Chapter4

1073 Words
I can't believed na nagawa ng kaibigan ko yun. Ngayon na lang ulit kami nagsama sama at ngayon na lang ulit naging makulay ang aming mga araw. Simula ng magkawatak watak kaming tatlo, nang kami'y magkanya kanya ng trabaho nawalan na kami ng oras para sa isat isa. Nag stay si Jeyjey sa america upang upang tuparin ang kanyang isa pang pangarap bukod pa sa pagiging Nurse niya. Gusto niyang maging isang designer kaya ng siya'y mabigyan ng isa pang pagkakataon, she grab it lalo na at suportado naman siya ng kanyang mga kapatid. Nag aral siya doon ng dalawang taon at nagtrabaho ng almost a year bago naisipang umuwi, ngayon successful na siya. Isa na lang yata ang kulang sa kanya at yun ay ang usapang pag ibig. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni James noon, nagsimula yan noong dinala siya ni James sa ibang bansa upang ipakilala sa kanyang mga magulang pero ang nangyari, iba ang pinakilala ni James. Ang malala pa nito nag pa press pa siya at pinakilala sa buong mundo na si Ivy ang kanyang girlfriend at may balak na daw silang magpakasal. Doon na windang ang mundo ng aming kaibigan. Iniyakan niya to ng matagal, hinabol pa nga niya si James sa Italy noon pero pinag taboy lang siya ng lalaking yon. Umuwi siyang luhaan at simula noon nag iba na ang kanyang ugali. Naging tahimik na siya kaya nang pumasa siya bilang isang designer, sinabihan siya ng kanyang mga kapatid na pumunta na lang sa america at doon mag aral. Umiiyak siyang umalis noon, ayaw niya sana at gusto pa daw hintayin si James pero sinabihan namin na wala na siyang hihintayin pa. Pinagsabihan namin siyang kaylangan niya nang mag move on, "mag aral ka at ipakita mong mas deserving ka kaysa sa babaeng yun diba sabi mo kaya ka tinaboy dahil mahina ka daw. Hindi ka karapat dapat na maging kasintahan niya or asawa dahil isa ka lang na mahinang babae," ani namin sa kanya para lalo siyang magalit at pag tuunan niya ng pansin ang kanyang sarili. "Aalis ako at ipapakita sa kanilang lahat na hindi ako mahina, na kaya ko ring lumaban...I will improve myself at pag uwi ko hindi na ako magiging kagaya ng dati," nanlilisik na matang sabi niya. Niyakap namin siya sa airport at sinabihang mag ingat doon. Nang siya's makaalis doon kami nag iyakan ni Jenny, awang awa kami sa kanya. Hindi ko akalain na sasaktan siya ni james ng ganon kaya simula noon iniwasan ko na rin tong si Kevin. Mabuti na lang at nagpa inject ako noon para hindi mabuntis di sana isa rin ako sa kanila na umiiyak dahil sa magbabarkadang yun. Napapamahal na nga siya sa akin that time pero ako na ang unang lumayo sa kanya at sinabing may boyfriend na ako para tumigil na siya. Nag hanap pa ako ng props kong boyfriend para tigilan niya na ako, effective naman dahil simula ng makita niya kami sa aking condo dati na magkasama hindi niya na ulit inulit na bumalik pa. Isa lang ang ibig sabihin non, hindi malalim ang kanyang pagkakagusto sa akin. Nagpapatunay lang na isa talaga siyang babaero at walang sineseryoso. Hinintay ko siyang bumalik noon at ako naman si tanga naniniwala din sa mga matatamis niyang salita pero hanggang doon lang pala yun. Hindi man lang niya inalam kung tunay ko bang boyfriend ang kasama ko dati. Mabuti na lang at nalipat ako ng ibang branch ng PNB(philippine national bank) to where I am working. Actually kami ni Jenny, yun nga lang naghiwalay kami ng branch. Kaysa naman sa magmukmok ako sa aking condo, sinara ko na lang to at lumipat sa malapit lang sa aking pinag tratrabahuan. Bumabalik balik naman ako sa condo ko sa tuwing namimiss ko si Kevin pero ni anino niya hindi na nagpakita sa akin kaya simula noon hindi na rin ako nag hangad pa na siya'y babalik. Binenta ko ang aking condo para mawala na siya sa akin ng tuluyan at bumili ng bago kaysa naman sa umupa ako ng apartment dito sa aking pinag tratrabahuan ngayon. Simula noon nagkawatak watak na kaming tatlo, naging busy na kami sa kanya kanya naming mga trabaho. Wala na din akong nabalitaan sa mga magkakaibigan na yun pero kahit na ganoon naging maganda naman ang kinahinatnan naming magkakaibigan. Nagtatawagan pa rin kami kahit na papano naman pero hindi na katulad dati, itong si Jenny lalo pang naging busy dahil kahit na sa gabi nagtratrabaho siya. Binili nila kasi ang bahay na isa sa kakilala ng pamilya ni Jeyjey at doon na lumipat ang kanyang mga magulang. Maganda ang bahay at malaki, ayaw niyang bilhin sana pero pinilit namin dahil nakiusap naman si Jeyjey sa may ari kung pwedeng bayaran na lang ng pautay utay yung iba. Kulang na kulang kasi yung pera ng gaga. Nagbigay din kami ni Jeyjey ng kanyang pandagdag pero kulang talaga, mabuti na lang at mabait yung may ari kaya ngayon todo kayod ang bruha. Siya pa ang bumibili ng gamot ng kanyang ina kaya hirap din siya, tumutulong naman kami pero ayaw ng tanggapin ni Jenny dahil masyado na daw kaming maraming naitulong. Ayaw niyang tanggapin ang tulong namin na kahit na ano pang paliwanag ang sabihin namin wala pa rin. Kaya kinakuntsaba namin ang kanyang dalawang kapatid, sa kanila kami nagpapadala ng pang gamot ng kanilang ina. JENNY: "Hey, Glorina, huy...nangyari sayo...wake up," ani Jeyjey at kinurot sa pisngi tong si Glorina kaya napasigaw ito. "Leche kang babae ka," aniya. Impit akong natawa dahil sa hindi maipinta ang kanyang mukha. Paano ba naman kasi kanina pa siya kinakausap pero hindi ito sumasagot mukhang nasa ibang dimension ang kanyang isip. "Hoy, kanina pa kita kinakausap hindi ka umiimik anong gusto mong gawin ko. Bruhang to," ani naman ng isa at walang pakealam na sumubo. "Wait nga Jeyjey, sabhin mo nga sa amin dahil kanina pa ako nakakahalata sayo ha!!!" sabi ni Glorina kaya napatingin si Jeyjey dito. "Na ano?" sabat naman ng isa. "Na ganyan, what I mean is you're acting wierd?" "Wierd like what? Teka nga Glorina deretsahin mo na nga ako, madami ka pang paligoy diyan...hindi bagay sayo promise," Naka pamaywang na sagot ng isa. Naka tingin lang ako sa kanilang dalawa dahil wala ng nangyari sa aking sinasabi, paano ko pa to ipapaayos sa kanila. Nakakagigil silang dalawa talaga malapit lapit ko na silang pag untugin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD