WATT 4

4012 Words
Chapter 4 "Kuya, what are we going to do about this video?" Poker-faced na usisa ni Kuya Ford sa pinakapanganay nilang Kuya. Napanood kasi nilang magpipinsan ang viral video sa social media ng biglang halikan ni Saavedra ang prinsesa nila hanggang sa paliguan ito ni Hazel ng milk tea at sa confrontation ng dalawa na nangyari sa mall ng pamilya nila noong isang araw lang, kaya nag-uusap-usap sila ngayon sa opisina ng Kuya Xander nila kung anong gagawin nila o may gagawin ba sila. "Saka palalampasin pa ba natin ito?" Seryosong sabi naman ni Kuya Calvin. "Hindi pwede, kuya! Binastos niya si Hazel!" Galit na sigaw naman ni Kuya Dustin, ang nagbigay-alam sa kanila tungkol sa video since ito lang naman ang pinaka-active sa mga SNS sa kanilang magpipinsan. "Teka! What do you mean by 'pa'? Did you know about this incident?" Hazel's discreet bodyguards both of their MIB and agents from their security agency reported about that incident but they didn't informed his Kuya Dustin about it since he's the most OA among the seven of them about everything especially when it involves Tyler Saavedra, they'll know that he'll do something inappropriate and drastic. "Her bodyguards reported about it a few minutes after it happened." Poker-faced na sagot ni Kuya Xander. "Why didn't you told me? I could ha—" "Exactly the reason why we didn't told you." Nakahalukipkip na saad ni Kuya Lee. "You're too impulsive that you'll make the situation worst, besides, Hazel handled it gracefully so there's nothing to fuss about, she's a Nuevareal after all." "I agree with Kuya Lee." Ani Kuya Ford. Kahit naman kasi magpipinsan lang sila ay magkakapatid na ang turingan nila lalo na noong mawala ang mga magulang nila at dahil nag-iisang babae sa pamilya si Hazel ay talagang hindi nila mapapayagang bastusin at maagrabyado ito ng kahit sino, kahit pa ng isang Saavedra. "Paano kung malaman ni Grandpa ito, kuya?" Seryosong tanong ni Kuya Kelvin. "Hindi simpleng bagay ang may bigla na lang hahalik kay Hazel na isang taong hindi naman niya kilala at hindi niya boyfriend, besides, Hazel is only 17." "Grandpa might have called Lolo Tomas and demand that Tyler must marry our princess then they'll have a feast to celebrate the union of our families since they wanted that eversince." Komento niya habang nasa librong hawak ang tingin. "That's not a nice joke, Sean." Nakakunot-noong ani Kuya Dustin niya sa kanya na sobrang talim ng tingin sa kanya. "Let's face it. Grandpa would be a bit mad but at the same time he's ecstatic with the idea that a Saavedra is the one who kissed his granddaughter." "But still it's not acceptable and annoying that Tyler did that without Hazel's permission." "That's right! They didn't even know each other." "Okay. That's enough." Nakakunot-noong bumaling sa kanya si Kuya Xander. "Sean, make sure to remove those videos and I mean everything. It would be favorable for us if grandpa would know about this but I don't want to further burden Hazel." "Yes, kuya." Maikling sagot niya. "Luckily, Hazel doesn't have any social media account, she won't be able to read those annoying posts from Saavedra's fangirls." Ani Kuya Ford. "She might get depressed over those nonsense." "Pero maganda kung maiiwan yung pinaliguan ni Hazel si Tyler ng milk tea." Natatawang ani Kuya Calvin. "No, that would make Hazel look bad to everyone." Ani Kuya Ford. "Saavedra deserves what princess did but for Hazel's sake, we need to remove everything. That moron have a lot of fangirls, too, Hazel might get bullied." Napabungtung-hininga si Kuya Calvin. "Argh! I want a piece of that moron for doing that to Hazel." "I'm warning all of you, nobody would do anything to that moron, do you understand? As much as I want to mauled that moron, taking drastic actions might cost us a lot." Maawtoridad na pahayag ni Kuya Xander. "Unless, he will do something to harm and hurt Hazel, then that would be the time we'll take action." Nagsitanguan lang silang lahat, kahit gaano pa nila kagustong bugbugin ang Tyler Saavedra na iyon ay hindi pwede dahil malaking eskandalo at g**o kapag ginawa nila iyon. "Sean, fetch Princess today and tell Seth and Karl to go here, I wanted to talk to them." Utos ni Kuya Xander. "The rest of you, go back to your works." "Yes, kuya." Sagot niya. "I'll go with Sean, kuya." Wika ni Kuya Dustin. "Bahala ka but I'm warning you, not a word about this." Nag-convoy sila ng Kuya Dustin niya papunta sa Hevn Cafe, tinawagan na lang nila sina Seth para pumunta na sa opisina ni Kuya Xander since on the way na sila. Pagpasok nila ng cafe ay biglang nagtilian ang mga babaeng customers, hindi na lang niya pinansin ang mga ito habang parang kandidato naman kung makakaway at makabati sa mga babae roon na may kasama pang-kindat ang Kuya Dustin niya kaya palihim siyang napailing. "Told you, Nuevareal princes goes here." "We're lucky we saw 2 of them." "I'll go here na talaga always!" "Haist... They're so handsome." "May mga girlfriend na kaya sila? Sana wala pa para makapag-apply ako." "Me, too." Bago umupo sa bakanteng couch ay hinanap ng kanyang mga mata ang pinsang babae. Nginitian siya nito ng magtagpo ang mga mata nila na ginantihan din niya ng ngiti, kinindatan naman ni Kuya Dustin si Hazel bago umupo. "Good afternoon, sir." Nakangiting tanong ng isa sa mga katrabaho ni Hazel na babae na ang pangalan ay Jessie, ayon sa nameplate nitong suot. "May I take your order?" "Hi, Miss Jessie." Nakangising bati ni Kuya Dustin dito na ikinangiwi niya. "How you've been? Long time no see." "Good to see you rin po, sir." May pagka-sarcastic na saad nito at halatang pilit ang ngiti nito sa Kuya Dustin niya habang genuine naman itong ngumiti sa kanya kaya palihim siyang natatawa, mukhang inis ito sa pinsan niya. "So, may napili na po ba kayo na oorderin ninyo?" "Macchiato, tuna sandwich and nachos for me." Sabi niya habang binabasa pa rin ang hawak niyang libro. "Cappuccino, chicken and ham sandwich, pesto pasta and french fries." Order ni Kuya rito. Inulit nito ng isang beses ang order nila saka tinanong sila kung iyon lang daw ba na tinanguan lang niya habang nakangising umo-oo sabay kindat ang babaero niyang pinsan. "Okay, sir." Palihim na umirap ang kaibigan ni Hazel bago sila tinalikuran. Napailing na lang siya nang mapansing nakasunod ang tingin ng babaero niyang pinsan sa dalagang papalayo. Sana naman huwag nitong pormahan ang dalaga dahil kaibigan ito ng prinsesa nila, siguradong malaking g**o kapag pinaglaruan at niloko lang nito ang dalaga dahil magagalit talaga rito si Hazel. "Kuya, not her. She's a friend of princess." Saway niya rito. Napansin niya ang paglamlam ng ngiti nito. "I know that. Don't worry, I'll try to see her as how I see princess. Ayoko namang magalit si Princess sa akin kapag nasaktan ko ang kaibigan niya." Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "But if you'll take her seriously, I don't see anything wrong if you pursue her." Nagkibit-balikat ito. "It depends." "Depends on what?" Nagtatakang usisa niya. "Depends on my control." His control? Control on what? "Maybe you should start wiping out those videos in the net. The longer we idle here means a lot more work for you." "I don't have my laptop with me, I left it at home." May point naman ito kaya nga nagsisisi siya na hindi niya nadala. "But don't worry, Kuya, I would surely wipe everything out." Biglang sumeryoso ng sobra ang ekspresyon nito. "Don't let Princess know what you are doing." "I'll work on it discreetly, Hazel won't know." Sagot niya. Minsan mang maloko ang iba niyang pinsan ay alam niyang sa mga seryosong sitwasyon tulad nito ay maaasahan niya ang mga ito sa kahit na anong bagay at aspeto. "Sir, here's your order." Nang ihain nito ang mga order nila ay tahimik lang sila. "Enjoy your meal, sir." "Thank you." Nakangiting sabi nito na sinagot lang ng dalaga ng simpleng ngiti bago sila iniwanan. "Si Princess kaya nag-lunch na?" Tumango siya. "Sabi nina Seth." "Mabuti naman." Anito. Hindi na ito umimik at nakamasid lang sa bawat galaw ng kaibigan ni Hazel kaya itinuloy lang ang pagbabasa habang nilalantakan ang nachos, mukhang tinamaan talaga ito this time. May isang oras pa bago ang out ni Hazel kaya susulitin niya ang oras para makapagbasa dahil mamaya ay laptop naman ang kaharap niya buong magdamag. *** "NAIINIS talaga ako sa pagmumukha ng Dustin Nuevareal na iyon!" Pabulong na sigaw ni Jessie na galing sa table ng mga pinsan niya. "May pa-thank you-thank you pa, akala mo naman nakakaguwapo iyon sa kanya. Ka-adwa kaya!" Napatawa silang tatlo sa reaksyon nito, kanina pa ito naiinis sa Kuya Dustin niya mula ng dumating ito kasama ang Kuya Sean niya, may pagkaway at kindat pa kasi sa mga mahaharot na babaeng nagtitilian ang babaerong pinsan niya na akala mo ay isang celebrity—well, he is indeed a celebrity and all the other Nuevareal princes. Alam niyang ang mga ito ang sundo niya ngayon dahil ipinatawag daw ni Kuya Xander sina Seth at Karl, medyo kinabahan siya na baka alam na ng mga pinsan niya ang nangyari sa mall noong isang araw but since hindi naman siya inuusisa ng mga ito ay okay lang sa kanya dahil sobrang nahihiya siya sa nangyari basta huwag lang gagawa ang mga ito ng hindi maganda at ikakapahamak ng mga ito. "Ano namang masama sa pagte-thank you, ha, Jessie?" Natatawang tanong ni Dani. "Nakakatuwa nga iyon, eh." "Kung mula naman sa babaerong hambog na Dustin Nuevareal na iyon ay huwag na lang, 'no! Kainis!" Inis na inis na angal ni Jessie. "Relax. Ano bang kinakainis mo?" Natatawang tanong rito ni Cheska. "Yung ginawa niyang noong dumating siya o yung pagkindat niya sa'yo?" Tiningnan nito ng matalim si Cheska. "Are you implying that I'm jealous because of that playboy jerk?" Kunyari pa ito na naiinis kay Kuya Dustin, iyon pala nagseselos ito kaya sobrang inis na inis. In-denial lang ito pero deep inside ay may gusto ito sa Kuya Dustin niya kahit pa para rito ay ito ang pinakababaero sa pito, well may point naman ito kaya siguro hindi nito matanggap sa sarili na nagkagusto ito sa isang palikero. "Wala naman akong sinabing nagseselos ka, ah." Natatawang depensa ni Cheska sa sarili. "Iyon talaga siguro ang nararamdaman mo kaya naiinis ka?" Napatawa sila sa lalong pagsimangot ni Jessie. "Hindi kaya." "Weh. In denial ka lang, eh." Tukso rito ni Dani. Inirapan ito sa kanila. "No way. Ayoko nga sa babaero." "Baka naman, 'tulak ng bibig, kabig ng dibdib' ka lang at kainin mo iyang sinasabi mo." Tukso naman ni Cheska. "Hay naku! Kahit pa crush ko siya ay hinding-hindi ako papatol sa mga tulad niyang babaero, masasaktan lang ako dahil never magseseryoso ang mga tulad niya, sabi nga nila ang unggoy ay mananatiling unggoy kahit anong pilit niyang maging iba." Ani Jessie. Mukhang may pinaghuhugutan ito sa sinabi. Masyadong malalim, eh. "He might be a jerk but he's not a monkey that can't change what he is." Komento niya. "Why don't you give him a benefit of a doubt. He might be a playboy now but I have a notion that when they fall in love, they're serious and committed of setting his eyes only to the love of his life." "Malabo iyon. Ganyan din ang sinabi ng daddy ko sa mommy ko and look how our family end up, ang dami niyang naging babae but he have one particular woman na hindi niya hinihiwalayan until he settled with that woman and threw us out with nothing, 6 years ago. They even have a twins who are three months younger than me, can you believe that?" Sarkastikong kuwento ni Jessie. "He gave his mistress and illegitimate children everything those bitches wants but he took everything from his legal wife and legitimate children. Nagpapakasarap sila habang kami nina mommy ay naghihirap." Nakatinginan lang silang tatlo rito na hindi alam ang sasabihin sa kaibigan. Hindi niya akalain na ganoon ang kuwento ng buhay ni Jessie, ang sama naman ng tatay ni Jessie para gawin iyon lalo na sa mga anak niya. No wonder, ayaw nitong pumatol sa isang babaero pero sigurado siya na malayong-malayo sa tatay nito ang pinsan niya. "Ano ba ang pangalan ng daddy mo?" Gusto lang niyang malaman. "Harrison Faustine." Sagot ni Jessie. Biglang nanlaki ang mga mata ni Cheska. "Yung CEO ng Fauxt Construction and Designs na asawa daw ng sikat na fashion designer na si Gizelle Faustine?" Tumango si Jessie. "Kapal ng mukhang gamitin ang Faustine samantalang hindi naman sila kasal dahil hanggang ngayon ay kasal pa rin ang Harrison na iyon sa mommy ko, hindi kasi siya makapag-file ng annulment dahil binantaan siya ng grandparents ko na ibibigay sa charity ang parte nito sa kayamanan ng pamilya." "Pero hindi ba kayo tinutulungan ng grandparents mo o kahit sino sa mga Faustine?" Usisa niya. Umiling ito. "Ayaw naman talaga ng grandparents ko kay mommy since galing siya sa hindi mayamang pamilya pero mahalaga sa kanila ang sacramento ng kasal kaya kahit hindi nila gusto ang mommy ko para sa anak nila ay tutol sila na mapawalang-bisa ang kasal nila." "Paano naman nila tratuhin ang pamilya ngayon ng daddy mo?" Si Cheska. Nagkibit-balikat si Jessie. "Ewan ko kung paano nila tratuhin ang bruhang Gizelle na iyon pero alam kong maayos nilang tratuhin ang kambal since kadugo rin naman talaga nila ang mga iyon, hindi man nila gusto ang mommy ko ay mahal na mahal nila kaming tatlo at never naman nilang pinakitaan o pinagsalitaan ng masama ang mommy ko." "Teka kung mahal nila kayong magkakapatid, bakit hindi nila kayo tulungan?" Usisa ulit niya. Nagkibit-balikat ulit si Jessie. "Siguro dahil wala na kami sa poder nila at hiwalay na ang mommy ko at ang anak nila kaya siguro paniniwala nila na wala na silang responsibilidad sa amin. Isa pa, hindi kinailangan ni mommy ng tulong nila, kinaya niya na buhayin kami ng mag-isa kahit hindi ganoon karangya at hindi niya nabibili ang mga gusto namin ay hindi naman kami umabot na wala kaming nakakain, though minsan ay napuputulan kami ng kuryente noong mga unang taon dahil hindi maayos ang trabaho ni mommy na tulad ngayon." "Saan ba nagtratrabaho ngayon ang mommy mo?" Usisa ulit niya. "Finance Manager siya ngayon sa KBN Designs Inc." Medyo nasamid siya ng malaman kung saan nagtratrabaho ang mommy nito, kompanya kasi iyon ng Kuya Kelvin niya. "Kaya ngayon ay nakakaluwag-luwag na kami." Napatango na lang silang tatlo sa sinabi nito. "So, wala talagang chance sa'yo si Dustin Nuevareal?" Gusto kasi niya ito para sa pinsan niyang iyon. "Malay mo naman, he's not like your father. One chance is enough kapag niloko ka niya then game over at ipapa-firing squad natin siya." Napatawa naman yung tatlo sa sinabi niya pero hindi naman joke yung sinabi niya. Makakatikim talaga ang Kuya Dustin niya mula sa kanya kapag sinaktan nito ang kaibigan niya. Mukhang napaisip naman si Jessie sa sinabi niya pero bigla itong umiling ng sunod-sunod. "Tumigil ka nga sa mga ganyan mo, Hazel. Kung magsalita ka para namang may gusto sa akin ang Dustin na iyon, hindi porke't nginitian at kinindatan ay gusto na agad saka sigurado naman ako na marami nang babaeng nginitian at kinindatan ang lalaking iyan." Napatawa siya. "Pero malay mo naman, nagpapalipad na talaga iyan sa'yo." "Malabo. Sa dami ng mga mayaman, maganda at sexy na naging girlfriend niya, bakit naman niya gugustuhin ang katulad ko na mahirap at hindi naman kagandahan." Nakasimangot na saad ni Jessie. "Gusto mo i-make over kita?" Alok niya rito. "Para naman tumaas iyang self-esteem mo." Sa kanya naman napatitig ang mga ito na mukhang manghang-mangha sa sinabi niya. May mali kaya sa sinabi niya para tingnan siya ng mga ito ng ganoon. "Baka naman maubos na yung 500K mo?" Usisa ni Cheska. "Oo nga, kakapasok pa lang kaya ng month of May at medyo matagal pa ang pasukan." Oo nga pala nasabi na niya sa mga ito ang tungkol doon kaya hindi niya maidadahilan ang allowance niya pero may plan B pa naman siya. "Hindi ko pa naman iyon nababawasan saka hindi naman ako magastos." Palusot niya. Napakunot-noo si Jessie. "Kung hindi mo pa iyon nababawasan ay anong ginagastos mo sa araw-araw saka yung pang-upa mo, di ba hindi ka na sa ampunan tumutuloy ngayon." Patay kang Hazel ka! Ang tabil naman kasi ng dila mo, ang bilis madulas. "Ahm...a-ano kasi..." May biglang ideya na pumasok sa isip niya. "M-Medyo may ipon ako sa mga napanaluhan kong mga competition mula elementary until nitong senior high, iyon ang ginagastos ko sa ngayon." That's slightly true since madami siyang napanaluhan but she donated most of it to the orphanage kaya hindi na iyon sa sapat kahit sa pang-down sa apartment. "Competition?" Nginitian niya ang mga ito. "Yes. Suki ako ng iba't ibang klase ng competition, mapa-academic o sports." "Wow! Superhuman ka ba?" "Alien ka nga yata talaga." "And millionaire at 18 because of her own efforts." "Oo nga. Bakit ka pa nagtatrabaho, eh mukhang hindi mo naman kailangan." Ani Dani. Napangiwi siya. "Gusto ko lang na kumita ng sarili ko at ayokong umasa sa scholarship na iyan o sa mga napanaluhan ko, hindi naman iyon pang-habang buhay. I need a stable source of income." "Alam mo, Hazel. Napapansin ko, paganda ka ng paganda at saka parang magkasing-kutis na kayo ni Cheska, yung pang-mayaman." Komento ni Dani. "Pansin ko nga rin." Dagdag ni Jessie. "Tapos lumambot yata ang mga kamay mo." "Whitening lotion at moisturizer lang iyan sa umaga at bago matulog, i-try ninyo saka mag-shower kayo bago matulog sa gabi." Sagot niya. "Masubukan nga." Ani Dani. "Pero hindi nga, Jessie. Payag ka ba na i-make over kita?" Pangungulit niya. Napabuntung-hininga ito. "Okay pero sa day off na natin." "Okay. Sama kayo, Cheska, Dani?" Baling niya doon sa dalawa. "Oo ba." Sabay na sabi ng dalawa. "Then, it's a date." Nakangiting sabi niya, buti na lang at sabay-sabay ang day off nila. "Magpapa-salon, derma at spa tayo." "Type ko iyan." Ani Dani. "Sigurado ka ba talaga, Hazel?" Nag-aalangang sabi ni Jessie. Tiningnan niya ito ng matalim. "Ayan ka na naman, eh. Saka materyal na mga bagay lang naman ang hindi namin pwedeng ibigay sa inyo ni Dani kaya pwede ito, tingnan mo si Dani walang reklamo." "Oo na." Sang-ayon nito. Napangiti siya ng sobrang lawak. "Yes. Wala nang bawian iyan, ha." "Oo na nga." Anito. "Gimik ulit tayo mamaya." Yaya naman ni Dani. "Ahm... I think hindi ako makakasama, medyo traumatic yung huling gimik natin noong isang araw." Aniya. "Speaking of that, alam mo bang viral na ang videos ninyo ni Tyler Saavedra." Pagbibigay-alam ni Cheska. "Napanood ko din iyon saka dumagsa ang bashers mo, Hazel at talagang yung bastos na iyon pa ang kinampihan nila. Kesyo feeling mo naman daw maganda ka at kung anu-ano pa." Komento ni Jessie. "Kung hindi lang masama ay baka pinatulan ko na ang mga baliw na iyon." "Same here. It's so annoying." Dagdag ni Cheska. Napatawa siya. "Okay lang iyon. Hayaan na ninyo, matatapos din ang issue pero buti na lang talaga wala akong social media accounts." Tiningnan na naman siya ng mga ito ngayon naman ay tila isa siyang tao galing sa ibang planeta or rather ibang panahon. "Girl, are you for real?!" "Oo nga, ikaw na lang yata ang nag-iisang tao na walang SNS accounts." "Girls, hayaan ninyo na si Hazel. Buti nga wala siya non, eh." Singit ni Kuya Ben, ito ulit ang barista ngayong araw. "Nakakapang-init kaya ng ulo ang mga nababasa ko doon." "Pinatulan ko nga yung isa." Sabad din ni Ate Alice na galing sa pagbibigay ng order. "Ano yun? Porke't guwapo yung nanghalik o nambastos kahit hindi naman kakilala ay ayos lang, kapag pangit ay s****l assault na, ang unfair naman niyon. Ang bastos kahit ano pang hitsura niya ay bastos pa rin parang yung isa diyan." Napatawa sila dahil ang tinutukoy nito ay si Kuya Froilan na nakikipag-chikahan sa mga babaeng customer nila, parang aso't pusa nga ang dalawang iyan. "Chill lang, Alice. Para ka namang mangangain ng tao, eh." Komento naman ni Kuya Gary. "Hindi ako nangangain pero kaya kong kumatay ng tao." Nagngingitngit na anito. "Pero mabalik tayo doon sa viral videos, pwede mong kasuhan yung bastos na iyon, Hazel pati na rin yung mga nang babash sa'yo, aba! Cyber bullying kaya iyon." "Kahit wala naman akong account?" Usisa niya. "Oo naman. Aba, ikaw naman yung nandoon sa video na babaeng tinutukoy nila." Ani Kuya Ben. "Huwag na. Hayaan na lang natin." Aniya. "Mga wala lang magawa yung mga iyon saka huwag ninyo na ring patulan." "Ang bait mo naman." Ani Kuya Gary bago nito tinungo ang isang customer nila na bagong dating na nasa counter. "Kapag hindi sila tumigil ay papatulan ko pa rin sila." Mataray na ani Ate Alice saka tinungo ang kusina. Bumalik na rin si Kuya Ben sa paggawa ng drinks na order, maging sina Dani at Jessie ay tinungo ang ibang table na inalisan ng mga customer para maglinis. "Gusto mo, gawa tayo ng account mo kahit sss lang para makapag-chat lang tayo. I-private na lang natin." Alok ni Cheska. "Para naman mai-tag ka rin namin sa mga pictures natin." "Sige na nga." Nakangiting sang-ayon niya. "Pero pagkatapos na ng shift natin, stay muna tayo sa cafe. Huwag na lang tayo sa mall, baka mamaya ay mga fangirls pa doon yung mokong na iyon ay sugurin pa ako." "Sabagay." Since hindi pa umaalis ang mga pinsan niya ay hindi rin umaalis ang mga babaeng customers nila. Kaya wala sila gaanong nilinis na table since yung mga lalaki naman ang kumukuha ng orders ulit ng mga ito hanggang sa matapos nga ang shift nilang apat. Nauna siyang matapos magpalit ng t-shirt habang kung anu-ano pa ang ginagawa noong tatlo kaya siya ang naghanap ng mauupuan at sakto namang bakante yung katabi ng kinaroroonan ng mga pinsan niya, palapit na siya roon ng bigla siyang hilahin ng Kuya Dustin niya paupo sa tabi nito ng dumaan siya na ikinasinghap ng lahat, sabay akbay sa balikat niya. Palapit na sana ang mga lalaking katrabaho niya pero sinenyasan niya na huwag at ayos lang siya pero ramdam niya na nasa kanila ang atensyon ng lahat ng naroroon, mapa-customers man o ang mga katrabaho niya. "Kuya, bakit bigla ka na lang nanghihila?" Tanong niya. Nginisian siya nito. "Wala lang." "Sira ka ba? Mamaya ay akalain ng mga katrabaho ko ay binabastos mo ako." Sermon niya rito saka ito siniko sa tiyan ng mahina. Nginisian lang siya nito at pinisil ang ilong niya. "Let's go home?" Sabi ng kuya Sean niya saka nito ibinaba sa lamesa ang librong kanina pa nito binabasa. "Pwede later na lang, kuya. Hangout lang kami ng friends ko dito sa cafe." Aniya. "Gagawa daw kami ng account ko sa sss while hanging out." "But I really need to go home, princess." Ani Kuya Sean. "I have stuffs to do." She pouted when she looked at him. "Please, kuya." "As if I can refuse you." Saka ito bumalik sa pagbabasa. "Don't you think it would be better if you don't have any SNS account to avoid cyber bullies and insecure people?" "Private naman, kuya saka para na rin mai-tag sa akin ng friends ko yung mga pictures namin at s'yempre kayo rin." Sagot niya. "If you say so." Napatawa si Kuya Dustin. "Just enjoy your time with your friends and we'll wait for you." "Kung may importanteng gagawin ka pa, kuya ay pwede namang si Kuya Dustin na lang ang maghintay sa akin." Aniya. "No, I want to wait for you and make sure you're home safely. Nothing is more important than you, princess. Pwede ko namang puntahan yung pupuntahan ko kahit gabi na at kahit bukas pa." Nakangising sabi nito. "Okay, if you say so, kuya." Patayo na sana siya ng pigilan siya ng Kuya Sean niya. "Bakit, kuya?" He sighed. "Introduce Kuya Dustin to your friend Jessie, I think he likes her." Nasamid naman bigla si Kuya Dustin sa sinabi nito na ikinangiti niya, mukhang tama nga ang assumption niya na may gusto ito kay Jessie. "What the heck, Sean?!" Singhal rito ni Kuya Dustin pero hindi ito pinansin. "What? I'm doing you a favor since you seems to be hesitating on asking Hazel about that." Napahagikhik siya. "Don't worry, Kuya Dustin, I'll introduce you to her but not now. Hindi pa kasi nila alam but I'm going to tell them soon." "Why not now?" Anito. "Oo nga, kung sabihin mo na k—" "Yieh... Excited si Kuya Dustin." Umupo ulit siya sa tabi nito at kiniliti sa tagiliran. "Hazel!" Pasaway na sigaw nito sa kanya. "Excited ka lang na makilala si Jessie kaya pinagmamadali mo ako, eh." Pang-aasar niya na ikinatawa ni Kuya Sean. "Hindi kaya." Saka siya nito inakbayan sabay g**o ng buhok niya. "Kaya tumigil ka na, bunso." "Kuya! Not my hair!" Sigaw niya habang tumatawa lang ang Kuya Sean niya. "Kuya Sean, make him stop! Argh!" "Hoy! Anong ginagawa mo sa kaibigan namin?!" Malakas na sigaw iyon papalapit sa kinaroroonan nilang magpipinsan. ***** All Rights Reserved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD