Kabanata 3

3128 Words
"Excited na po ako pumunta sa Bahay nyo papa best friend!" masayang sabi ni Hershey habang nakaupo sa sasakyan. Sa front seat na ako nagpwesto para daw hindi makatulog si Migo kaya pumayag na din ako. "Pag inaway ka ni mama mo pwede ka saamin pumunta ha? sabihan moko kapag nag rap ang mama mo hahaha" halakhak nya at pinag taasan ko lang siya ng kilay. Makulit si Hershey pero Hindi ko kaya na mawalay siya saakin at lumayo loob nya. "Hoy burdagul! Kahit kailan no hindi ko hahayaan maglayas ang anak ko!" pagsisigaw ko sakanya na siyang kinatawa nilang dalawa. talagang mga to oh! kaasar. "Grabe naman sa burdagul ha oo na alam ko naman na masunurin si Hershey at di gagawa ng ikakagalit mo." Kumindat siya saakin. Palusot nanaman to. At mabilis na din kami nakapunta sa paroroonan namin. Malaki din ang bahay ni Migo may swimming pool din at mukhang may nakatira kasalukuyan dito na siyang pinagtataka ko dahil nakabukas ang pinto at may tatlong sasakyan na nakaparada. Familiar saakin ang isang kotse pero baka kapareho lang madami naman kasing gan'tong sasakyan. "Pasok na kayo wag kayo mahiya haha" nakangising sabi niya. Agad naman kaming pumasok ni Hershey sa loob. Nilibot ng mga mata ko ang malaking sala at mga malalaking picture frame. Isang family picture at isang solo picture ni Migo. Napaka gwapo at napaka gandang lahi naman. May pagkakahawig si Migo sa daddy nya. Pareho din na may dimples na parang simpleng ngiti lang ay mahahalata mo na talaga. "Manang Lucing, pahanda po ng miryenda." Nakangiting sabi ni Migo sa mahinhin na medyo may edad na din. May pagka hawig kay Manang Lusya si manang Lucing. O baka namimiss ko lang si manang nagpaalam kasi siya na umuwi muna sa probinsya nila simula nung wala ako sa pilipinas hindi na daw siya komportable sa bahay. At syempre malamang lang sa malamang ay dahil nakakasama nila ang kabit ni David. "Matagal na ba ang bahay nyo na to Mig?" Pagtatanong ko. Dahil kita naman sa desenyo ng bahay ang pagiging matanda nito dahil sa mga gamit. Pero Malaki at kumikinang parin ito sa ganda. "Ah oo, Bahay na namin to dati. Sayang naman kung papabayaan nanamin kaya dito nalang ako tumira. May bahay din ako sa ibang probinsya na pinatayo. Pero sangayon dito nalang muna ako dahil bumalik na yung kapatid ko." nakangiting sabi nya. Napaisip tuloy ako kung ano itsura ng kapatid ni Migo kung kamukha nya din ba na may dimples at cute na maputi. Si Migo kasi ay sakto ang tangkad nya at maputi siya mapungay ang mata at may dimples pa! Kaya takang taka ako dahil hindi pa to mag Asawa o mag girlfriend. "Bumalik? Yung hinahanap mo ba?" excited na tanong ko. Dahil kahit ako mismo ay masayang Masaya dahil matagal na nya itong hinahanap. "Oo, xandra. Kaya nagdesisyon din ako na sumama sayo dito sa pinas dahil tinawagan ako ni Manang Lucing na umuwi na nga siya dito sa bahay." masayang kwento nya. "Ayos yan, gusto ko din siya makilala." kumindat ako at ngumiti. "Papakilala kita sakanya, talagang magkakasundo kayo dahil halos magkapareho lang kayo ng edad." sabi nya. Teka nga diko tuloy alam kung ate nya ba o naka babatang kapatid ang kinukwento nya. 30 na ako ngayon at mag 31 na this year. Wala na nawawala na ako sa calendar! Si Migo naman ay 31 na at mag 32 na next year February. Isang taon lang pagitan namin. Eh yung kapatid nya? "Ilang taon na ba siya?" nalilitong tanong ko. "Ay oo nga pala diko pa pala nasasabi. Dalawa lang kami magkapatid at ako ang panganay. 29 siya mag 30 na this year." nakangiting sabi nya. Magkakasunod sunod lang naman pala kami. Si David naman ay parehong pareho ng edad kay Migo. 31 at mag 32 pero sa January siya isang buwan lang naman ang tanda. Pero utak nya ay? Wtf! Binanggit mo ang patay Xandra! "Diba ang lapit lang masyadong excited ang mommy at daddy sa gabi." tawang tawang sabi nya. Napatawa na lang din ako at uminom ng Grapes Juice na timpla ni manang. Kakaibang Grapes Juice to. Ang sarap! Tumingin tingin ako sa gilid at nahuli ng mata ko si Hershey na nakasawsaw ang paa sa pang batang swimming pool. Dali dali ko siyang nilapitan at susunod na sana si Migo saakin ngunit may tumawag sa cellphone nya kaya kailangan nya muna ito kausapin. Baka kapatid na nya yun. "Hey baby? Hindi ka ba nilalamig?" umupo ako at sinawsaw din ang paa sa tubig. "Hindi po mommy. Ang ganda po ng bahay ni Papa best friend diba po mommy." nakangiting sabi nya. "Sobra! Pero maganda din naman new house natin anak diba?" Nakangusong sabi ko. Maganda naman talaga ang pinagawa ko na Bahay. Pero baka dahil naninibago lang si Hershey dahil hindi naman nito katulad ng sa Ama nya. Naging ama ba talaga? "Syempre naman po mommy. Uhm mommy?" Naging seryoso ang mukha nya na lumingon saakin. "Yes baby? Ano yun?" tanong ko. "May anak na po ba si Papa best friend?" Takang tanong nya na siyang nagpatawa saakin. Asawa nga at girlfriend wala tapos anak pa kaya? wala naman siyang binabanggit saakin. "Ikaw talaga Hershey! Walang asawa o Girlfriend ang papa best friend mo paano mag kakababy?" natatawang tanong ko at tumawa din siya at napakamot sa ulo nya. Habang nagtatawanan kami ay bigla naman nagsalita si Migo sa bandang likuran namin. "Paano ako mag kaka girlfriend yung gusto ko maging asawa hindi pa makalimutan ang nauna nya?" seryosong sabi nya na kinagulat namin. Nagtatakang ekspresyon ang ginawa ni Hershey at tinignan siya ni Migo at nagtaas taas sila ng kilay. "Wala ka naman kinukwento saakin na may nagugustuhan ka ha?" naiinis na sabi ko. Silang dalawa lang ni Hershey ang nagkakaintindihan at nagtataasan ng kilay at patawa tawa pa ang dalawa. "Secret." nakangising sabi ni Migo. "Kailan ka pa natutong manikreto saakin?" Tinaasan ko siya ng kilay at umiling iling na lang siya. Nakakainis na talaga lang aasar at pangtitrip nya! "Bakit mo pala tinatanong kung may baby na ang papa?" Seryosong sabi nya. Tumingin si Hershey sa tabi ng naka paradang sasakyan at may isang stroller na nakatabi. Tinuro ni Hershey yon at pagtataka din ang ekspresyon ng mukha nya. "Ang pag kakaalam ko ay 5 years old na ang anak ng kapatid ko. O baka may bagong baby ulit" Nagulat naman ako dahil may Asawa na nga ang kapatid nya nauna pa sakanya. At dalawa pa ata ito. "Wow papa best friend gusto ko po sila maging friends!" masayang sabi ni Hershey na siyang nagpangiti kay Migo. "Oo naman magiging best friend mo din sila." nakangiting sabi nya. "Girl po ba o boy?" Tanong ni Hershey. "Yung 5 years old girl din sya katulad mo baby." ngumiti si migo at si Hershey. "Pwede ko din siya maging baby sister ako lang din naman mag isa wala akong kapatid kaya gusto ko siya maging baby sister! Pwede po papa?" masayang sabi at pagtatanong nya. "Maganda yan Hershey! Mama mo kasi ayaw pa na magka baby ulit" Halakhak nya at tumawa naman si Hershey. Sakin nanaman napunta ang topic! Aasarin nanaman ako ng mga to. At pano mag kakababy e wala na akong asawa? Ano yun maghihimala ako? "Baliw ka ba! Wala nga asawa bakit magkakababy!" pagtataas ko ng kilay at napangisi siya. "Magka baby sakin." bulong nya at ngumisi siya. Napatigil ako sa sinabi nya. At hindi ko alam kung nabingi lamang ako o Mali ang pagka dinig ko. Nababaliw na ata ang isang to Hindi na alam ang pinagsasabi nya. Alam naman nya ang sitwasyon ko sa buhay at sa past relationship ko. "T-tara na nga umuwi na tayo Hershey." Pag iiba ko ng usapan. Kailangan nanamin umuwi dahil medyo natatagalan na kami dito. At nakakahiya na kay Migo baka gusto na nya magpahinga. "Hatid ko na kayo." Seryosong sabi nya. "Baliw hindi na, tinext ko naman si love na pupunta na dito. At dala nya kotse ko." nakangiting sabi ko at nagtaka naman ako ng makita ko siyang sumimangot. Problema neto? natatawa ako dahil baka tama ang iniisip ko. "Akala ko ba wala kang boyfriend?" seryosong tanong nya. Natawa ako sa reaksyon nya at nagtaas naman siya ng kilay saakin dahil naasar naman sa pagtawa ko. "Kaibigan ko si Love! Bading yun baliw!" natatawang sabi ko. "Okay okay!" nagiwas siya ng tingin at unti unting natatawa. "Pangit mo magselos!" natatawang sabi ko at gulat siyang napatingin sakin. Kahit naman itanggi nya halata naman na nagseselos siya. Pero bakit? dahil may ibang kaibigan siguro ako. "Feeling! Oh ayan na si Love mo" tinuro nya ang sasakyan na pumarada sa harap namin. At nakita ko na nga si Love na excited na bumaba. Mabilis siyang bumaba at niyakap ako at tumili pa ito mahigpit na yakap ang binigay nya saakin at sunod naman Kay Hershey "Omg sissy! True nga hindi ito panaginip nandito na nga kayo ng junakis mo! Laki laki mo na Hershey!" Masayang sabi nya na para bang dipa makapaniwala. Napatingin siya kay Migo at nag beautiful eyes pa ito. Sinaniban nanaman ng kabaklaan ang baklang to. Kita ko ang pagtawa patago ni Migo dahil siguro sa reaction nya kanina at ngayon ay narinig na nya mismo si Love na totoo nga na bakla si Love. Ayan selos pa! "Oo nga pala love, si Migo nga pala." Pagpapakilala ko kay Migo. Tumingin ako kay Migo at ngumiti. "Uhm Migo si Love." natawa nanaman ako at takang taka si Love saamin dahil sabay kami napatawa ni Migo. "May nakakatawa ba sa pangalan ko?" nagtaas ng kilay ang bakla. "Ano ka ba Mama ninang! Si papa best friend kasi Akala nya boyfriend ka ni mommy." Tawang tawang sabi din ni Hershey. Nagtaas ng kilay si Love saamin. "Iw kalerki naman kayo babae pa nga ako kay Xandra no! Duh kakaiba kaya ang beauty ko!" Sabay sabay kaming tumawa at inirapan lang kami ni Love. Kailangan na pala namin umalis dahil mag bobonding pa kami sa Bahay sayang naman ang mga iniluto ko. Dadating daw kasi ang ibang mga kaibigan ko sabi ni Love saakin. Kaya kailangan ko na mag handa sa bahay. "Ay oo nga pala kailangan nanamin umuwi Mig" nakangiting sabi ko. Niyakap ni Hershey si Migo at sumakay na sa kotse si Hershey. "Ingat kayo, pasyal nalang ako kapag okay na lahat dito sa bahay." Nakangiting sabi nya. Sumakay na din ako at kumaway sakanya. Tuluyan na nga kaming nakaalis at bumabyahe pauwi sa Bahay. malapit lang naman at ako na ang nag drive ng kotse ko. Nagrereklamo na kasi ang bakla. Ang daming chinichika ng kaibigan ko at ang dami din chismis na sinabi saakin. Na yung isang Modelo daw na hawak nya ay nabuntis na daw at ang nakabuntis ay ang photographer. "Sayang nga e di naman kagandahan ang gaga agad bumigay kay Alvin!" si Alvin ay ang photographer namin noon. Na type ni love. Baliw na baliw kasi ang bakla Kay Alvin pero si Alvin ako lagi ang binabanggit. Pero Hindi ko siya type at may Asawa pa ako nun. "Buti nalang may Asawa ako nung nag paramdam siya saakin." Natatawang sabi ko. "True yan, kahit ang Asawa mo noon ay makapal ang mukha!" nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang reaction ni Hershey na tahimik lang at nakatingin sa daan na dinadaanan namin. May edad na si Hershey alam ko na naiintindihan na nya. Tinaas ko ang kilay ko at nag sign na iiba namin ang topic dahil naririnig ng anak ko at alam ko na nasasaktan ito. "Ah eh baby Hershey?" Pag uumpisa ni Love na kausapin sya. "Hindi na po ako baby." Seryosong sabi lang ni Hershey. "Baby ka parin namin, dito kana ulit mag school diba?" Pagtatanong ni love "Opo mama ninang." seryoso parin sya. Hindi na muling nagtanong si Love dahil alam nya na nawala na sa mood ang inaanak nya. Agad nakaming bumaba ng sasakyan at pumasok sa Bahay. Pinaayos ko ulit ang mga nailutong pagkain kay Yaya ging dahil paparating na ang mga kaibigan ko. Nagpaalam muna ako Kay Love na magbibihis muna ako dahil kaninang Umaga pa ang suot kong damit. Tumango na lang sya at pumanhik na ako papunta sa kwarto ko. Nagpaalam din si Hershey na magpahinga muna sa kwarto nya dahil pagod daw siya gusto nya muna matulog. Pumayag na ako dahil nga ilang araw na din na puyat at pagod ang anak ko. Kailangan nya magpahinga at alam ko kailangan din ng isip nya iyon. "Oh nandito na pala kayo!" dinig ko na sigaw ni Love galing labas. Kakatapos ko lang kasi ayusin ang simpleng make up ko. Pinaghahandaan ko talaga ito dahil ngayon lang kami magkakasama sama ulit na magkakaibigan limang taon din ang nawala kaya kailangan paghandaan. "Asan na ba ang babaitang yan at mayakap ko na!" rinig ko na sabi ni Andrea. Ewan ko ba kung pasweet ba na pagkakasabi yon o galit nanaman ang gaga hindi na talaga nagbago palagi nalang galit. "Eto na ako! Omg kumpleto na tayo!" Bumaba na ako at nilapitan sila isa isa unang yumakap saakin ay si Andrea at nakipag beso beso pa. "Ang ganda mo ang puti puti mo wala parin pinagbago!" masayang sabi ni andrea at kinindatan ko nalang sya at nginitian. Sunod na niyakap ko ay si Vj grabe naman ang isang to ang laki ng katawan. Dinaig pa ata si eruption e. Napalingon ako sa likod ni Vj at nakita ko ang tahimik na nakahalukipkip na si Max. Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. "Imissyouu max! Kamusta kana? May girlfriend kana ba ha?" nakangiting tanong ko habang yakap siya. Ang pagkakaalam ko ay madami parin ang nagkakagusto Kay Max kaya hindi malabo na nakapag girlfriend na siya sa loob ng limang taon wala naman siyang kinukwento saakin. "Imissyoutoo xandra. Hindi pa ako nag girlfriend." nakangising sabi nya. "Paano mag girlfriend kung gus—" hindi natuloy ang sasabihin ni Love nang biglang nagsalita si max at magyaya na kumain at uminom. Pupuntahan pa sana nila si Hershey pero pinigilan ko nalang muna dahil nagpapahinga pa siya. "Bababa din yun kapag okay na pakiramdam nya. Kayo pa ba e namimiss na kayo ni Hershey!" masayang sabi ko at kumagat ng isang fried chicken. Pagkatapos namin kumain ay dali dali silang nagyaya sa tabi ng swimming pool na merong maliit na parang bar ewan ko ba sa mga kaibigan ko sila lang nakakaintindi ng pinagawa sa Bahay ko. Hindi naman talaga ako mahilig sa alak o party party sadyang napapasama lang talaga ako sa trip nila. Wala na rin choice ayoko naman na maging Kj sakanila lalo na't pag di ako sumasama ay hindi na nila tinutuloy dahil mas okay pa rin daw kung kasama ako. "Cheers!!" Sigaw namin sabay tawanan. Nakaka ilang bote na din kami na nainom nararamdaman ko lang ang pag init ng pisngi ko at maging katawan dahil siguro sa alak na nainom ko. Pero hindi pa ako nahihilo sadyang mainit lang ang pakiramdam ko. Nakita ko si Hershey na papunta sa gawi namin at hawak ang cellphone nya. Hindi ko alam kung may kausap ba siya sa cellphone. Wala naman ibang contact number na nasa cellphone nya. Number ko lang at number ng mga kaibigan ko na ninang at ninong nya. Sana hindi tama ang naiisip ko. "Mommy." Matamlay na tawag nya saakin. Binitawan ko ang baso na hawak ko at nilapitan siya. "Yes baby? Bakit anong problema?" sunod na tanong ko. "Si daddy po." walang reaksyong sabi nya. mas lalong uminit ang nararamdaman ko sa sinabi nya hindi dahil sa alak kung hindi dahil sa galit Kay David. Anong karapatan nya na guluhin pa ang anak ko kung sa loob ng limang Taon ay hindi man lang nya kami hinanap at kinamusta! Kahit si Hershey nalang ang hanapin nya at hindi na ako. Pero hindi nya ginawa! Umasa sa wala ang anak ko. At ang lakas ng loob nya na kausapin nya si Hershey ngayon? Hindi ako makakapayag. Ako ang harapin mo David. "Anong sinabi sayo ni David?" seryosong sabi ko. Kita sa reaksyon ko ang galit kaya pansin ko na natatakot ang anak ko sa reaksyon ko kaya himinga ako ng malalim at tinignan siya ng mabuti. "Anak, sabihin mo kay mommy anong sinabi ng daddy mo." sabi ko sakanya. "Hinahanap nya po tayo. Gusto nya daw po tayong makita at makausap." seryoso lang siya magsalita at kita ko ang pagpatak ng luha nya sa kanyang pisngi. Bumalik nanaman si Hershey sa pagiging iyakin nya tuwing may ipapaliwanag siya. Ibang Iba talaga ang sakit galing Kay David walang katumbas na sakit galing sakanya. Hindi pa ba sya kuntento na wala na kami at naging malaya na siya? Bakit nya parin kami ginugulo! Bakit ngayon mo pa kami hahanapin kung kailan hindi kana namin kayang harapin. Niyakap ko si Hershey ng mahigpit at sinabi sakanya na kahit anong mangyari wag nya susundin ang daddy nya. Wag syang magsisinungaling saakin sa lahat ng sasabihin ng daddy nya. Dahil Kilala ko si David ang anak ko ang gagamitin nya para mapalapit saamin. Para makuha ang loob namin. Pero noon na yon. Hindi ko na hahayaan na magpakadurog sa piling nya. "Manhid kana sa pagiging tanga sis! Kaya mo yan at ipamukha mo sa ex husband mo na hindi ka naging kawalan at kaya mo syang harapin ng walang halong pagmamahal." panenermon ni Love saakin. Tama nga siya kailangan ko ipakita Kay David na hindi ako mahina hindi na ako mahina tuwing haharap ako sakanya. Hindi ako naging kawalan dahil siya. Siya mismo ang hahabol saamin. Siya ang mag mamakaawa at hindi kami. "Basta Xandra pag kailangan mo ng makakausap call mo lang ako." Seryosong sabi ni Max. Tumango nalang ako at ikinaway ang mga kamay papalayo sakanila. Anong oras na din kasi kailangan na daw nila makauwi. Sobrang saya na nang araw na to sinira lang ng isang tawag ni David. kahit kailan talaga. Muli akong napaisip sa tawag ni David kay Hershey. Paano kung bigla siyang dumating dito at makuha nya ang loob ng anak namin. Paano kung maging si Hershey ay iwan na din ako? "Hindi mangyayari yan Xandra!" Bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang luha na tumatakas galing sa mata ko. Hindi ko lubos maisip na sasama ang anak ko kay David na walang ginawa kundi pahirapan at saktan lang kami. Hindi maiiwasan na hindi kami pagtagpuin ng panahon. maliit lang ang mundo maaari nya akong makita at maaari ko siyang makita. At pinapangako ko sa sarili ko na kapag dumating ang panahon o araw na iyon haharap ako sakanya ng walang pag alinlangan at walang luhang papatak sa pisngi ko. Walang masasayang na luha sa taong sinayang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD