Nagtinginan kaming magkakaibigan at nangunot ang noo ng mapansin naming nakatingin silang lahat sa amin. Hindi ko alam kung bakit sila tumitingin and I feel somethings not right. Tumingin sa akin si Glorina at sinabing huwag na silang intindihin, baka lang daw nagagandahan sila sa amin. Napangiwi naman ako sa kanyang excuses.
"Feeling mo naman ang ganda ganda mo na," ani ko kay Glorina dahil may pa flying flying kiss pa siya. Lalo akong nahiya at gusto ko na lang umalis dahil sa kagagawan ng dalawang bruhang to. Biglang tumayo si Jeyjey at kumaway sa kanilang lahat hindi na nila alintana ang mga sasabihin ng iba basta pose na lang ng pose.
Tumayo ako at akmang aalis na ng bigla akong pigilan ni Jeyjey. Tinanong niya kung saan ako pupunta na sinagot ko naman ng pabalang.
"Siyempre uuwi na at hindi ko na kaya ang kahihiyang pinapakita ninyo. Alam ba ninyo kung anong dahilan kaya sila tumitingin, feeling niyo naman ang gaganda ninyo," bara ko sa kanila sabay walk out.
Hindi maipinta ang aking mukha habang naglalakad ng bigla akong mapahinto dahil narinig ko ang bulungan ng mga kumakain tungkol sa amin.
"Diba sila yung kanina sa airport," rinig ko na ikinakunot ng aking noo.
"Siya yata yung kahalikan kanina ni Nimer Williams, yung billionaire tycoon. Balita ko halimaw daw siya sa larangan ng business," usap usapan na aking naririnig.
Lumapit ako sa mesang nag uusap at tinanong kung saan nakita yung video. Gusto kong makasiguro bago gagawa ng hakbang. Nakatingin silang lahat sa akin at mukhang inaalisa ang aking mukha pero pinakita din naman ang video. Namutla ako ng makita kong nakalantad ang aking mukha sa camera. Nakuhanan din ang paghalik ko sa kanya.
"Pwede ko bang makuha ang video na to, pwede bang pasa mo sa akin"...maalumanay kong tanong.
"Ma'am, type mo ba si Sir Nimer?" sabi ng isa na ikina ubo ko.
"Ma'am bagay po kayo," ani ng isa din.
"Ikaw ata mam ang nanghahabol sa kanya, kita naman sa camera na ikaw yung humalik"...sagot ng isang babae na mukhang type si Nimer kaya ako sinusungitan.
"Guys...isa isa lang ha,,, hindi ko masagot lahat ng inyong mga tanong," ani ko at ng makita kong tapos na pagka download ng video kaya nag paalam na agad ako. Hindi ko na sinagot ang iba pa nilang sagot basta ang sinabi ko na lang na hindi ko siya kilala at hindi sinasadya ang pangyayaring yon.
Dali dali akong pumunta kila Glorina at Jeyjey na mukhang tuwang tuwa pa na wala ako sa kanilang tabi. Masaya silang kumakain habang nag kwekwentuhan. Hanep din ang dalawang to ah, akala ko pa naman nag da-diet sila ang dami naman nilang inorder. Nag order pa ata sila ng iba.
"Mukhang masaya kayo ah," ani ko na ikinagulat nila.
"Oh Jenny akala ko ba aalis ka na", parang balewalang sagot ng dalawa. Namaywang ako at tiningnan sila ng masama.
"Kaibigan ko ba talaga kayo ha...pinagkakaisahan ninyo ako," kunyari drama ko na ikinataas naman ng kilay ni Glorina.
"Weeeeee...drama ka ngayon...hmmmpppp, hindi bagay sayo." Glorina said na ikinatawa ni Jeyjey.
"Che!!! Jeyjey, paano ba yan may video kami ni Nimer? Ayokong pag fiestahan ako ng mga kababaihan," pagbaling ko kay Jeyjey.
"Patingin...yung sa airport kanina...akala ko ba inayos ni Nimer yun," aniya. Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang video na kinuha ko kanina.
"Heto oh!!!" ani ko, kinuha naman ng dalawa at pinanood. Nakakunot ang kanilang noong dalawa habang nanonood na patingin tingin sa akin. Hindi ako mapakali na nakatayo sa kanilang harapan habang palakad lakad.
'Can you sit down...nahihilo ako lalo sa pinaggagawa mo diyan," pahayag ni Glorina.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa kanilang tabi habang inaantay na matapos ang kanilang pinapanood. Binalik nila sa akin ang aking cellphone pagka panood nila. Hinihintay ko silang magsalita pero wala akong narinig mula sa kanilang dalawa. Hindi ko naman mabasa ang kanilang mga nasa isipan kaya nagtataka ako na ok lang sa kanila yun.
"Wala man lang ba kayong sasabihin...ok lang ba sa inyo yun?" ani ko.
"Ikaw...wala ka bang sasabihin sa amin," balik tanong naman ni Jeyjey na ikina kunot ng aking noo.
"Masarap ba ang bibig niya bess. Matamis ba? " Glorina said na ikinalaki ng aking mata. Nakalimutan ko palang sabihin na nahalikan ko pala siya kanina.
"Hep hep," ani kong nakataas ng kamay. "Hindi ko sinadya yun, malinis ang aking konsensya." Pagtatanggol ko sa aking sarili.
"Ows!!!sigurado ka diyan...Sa napanood namin, we felt a strong emotion from your face." Sabi ni Glorina na sinang ayunan naman ni Jeyjey.
'Hindi mo nabanggit sa akin na hinalikan mo pala siya," komento naman ni Jeyjey. Patay, sinasabi ko na nga ba. Akala ko makakalusot na ako nito...hindi pa rin pala.
"Ganito kasi yun best friend...Hinahabol ko yung oras kanina, nakikiraan ako sa mga maraming taong naka abang doon na hindi ko naman alam na si Nimer pala ang inaantay. Nakipag siksikan ako pero hindi ko naman akalain na bigla silang magkagulo dahil parating naman na pala tong hudyo na to. Nakipagsiksikan din ako at gusto ko nang makaalis doon pero sa hindi sinasadyang pagkakataon tinulak nila ako sa likod," nag pause muna ako bago nagpatuloy muli.
"And?...ani Glorina na nag aantay sa karugtong ng aking kwento. Nakatingin din sa akin si Jeyjey habang nakikinig.
"And, yun nga sa pagtulak nila sa akin sa likod natumba ako. Pumikit ako dahil ang akala ko susubsob na ang aking mukha sa may semento pero hindi ko naman akalain na imbes na sa semento ako dederetso kundi sa labi pala ni Nimer ako lumanding," namumula kong pahayag. Hindi makapaniwala ang dalawa sa kanilang narinig. Napatutop pa nga tong si Glorina sa kanyang bibig pagkarinig sa akin.
"Pagkatapos noon, tatayo na sana ako para tumakbo pero hinarang ako ng mga tauhan ni James. Tinutukan pa nga ako ng isa niyang body guard, akala niya isa akong spy or kalaban nila pero inawat naman ni Nimer agad." Dugtong ko pa dahil pagtingin ko sa kanila nag aantay pa sila ng karugtong.
"Tapos doon na ako umiksena diba, I saw the video. Doon kita nakita kaya tinawag kita at pinagalitan ko tong si Nimer," ani Jeyjey.
"Anong pinagalitan ka diyan? Binato mo siya ng tsinelas yun yon," sagot ko naman na ikinatawa ni Glorina.
"Seriously, Jeyjey nagawa mo yun sa kanya as in"...malawak na ngiting tanong ni Glorina.
"Yeah, sure...gagawin ko talaga yun lalo na't may hindi maganda silang pinagsamahan. Wala akong pakialam kung mayaman man siya or anak presidente man siya. Hindi ko siya uurungan," aniya.
"Alam mo kakauwi mo pa lang pero mukhang magiging exciting na ulit ngayon," naaliw pang sagot ni Glorina.