido at pisngi niya para batiin o magpaalam sa kanya, kahit naman siguro sinong babae ay ganoon ang magiging reaksyon kapag kasing-guguwapo ng mga ito ang humalik sa mga ito kahit saan pang parte ng katawan pero hindi naman ibig sabihin ay may romantic interest siya sa isa sa mga ito, nakakadiri saka nakakasuka kaya at nakakapangiwi kahit isipin pa lang nga niya ang possibility na iyon, hindi lang kasi siya sanay since wala namang gumagawa sa kanya noon sa bahay ampunan maliban sa mga bata ngunit iba naman ang mga bata sa mga ito pero sigurado naman kapag tumagal-tagal na ay masasanay rin siya at mawawala ang pamumula saka ang hiya na nararamdaman niya sa tuwing hahalikan siya ng mga ito kapag nasanay na siya sa presensya at ka-sweetan ng mga ito sa kanya. "Good morning, princess." Bati rin sa kanya ni Kuya Xander. "Bakit ang aga mo yatang gumising?" Tanong naman ni Kuya Lee pagakatapos siyang batiin. "You should sleep more." "Morning shift ako sa cafe, 8 am to 2 pm." Nakangiting sagot niya. "Are you really sure that you'll continue working?" Tanong ni Kuya Xander habang humihigop ng kape. "You know you don't really need to do that anymore." She pouted. "6 hours lang naman kapag wala akong pasok and 4 hours kapag my classes, kuya. Saka gusto ko talaga na gawin iyon." Naku baka magbago pa ang isip ng mga ito, ah. Nakakalungkot naman kung ganoon, may naging mga kaibigan pa naman siya roon. "Anong oras ng shift mo when the classes starts? Hindi pwedeng gabing-gabi na ang uwi mo." Tanong naman ni Kuya Lee. "You should be home by 10 pm, I'll add that to the conditions to allow you doing that part-time job." "It will depends on my class schedule po, kuya." Sagot niya, napapa-english siya sa mga pinsan niya. "Don't worry, kuya. I'll talk to Miss Hevn about that." Kuya Xander sighed. "Just really make sure that won't affect your studies when the classes starts, if you lost your scholarship then whether you like it or not, you must resign. That's the number one condition, Princess and no chances." Napangiti siya ng sobrang ganda. "Yes, kuya. Thank you." "Ihahatid kita bago ako pumasok sa opisina para alam ko kung saan iyang cafe na iyan." Ani Kuya Lee. Ang istrikto naman ng mga kuya niya pero nakakatuwa at masarap talaga sa pakiramdam na may mga taong sobrang concern sa kanya lalo na kung galing iyon sa kadugo niya. "Pasundo ka na lang kina Seth at Karl after ng shift mo. Don't go anywhere without them, do you understand?" Seryosong ani Kuya Lee ulit. Sina Seth at Karl ay ang mga close-in bodyguards s***h drivers niya na ipinakilala sa kanya kahapon ng lolo niya, ang mga kuya daw niya ang pumili sa dalawa pero alam niyang hindi lang ang mga ito ang bodyguards na tinalaga sa kanya ng mga ito, mga discreet nga lang. "Okay po." Saka sumubo ng sunny side-up niya at tinapay then inom ng hot choco. "No need, kuya." Singit naman ni Kuya Sean na kalalabas lang mula sa loob ng palasyo nila, dinampian din nito ng halik ang sentido niya bago umupo sa tabi niya. "I'll be the one to fetch Hazel at her work later since I have nothing to do." "That's new, Sean. Wala kang librong babasahin?" "Princess is more important than my books." "Alam mo kung saan yung Hevn Cafe, Kuya Sean?" Tanong niya. "Yeah, I seldom goes there during my vacant time since it's near Vardent." Sagot nito na ikinatango niya. "Are you done, princess? We should get going." Napatingin siya sa wristwatch niya ng makitang malapit nang mag-7 am, tama nga ito. "Okay, kuya." Tumayo na siya at humuling hirit ng hot choco at hotdog na nasa tinapay bago kinuha ang lumang backpack niya. "I'll wait for you at the front door." Sabi nito bago umalis ng dining hall. "I'll be at the cafe before lunch, princess." Pagbibigay-alam naman ni Kuya Sean. "Okay, kuya." Binigyan niya ito ng halik sa pisngi at ganun din ang Kuya Xander niya bilang pamamaalam na mukhang ikinagulat ng mga ito. "Bye, mga kuya. Drive safely and take care." Nang papasok na siya sa loob ay nakasalubong niya ang palabas na tatlo pa niyang pinsan except kay Kuya Dustin na mukhang tulog pa. Binati lang niya ang mga ito saka dinampian rin ng halik ang pisngi ng mga ito at katulad din ng reaksyon ng dalawa ay nagulat rin ang mga ito, para naman fair at hindi yung siya na lang lagi ang namumula saka nahihiya. "Hazel, don't run!" Sigaw ni Kuya Ford. "You might tripped!" Hindi lang istrikto, mukhang overprotective pa. Kahit na kahapon lang siya nakilala ng mga ito ay kung tratuhin siya ay parang kasama siyang lumaki ng mga ito kaya hindi siya naiilang sa mga ito maliban kapag dinadampian siya ng mga ito ng halik, kahit na kasi iba-iba ng ugali ang mga ito ay mukhang yakang-yaka niyang pakisamahan at mapalapit sa mga ito. "Bye, mga kuya." Paalam niya. *** IMPIT na tilian ang nakakuha ng atensyon ni Hazel habang naglilinis sa isang lamesa kaya na-curious siya kung anong dahilan ng tiliang nagaganap at napatingin siya sa entrance ng cafe, sobrang kinikilig ang mga babaeng customers nila na hindi nalalayo ang edad sa kanya na parang mga kitikiti na may kasama pang pagningning ng mga mata. Papasok pala kasi sa kanilang cafe ang isa sa pinakaguwapong nilalang sa mundo na may bitbit na libro at walang pakialam sa nangyayaring kaguluhan sa paligid nito. Who happened to be one of her cousins. Ganito pala katindi ang epekto ng isang Nuevareal prince sa halos lahat ng mga babae. "Oh my gosh! Nandito ang isa sa Nuevareal prince!" Irit ng isa sa mga babaeng customer nila. "Girl, ang gwapo talaga niya." Komento ng isa pa. "Lahat naman silang magpipinsan ay talagang sobrang gwapo at makalaglag undies." Dagdag pa ng isa. Nakangiting napailing siya sabay tingin sa wristwatch niya, may dalawang oras pa bago ang tapos ng shift niya kaya bakit nandito na ito? Oo nga pala, sabi nito ay pupunta ito before lunch. Umupo ito sa isa sa mga couch na katabi ng glass wall ng cafe at itinuon ang atensyon sa libro nito kaya nilapitan na niya ito dahil bawal ang tambay rito kung hindi oorder. "What's your order, Sir?" Nakangiting tanong niya. "What time is your out?" Balik-tanong nito na hindi man lang tumitingin sa kanya. "Hanggang 2 pm pa ako." Sagot niya. "Did you have your lunch?" Overprotective talaga. "Pagkatapos na lang ng shift ko." Sagot niya kaya tiningnan siya nito ng masama at padabog na ipinatong yung libro sa lamesa na ikinagitla niya. "W-What?" "The next time you skipped a meal during work, we won't let you continue working. Do you understand?" Seryosong sabi nito. "Oo na po. Hindi na po mauulit." Sabi niya. "I want a macchiato, iced chocolate milk tea, 2 tuna sandwich and nachos." Order na nito. Nagtaka naman siya kung bakit may macchiato na ay may iced chocolate milk tea pa. "Bakit dalawa drinks mo, kuya?" "That's what your customer wants, Hazel. Don't question a customer." Napangiwi siya sa sinabi nito. "Sabi ko nga. I'll just get your order, Sir." "Wait." Tiningnan niya ito. "I just wanted to inform you that your horses arrived an hour ago." Napakagat-labi siya sa sobrang tuwa sa ibinalita nito na parang gusto niyang umirit at magtatalon pero pinigilan niya ang sarili dahil nasa trabaho siya. Pinakalma muna niya ang sarili bago tinungo ang counter para ipaalam sa barista for the day at sa kitchen ang order nito. "Oh, bakit parang nagalit? Anong nangyari?" Usisa noong mga katrabaho niya nang makalapit siya sa counter na si Kuya Ben, ang isa sa barista for today. "Wala iyon." Iwas niya sa mga tanong nito. "Macchiato, iced chocolate milk tea, 2 tuna sandwich at nachos daw. Mukhang may hinihintay kaya dalawa ang drinks." "Okay." Ani Kuya Ben saka ini-rely sa kitchen ang order bago nito inihanda ang drinks. "Hoy, Hazel, anong sinabi mo at nagalit si Sean Nuevareal?" Nakataas ang isang kilay na usisa ng katulad niyang part-timer na si Jecca, medyo matagal na ito dito sa cafe, mas matanda ito sa kanya ng isang taon o higit pa. "Tinarayan mo ba o baka naman kinulit mo." Inirapan niya ito. "Whatever I said to him is none of your business, Jecca." Medyo may attitude kasi ito kaya minsan ay naiinis siya rito tulad na lang ngayon pero hindi naman sila magkaaway at kung talagang masama ang ugali nito ay baka matagal na itong natanggal sa trabaho. "Napaka-naive mo talaga, Hazel." Mataray na sabi naman ni Winna, bestfriend ni Jecca na part-timer din nakasabayan nito. "That guy is part of the wealthiest family in the world, he can do something bad to you and gets away with it. Ganyan ang kalakaran sa mundo basta mapera ka kahit anong gawin mong pananapak ng tao o kung anong mang krimen ang gawin mo ay matatakasan mo." May konting animosity sa mga mayayaman si Winna pero hindi naman sa lahat since matalik nitong kaibigan si Jecca na nanggaling din sa isang mayamang pamilya. Binansagan ng may-ari nitong cafe na si Miss Hevn sina Winna at si Jecca na twin dark angels of Hevn dahil maganda ang dalawa pero since may konting attitude ang dalawa kaya iyon din ang pagkakakilala sa mga ito ng mga katrabaho at regular customers nila. Lahat naman ng empleyado nitong cafe mapa-babae o lalaki ay may binabansagan ni Miss Hevn ng kung anu-anong klase ng angel o kahit anong konektado sa Hevn na depende sa ugali at kahit silang apat ay meron pero secret kung ano iyon. "Aray! Medyo na-hurt ako doon, bestie." Nakahawak pa sa dibdib na sabi ni Jecca. "Hindi naman siguro ganoon ang mga Nuevareal, saka hindi naman iyon galit dahil kinulit ko siya o may sinabi akong hindi maganda, wala lang talaga iyon at huwag na ninyong pansinin." Paliwanag niya para hindi na siya kulitin. Tinanguan lang siya ng mga ito bago tumalikod sina Jecca at Winna para asikasuhin ang ibang customers nila, saka naman lumapit sa kanya ang tatlo pa niyang katrabahong babae. "So, sobrang gwapo ba sa malapitan yung isa sa Nuevareal prince?" Kinikilig na tanong ni Jessie. Okay lang naman silang mag-usap lalo na't hindi pa naman karamihan ang mga customer na pumapasok dito sa cafe nila. "Yeah like a greek god from Mount Olympus." Natatawang sabi niya. "Yie! Crush mo ba?" Kinikilig ding usisa ni Dani. "Naku, Hazel, sabi ng pinsan ko ay parang mga icebergs at thorns daw ang mga Nuevareal prince. Kung hindi playboy at maloko ay sobrang sungit at snob, kaya mag-iingat ka sa mga iyan." Babala naman sa kanya ni Cheska. Napaka-sweet kaya ng mga pinsan niya kahit na sobrang istrikto at overprotective ng mga ito pero hindi na siya magtataka sa ganoong tingin ng ibang tao sa mga ito, medyo ganoon nga ang nase-sense niya sa mga pinsan niya. Natatawang napapailing siya. "Hindi naman ibig sabihin na sinabi ko iyon ay crush ko na siya saka malabong magustuhan ko siya." "Bakit naman? He's super handsome, super rich and I heard he's intelligent, too. Well, lahat naman ng mga Nuevareal prince ay matalino." Ani Cheska. "Lahat ba naman sila ay nakapasa sa Vardent scholarship exam at hindi lang iyon nasa top 3 sila lagi sa year level nila, saka summa o magna kapag grumaduate." "Let's just say na hindi kami talo, as in hindi talaga at never mangyayari na magustuhan ko siya sa paraang iniisip ninyo." Aniya. "Hindi talo? Bakit? Girls ba mga type mo?" Tanong ni Jessie kaya nahampas niya ang braso nito. "Hindi 'no. Straight ako, hindi naman kasi iyon ang ibig kong sabihin." "Eh ano?" "Basta, never ko siyang magugustuhan sa paraang sinasabi ninyo." Sabi niya. "Baka kayo, type ninyo yung prinsipe na iyon, 'no?" Kaedad lang niya ang tatlong ito at sabay-sabay silang nagsimula dito sa cafe bilang mga part-timer kaya mabilis niyang nakasundo ang mga ito, katulad niya ay mga scholar din sina Jessie at Dani pero hindi sa Vardent habang si Cheska naman ay galing rin sa isang mayamang pamilya ngunit gusto nitong kumita sa sarili nitong sikap tulad ni Jecca. "Heto na ang order ng prinsipe, Hazel." Ani Dani habang nilalapag sa isang tray ang mga order ng Kuya niya. Nakaligtas ang mga ito sa pang-iintriga niya, mamaya sa kanya ang mga ito dahil hindi niya titigilan ang mga ito. "Thanks, Dani." Binitbit na niya iyon sa table ng kuya niya, nagbabasa pa rin ito. "Here's your order, Sir. Enjoy your meal." "Get the milk tea and the other sandwich." Anito. "That's for you." Nagulat siya. "Pero shift ko pa, kuya." "Then, eat it on the counter while there is still no customer or better yet take a break and join me here." Masungit na anito. "Konti lang ang kinain mo kaninang breakfast tapos past lunch time na hindi ka pa kumakain gusto mo bang magkasakit." She pouted while getting the milk tea and the sandwich. "Sige na nga." Hindi rin kasi niya matanggihan kapag milk tea na inaalok sa kanya, adik kasi siya sa milk tea lalo na't chocolate flavored pa. Nasabi niya iyon kahapon sa mga ito na mukhang natandaan naman ng Kuya niya nang usisain siya sa mga paborito niyang pagkain at kung anu-ano pang paborito niya. "Kakain muna tayo bago umuwi mamaya or you want to go shopping after?" Sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya. "Can't we just go straight home? I want to see my—" "It's nonnegotiable, Hazel. Since you skipped your lunch, we wouldn't go home without feeding you first." Seryosong sabi nito na tila hindi mababali. She slightly groaned. "But, Kuya..." "Let's talk about that later, go back to work." Nakangusong bumalik siya sa may counter dala ang milk tea at sandwich, medyo naiinis siya dahil gustong-gusto na talaga niyang umuwi para makita ang mga kabayo niya. Nagulat ang mga katrabaho niya ng dahil sa bitbit niya. "Oh, ano yan?" Nagkibit-balikat lang siya habang sumisipsip sa milk tea niya at pinatong sa counter yung sandwich. "Oh, bakit mo nilantakan? Babayaran mo ba iyan?" Usisa ni Dani. "Bayad ito noong prinsipe, akin daw ito dahil hindi pa ako kumakain." Sagot niya. "Type ka?" Si Cheska. "Malabo iyon. Concern lang." "Kaya nga, hindi ba ganun din iyon. Bakit ka pa magiging concern sa hindi mo kaanu-ano kung hindi mo type o gusto, di ba?" "Oo nga." "Hindi ba pwedeng maging concern sa kaibigan o kakilala lang?" Sarkastikong sabi niya. Bigla namang sunod-sunod na nag-vibrate ang cellphone niyang nasa bulsa kaya inilabas niya para tingnan dahil mukhang mahalaga, napabuntung-hininga siya nang mabasa na ang mga pinsan pala niya ang nag-text na ikinangiwi niya dahil puro sermon ang laman ng text ng mga ito, mukhang nagsumbong na agad ang Kuya Sean niya sa mga ito kaya sunod-sunod na nag-text sa kanya. Nang napatingin siya doon sa tatlo ay nanlalaki ang mga mata ng mga ito. "Oh, bakit?" "Paano ka nagkaroon ng ganyan kamahal na cellphone? Iyan yung pinaka-latest model ngayon, ah." Sabi ni Jessie. "Wala pa kaya niyan dito sa Pilipinas." Manghang sabi ni Cheska. "Yung pinsan ko ay nag-order pa niyan sa States, eh. Next year pa daw kasi iyan ilo-launch dito sa Pilipinas." "Ahm...ano...perks of being a Vardent top scholar, hehehe." Pagsisinungaling niya. Ang totoo ay galing iyon sa lolo at mga pinsan niya, hindi lang cellphone ang ibinigay ng mga ito may laptop, tablet, white gold wristwatch at DSLR camera na nakapatong doon sa study table niya sa kwarto kung saan niya nakita ang mga ito nang magising siya mula sa pagkakaidlip ng ilang oras sa bagong kuwarto sa unang beses kahapon. "Talaga? Wow naman. Sayang hindi ako nakapasa sa scholarship exam sa Vardent." Bakas ang panghihinayang sa mukha ni Jessie. "Pero mabuti na rin iyon saka malaki rin naman ang monthly allowance sa Felestine University." "Ako nga rin hindi nakapasa doon, sa hirap naman kasi ng scholarship exam doon sa Vardent parang ayaw magbigay ng scholarship, eh. Muntik na nga ring sumabog yung utak ko sa mga tanong sa exam doon." Nakangusong reklamo naman ni Dani. "Huwag nga kayong manghinayang dyan, ang sasama kaya ng ugali ng karamihan ng mga estudyante doon. Mga matapobre at mayabang, mga akala mo kung sino na akala mo sila ang mas supreme sa ibang tao lalo na sa mga hindi nila kapantay ang estado sa buhay, kaya ayoko doong mag-aral kahit na sabi nina Mommy ay maganda ang aral doon pero kung masasama naman ang ugali ng mga makakasalamuha ko ay wag na lang baka araw-araw pa akong mapaaway doon, hindi lang naman sa Vardent magandang mag-aral dahil marami pang iba diyan." Komento naman ni Cheska. "Paano mo naman nalaman?" Usisa ni Jessie. "Sa pinsan ko, doon kasi iyon nag-aaral." Ani Cheska. "Hindi ko naman nilalahat ang mga estudyante doon pero karamihan daw doon ay talagang bully lalo na sa mga scholar. Kaya mag-ingat ka doon, Hazel." "Oo na." Sabay kagat sa sandwich niya habang tinetext niya ang mga kuya niya ng 'hindi na mauulit' pagkatapos ay itinext naman niya ang tatlong kausap niya, ang mga katrabaho niya, si Miss Hevn at sina sister sa bahay-ampunan para ipaalam ang bago niyang number, nakalimutan kasi niyang gawin iyon kagabi sa sobrang antok buti nga at nailagay pa niya ang lahat ng contacts na nasa dati niyang cellphone na de-keypad, hindi naman iyon karamihan. "Huwag kayong mag-alala sa akin kaya ko ang sarili ko doon, hindi naman ako papaapi sa kahit kanino, 'no." "Sabihin mo kaagad sa amin kapag may nang bully sa'yo at susugurin namin kaagad." Matapang na sabi ni Dani. Napatawa siya. "Don't worry, Dani. Kaya ko talaga ang sarili ko." "Bakit hindi kaya lumipat ka na lang doon sa university namin? Hindi ba nakapasa ka rin naman doon?" Ani Dani. "Mas malaki kasi ang monthly allowance nila doon, alam ninyo namang ulila na ako at mag-isa kaya kailangan ko talaga yung scholarship sa Vardent." Sagot niya. "Saka naka-enroll na ako, eh." "Basta kapag nagkaproblema ka doon ay sabihin mo agad sa amin, kami ang resbak mo." Ani Jessie. "Enough of that. Hindi ninyo pa nga pala sinasagot ang tanong ko, kung crush ninyo ba yung Nuevareal prince na iyon?" Tanong niya sabay nguso sa kinaroroonan ng Kuya Sean niya. "Can't say." Sabi ng mga ito nang sabay na sabay na ikinakunot-noo niya. "Wow, sabay-sabay talaga." Sarkastikong sabi niya. "Bakit naman? Kayo na ang nagsabi, he's handsome, rich and intelligent siya, so anong problema?" "Iyon lang naman kasi ang alam namin sa kanya." Ani Dani. "Masyado kasi siyang misteryoso." "Kaya nga, ang hirap kayang magkagusto sa isang tao kung hindi mo naman kilala ang buong pagkatao niya." Sabi naman ni Cheska. "Tama!" Sabi ni Dani. "Eh, ikaw, Jessie, anong rason mo?" Baling niya sa tahimik na si Jessie. "Wala akong kainte-interes sa crush-crush na iyan." Sagot nito. "Pero kung papipiliin ako sa mga Nuevareal princes ay doon na lang ako kay Kelvin Ace Nuevareal, siya yata ang pinakamabait sa kanilang magpipinsan." Tinaasan ito ni Cheska ng kilay. "Paano mo naman nasabi? Balita ko ay babaero rin iyon, eh." "Pero base sa mga nababasa ko sa SNS at sa mga dyaryo ay si Dustin Nuevareal pa rin ang pinaka sa pinakababaero, 'no." Komento naman ni Jessie. "Si Calvin Nuevareal kaya iyon." Sabad ni Dani. "Araw-araw yata iba-ibang model at socialite ang nali-link sa kanya." Napatawa siya sa mga opinyon ng mga ito sa mga pinsan niya. "Kung makapagsalita kayo parang kilalang-kilala ninyo ang mga Nuevareal prince pero bakit yung nandito ay parang hindi ninyo kilala." "Laman kasi lagi ng mga dyaryo, magazine at tv ang mga Nuevareal lalo na kapag may mga babaeng nali-link sa kanila pero never pang na-link sa kahit kanino si Sean Nuevareal kaya hindi siya nagiging laman ng kahit ano except kung may article tungkol sa pamilya nila." Paliwanag ni Dani. "So, hindi ninyo pa talaga nami-meet personally ang isa sa kanila?" Usisa niya. Umiling ang mga ito pero kung maka-react ang mga ito ay parang kilalang-kilala ng mga ito ang mga pinsan niya. Kung saan-saan pa napunta ang usapan nila habang nag-aasikaso ng mga dumadating na customers. "Hazel, bill daw, sabi noong prinsipe." Pagbibigay-alam ni Cheska habang nag-aayos siya ng isang table. "Saka out na tayo." Muli siyang napatingin sa wristwatch niya at nakita niyang lagpas 2 pm na pala kaya kinuha niya ang bill nito at saka nilapitan ito. "Here's your bill, sir." Aniya. Naglabas ito ng 1000 at inipit doon sa lagayan ng bill. "Keep the change and hurry up. Hindi ka pa nagla-lunch ng maayos, kanina pa chinecheck nina Kuya Ford kung kumain ka na. I'll wait for you in the car." "Magbibihis lang ako sandali, kuya." Paalam niya saka patakbong lumapit sa counter. Hindi na niya naabutan sina Dani sa counter, iba na ang naroroon na regular employee. "Ate, keep the change daw." "Aba, mukhang dadagdagan na naman ang tips box natin nito ng malaki-laki." Nakangiting sabi nito. "Galante kasi yung prinsipe na iyon." Aniya saka nagpaalam rito. Nagpalit lang siya ng t-shirt habang nauna nang umalis yung tatlo niyaya pa nga siyang mamasyal kaya lang tinanggihan niya dahil doon sa sundo niya, may next time pa naman kapag hindi ang mga pinsan niya ang sumundo sa kanya. "Hi, kuya." Bati niya rito sabay halik sa pisngi nito pagkasakay na pagkasakay niya sa kotse nito. "What do you want to eat?" Tanong nito habang minamaniobra palabas ng parking lot ng cafe ang kotse nito. Nginitian niya ito. "Caldereta and sisig." "Okay." Anito. "Do you want to go shopping after?" Mukhang inaasar siya nito since alam nitong uwing-uwi na siya para makita ang regalong kabayo sa kanya ng lolo nila. Tiningnan niya ito ng matalim. "Kuya naman, eh!" Napangiti ito ng malawak. "What? I'm just checking if you want to go shopping first before going home." "No. I want to go home as soon as possible." Nakangusong sagot niya sabay halukipkip. "Okay, whatever you say." Natatawa pa rin ito at mukhang nagpipigil lang na mapahagalpak ng tawa. Dinala siya nito sa isang casual dining restaurant that serve filipino dishes, inorder nito ang gusto niya and more. "Kuya, ang sobrang dami naman nitong in-order mo kaya ba nating ubusin ito?" Komento niya sa dami ng nakahain sa harap nila. "Kasalo ninyo kami." Napatingin siya sa nagsalita at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mga pinsan niya, isa-isang dinampian siya ng mga ito ng halik sa sentido bago nagsiupuan. Kaya pala pang-waluhan ang inupuan nilang table. "Anong ginagawa ninyo dito, mga kuya?" Tanong niya. "Eating lunch." Malamig na sagot ni Kuya Ford. "Oo nga naman, princess. Ano bang ginagawa sa restaurant? Alangan namang naglalaro." Ani Kuya Calvin na ikinailing niya. "Kung tungkol ito sa pagpapalipas kong kumain sa tamang oras ay hindi na talaga mauulit, promise." Nakangusong komento niya. "Tapos na iyon, basta huwag mo lang uulitin." Seryosong sabi ni Kuya Lee. "Gusto ka lang naming makasamang mananghalian, wala namang masama doon, 'di ba?" Napakunot-noo siya. "Past 2 pm na pero hindi pa rin kayo nagtatanghalian?" "Busy." Sabay-sabay na bigkas ng mga ito. Napangiti siya sa ka-sweetan ng mga pinsan niya. Maybe to other people they are icebergs and thorns but for her they are her protectors and people she can rely on in rough times, even though she just met them yesterday. She knows that they skipped their usual lunchtime para makasabay siyang magtanghalian kahit na against iyon sa schedule ng mga ito for today. How sweet! "Ewan ko sa inyo." Nakangising aniya habang napapailing. *** "MISS Hazel...Sir Sean..." Sabay na bati sa kanila ng assistant niya na si Carlos at ang assistant din ni Hazel na si Melissa nang makalapit sila sa mga ito na nakatayo sa may pinto ng kanilang mansyon since sadyang hinihintay sila ng mga ito since isa iyon sa maraming duties ng mga ito. "Si Grandpa?" Excited na tanong ni Hazel sa mga ito nang inaabot nito kay Melissa ang backpack nito mukhang matagal na nitong ginagamit sa hitsura na kupasin na. Dapat yata ay nag-shopping muna sila bago umuwi para mapalitan na ang mga luma at worn-out nitong mga gamit, napansin niya rin kasi ang suot nitong rubber shoes at pantalon na halatang laging gamit nito. "Nasa may pool po, nagtsa-tsaa." Nakangiting nagpasalamat lang ito saka nagmamadaling pumasok sa loob ng mansyon para tumungo sa kinaroroonan ng lolo nila. Sinabihan lang niya na ipaghanda sila ng meryenda sa pavilion malapit sa paddocks na bagong gawa lang din saka nakangiti habang naiiling na sinundan ang excited niyang pinsan. "We're home, grandpa!" Masiglang bati nito sa lolo nila sabay halik sa pisngi habang umiinom ito ng tsaa. "So, where is it?" Napatawa ang lolo nila. "You're so excited, Princess." "She's so eager to meet her horses." Sabad niya kaya napatingin ang mga ito sa kanya. Muling napatawa ang lolo nila. "Then, you should go and meet them. Besides, you still need to name the two of them and chose who'll be sent to the ranch next week." Binalingan siya ng lolo nila. "Sean, samahan mo ang pinsan mo sa kuwadra." "Okay." Sagot niya. "By the way, hijo, dumating na rin nga pala yung mga paborito ninyong kabayo kani-kanina lang." Imporma nito sa kanila. "But you can't ride them yet since they must be tired, Princess. Same goes for you, Sean." "I know." "Sige na, puntahan na ninyo ang mga kabayo ninyo." Kaagad nga silang pumunta ni Hazel sa horse stable na high tech since para makapasok sa loob ay kailangan ng passcode na tanging silang magpipinsan at lolo saka ilang authorized persons lang ang nakakaalam. Nadatnan nila roon ang mga tauhan nila sa rancho na siyang nagdala rito sa mga kabayo nila na inaasikaso ang mga kabayo pati na ang official veterinarian ng kanilang rancho para siguraduhing ayos lang ang lagay ng mga kabayo. "Good afternoon, Sir Sean." Bati sa kanya ng mapansin ang presensya niya ng isa sa mga ito kaya lahat ng mga ito ay nakatingin na sa kanila at binati siya habang curiosity naman ang tingin ng mga ito kay Hazel. "Kamusta, Sean? It's been a year since we last see each other." It's Dr. Luigi Ledesma, the official veterinarian of their ranch in the south. "Bibisitahin ninyo mo ba si Scion?" "That and for her." Itinuro niya ang pinsan niyang nagniningning ang mga mata habang ginagala ang tingin sa mga kabayong nasa kani-kanilang stall. "Everyone, I want you to meet Hazel, one of the two Nuevareal princesses." "Hello po sa inyo." Bati ni Hazel sa mga ito na may pagkaway pa. "Hazel, this is Dr. Luigi Ledesma, the official veterinarian of our ranch." Saka ipinakilala rin niya ang ibang naroroon. "Nice meeting all of you po." "Nice meeting you too, Miss Hazel." Nakangiting ani Doc Luigi. "So, ibig sabihin ay sa'yo ang dalawang mare na nasa ika-walo at ika-siyam na stall na bagong dating lang rito." Masayang tinanguan lang ito ni Hazel. "Can I see them now?" "Sure. Go ahead and sabi ni Señor ay ikaw daw ang magpapangalan sa kanila pero ingat ka lang medyo mailap pa ang dalawang iyon since kararating pa lang nila rito." Mabilis na tumakbo si Hazel sa 8th and 9th stall na magkatapat kung saan naroroon ang isang grey at isang white na kabayo. Unang hinahawakan nito ang grey bago yung white, kinausap nito ang dalawa at nagpakilala. Mukha namang maamo ang mga ito kay Hazel na tuwang-tuwa habang hinahaplos ang ulo ng parehong kabayo. "Now that's surprising." Komento ni Doc. "Medyo nahirapan kaming tingnan ang lagay nila kanina dahil medyo agitated sila. Sabi ni Julius ay may moody attitude daw talaga kasi ang dalawang iyan lalo na yung white kahit noong nandoon pa ang mga ito sa horse ranch sa Europe na kinukunan natin ng mga thoroughbred para sa horse breeding natin pero ang mga iyan daw kasi ang gusto ni Señor noong pumunta roon para pumili ng bibilhin at hindi daw problema kung may attitude ang dalawa since may attitude din ang espesyal na tao na magmamay-ari sa kanila." Napangiti siya. "Attitude, huh? A Nuevareal attitude, I guess." Doc Luigi smiled. "I guess so." "So, princess, what would you name them?" Istorbo niya sa moment nito kasama ang dalawang kabayo. "Yes." Masiglang sabi nito. "The grey one is Selene and the white one is Crescent." "Noted, Miss Hazel." Nakangiting komento ni Doc. "Saka si Selene ang ipapadala ko po sa inyo sa rancho next week since I think between her and Crescent ay hindi siya ganoon kahirap i-handle." Anito. "Good point, Miss Hazel." ***** All Rights Reserved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD