Kabanata 2

3127 Words
Napagising ako dahil sa maliit na kamay ang humawak sa pisngi ko at hinahaplos haplos ito. Pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko ang maamong mukha ni kisses at seryosong nakatingin saakin at para bang may iniisip siya na malalim. "Goodmorning mommy." malumanay nyang bati saakin. Nararamdaman ko ang lungkot sa mata nya at bawat salita na lumalabas sa bibig nya. Labis na naapektuhan talaga ang anak ko sa mga nangyayari kahit na hindi ko pa sinasabi sakanya o hindi pa sinasabi ni David sakanya ang ginawa nyang kasalanan ngunit alam ko na nararamdaman na nya ang mga nangyayari saamin. "Goodmorning baby, bakit sad po ang baby ko" nakangusong sabi ko sakanya sabay ng pag upo ko. Binuhat ko siya at dinala sa kama para magkatabi kami. "Si daddy po kasi mommy" naluluha ang mga mata nya ngayon. Hindi kaya sinabi na ni david sakanya ang nangyayari? "What happened baby sabihin mo sakin." pag aalala ko. Nagpunas sya ng luha bago muling magsalita. Ayokong nakikitang nahihirapan ang anak ko hindi ko kaya. "Nakita ko po siya may kausap na Girl at isang baby." pagkukwento niya saakin. isang baby? David ano nanaman ba to sobra na ang pananakit mo saamin ng anak mo itigil mo na to. Naaawa na ako sa anak natin hindi nya deserve to! niyakap ko na lamang si Hershey at hinalikan sa noo. Kaya natin to anak kaya mo at kaya ni mommy to. kaya namin kahit wala ka kung kaya ni david na patagalin ang pagsisinungaling sa anak namin pwes ako hindi ko kaya. Hindi ko kaya na makitang nahihirapan ang anak ko sa kakaisip kung anong nangyayari sa daddy nya. Kung nakatadhana saamin na umalis ay aalis kami. Hindi namin ipipilit ang sarili namin sa lalaking walang ibang ginawa kung hindi magloko at pahirapan kami. napaka walang kwenta mong ama david. "Hershey anak makinig ka kay mommy ha?" sabi ko sakanya at patuloy lang ang luha na pumapatak sa pisngi ko. Dahan dahan nya itong pinunasan. Tumango lamang sya at hinihintay ang bawat sasabihin ko. "Si mommy at daddy ay hindi pwedeng magsama. Hindi na pwedeng maging sweet." pag uuna ko sakanya. "Why mommy? hindi mo na ba love ang daddy?" tanong nya saakin sabay pag luha nya. Mahal na mahal ko siya. Pero kung ako lang ang nagmamahal mas mabuti na putulin na ang pagmamahalan na ako lang ang lumalaban. "Hershey, love ko si daddy mo. Pero kasi anak, hindi ko na pwedeng maging love si daddy kasi si daddy hindi na nya mahal si mommy." halos mapaos ako dahil sa paghahagulgol niyakap akong mahigpit ni kisses at pinunasan nya ang mga luha ko na agos nang agos sa pisngi ko. "Stop crying na mommy, Hershey loves you so much!" nakangusong sabi ni Hershey saakin. Sya lang ang magiging kakampi at karamay ko sa lahat. Kapit kamay kaming mabubuhay ng kaming dalawa lang. kakayanin. "Manang yung mga gamit ni Hershey paki labas na po dito kailangan na po naming umalis." nagmamadaling sabi ko kay manang lusya. Niyakap ako ng mga kaibigan ko. Ang drama ng mga to! "Xandra napaka daya mo naman. Paano ang pagmomodelo mo dito?" malungkot na tanong ni Love saakin. "Wag ka mag alala kaya ni Andrea yan! diba sis?" nagtaas taas akong kilay kay Andrea at nag rolyo lang ng mata si Love saamin. Hanggang ngayon ba naman ay inis na inis parin sa isa't isa ang bruha. Napansin ko na tahimik lang si Max sa likod ni Love. Ang pinaka matampuhin na lalaki sa balat ng lupa! nilapitan ko siya at niyakap. "hays wag kana magtampo saakin ano ka ba ano di ako aalis pero iiyak at magmumukmok la g kami nang anak ko dito?" natatawang tanong ko sakanya. "eh ikaw kasi pabigla bigla ka! mamimiss kita." nahihiyang sabi nya saakin. Umubo ang mga kaibigan ko na para bang may pinapahiwatig "este mamimiss ka namin!" pag sasalita ni max ulit. Sabay sabay kaming nagtawanan. Ang dami ko nanaman mamimiss dito sa pinas! "mag iingat ka anak ha? tawagan mo ako palagi para di ako mag alala sayo. Ako na ang bahala mag kwento sa asawa mo ang pag alis nyo." mahinaong sabi ni manang kusya saakin. Mamimiss ko talaga si manang lalo na ang luto nyang adobo! sakto ang pag alis namin ni Hershey dahil wala ang daddy nya. Malamang ay nasa babae nya. Umaalis na ang pamilya nya at sya naman ay nag eenjoy sa ibang bahay. Hindi kana talaga magbabago. Dumaan ang ilang araw ay nakarating na kami sawakas! Napaka ganda talaga dito sa US. Malayo sa mga taong toxic at malayo sa mga taong hindi karapat dapat sa buhay. MALAYO SAYO DAVID. "Mommy ang lamig" pagrereklamo ni Hershey saakin. Kahit sanay sya sa aircon sa kwarto nya ay iba parin ang lamig dito. Masasanay din tayo anak. "hug ka ni mommy halika!" sabi ko nang naka ngiti at niyakap sya. Pinagpahinga ko muna si Hershey sa kwarto nya at naghanda ako ng kakainin namin mamaya. Alam ko na gutom na gutom na siya pagka gising nya. Habang umiinom ako ng tubig ay biglang nag ring ang cellphone ko at nakita ko na tumatawag si manang lusya saakin. Si manang talaga oh namimiss na nya kami. "Hello po manang andit-" bago ko pa ituloy ang sinasabi ko ay pagsisigaw lamang ang bumulabog saakin. Boses ng isang lalaki. Boses ni david na alam ko na galit na galit ngayon. "Xandra! Pumunta daw kayong US kasama si Hershey?! Xandra sumagot ka! Wag mong sabihing oo dahil makakapatay ako!" galit na galit na sabi nya. Nagsisisigaw lamang sya at nabibingi na ako. Pinatayan ko siya ng cellphone. Hindi ko kayang pakinggan ang boses ng isang manloloko! anong karapatan nya na magalit? ngayon nya pagsisihan ang lahat ngayong wala na kami sakanya. magsisisi nga ba sya? o matutuwa pa dahil malaya na sya? Pinapaayos ko na sa mga kaibigan ko ang mga papel na na gagamitin para sa pag didivorse namin ni David. Yes kakayanin ko ito. Hihiwalay na ako nang tuluyan sakanya. Ayokong kawawaan ang sarili ko at ipagsiksikan sa taong walang pagbabago. "Sinabi na namin sakanya bes pero nagmatigas lang siya ayaw nya pirmahan! nakakalerki naman talaga ang asawa mo. Hindi ba sya masaya na malaya na siya at pwede na umikot ang buhay nya sa iba ibang babae na makakati?" gigil na sabi ni love saakin sa telepono. Natatawa nalang ako sa reaction nya habang nag kukwento saakin. "Hayaan nyo muna baka kailangan na ako na ang kumausap sakanya para mapirmahan na nya. Hindi na ako makapag hintay." Seryosong sabi ko. "ikaw makikipag usap sakanya? seryoso ka ba? baka isang i love you nya lang sayo e umatras kana. Sus wag ako Xandra ang karupukan mo ay nakatatak na sa buong kalulwa mo." rinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya. Hindi na ngayon. Wala na sa bokabularyo ko ang pagiging marupok! "siraulo ka talaga! kahit dumada ka pa dyan hinding hindi na ako babalik sakanya! Itaga mo yan sa bato." Pagmamalaki ko. "hays osya bakla patayin ko na ikamusta mo nalang ako sa inaanak ko dyan. Mag iingat kayo." maligayang sabi nya. Napangiti na lamang ako dahil kahit nasa malayo kami ay nananatili parin ang mga kaibigan ko saakin. Hindi sila nagsasawa na harapin din kung ano ang suliranin ko sa buhay. "Mommy gutom na po ako." Nakangusong sabi ni Hershey saakin. Oo nga pala nagising na si Hershey at kailangan na nya kumain dahil mamaya ay isasama ko sya sa paghahanap ng trabaho. May Inoffer kasi si Max saakin na trabaho. Na mag endorsed ng iba't ibang mga products at hindi ko na pinalagpas pa iyon. Dahil baka kami naman ang mamatay sa gutom ni Hershey dito lalo na at nasa malayo kami. Hindi naman namin makakain ang sakit dito na binigay ni David diba? David ka nanaman! Paalala lang Xandra umuwi ka dito para kalimutan sya. Kalimutan mo na siya. "Hoy bakla ano na ang balak mo dyan kana ba tatandang dalaga?" malakas na boses ang narinig ko Kay Love sa kabilang linya. "Oh ano naman?" Pang aasar ko. Limang taon na pala kami Hershey dito sobrang tagal na rin pala noong mawalay kami kay.... Wala! "Kailan ka ba kasi makakauwi inuubos mo na ang mga buwan at araw sa kalendaryo!" naiinis na sabi ni Love. Hindi mapag kaila na namimiss na nila ako sa pinas. "Hindi mo sinabi saamin na pumirma na pala ang Asawa mong walang isang salita ha" Pumayag na nga siya. Tuluyan na kaming naging malaya sa isa't isa. Para Hindi na masakit para matapos na. Naisip ko na hindi lang para sakin kung hindi para sakanya din. Magiging malaya na siya sa relasyong hindi nya nahanap ang saya. "Pasensya na kayo e na busy ako sa trabaho at Kay Hershey lalo na't dito na siya nag aral kailangan ko talaga siyang alalayan." pagsasalita ko. "Ay oo nga pala kumusta naman work mo dyan?" tanong nya ulit. "Maayos naman. Malaki ang sahod nakapag ipon na din sobra sobra pa aha!" Nakangiting sabi ko. Yes mas gumanda Ang buhay namin dito marami akong nalikom na pera. At dahil na rin sa pag tulong ng kababayan ko na si Migo sya ang nag guide saakin sa mga dapat kong Gawin sa trabaho mataas kasi ang pwesto nya doon kaya nagawa nya akong tulungan at isa pa ay dito na rin siya tumira ang pag kakaalam ko ay 14 years na siyang narito at hindi pa nakauwi ng pilipinas. "Oh anong balak mo Mig?" tanong ko kay Migo. "Hindi ko alam e. Kailan ba uwi nyo ni Hershey sa pinas baka pwede ko kayo samahan pauwi?" tanong nya. Nakakahiya naman kung pati pag uwi ay papasama pa ako diba. sobra sobra na Ang naitulong siya saakin. "Baliw kaya nanamin ni Hershey yon. Baka next week na alis namin pauwing pinas." nakangiting sabi ko. "Next week agad? Wala nang atrasan yan?" gulat nyang tanong. Kailangan na namin makauwi dahil namimiss ko na ang pinas at si Manang lusya at ang mga kaibigan ko. Pero sa sariling Bahay ko dun kami tutuloy. hindi sa Bahay ng ibang TAO. Tao ba talaga? Hinampas ko ang braso nya saka na uli mag salita. "Oo kailangan e. Namimiss ko na ang pilipinas!" sabi ko. At tinaasan nya ako ng kilay "Pilipinas ba talaga ang namimiss o ang taong- " nilagay ko ang daliri ko sa labi nya. Ayan nanaman kasi sya mangaasar nanaman! "Shut up mig! Wag na banggitin ang Patay baka bumangon." Seryosong sabi ko na siyang nagpangiti sakanya. "Okay okay paki tanggal na ang daliri hahalikan ko na yan." pag babanta nya kaya agad kong inalis ang daliri ko baka ano pa gawin neto. kung ano pa naman ang sasabihin ay tyak na gagawin nya talaga. "Basta Xandra sasabay ako umuwi sa pinas ha?" Pag uulit nya. Akala ko nagbibiro lang ang isang to. Sasabay pala talaga siya. "Okay okay. Aminin mo nalang na mamimiss mo kami ni Hershey dito kaya gusto mo ngayon na pati Ikaw ay makauwi!" Pang aasar ko sakanya. "Masama ba? Masama ba?" Paulit ulit nyang tanong. Nakakatuwa talaga tong si Migo sobrang g na g siya kahit anong gawin o sabihin. At ang nakakatuwa pa dito ay sobrang malapit siya kay Hershey at siya ang favorite bestfriend ni Hershey. "Papa best friend! Dito kana po kumain Kasama namin ni mama." Nakangiting sabi ni Hershey na siyang nagpangiti kay Migo. Parang mag ama na ang dalawa inaasar nga ako ng mga kaibigan ko sa pinas na may relasyon daw kami ni Migo. Hindi pa ako iibig muli nakakatakot masaktan ulit. "Sure baby!" nakangiting sabi ni Migo at hinawakan ang pisngi ni Hershey. "Hindi na po ako baby papa best friend 12 years old na po ako. Big Girl na!" pagkukulit ni Hershey. Big Girl na nga ang anak ko. next year ay teenager na siya! Natatakot ako na baka masaktan siya kapag nagmahal na siya ng lalaki. Ayokong maranasan nya ang naranasan ko. Lumapit ako sakanila at inihanda na ang kakainin namin. Nagluto ako ng Fried chicken at fried Rice paborito ng dalawa. "Oh paborito nyo po mga ma'am and sir." Nakangiting sabi ko at nagtawanan naman sila. Palagi nila akong inaasar pero palagi din nila akong pinapasaya. Kaya mas madali na makalimutan ang sakit ng nakaraan dahil sakanila. Sila ang lakas ko. Ngayon ay nakapag impake nakami ng gamit na dadalhin papuntang pilipinas. Mas lalo akong pumuti ngayon siguro ay aasarin nanaman ako ng mga kaibigan ko dahil sa balat ko. Excited na ako umuwi! "Ako na magdadala dyan Xandra." nakangiting sabi ni Migo saakin. Pero tinanggihan ko na nakakahiya naman dahil sobrang dami ng dinadala nya na gamit. Wala na atang balak na umuwi dito sa US tong lalaking to. Sumakay nakami ng eroplano magkakatabi kaming tatlo. Sobrang liit ng Mundo talaga dahil pareho lang kami ni Migo ng Lugar na pupuntahan. At mapapadalas daw ang pagpasyal nya sa bahay ko kung saan ako nagpatayo. Medyo Malaki laki din ang Bahay na pinagawa ko habang nasa US kami. Pero syempre wala parin tatalo sa laki at yaman ni David. David nanaman. Napatulog ako buong byahe hindi ko na namalayan kung nasaan nakami. Si Mig nalang ang nagbabantay saamin at gumigising tuwing may magandang view na nadadaanan. Nakasakay kami ngayon sa Bus. Gagamitin ko na sana ang kotse ko kaso nga lang hindi pa naihatid ni Love sa bahay. Pinagamit ko muna kasi sakanya sayang naman kung hindi magagamit. ilang buwan pa lang naman yon. Yung unang kotse ko kasi binenta ko na para may pang dagdag na gastos papuntang ibang bansa. At Masaya naman ako sa kapalit dahil mas maganda at mahal pa ito. At sa wakas! Nandito nakami sa tapat ng aking bahay sobrang ganda nga tulad ng sabi ni Max saakin. Sya kasi ang nagasikaso nito sobrang laki pala talaga. At may malawak na swimming pool pa. May malaking garden na pwedeng pagtambayan at may space na pwedeng pang inuman. Suggest nanaman ng mga bakla ito para kung gusto nila na sumama ako sakanila na mag inom ay dito nalang kami sa Bahay Wala nanaman akong takas. "Wow mommy! Ang ganda" manghang manghang sabi ni Hershey. Tinignan ko siya at nginitian. Magiging masaya na tayo anak. "Nagustuhan mo ba baby?" nakangiting sabi ko at nagtaas pa sya ng kilay. "Mommy nakaka asar naman e! Hindi na po ako baby." nakasimangot na sabi nya na syang kinatuwa ko naman. "Oo alam ko. Pero you're still my baby! My beautiful baby." hinawakan ko ang pisngi nya at nginitian. "Ehem!" Pagsalita bigla ni Migo. Nakalimutan ko na siya jusko bitbit nya pa naman mga gamit nya na mabibigat tong lalaking to talaga oh! "Ay sorry andyan ka pala." pang aasar ko sakanya. "Ay wala po panaginip nyo lang ito." Natatawang sabi nya. Kahit kailan talaga baliw ang isang to. Pumasok nakami ng bahay kaming tatlo dito na muna pansamantala si Migo magpalipas ng gabi. Sa kabilang barangay lang siya ngunit masyado ng madilim gabing gabi na din. Bukas ko na sasabihin sa mga kaibigan ko na nakauwi nakami. Sigurado g masusurprise ko sila. Lalo na si Love excited na excited ang gaga na makita daw ako at ang inaanak nya. "Okay ka lang ba dyan mig?" Sabi ko sabay katok sa pintuan ng guest room. Doon ko na siya pinatulog para komportable siya gusto nya pa na sa sala nalang siya kaso hindi ako pumayag. "Oo naman. Thankyou Xandra!" Binuksan nya ang pintuan at kinindatan ako. "Wala yon, sa sobrang dami ba naman ng naitulong mo saamin ni Hershey." Kumindat din ako at nginitian siya. "Uy si mommy crush na ata si Papa best friend" pang aasar naman ni Hershey. Ayan nanaman sila gabing gabi na puro asaran parin. "Hershey mag sleep kana. Tama na kaka asar!" pag iirap ko ngunit tumawa lamang silang dalawa. Hays parang mga bata! "Bakit ka nagagalit? Ikaw ha crush mo na nga ata ako e." nakangising sabi ni gab saakin. Tinignan ko siya ng masama at dali dali nyang sinarado ang pintuan habang tumatawa ng malakas. Nakakainis! Aaminin ko na napaka lapit ng loob ko kay Migo pero dahil lang yon sa kaibigan ko siya at madami syang ginawa para saamin ni Hershey. Hanggang dun lang yon. At alam ko naman na kapatid Ang turing nya saakin dahil nangungulila siya sa kapatid nyang babae. Kaya eto ako ngayon pwede nya maging kaibigan at kapatid. Hanggang doon lang. Kinaumagahan dali dali akong bumangon at naligo. Balak ko kasi magluto ng madami ngayon may mga katulong naman kami dito at papatulong nalang ako sakanila. Gusto ko ifeel na nasa pinipinas na nga talaga ako lahat ng ginagawa ko noon ay ginagawa ko na ulit dito. Maliban sa pag iyak sa lalaki. Hays Xandra wag mo na isipin Asawa mo! Ops... ex husband! "Goodmorning mommy! Wow Ang sarap naman po bakit po ang dami nyo niluto may okasyon po ba?" nagtatakang tanong ni Hershey. "Walang okasyon baby, ineenjoy ko lang pagiging mama ko para sayo." nakangiting sabi ko at hinalikan sya sa pisngi. "Ow bango naman ano meron?" nagtaas ng kilay si Migo. Gising na pala ang lalaking to. Iniisip ko parin saan Banda ang Bahay niya sa kabilang barangay. "Upo kana dito, kain na tayong tatlo." nakangiting sabi ko at inilapag na ang mga pinggan namin. Pinagsandok ko si Hershey ng kanin at ulam ganon din kay Migo. Nginingisi ngisi siya at napa iling iling. Problema neto nakakaasar reaksyon nya. "Oh nginingisi ngisi mo dyan sir?" pagtatanong ko at nakapamewang pa ako. "Uy si papa best friend pareho kami iniisip!" natatawang sabi ni Hershey. What? Anong iniisip nanaman ng dalawang to! Wag nilang sabihin na???? "Happy Family!" masayang sabi ni Hershey na siyang kinagulat ko. Si Migo ay nakangiti lamang at ginulo ang buhok ni Hershey. Nag pa iling iling nalang ako at napangiti. Ngayon ko nalang nakitang naging masaya ng ganito si Hershey. Nung unang punta namin sa US ay sobrang lungkot nya hindi maitago na namimiss nya ang daddy nya. Pero habang tumatagal ay parang nagiging maayos na ulit siya. Simula nakilala nya si Migo ang nagsilbing ama niya noong panahon na nangangailangan siya ng kalinga ng isang ama na hindi nagawa ni David. Ang ex husband ko na walang pakealam sa nangyayari. Kumusta na kaya siya? bakit ko pa siya kukumustahin? tanga ba ako? OO! Simula nung pumirma siya sa divorce namin ay nawalan na ako ng balita sakanya. Hindi man lang ba nya kami hinanap o namiss? Ganon na ba talaga siya kabaliw sa kabet nya! na ngayon ay parang legal na Asawa na niya? kasal na kaya sila? s**t! Dami ko nanaman tanong sa sarili ko. Nasa acceptance stage na ako ngayon. Gumagaling na ang puso ko. Patuloy ba ang pag galing nito o mawawasak kapag nagkita ulit tayo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD