"Tumigil na kayong dalawa diyan at tulungan ninyo akong ayusin ang problema kong kinahaharap ngayon," inis kong bulyaw sa dalawa. Nagmukha na akong tanga sa kanilang harapan, nakakahiya sila. Mukhang hindi sila professional kung umasta, para na silang mga taga kanto lang. Tumigil sila at tumingin sa akin.
"No problem friendship...malakas ka sa akin eh, ako na ang mag aayos niyan," parang tangang sambit ni Jeyjey. Asar ko siyang tiningnan ng pataas pababa.
"Sure ka sa sinasabi mo," ani ko naman.
"Aba aba, ang aming mabait na kaibigan hinuhusgahan ang galing america na kaibigan namin," tatawa tawang sambit ni Glorina. Napasimangot tuloy tong si Jeyjey.
"Parang sarcastic naman ng dating girl ng pagkasabi mo. Wala bang mas maganda diyan," sagot naman ng isa.
"Parang hindi ka kasi nanggaling ng america sa ganyang ugali mo at hitsura. Para ka lang galing probinsiya or should I say galing ng kanto. Ayan ako na ang nagtuloy sa sasabihin niya sana," ani ko na naka taas kilay.
Tawa ng tawa tong si Glorina sa sinabi ko. Nanlalaki naman ang mga matang nakatingin sakin si Jeyjey. Mukhang anytime sasapakin niya na ako kaya tumayo ako at pumunta sa likod ni Glorina. Hindi maampat ampat ang tawa naman ng isa.
"This made my day so much...Kayong dalawa lang pala magpapasaya sa akin sana bumalik na tayo sa dati," biglang drama ng isa kaya natigil kami ni Jeyjey at lumapit sa kanya.
"May pinag dadaanan ka teng," Jeyjey said kaya kinurot ko siya.
"Pwede ba sumeryoso ka naman, may problema yata ang tao," pahayag ko.
"Bakit ikaw wala ka bang problema? Kung prinoproblema niya yung pag stay natin sa kanya, huwag na siyang mag alala dahil I will stay here for good na." Sabi ni Jeyjey na ikinagulat namin ni Glorina kaya tumingin kami sa kanya at napahiyaw.
"For real...oh my gosh...that's good news! We are very happy as in," ani ko at yumakap sa kanya. Nagyakapan kaming tatlo ng biglang makarinig kami ng isang palakpakan kaya bigla kaming nagkahiwalay at tumingin sa aming harapan.
Nabigla ako ng makita ko si Nimer at ang kanyang mga kaibigan na nakatayo sa harapan namin. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Jeyjey kaya nabaling sa akin ang kanyang tingin pero hindi ako tumingin sa kanya. Na tetense ako dahil baka pagkamalan na naman niyang kasalanan ko ang video na kumakalat. Napatingin ako sa mga kasama niya at doon nabaling ang tingin ko dahil nakita kong may ibat ibang kasamang babae ang kaniyang mga kaibigan. Magkahawak kamay pa sila kaya napatingin ako sa mga kaibigan ko kung anong reaction nila pero mukhang wala namang pakealam.
Nakangisi pa nga si Jeyjey na nakatingin sa mga to samantalang naka taas kilay naman ang isa. Nawala tuloy bigla ang pagka nerbiyos ko dahil sa kanila. Natatawa ako na ewan, mukhang naka move on na mga to kaya kaylangan ko na ring maging matatag sa tuwing magkatagpo man kami.
"Yes! Do you need something Mr.?" Ani Jeyjey na naka tingin ng deretso kay Nimer. Siya kasi ang pumalakpak na nakita namin kanina.
"We saw something inappropriate video that might your friend know, care to explain? " banat ni James, napatingin ako dito at napakunot noo dahil siya ang sumagot na dapat para sa kaibigan niya.
"Oh!!!Playing hero huhhhh!!! Its ok if your friend cannot answer...by the way to answer your question-" hindi siya pinatapos ni James at humarap sa akin.
"Its not your concern anymore...your friend need to answer it... not you," aniya na naman. Tumitig ako kay Jeyjey at nanenerbiyos na at baka mapikon ito.
Nakita kong sasagot na sana si Glorina pero tinaas ni Jeyjey na tumigil siya kaya huminto si Glorina. Pumunta sa harap namin si Jeyjey at sinagot sagot niya si James. Nagtinginan kami ni Glorina at muntik muntikan nang humagalpak ng tawa. OMG, our friend is so fierce. I can't believe it, kaya niya ng sagot sagutin ang lalaking sinasamba niya hanggang langit dati. This is new, isa itong pasabog para sa amin.
"She is my friend so why can't I not answer right? Like you, you're the one answering there instead of him," banat din ng kaibigan ko.
"We are not talking about you here so stop meddling...just answer that damn-" pinutol ni Jayjey ang sasabihin pa sana ni James kaya asar na asar ito.
"What ever, I don't f*****g care...and to answer your damn question...bakit siya ang kaylangang mag delete ng video na yun? Kamina maliwanag pa sa araw ang sinabi niyang " TAKE CARE OF IT, DELETE EVERYTHING...DON'T LEAVE ANY TRACE", ohhhh diba!!! sinabi niya yan sa harap mismo ng maraming tao including us. I was there so why should I not meddle with it right? Don't me or us...Ask your idiot friend of yours. I think his brain left in that airport a while ago," hindi ako nakaimik sa napaka habang paliwanag ni Jeyjey. I was stunned, ang galing niya na. Saan niya natutunan niyan, ok pala na pinadala siya sa america para mag aral. Idol ko na tuloy ang babaeng to.
Napatingin ako bigla sa grupo nila ng may marinig akong umubo duon. Nakita kong si Mayor Kennedy pala ang umubo. Hindi naman umiimik ang dalawa niyang kaibigan pero napaka seryoso ng tingin. Nakabusangot naman na nakatingin sa amin ang dalawa nilang kasamang mga babae. Actually marami sila dahil may mga body guard pa sila kaso pinalabas ang iba. Akala mo naman mga anak presidente ang peg. Napansin kong tumingin si James kay Nimer ng napaka seryoso kaya hindi maka imik imik ang gago. What to expect? Ang magpagwapo lang naman sa harap ng maraming tao pero deep inside walang kwenta din.
"What's happenning here? Why are you all standing? Girl, how are -" sabi ni Riza na bagong dating pero hindi natuloy dahil pagharap niya kila James mukhang naumid ang dila ng bruha. Na shock na ata, sabagay...ikaw ba naman makasalamuha mo ang mga bilyonaryong to dito sa isang japanese restaurant na to. Actually kung tutuusin hindi to nababagay sa kanila dahil mataas silang tao at pang ordinaryong tao lang dito.
"Oh my...the hot billionaires are here," sabi niya sabay tutop ng bibig. "Grey come here, nandito ang mga crush ko," bulong niya kay Grey. Ngayon ko lang napansin, kasama niya pala tong baklang to pero infaireness ha gwapo ang suot niya ngayon. Napatitig ako ng di oras sa kanya. Saan na naman kaya ang lakad ng bading na to at todo naka postura. Kung hindi ko lang alam na bading ito baka noon pa ako nagkagusto dito. He's hot though.
"Hi...I'm Kennedy Warren and you? " Pagpakilala ni Mayor kay Riza, lumapit ito at nakipag kamay sa aking kaibigan.
"Hello po...I heard na magaling daw po kayong Mayor ng Quezon. Nice to meet you po," ani Riza na naka ngiti. Nakipag kilala din siya kay Grey na mukhang natameme na sa kagwapuhan ni mayor. Naku, mukhang maglaladlad na ang bruha.
"Ahhheemmm, Grey Landers..Please to meet you Mayor," nakaposturang nakipag kilala. Natatawa ako na nakabantay sa mga galaw niya.
Nawala tuloy ang mala tensyonadong pangyayari kanina dahil sa mga ito. Halata din na type ni Mayor si Riza dahil sa kita sa mga titig niyang malalagkit. Nagulantang lang kami ng biglang may mahulog na baso, pagtingin ko nakita kong nag walk out tong si Nimer. Nangunot tuloy ang aking noo sa kanyang ginawa, sumunod naman ang mga alipores niya kaya naka hinga ako ng maayos.
'Hayaan niyo lang sila, may sumpong lang ang mga yun. Ako na ang bahala sa issue ninyo. Kausapin ko si James at Nimer, maalis yun don't worry," ani Mayor Kennedy na nakatingin sa amin. Mukhang hindi pa sana siya aalis ng biglang bumalik ang kanyang tauhan at sinabing hinihintay na daw siya.
"Sige..nice meeting you all, especially you Riza. I hope I can dine with you one of this day," pranka niya na ikina ubo ni Grey. Nagkatinginan din kaming magkakaibigan ng sabihin niya yun.