WATT 6

3925 Words
Chapter 6 "HOY Hazel, pakipaliwanag kung ano yung nangyari kahapon?" Bungad kay Hazel ng isa sa babaeng katrabaho niya. "Sabi nina Dani at Jessie ay ikaw ang tanungin namin." Talagang inabangan siya ng mga babaeng katrabaho niya maliban sa tatlo niyang kaibigan, ang pagpasok niya sa loob ng cafe kahit na mamaya pang hapon ang shift ng ilan sa mga ito habang nasa may counter naman ang mga lalaki kasama yung dalawa at mukhang hindi pa nadating si Cheska. "Tell us, boyfriend mo ba ang isa kina Dustin at Sean Nuevareal?" Usisa pa ng isa. "Ang swerte mo naman!" Komento pa ng isa. "Anong feeling na isang Nuevareal ang boyfriend mo?" "Siguro para kang prinsesa, 'no?" "Oo at siguradong spoiled ka sa yaman naman ng jowa mo." Grabe namang mag-assume ang mga ito, ni hindi pa nga niya sinasagot ang isa sa mga tanong ng mga ito. Tiningnan niya yung dalawang kaibigan niya para humingi ng saklolo pero nginisian lang siya ng mga ito. "Kapag sinaktan o niloko ka ng boyfriend mong ubod ng yaman ay sabihin mo sa akin at ako mismo ang mag-a-assasinate sa kanya." Suhestyon ni Winna. Morbid lang ang peg nito. Malalim talaga ang pinanggagalingan ng hugot nitong si Winna. "Mag-relax nga kayo, hindi pa nga niya sinasabi kung boyfriend nga niya talaga ang isa sa mga Nuevareal." Saway ni Jecca sa mga ito saka bumaling sa kanya na nakataas ang isang kilay. "So, boyfriend mo nga ba ang isa sa mga Nuevareal?" Nginitian niya ang mga ito. "Hindi, wala pa akong boyfriend." "Eh?" Gulat na reaksyon ng mga ito. "So, friends mo lang sila?" Si Jecca. Napakamot siya sa pisngi niya sa pag-aalangan kung sasagutin ang tanong ng mga ito. "Ahm...it's more than that actually." "Ano nga?!" Pangungulit nito. Napabuntung-hininga siya. "They're like my older brothers and th—" "Hazel..." Napatitig ang mga ito sa pagpasok ng isa sa mga pinakaguwapong nilalang ng diyos na nagkataong pinsan niya. "Kuya Xander..." Ito kasi ang naghatid sa kanya ngayong araw. "What's going on?" Nasa mukha nito ang pagtataka kung bakit nandito sila sa entrance ng cafe. "Is there a problem?" Nginitian niya ito. "Nothing, Kuya." Inakbayan siya nito at bahagyang nakangiting hinarap ang mga katrabaho niya na mga nakatunganga pa rin sa pinsan niya. "Thank you for taking care of our baby sister." "K-K-Kapatid po ninyo si Hazel?" Nauutal na tanong ni Jecca. "She's actually our youngest cousin but we also treat her as our baby sister." Sagot ng pinsan niya. Halos iisa lang ang reaksyon ng mga ito sa sobrang pagkagulat sa natuklasan at tila mas natulala pa. "Ang sinasabi ninyo po ay isang Nuevareal si Hazel?" Tanong ni Winna. "Yeah, she is." Sagot ni Kuya. "She's one of the two long lost Nuevareal princess. Is that it?" Tanong naman ni Jecca. "Yes, we just recently found her." "This is unbelievable!" "Grabe! Tatlong heiress pala ang katrabaho natin dito." "Uy, baka meron pa diyan ang anak-mayaman? Umamin na! Ayaw ko nang ma-shookt!" "Oo nga!" "Tigilan na nga ninyo iyan. Back to work, mamaya ay baka may pumasok ng customer." Malakas na sabi ni Kuya Oliver, ang branch manager ng cafe. Nagsipulasan naman kaagad ang mga ito kaya nakahinga siya ng maluwag. "Kuya, I'll change into my uniform." Paalam niya. "Okay, hindi na kita hihintayin. Bibili lang ako then I'll go ahead since I have an early meeting. In a bit, Seth and Karl would be here to watch over you and if you have some unexpected plans later, inform one of us." Dinampian siya nito ng halik sa noo saka nito tinungo ang counter habang sa locker room naman nila siya dumiretso pero nag-time-in muna siya sa may labas ng locker room. Hindi naman siya nagtagal sa pagbibihis at kaagad na nakalabas, sa may counter siya dumiretso kung saan naroroon pa rin yung dalawa. Inirapan niya ang mga ito na ngising-ngisi. "Hindi ninyo man lang ako sinaklolohan." "As if naman kailangan mo." Natatawang ani Jessie. "Si Cheska nga pala?" Usisa niya. "Anong oras na? Malapit nang mag-8 am." "Ewan ko doon sa bruhang iyon." Si Jessie. "Hindi nagre-reply sa mga text ko at hindi rin naka-online na bihirang mangyari since naka-postpaid ang phone niyon, hindi rin sinasagot ang tawag ko." Nakangusong ani Dani. "Ano kayang na—" Bigla na lang pumasok si Cheska sa cafe na hinihingal at parang sumali sa marathon sa sobrang pawisan. Uusisain sana nila ito kaya lang sumenyas ito na mamaya na lang saka dumiretso papunta sa locker room nila. "I really thought I was going to be late." Bulaslas ni Cheska ng lumapit sa kanila. "Ano bang nangyari sa'yo?" Usisa ni Jessie. "Hindi ka naman sumasagot sa tawag at nagre-reply." Napairap ito, mukhang may sumira sa umaga nito. "I left my phone and wallet at home, hindi ko kasi alam na wala pala sa bag eh nagmamadali ako kasi late na ako nagising tapos ay may nakabangga kami na isang antipatikang bruhang babae na naka-sports car, nag-beating the red light ba naman sa intersection tapos siya pa yung galit na galit kay Manong Leo at ang yabang-yabang pa na anak daw siya ni Senator Gordino, as in hysterical siya blurting what if she was hurt or injured and how expensive is her car that she even said that cliche lines of people looking down on others." "Iyon ba yung, 'hindi mo ba alam na mas mahal pa ito sa buhay mo, ha?'. Yung mga ganoong linyahan?" Natatawang ani Dani. "Pang-teleserye naman." "Sinabi mo pa." Inis na ani Cheska. "It was her fault why would we pay for the damages when it's supposed to be the other way around. What if, kami ni Manong yung nasaktan at naka-injury sa pagiging reckless niya? Sabi ko kay Manong Leo bago ako tumakbo rito ay siya dapat ang mag-demand ng payment para sa damages ng SUV at ang bilis pa ng takbo niya, gosh! Muntik nang maalog yung utak ko at medyo nahilo ako sa impact ng banggaan nauntog kasi ako sa salamin ng bintana ng SUV sa right side sa unahan kasi siya bumangga eh sa right side pa naman ako umuupo buti na lang hindi mismong sa side ko siya bumangga tapos yuping-yupi yung side ng kotse namin at yung unahan ng sasakyan niya buti na lang walang nasaktan nang malubha bukod sa bukol ko siguro." Biglang bumakas ang pag-aalala sa mukha nilang tatlo para rito, akala naman nila ay mahina lang yung banggaan na kinasangkutan nito at napalapit na rin sa kanila ang mga nakarinig sa kuwento nito since konti pa lang ang dumating nila customer na mukhang na-curious rin sa narinig kaya napapatingin sa direksyon nila. "s**t, Cheska! What are you even doing here?" Worried na ani Jessie. "Dapat magpatingin ka muna sa ospital." "Tama si Jessie." Si Kuya Oliver na mukhang nag-aalala rin. "Dapat magpatingin ka muna baka mamaya kung ano pang mangyari sa'yo." "Ayos lang ako, Kuya. Don't worry, medyo masakit lang naman yung ulo ko saka saglit lang naman akong nahilo kanina." Ani Cheska. "Mas maganda pa ring ma-checkup ka at ma-MRI." Singit ni Kuya Gary. "Just to be sure." "I'll take you to the nearest hospital, Cheska." Nag-aalala ring ani Jecca. "Dala ko naman ang kotse ko." Lahat sila ay sumang-ayon sa suggestion ni Jecca kaya walang nagawa si Cheska kung hindi ang magpadala sa ospital, sinamahan din ang mga ito ni Kuya Oliver. Bago umalis ang mga ito ay tinanong niya kung saang parte naaksidente ang mga ito na hindi naman kalayuan sa cafe saka niya tinawagan sina Seth at Karl para puntahan at tulungan si Manong Leo. *** IBINALITA kay Lee ng isa sa mga agents na tinalaga niya para magbantay kay Hazel sa malayo na hindi pumunta sa Hevn cafe sina Seth at Karl, imbis ay dumiretso lang ang dalang sasakyan ng mga ito na ipinagtaka niya, kaya sinabihan niya na mag-close-in ang dalawa sa mga ito hangga't wala ang dalawa at kaagad na tinawagan si Karl. "Sir Lee?" Sagot nito. "Bakit hindi kayo pumunta sa cafe?" Nakakunot-noong tanong niya. "Inutusan po kami ni Miss Hazel na puntahan 'yung driver ni Miss Cheska dahil may nakabanggaan sa intersection ilang kanto mula sa cafe, maimpluwensya daw po kasi yung sangkot at baka mabaliktad ang nangyari." "Who's this person?" "One of Senator Gordino's daughters but we still don't know which one." "Where are you now?" "On our way to the precinct near Nueva City Mall." Napabuntung-hininga siya. "Turn around and go to the cafe." "But, Sir..." "I'll take care of it so do as I say." After ending the call, he grabbed his coat and told his secretary to cancel his meetings for the entire morning. He needs to take care of the situation for Hazel, he knows that his cousin wanted to help her friend who got in an accident. Nang papasok na siya sa presinto ay may nagmamadaling dalagang naka-maong pants at t-shirt ang bumangga sa balikat niya mula sa likuran, humingi naman ito ng paumanhin pero mabilis rin itong tumalilis papasok sa loob ng presinto. Maganda ito, balingkinitan at tipikal na pilipina ang complexion nito na sa tingin niya ay nasa 5 feet and 3 inches ang height nito bukod pa doon ay may kakaibang dating ito kaya hindi niya mapigilang humanga dito ng sobra, kung hindi lang mahalaga ang pakay niya rito ay baka sinundan niya ito. Isa pa, hindi ito ang huling beses na makikita niya ito dahil sisiguraduhin niya na makikita pa niya ulit ito at magkakakilala na sila nito. "Officer, I'm here for the Hamilton's driver." Saad niya sa police officer na nasa information desk. "Nandoon po sila sa opisina, Sir. Hysterical pa rin kasi yung anak ni Senator Gordino." Naiiling na sagot nito. "Kawawa nga yung si Manong, kanina pa sinisigawan noong babae baka mamaya ay dumudugo na ang tenga niyon." Tinanguan niya ito. "Salamat." Nang mapatingin siya sa entrance ng presinto ay siyang pagpasok ng mag-asawang Gordino at ang panganay na anak ng mga ito. Napailing siya sa dami ng mga bodyguards na nakapalibot sa mga ito at napansin din niya ang pagdating ng mga reporters at journalists mula sa iba't ibang TV networks, radio stations, online news sites at newspapers pero hindi hinayaan ng ilan sa mga pulis at ilan sa bodyguards ni Senator na makapasok sa loob ng presinto ang mga ito. "Sir, ano po bang nangyari?" Usisa pa niya doon sa kausap niya kanina. "Nag-beating the red light kasi yung sports car si Miss Gordino at may kabilisan ang takbo niya kaya hindi kaagad nakapreno ito kaya nasalpok yung SUV ng mga Hamilton na patawid din ng intersection, ayon sa statement ng driver ng mga Hamilton na bukod sa kanya ay sakay din ang nag-iisang anak ni Mr. Francis Hamilton doon sa SUV at nauntog daw iyon sa salamin ng bintana ng sasakyan nila pero nagmamadali daw umalis dahil mala-late sa trabaho pero ayon naman kay Miss Gordino ay wala daw itong nakitang ibang tao sa loob ng SUV at tanging ang driver lang tapos kanina lang ay  pinagbigay-alam ng mga Hamilton na kasalukuyang naka-confine sa isang ospital ang anak ng mga ito dahil sa mild concussion dinala roon ng katrabaho at manager ng pinagtatrabahuhan nito." Imporma nito. "How is she?" "Hindi naman daw seryoso pero galit na galit pa rin yung mag-asawa dahil binabaliktad pa ang nangyari." "Nandyan na rin yung mag-asawang Hamilton?" "Oo pati yung panganay na anak ni Manong." "Salamat ulit." Pasasalamat niya saka tinungo ang direksyon na tinahak ng mga Gordino. Malayo pa lang ay nakakarinig na siya ng isang sigaw na kahit yata sa labas ng presinto ay naririnig iyon, nanggagaling iyon sa isang opisina na medyo nakaawang ang pinto at may apat na naka-barong na lalaki ang nakabantay roon. "Sir, bawal pumasok sa loob." Pigil sa kanya ng isa sa mga ito. Tiningnan niya ng matalim ang mga ito. "I'm the Hamilton's lawyer." Nginisian siya ng mga ito. "Nasa loob na ang abogado ng mga Hamilton kanina pa kaya hindi uubra sa akin iyan. Reporter ka 'no?" He took his wallet from the back pocket of his wool pants and show them his identification. "I'm Atty. Aleandro Nuevareal, a friend of the Hamiltons." Hindi na niya hinintay na magsalita pa ang mga ito at tahimik na pumasok na hindi man lang siya napansin ng mga naroroon. Isinara na rin niya ang pinto bago pinag-aralan ang mga taong naroroon sa loob at napakunot-noo siya ng mapansing walang police officer sa loob para mamagitan sa mga ito pero napangisi din siya ng makita roon ang dalagang bumangga sa kanya roon, katabi nito ang isang matandang lalaki na siguro ay nasa early 50s na naka-polo shirt na blue, mukhang ito ang anak na driver ng mga Hamilton. It looks like luck is on his side, hindi na siya mahihirapang ipahanap ito isa sa mga tauhan niya para alamin kung sino ito. "I want that old man behind bars, what if something bad happened to me?!" Maarteng sigaw ng babae na kinulang sa tela ang suot na dress, maganda nga pero hindi naman disenteng tingnan. "I could have been injured and see I have a bruise on my legs and a wound on my forehead but looked at him, he's unscathed. It means I'm not the one who is at fault here." "My daughter is in the hospital right now due to a mild concussion because of the collision and you're telling me that it's still our driver's fault?" Galit na saad ni Mrs. Hamilton. "Hija, nakalimutan mo bang ikaw ang nag-beating the red light at sumalpok sa SUV na sinasakyan ng anak ko." "I didn't even see anyone inside the SUV besides this old man baka you're making up some stories to incriminate me here." Pabalang na sagot nito. "What?!" Violent reaction naman ni Mrs. Gordino. "That's absurd! You're twi—" "How dare you accuse me of making up stories?!" Gulat na bulaslas ni Mrs. Hamilton. "At that time when the collision happened, my daughter is on her way to her part-time job at a cafe in that area." "Part-time job? Why would your daughter work when she's a heiress." Nakangising ani ng panganay na anak na lalaki ng mga Gordino. "There's your loophole to your lies." "Teka! Sumosobra na kayo, ah!" Sigaw na noong magandang dalaga. "Oo, anak-mayaman si Cheska pero hindi siya isang spoiled brat na puro pagsa-shopping at paglalakwatsa lang ang alam. Gusto niyang matutong kumita sa sarili niyang sikap at hindi yung umaasa lang siya sa parents niya kaya huwag ninyong gawing dahilan iyon para malusutan niyang kapatid mo ang ginawa niya." Napangisi siya. So, this beautiful maiden is feisty, he can't help but to admire her more. Beautiful inside-out, for sure his grandpa would approved of her if ever he introduced her to the family someday. Tiningnan ito ng matalim noong babaeng masyadong maikli ang suot. "Who are you? Bakit ka ba nakikisali sa usapan, ha?" "Anak lang naman ako ng lalaking gusto mong ipakulong." Matapang na sagot nito. Ito pala ang tinutukoy ng kausap niyang police officer na anak ni Manong Leo. Tinaasan ito ng kilay. "I don't care so will you shut up." "Why don't you shut up." Balik rito noong magandang dilag na ikinangiti niya. "You've ranting nonstop eversince I got here." "Can't we just settle this?" Ani Senator Gordino. "No, Dad! Not until that old man is behind bars!" Sigaw pa rin ng babae. "Mom! Do something!" Nakakarindi na ang boses nito, ah. "Hon, we must file a case against that man who put our daughter's life in danger." Ani Mrs. Gordino. "We can't just settle this with a mere talk." Binalingan ni Senator ang grupo ng mga Hamilton. "We're sorry for what happened to your daughter, Mr. Hamilton but it's just a mild concussion and we can only settle this matter if you let us file a case against your driver for putting both our daughters lives in danger. If he's only aware of his surroundings then maybe this accident didn't happened." What?! He can't believe this kind of people. This is preposterous! "And if you do us this favor, I could also do something in favor of your business but if you oppose us and make everything harder then maybe it won't be good for your business." "Are you threatening us, Senator?" Kunot-noong ani Mr. Hamilton. "No. Don't see it that way, it's just a warning of what might happened. You see I have a lot of connections both political and business so if I were you I'd be on my good side than be on my bad side." Nakangising ani Senator. "Sir Francis, please po, huwag ninyong hayaan na makulong ang tatay ko." Naiiyak na pakiusap noong magandang dilag. "Wala naman siyang kasalanan." "I know, Alliana. Don't worry, okay?" Ani Mr. Hamilton bago binalingan ang mga Gordino. "Senator, I believe it's not only you who has connections. My family won't be where we are right now if we bowed down to people like you, your daughter is the one who should be in jail and not Leo since it was really her fault, if she would just accept that and take responsibility of her actions then maybe we wouldn't be here." "Daddy!" Hysterical na ani ng anak ni Senator. "I don't want to go to jail!" Tiningnan ng matalim ni Senator si Mr. Hamilton. "You'll reg—" "Just try doing that, Senator and you'll be the first one to crumbles down with nothing." Sabad na niya. "I can bare you in just a few clicks and in just a matter of seconds." Nasa kanya na ngayon ang atensyon ng mga ito at tila kinikilala siya kung sino siya, akala pa naman niya ay sobrang sikat siya at ang kanyang mga pinsan since malimit na laman sila ng mga magazine lalo na ng mga business at entertainment o gossip magazines. "Who dares to threaten me?!" Sigaw ni Senator. "I do." Seryosong sagot niya habang papalapit sa kinaroroonan ng mga ito. Sobrang talim na tingin ang ibinigay sa kanya ng mag-asawang Gordino at ng anak nitong lalaki habang nang-aakit na ngiti naman ang ibinigay sa kanya ng babaeng anak nito. Ang side naman ng mga Hamilton ay pagtataka at curiosity kung sino siya ang mababakas sa mga mukha nila especially doon sa magandang dilag. "Who are you?! Bakit ka nakikisawsaw sa usapan namin?!" Singhal sa kanya ni Mrs. Gordino. "Just call me, 'Atty. Lee'." "Oh my ghad! I saw you in a magazine, you're Lee Nuevareal." Nanlalaki ang mata at parang nakakita ng artistang bulaslas ng babaeng anak ng mga Gordino. Mukhang girls lang ang mga nakakakilala sa kanya but he guess that not all women since this beautiful maiden have no hint of recognizing him, maybe she's not into stuffs that other girls fussed about. "Are you sure, Risha?" Kunot-noong ani Mrs. Gordino. "Certainly, Mom. He's featured in a business magazine that my friend owns, it has his picture there in his suit and tie." Sagot nito saka bumaling sa kanya at inilahad ang kamay. "Hi, I'm Risha Gordino." Hindi niya tinanggap ang kamay nito at ibinaling ang tingin sa mga Hamilton lalo na doon sa magandang dilag. "Good morning po. I'm Lee Nuevareal, I'm here to help you." "What?!" Sigaw noong Risha. "Why would a Nuevareal help them?" Komento ng panganay na anak ng mag-asawang Domingo. "I know that Hamiltons and Nuevareals has no connection whatsoever, business or personal since Nuevareals are associated with the Daltons, the Hamiltons' business competitor." "It's true that we don't have any connections whatsoever but it wasn't because they're associated with the Daltons, we never got a chance to be introduced or meet any of them in any circumstances, not until now since we rarely see a Nuevareal even in social events same goes to the Daltons." Pahayag ni Mr. Hamilton sa anak ng senador. "Besides, business is business, a competition must not be taken personally but professionally, Mr. Gordino. That's what I'm implementing in my business." It looks like Hazel really choose her friends wisely, even her friend's parents are commendable to the core for having such a principle. No wonder they have raised a daughter like Cheska, honestly, he ran a background check on Hazel's friends to know them and their families. "Actually, we have a connection now. That's why I'm here." Seryosong aniya. "This is a very simple case that you're only making complicated, it's the Hamiltons' choice if they'll settle this or they'll file a case against your daughter for reckless driving resulting to minor physical injuries and they could even file a case to your whole family for threatening them." Kitang-kita niya kung papaano namutla ang mga Gordino lalo na yung Risha sa sinabi niya na siya naman talagang mangyayari depende sa pipiliin ng mga Hamilton. "So what's your decision?" Baling niya sa mga ito. "Leo, what do you think?" Baling naman ni Mr. Hamilton sa driver ng mga ito. "Kung ano po ang desisyon ninyo, Sir. Ayos lang naman ho ako, si Ma'am Cheska po ang mas nasaktan sa nangyari." Sagot naman ni Manong Leo. "Let's just settle this, Senator." Ani Mr. Hamilton. "We won't file a case against your daughter but you mustn't also file a nonsense case to our driver since nobody was badly hurt. Regarding the cars, I think both parties are capable of paying for the repairs of their own cars so no need for asking for the damages caused." Napatikhim ang senador. "Then, we have an agreement." Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang police officer na halos kaedad niya. "It's already settled?" Nanlaki ang mata ng pulis ng makita siya at biglang sumaludo sa kanya. "Sir Lee! Anong ginagawa mo rito?" "Backup ng mga Hamilton, Domingo." Sagot niya. Nagkibit-balikat lang ito. "Kung na-areglo na po at wala nang sasampahan ng kaso ay wala na pong problema, maliban sa kailangan po naming kumpiskahin ang lisensya ninyo at ticketan ka, Miss Gordino since may traffic violations ka na beating the red light, overspeeding at driving under the influence of alcohol." "What?!" Sigaw nitong si Risha. Napangiwi ang police officer. "Miss, lisensya at multa lang. Pasalamat ka at hindi ka kinasuhan ng nadisgrasya mo kaya hindi ka makukulong saka mababawi mo naman ito sa munisipyo na nga lang." "Can't we just—" "Senator, kung ayaw po ninyong makasuhan ng bribery to a personnel in uniform ay huwag na ninyong ituloy pa yang sasabihin mo." Babala ni Domingo. "That's all about it." Naunang umalis ang mga Gordino na tila natalo sa lotto kasunod ng mga ito ang mga bodyguards saka yung mga reporters, ano 'yun kahit saan pumunta si Senator Gordino ay may kasunod na reporters? Ngayon lang yata siya nakakita ng ganitong politiko. "Pasensya na po, Ma'am, Sir. Hindi ko man lang na sigurado na ayos lang ang anak ninyo." Hingi ni Manong Leo ng tawad sa mag-asawa nang palabas na sila ng presinto. "Late na kasi kanina si Ma'am Cheska sa trabaho kaya nagmamadaling umalis kanina at hindi ko man lang napigilan." Nginitian ng mag-asawang Hamilton ang matanda. "It's not your fault, Leo. Besides, we know how Cheska values her work at the cafe that she doesn't want to be late." "Salamat po talaga na hindi ninyo pinabayaan si tatay, Sir Francis, Ma'am Chelsea." Ani noong magandang dilag. "Wala iyon, hija. Parang pamilya na namin kayo kaya hinding-hindi namin kayo papabayaan." Ani Mrs. Hamilton. "Thank you for helping, Atty. Nuevareal." Baling sa kanya ni Mr. Hamilton. "Maraming salamat din po, Attorney." Ani naman noong magandang dilag. "Pero ano bang dahilan mo para tulungan kami?" "I'm also curious about that, Atty. Nuevareal." Ani Mrs. Hamilton. Bahagyang nginitian niya ang mga ito. "Your daughter is Hazel's friend and colleague at the cafe, she's very worried about what happened." "Kaanu-ano po ninyo si Miss Hazel, Attorney?" Usisa ni Manong Leo. "Girlfriend mo?" Tanong noong magandang dilag, saglit niyang nakita ang panghihinayang sa mukha at mga mata nito. Natatawang umiling siya. "Hazel is my cousin and like a little sister to me or rather to all 7 of us, since she's the youngest and only girl in the family." "Hindi naman nakakapagtaka na sobrang ganda ni Miss Hazel, sadya pala talagang maganda ang lahi ninyo, Attorney." Puri sa kanya ni Manong Leo. "Chinito lang kayo at may pagka-amerikana si Miss Hazel." "It's actually British po, Manong Leo." Aniya sa tumingin sa wristwatch niya. "I need to go. May meeting pa po kasi ako." Tinanguan lang siya ng mag-asawa at ni Manong. "Thank you ulit, Attorney." Pasasalamat ng magandang dilag. "It's nothing, I'm happy that I could help." "For your cousin?" "Yeah and for myself, too." ***** All Rights Reserved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD