Chapter 5
"HOY, anong ginagawa mo sa kaibigan namin?!" Sigaw ni Jessie ng makita kung anong ginagawa ng Dustin Nuevareal na iyon sa kaibigan nila na nagsisigaw na kaya napatakbo silang tatlo sa kinauupuan ng mga ito at hinila si Hazel palayo sa lalaking iyon, napakagulo ng buhok nito na tila nakipagsabunutan. "Ayos ka lang ba, Hazel?"
Nakakapagtaka nga dahil hindi man lang ito tinulungan ng mga katrabaho nila, porke ba isang Nuevareal ang nambubully kay Hazel ay pinabayaan na ng mga ito. Aba naman!
"Yeah... It's not what you th—"
Hindi na niya pinakinggan ang sasabihin nito dahil talagang nagpupuyos siya sa galit sa lalaking babaero na ito. Anong karapatan nitong saktan ang kaibigan niya? Tingnan ninyo nga ang hitsura ni Hazel, mukhang sinabunutan ng ilang unggoy.
Hinarap niya ang mokong. "Ano bang problema mo, ha?! Ganyan ba talaga kayong mga lalaki kayo kung hindi ninyo binabastos o niloloko ay pinagbubuhatan ninyo kaming mga babae ng kamay since in your opinion ay mas malakas kayo sa amin physically?! Gusto mo tuhurin kita sa pinagmamalaki mo at suntukin kita sa solar plexus mo nang maintindihan mo na may kahinaan din naman kayong mga gago kayo."
"M-Miss Jessie, nagkakamali ka. H-Hindi iyon, ganoon...s-saka—" Nauutal na sabi nito habang tumatayo.
"Teka nga, baka naman kaibigan ka ng Tyler Saavedra na iyon kaya gumaganti ka sa kaibigan namin sa ginawa niya sa bastos mong kaibigan?!"
"They're childhood friends." Sabad naman noong isang Nuevareal prince na kasama nito na prenteng nakaupo pa rin habang nagbabasa na tila walang nangyayaring kaguluhan.
"Sean!" Mabilis na saway nito sa pinsan saka muling bumaling sa kanya na tila kabadong-kabado. "N-Noon iyon, Miss Jessie. H-Hindi na kami magkaibigan ngayon ng gagong iyon. If you're thinking I was hurting her, you're wrong. Kung sinasaktan ko si Hazel ay pinigilan ako ni Sean."
"Jessie, hindi kasi ganoon iyon." Pumagitna si Hazel sa kanila ng Dustin na ito. "We were just playing around, I was teasing him kaya ginulo niya ang buhok ko. Kaya kalma ka lang."
"So, magkakilala kayo?" Singit ni Cheska.
Bigla yatang kinabahan ng bongga si Hazel saka tiningnan salitan yung dalawang Nuevareal bago tumingin sa kanila. "K-Kind of."
"Jowa mo ba ang isa sa kanila?!" Nanlalaki ang mga mata na impit na sigaw ni Dani na mukhang excited na excited.
Biglang tumawa si Hazel at yung babaero habang pailing-iling lang yung Sean habang nakangiti.
Waaaaaaah! Ang guwapo nito lalo kapag nakangiti! Ito yata ang pinakaguwapo sa mga Nuevareal prince.
"Actually, hindi joke yung tanong ko." Nagtataka na sabi ni Dani. "Seryoso ako doon."
"Wala akong jowa sa kanila o sa iba pang Nuevareal prince." Sagot rito ni Hazel. "That would be i****t, my relationship with them is not like the kind of relationship you're thinking. It's purely platonic without any hint of romance."
"You mean like siblings?" Tinanguan lang ni Hazel ang tanong ni Cheska. "Pero paano nangyari iyon? Hindi ba sa bahay-ampunan ka lumaki? Paano mo sila nakilala?"
Napatingin si Hazel sa dalawang prinsipe na parang humihingi ng tulong. "Just tell them, Hazel. I think you can trust them."
Tumingin na sa kanila si Hazel na tila kinakabahan. "May sasabihin ako pero pwede huwag dito?"
"Saan naman?" Tanong niya.
"Somewhere private."
Hinila sila ni Hazel palabas ng cafe patungo sa isang magarang kotse yung pang-sobrang yaman talaga.
"Kay Kuya Dustin na kayo sumabay, Jessie at Cheska." Saad nito sa kanila bago tinungo ang isa pang magarang kotse kasama yung Sean at si Dani. "Kuya, ingat sa pagdidrive."
Napansin niya na nagulat ang babaerong ito sa sinabi ni Hazel na gusto pa sanang kumontra kaya lang ay nginisian at kinindatan ito ni Hazel kaya nakangiting napailing na lang ito.
"Pasaan ba tayo?" Usisa noong babaero.
"Home, kuya."
"Okay, princess."
Pinagbuksan sila noong babaero ng pinto ng kotse nito, inunahan siya ni Cheska sa backseat at talagang nilock pa kaya wala siyang choice kung hindi ang umupo sa unahan katabi noong babaero.
Wala silang imikan habang nasa daanan, busy kasi si Cheska sa cellphone nito kaya wala siyang makausap at ayaw naman niyang makausap yung babaerong nagdi-drive kaya itinuon na lang niya ang tingin sa mga dinadaanan nila.
"Woah... Helena Heights? Dito nakatira si Hazel? Hindi ba dito rin kayo nakatira since pag-aari ninyo ito." Komento ni Cheska nang papasok sila sa isang magara at eleganteng subdivision, gate pa lang ay halatang mayayaman ang mga nakatira.
Alam niya yung Helena Heights since sobrang yayaman ang nakatira doon pero hindi niya alam kung saang parte iyon since hindi niya nadadaanan iyon kapag pauwi siya at hindi pa siya nagagawi sa parteng ito ng lungsod.
"We're living under the same roof." Sagot noong babaero.
"Nako-curious na talaga ako kung ano talaga ang relasyon ninyo kay Hazel." Ani Cheska.
Napatawa yung babaero. "Si Hazel ang dapat magsabi sa inyo."
Sobrang lalaki ng mga mansyon ang nadaanan nila at ang gagara pa, halos kasing laki iyon ng bahay ng tatay niya pero napansin niya na napakadaming puno at halaman dito hindi tulad ng ibang subdivision na alam niya na mabibilang ang makikitang mga puno at halaman.
Hile-hilera ang mga puno sa gitna ng mismong kalsada at sidewalk bukod pa sa mga nakatanim sa loob ng bakuran ng bawat bahay dito, siguradong sobrang sariwa ang hangin dito at maaliwalas ang paligid.
"Ang daming puno, parang wala tayo sa city." Komento ko.
"Isang environmentalist kasi ang grandma namin kaya she sees to it na maraming puno at halaman ang bawat subdivision at village na dinedevelop ng kompanya namin saka ni-require din na dapat may hindi baba sa tatlong puno ang bawat bahay." Kuwento noong babaero.
"Wow naman. Nakakabilib." Komento ni Cheska.
Nanlaki ang mga mata niya ng mapansin na ang tinutumbok nila ay yung nasa may pinakadulo at siya yatang pinakamalaki sa lahat. It's like a modern palace from Europe na apat ang palapag, automatic na bumukas ang napakataas na gate nang malapit na sila. Bago pa makarating sa mismong palasyo ay isang kilometro o baka lagpas pa nga yata ang dinaanan nila.
Nang nasa tapat na sila ng palasyo ay may mga men in black na pinagbuksan sila ng pinto ng kotse at ibinigay sa isa sa mga ito noong babaero ang susi ng kotse saka sila iginiya papasok ng palasyo at sinalubong naman sila ng isang lalaki na naka-vest at pants na royal blue na yumuko kay babaero.
"Nakarating na ba sina Hazel at Sean?" Tanong noong babaero sa lalaki.
"Hindi pa po, Sir Dustin."
Napakunot-noo ito. "Anong nangyari sa mga iyon? Samantalang nasa unahan lang namin sila kanina."
Bigla ngang nawala yung sinasakyan nina Hazel at hindi man lang nila namalayan kung saan pumunta.
"I'll just text them." Ani Cheska na abala na naman sa cellphone nito.
"Pakidalhan kami ng meryenda sa itaas, Luke." Binalingan kami ng babaero. "Is there anything you want, girls."
Nginitian ito ni Cheska habang inirapan lang niya ito. "Anything would do."
Bumaling ulit ito sa lalaki. "Kung ano na lang na inihanda sa kitchen pero pakisabi kina Eunice na igawa si Hazel ng paborito nitong milk tea and please inform Hazel that we're just at the second floor when they got home."
Iginiya na sila nito patungo sa eleganteng hagdan patungo sa 2nd floor ng palasyo. Para talagang isang palasyo ng isang royal blood ang bahay ng mga Nuevareal, sobrang elegante at halatang mamahalin lahat ng kagamitan mula sa mga furnitures hanggang sa mga simpleng dekorasyon.
"Just feel at home, girls." Sabi noong babaero.
"Maid ninyo ba si Hazel dito?" Usisa ni Cheska.
Napatawa yung babaero. "No. Bakit mo naman naisip iyon?"
"Wala na akong maisip na ibang dahilan para magkasama kayo sa iisang bahay." Biglang nagliwanag ang mukha ni Cheska. "Baka naman inampon ninyo si Hazel."
"Close but not quite."
Habang abala ang dalawa sa pag-uusap ay tiningnan niya isa-isa ang mga paintings at photos na naroroon, na siyang dekorasyon ng halos buong ikalawang palapag at halos parang mga family portraits, yung pinakamalaki ay yung kumpleto yata ang buong Nuevareal pero mga bata pa ang henerasyon ngayon, alam ng lahat kung ano ang nangyaring trahedya sa pamilya nila kaya imposibleng magkaroon ng portrait na malalaki na ang henerasyon ngayon ng mga Nuevareal kasama ang mga magulang ng mga ito. Ngunit isang portrait ang nakakuha ng atensyon niya, it's composed of three. A man and woman with a 5 months old baby girl but what really caught her attention is yung hitsura noong babae, kamukha ito ni Hazel pero iba lang ang kulay ng mga mata.
"That's my parents." Bigla niyang nilingon ang nagsalita.
Dumating na pala sina Hazel kasunod nito si Sean at Dani saka napansin niya yung isang babae na naka-uniform ng halos katulad noong lalaking sumalubong sa kanila kanina, female version nga lang na naka-skirt, dala-dala nito ang bag ni Hazel at patungo sa isa pang hagdan, lumapit si Hazel kasama sina Cheska at Dani sa kinakatayuan niya sa harap ng mismong portrait.
"Woah... Kamukhang-kamukha mo yung babae, Hazel." Komento ni Dani.
"They're your parents?" Nagtatakang usisa niya.
Tumango ito. "Ako yung baby diyan."
"Oh my gosh! You're saying you're a Nuevareal?!" Sigaw ni Cheska.
Tumango si Hazel saka umupo kaya pati silang tatlo ay umupo na rin, dumating na rin ang pa-meryenda sa kanila na juice at carbonara with chocolate cake na nasa center table. Napansin din niya na wala na rin doon yung dalawang prinsipe at silang apat na lang ang nandodoon.
"I'm the only girl in our generation and the youngest among the cousins. Nawala ako noong nangyari yung trahedya na ikinamatay ng lola at mga magulang namin, itinakas kasi ako noong yaya ko mula doon sa ambush at dinala sa dating lugar na kinatitirikan ng ampunan kung saan ako lumaki pero kasawiang-palad pati yung yaya ko ay namatay din ng araw na iyon kaya walang may alam kung saan niya ako dinala but just a month ago ay kinuha na ako ni lolo sa ampunan na saktong katatapos lang ng akala kong 18th birthday ko at saktong kailangan ko nang umalis roon." Kuwento ni Hazel.
"Pero bakit nagtrabaho ka pa rin sa cafe?" Usisa ni Dani.
"Nagtatrabaho na ako sa cafe bago ko pa nalaman ang tungkol sa pagiging isang Nuevareal ko then, noong malaman ko ay naisip ko na wala naman kailangang magbago saka gusto kong kumita ng pera sa sarili kong paraan tulad ni Cheska at kaya hindi ko masabi na isa akong Nuevareal ay dahil kapag sinabi ko ay malalaman ni Miss Hevn na underage pa ako at ayoko namang huminto sa pagtatrabaho." Ani pa ni Hazel.
"Underage? 17 ka pa lang?"
Tumango si Hazel. "Sa October pa ang tunay na birthday ko. Inassume kasi sa ampunan na 1 year old na ako noong dumating ako doon kahit na months pa lang talaga."
"Hala s'ya." Reaksyon ni Dani.
"Girls, sorry talaga kung hindi ko sinabi agad." Hingi nito ng tawad sa kanila.
"So, hindi totoo na dahil sa scholarship mo sa Vardent kaya ka may pera at bagong cellphone?" Usisa ni Cheska.
"Yung sa cellphone ang hindi galing sa scholarship ko pero totoo yung reward money na natanggap ko, ganoon talaga kalaki iyon at malaki rin talaga ang monthly allowance na nasa 200K." Halata sa boses nito ang kaba. "Girls, sorry talaga."
"So, kaya pumupunta ang mga prinsipe na iyon sa cafe ay dahil sa'yo?" Tanong ni Dani.
"Oo, madalas kasi ay sinusundo ako ng isa sa kanila doon kaya natambay muna sa cafe kapag hindi pa tapos ang shift ko. May pagka-overprotective kasi ang mga kuya ko, kung hindi sila ay ang mga bodyguards ko ang naghahatid-sundo sa akin. Katulad noong nagmall tayo, kaya hindi ako makasabay sa inyo ay dahil may sundo ako." Kuwento nito.
Hinampas niya ang braso nito. "Bruha ka!"
"Aray ko naman, Jessie." Reklamo nito.
Tiningnan niya ito ng matalim. "Dapat lang iyan sa'yo!"
"Tama!" Sabay na sabi nina Dani at Cheska na matalim ang tingin sa kaibigan nila.
"Kung ganoon matatanggal ka na sa scholarship?" Ani Dani.
"Bakit naman? Aba, muntik na kayang malusaw ang utak ko sa exam na iyon tapos matatanggal ako, unfair iyon. Saka Hazel Morales pa rin naman ang gagamitin kong pangalan since iyon ang naka-enroll." Nakangusong reklamo ni Hazel. "Pero pwede ko kayong bigyan ng scholarship doon, ano gusto ninyo sa Vardent?"
"Ayoko nga!" Sigaw nilang dalawa ni Dani.
"Marami daw bully doon kaya doon na lang ako sa Felestine University, 'no!" Aniya pero may mas mabigat pa siyang dahilan kaya ayaw niyang pumasok doon ngunit sinubukan niya kung makakapasa siya sa scholarship exam gawa noong malaking monthly allowance at buti na lang talaga hindi, okay na siya doon sa Felestine at least doon walang g**o at may monthly allowance rin naman doon na nasa 50K ata. "Kaya mag-iingat ka doon, Hazel."
Biglang ngumisi si Cheska. "Ikaw na lang kaya ang lumipat, Hazel."
Hazel pouted again. "Para namang pwede pa. Naka-enroll na kaya ako at saka doon kasi nag-aaral sina Kuya Sean ay Kuya Dustin, saka sayang talaga yung scholarship ko doon."
"Sa yaman ninyo, nanghihinayang ka pa talaga."
"Oo naman! Sariling sikap at hirap ko kaya iyon kaya isa iyon sa malaking achievement na nagawa ko ng ako lang."
"Sabagay."
"Pero okay lang ba talaga na doon ka pumasok, Hazel? Marami doon ay fangirls ni Tyler Saavedra since doon iyon nag-aaral." Ani Cheska na ikinasamid ni Hazel.
"D-Doon napasok ang bastos na iyon?!" Sigaw nito.
Napangiwi si Cheska. "Hindi ko ba nasabi sa'yo? Sorry, so sa Vardent nga rin nag-aaral iyon and actually, kaklase siya ng pinsan ko at saka nga pala ng Kuya Dustin mo."
"Weeeh?!" Gulat na gulat na sigaw ni Hazel. "Magkakilala sila?!"
"Hindi lang basta magkakilala, balita ko ay dati din silang matalik na magkaibigan since matalik ding magkaibigan ang lolo ninyo at ang lolo ni Tyler." Kuwento pa ni Cheska. "Hindi ba nabanggit nga kanina ng Kuya Sean mo ang tungkol doon."
Napangiwi na nagkamot ng pisngi si Hazel. "I wasn't paying attention to such details since I want to calm Jessie down and explain."
"Kaya siguradong magkakasalubong pa rin ang landas ninyo ni Tyler Saavedra, whether you like it or not."
"Argh! Ang malas ko naman!" Tapos biglang nanlaki ang mga mata nito. "May pinsan o kapatid bang lalaki ang Tyler na iyon?"
"Wala. Siya ang nag-iisang lalaki sa henerasyon nila at puro babae na." Sagot ni Cheska.
"s**t. s**t. s**t. Bnmzxcvbash..." Pabulong na yung huling mga sinabi nito kaya hindi na nilang tatlo naintindihan kaya nagtatakang tiningnan nila ito.
"Anong sabi mo, Hazel?"
Nginitian sila nito. "Wala 'yon, huwag n'yo na lang intindihin iyon."
"Since ang nag-iisang lalaki lang siya sa pamilya nila ay siya ang inaasahan ng lolo niya na mag-manage ng business empire nila at lalo na ang ipagpatuloy ang lahi nila, ang tsismis pa nga noon na balak ipagkasundo siya sa nag-iisang apo ng matalik na kaibigan ng lolo niya at kasama ang lolo mo sa mga matatalik na kaibigan ng lolo ni Tyler hanggang sa ngayon." Kuwento pa ni Cheska.
"Hindi ka rin tsismosa 'no, Cheska?" Sarkastikong sabi niya rito.
Nginisian siya nito. "Hindi naman masyado, makuwento lang kasi talaga ang pinsan ko."
"Paano na ako ngayon? Ayoko na talagang makatagpo ang bastos na iyon." Nakangusong ani Hazel.
"Kung mag-disguise ka kayang nerd na nerd para hindi ka makilala." Suggestion ni Dani. "Uso iyon sa mga kuwento sa wattpad."
"Ayoko nga." Tanggi ni Hazel. "Ano 'yon, may dalawa akong pagkatao? Mahirap iyon, 'no. Saka bakit ako ang magtatago, eh siya yung malaki ang kasalanan sa akin?!"
"Eh, anong gagawin mo?"
"Wala. Malaki naman ang Vardent kaya imposible naman na magkita kami doon saka tungkol naman doon sa mga fangirls niya, kaya ko naman sila saka hindi ako papaapekto sa mga sasabihin nila hangga't hindi nila ako sinasaktan." Ani Hazel.
"Basta talaga kapag may nanakit sa'yo ay sabihin mo agad sa amin, reresbakan namin." Ani Dani.
"Oo na." Napangiti si Hazel.
"S'ya nga pala, saan kayo galing bigla na lang kayong naglaho sa unahan namin kanina?" Usisa niya.
"Ah, bigla kasing akong naihi kaya naghanap ang Kuya ni Hazel ng restaurant." Sagot ni Dani. "Hindi na namin kayo itinext dahil mabilis lang naman."
"Uy, baka nakakalimutan ninyo. Hindi ba tutulungan ninyo akong gumawa ng sss account? Simulan na natin." Ani Hazel.
"Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan." Tumabi sina Cheska at Dani sa tabi ni Hazel na inilabas ang cellphone nito.
Habang siya naman ay inabala ang sarili sa pagkain ng carbonara, natatawa na lang siya doon sa tatlo na kung anu-ano ang pinaggagagawa at yung dalawa ay kinikilig pa.
"I hope, hindi ka galit sa pinsan ko." Napatingin siya sa tumabi sa kanya.
It's Dustin Nuevareal.
Kinunotan niya ito ng noo at binigyan ng matalim na tingin. "Napakabait ng pinsan mo kaya napakahirap magalit sa kanya at isa pa, tinuring kaagad niya kaming kaibigan kahit na bago pa lang niya kaming kakilala."
"Alam mo kasi, mula ng mamatay ang mga magulang namin ay hindi na lang kami magpipinsan kundi magkakapatid at si Hazel ang nag-iisang kapatid naming babae kaya ayaw naming sumama ang loob niya kahit na isang buwan pa lang namin siyang nakakasama." Kuwento nito.
"Ang swerte ninyo at kapatid ninyo ang isang katulad niya." Aniya.
"Tama ka doon. Maswerte din naman siya na kaibigan niya kayo."
"It actually has its perks." Natatawang sabi niya. "Sa day-off namin ay ime-make over daw kami, hindi ko naman matanggihan."
"Just let her basta huwag lang aabusuhin." Babala nito.
"Don't worry, hindi talaga. Napagsabihan na nga namin sila ni Cheska tungkol sa pagbibigay ng mga mamahaling gamit sa amin ni Dani noong nagmall kami dahil mapilit sila ibili kami ng cellphone at laptop." Kuwento niya. "Tinanggap namin pero sabi namin huli na iyon."
"Yieh..." Napatingin sila doon sa tatlo na nakatingin na sa kanila at may panunuksong tingin saka ngiti. "Nagkaka-develop-an na sila..."
Inirapan niya ang mga ito. "Tumigil nga kayo! Tapusin ninyo na lang iyang ginagawa ninyo."
"Tapos na po kaya i-accept mo na."
Kaagad niyang kinuha ang cellphone niya at nagbukas ng kanyang account saka in-accept ang friend request ni Hazel. Nakakatuwa dahil yung groufie nilang apat yung cover photo ni Hazel, yung binigay na pangalan sa kanya sa ampunan ang ginamit nitong pangalan pero may nakalagay na HVDN na nakalagay sa parenthesis sa gilid niyon.
Bumaling siya kay Hazel. "Anong ibig sabihin ng HVDN?"
"Hazel Vanica Dalton-Nuevareal, that's my real name." Sagot ni Hazel.
Napatango na lang siya pero nagulat siya ng may dalawa pang bagong friend request na galing kay Dustin at Sean, kaagad niyang in-accept yung kay Sean pero nagdadalawang isip siya.
"Oh, bakit hindi mo pa in-accept yung friend request ko?" Reklamo ni Dustin na nakasilip na pala sa cellphone niya.
Inilayo niya sa paningin nito ang cellphone niya. "Hindi mo ba alam ang salitang privacy?"
"Kasi naman, bakit hindi mo pa in-accept yung friend request ko? Samantalang yung kay Sean ay in-accept mo agad." Childish na sabi nito.
"Pakialam mo ba? It's my decision kung ia-accept ko o hindi." Mataray na sabi niya.
"I-accept mo na lang kasi." Anito.
"Oo na." In-accept na niya para wala na itong masabi pa. "Oh, masaya ka na?!"
Ngumisi ito ng sobrang nakakaloko. "Yap."
"Isip-bata." Pabulong na komento niya.
Hindi niya akalain na may makulit na side ang isang Dustin Nuevareal. She never imagined that one day she would be acquainted with the Nuevareals and much more to be friends with the one and only Nuevareal princess.
Ilang oras pa silang tumambay nina Dani at Cheska sa bahay este palasyo pala ng mga Nuevareal bago sila nagdesisyong umuwi na at nagsisimula nang kumalat ang dilim sa paligid, inihatid sila nina Dustin at Hazel.
"Alam ninyo kanina ko pa napapansin yung mga black SUV na sumusunod sa atin." Saad ni Dani. "Mula pa sa cafe."
"Mga bodyguards namin ni Hazel iyong nasa Audi pero yung nasa Mercedes Benz ay hindi ko a—"
"It's mine, actually." Sabad ni Cheska kaya naputol yung sinasabi ni Dustin. "Si Manong Leo iyon, driver ko. Nagpasundo kasi ako dahil nga gabi na kaya sabi ko naman kasi sa inyo kanina na ibaba ninyo na lang ako sa labasan ng subdivision dahil naghihintay siya roon."
"Hindi mo naman kasi nilinaw." Reklamo ni Hazel.
Napangunot-noo si Dustin. "Ano bang buong pangalan mo, Cheska?"
Napangiwi si Cheska. "It's Francheska Anne Torres-Hamilton."
"Eh, napakayaman din naman ng pamilya ninyo, Cheska." Komento ni Dani. "Kayo kaya ang may-ari pinakamalaking clothing company dito sa Pilipinas."
"Kapantay ko lang kaya yung pamilya ng tatay ni Jessie." Komento ni Cheska.
Tiningnan niya ng matalim si Cheska kaya nag-peace sign ito sa kanya, silang tatlo kasi ang magkakatabi sa backseat.
"Sino bang tat—"
"Girls, next time sa mga bahay ninyo naman tayo tumambay." Biglang sabi ni Hazel kaya hindi na naituloy ni Dustin ang pagtatanong, buti na lang dahil ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol doon. "Hindi ba mas ayos iyon?"
"Masaya iyon." Ani Dani. "Gustong-gusto nga kayong makilala ng parents ko at ng mga kapatid ko."
"Agree din ako doon." Ani Cheska.
"Ayos lang din sa akin." Aniya.
Una naming hinatid si Cheska, isang malaking mansyon ang bahay ng mga ito sa isang exclusive village pero walang-wala pa rin sa palasyo nina Hazel. Sunod na inihatid ay si Dani, sa iisang subdivision lang sila nakatira nito na magkaibang phase lang. Two-storey ang bahay ng mga ito, yung tipikal na bahay na nasa middle class pero halatang medyo luma na.
Sa pagkakaalam kasi nila ay isang highschool teacher ang mommy nito habang civil engineer ang daddy nito sa isang construction company, hindi naman masasabing mahirap sila pero hindi rin naman masasabing mayaman pero kumpara sa kanila ay mas nakakaangat ang pamilya ni Dani.
"Doon sa green na gate." Turo niya ng makita ang gate ng bahay nila.
Two-storey rin ang bahay nila, bahay ito ng mga magulang ng mommy niya na ipinamana rito ng mamatay ang mga ito since nag-iisang anak lang ang kanyang ina. Isang accountant naman ang mommy niya sa isang kompanya mula ng ipagpalit sila ng kanyang ama buti na lang talaga at may degree ito saka may license bilang CPA kaya nakahanap ito ng magandang trabaho na siyang bumuhay sa kanilang apat pero minsan ay nagkukulang pa rin.
"Guys, thank you sa paghatid." Aniya.
"Wala iyon, Jessie." Nakangiting ani Hazel.
"Ingat kayo sa pag-uwi." Binalingan niya si Dustin. "Hoy, isip batang babaero, magdahan-dahan ka sa pagmamaneho."
"Ouch, Jessie. Iyon pala ang tingin mo sa akin..." Reklamo nito na may kasama pang paghawak sa dibdib nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Malamang. Iyon ka naman talaga, eh. Sige na, umuwi na kayo baka ma-traffic pa kayo."
"Bye."
Kumaway siya sa papaalis na kotse ng mga ito at siya namang dating ng isang tricycle na lulan ang kanyang ina.
"Oh, anak, kararating mo lang?" Usisa nito.
Dinampian niya ito ng halik sa pisngi. "Tumambay lang kami sandali ng mga naging kaibigan ko sa cafe sa bahay ng isa pa naming kaibigan, mommy."
Iginaya na siya nito papasok ng bahay nila, nadatnan nila ang kambal niyang kapatid na lalaki na nanonood ng TV.
"Oh, Jerson, Jerwin, nagluto na ba kayo ng hapunan?" Tanong ni mommy sa mga ito habang tinabihan naman niya ang mga ito sa sofa.
"Yes, mommy." Sagot ni Jerwin, ang naka-eyeglasses sa kambal. "Yung daing na bangus saka ginisang petsay."
Then, naalala niya na pinagbalot nga pala sila ni Hazel ng ulam since hindi sila nahikayat na doon maghapunan. "S'ya nga pala. Pinagbalot kami ni Hazel ng ulam."
Hinalungkat niya sa bag niya yung mga malalaking container at inilagay sa lamesa nila na kaagad namang binuksan ni Jerson.
"Wow, ate. Ang dami naman nito." Anito.
"Maghain ka lang ng konti tapos ilagay mo sa ref yung iba para may ulam kayo bukas." Aniya rito. "Bihis lang ako."
"Bilisan mo anak para makakain na tayo." Ani ng mommy niya.
"Yes, mommy."
*****
All Rights Reserved.