Chapter6

1316 Words
"Hindi ko alam na may pagka manyak din ata ang Mayor na yun," ani Jeyjey habang nakatingin sa likod ni Mayor Kennedy. "Inaaya lang siyang kumain sa labas...manyak agad," ika naman ni Glorina. "Type ka ata ng Mayor na yun Riza," ani ko naman. Tumingin sa amin tong si Riza at tiningnan kami ng nakataas ang kilay. Inisa isa niya kaming tiningnan habang palakad lakad ito. Nakatingin naman kami sa kanya ng naguguluhan. Anomg problema ng babaeng to sa isip isip ko. Nasa ganoon siyang get up habang pabalik balik ng bigla siyang bungguhin ni Grey na muntik niya ng ikatumba. Nawala tuloy ang kanyang poise, tawa kami ng tawang magkakaibigan. Tumayo siyang bigla at pinanlakihan kami ng mata. "Kayong tatlo tumigil din kayo sa kakatawa diyan dahil gusto kong explain ninyo ito sa akin," ika ni Grey at sabay pakita ng video sa airport. Nawala tuloy bigla ang aking ngiti. "Ano to ha? Care to explain? Alam niyo bang kaya ako nasama kay Riza ngayon dahil sa video na to. Wala man lang nag invite sa akin na may pakain pala ang bagong dating," pakendeng kendeng na tanong ni Grey. Malakas ang loob niyang gawin to dahil walang mga tao ngayon dito. Pinaalis ata lahat ng mga gagong yun ani ko pero kaylangan kong mag ingat, ayoko nang magkaroon pa ng kahit na anong connection sa kanila. Ilang taon akong nag hirap dahil sa kanya, ayoko nang maulit yun. "It was an accident, ikaw naman...huwag mo akong tingnan ng ganyan na as if naman kagustuhan ko yung nangyaring yon," ani ko dahil naka titig siya sa akin. "Matamis ba? "Tanong niya na ikina kunot ko. "Anong matamis?" "Ang kanyang lips..anong naramdaman mo, nasarapa-" hindi ko na siya pinatapos dahil nilagay ko sa kanyang bunganga ang nahawakan kong japanese roll na nasa lamesa. 'Tumigil kang bakla ka kung ayaw mong samain sa akin," ani ko naman. "Hahahaha, tama naman siya girl...my punto siya, masarap ba!!!" Sabat din ni Jeyjey. "Isa ka pa," bulyaw ko. "Huwag niyo nang asarin at isipin na lang natin ang sinabi ni Mr.Cold kanina at baka totohanin nila," ani naman ni Glorina. "Huwag kayong mag alala dahil tinotoo na nila. Tumawag sa akin kanina ang kanilang attorney at pinapaayos ang issue na yun or else magdedemanda daw sila," Grey said ng malunok ang nilagay kong pagkain sa kanyang bunganga. "What? For real," sabat naman ni Riza na nagsisimula na palang kumain. "Mamaya na natin pag usapan yan at masarap pala ang pagkain. Nagugutom na ako," ika ni Grey at nagsimula ng kumain din. Nagtinginan kaming tatlo dahil sa ginawa ng dalawa. "Mukha talaga kayong mga patay gutom. May trabaho naman kayong dalawa pero sa mga galaw ninyo, patay gutom talaga"...saad ni Glorina na ikinatawa naming dalawa. "Wow, hiyang hiya naman kami sa hindi mukhang patay gutom na katulad mo," sarcastic naman na sagot ng bakla. "Hoy, kumain na nga tayo at nag titinginan na ang mga nagtratrabaho dito oh...Nakakahiya tayo," ani ko. "Heto kasi, tusukin ko ang mata ng baklang to makita niya," sagot naman ng isa. "Upo na at kumain na tayo, may inorder pa ako. Mamaya na natin pag usapan ang mga problemang yan," Jeyjey said at nagsimula naring kumain. Pagkatapos naming kumain, inaya nila ako sa condo ni Glorina at doon daw kami mag uusap para walang magiging problema at walang makarinig. Pumunta kami doon at nakita kong marami na rin palang pinagbago ang kanyang condo. Sinabi niya pang may binibili siyang bagong bahay sa ngayon at nakahanap na raw sila ni Jeyjey ng location para sa itatayo naming bagong resto. Ayokong sumali at wala akong pera pero pinipilit nila ako. Sila na lang daw muna ang bahala at saka ko n alang daw sila babayaran, kaylan pa kaya yun sabi ko sa aking isipan. Nag usap kami at sinabi ni Jeyjey na siya na raw ang bahala basta si Grey daw ang makipag usap sa attorney nila. Hindi daw ako sisipot sa kanilang pag uusap basta attorney to attorney lang daw. Sagot daw lahat ni Jeyjey ang mga gastos, ayaw niya akong obligahin dahil marami na daw akong problemang hinaharap. Siya na daw ang bahala sa lahat, Oh diba saan ka pa makakakita ng mga kaibigang ganyan. Nakahinga ako ng mabuti ng maayos namin yun. Gusto akong patulugin ni Glorina doon pero pinilit ko pa ring umuwi dahil maaga pa ako bukas. Ayoko na namang malate at baka wala na akong masahod sa sahuran nito. Umuwi din ng maaga si Jeyjey dahil pinapauwi siya ng kanyang ate. Mag bonding muna sila doon as a family naman, kakauwi niya lang lakwatsa agad diba. Pagka uwi ko pinatawag ako ng may ari ng nirerentahan kong ito at nireremind ang bayad na naman. Dalawang buwan na akong hindi nakabayad kaya medyo hindi maganda ang aking pakiramdam. Wala na akong mahihiraman pa, ayokong humiram na naman kila Glorina at Jeyjey dahil napakalaki na ng utang ko sa kanila. Humingi pa ako ng isang linggo pang palugit. Napakarami kasing gastusin ngayon sa bahay, nag exam ang dalawa kong kapatid kaya doon napunta ang kinita ko sa mga raket ko at nagbigay din ako ng pang gamot ni Nanay na doon din napunta ang sahod ko ngayong buwan na ito. Napangiwi ako sa isiping ito. Kung hindi pa daw ako makabayad next week umalis na raw ako dito. Pagpasok ko sa aking inuupahan, wala din pa lang ilaw at naputulan daw ako. Hindi pa pala ako nakabayad na naman. Ang hirap naman ng buhay kong ito. Napahilamos ako sa aking mukha sa stress. Pumasok ako at balewalang pumuntas sa salas at nahiga na lang doon. Sanay naman na ako sa dilim lalo na sa tinitirhan kong ito. Lagi namang ganito ang nangyayari kaya sanay na sanay na ako. Itinulog ko na lang na wala ng palit palit at hila hilamos. Nagising ako kinabukasan sa lakas ng alarm ko, tumayo ako agad at hinanap ang aking cellphone para patayin ito. Nakita kong alas sinko imedya na kaya nagsimula na akong kumilos. Dumiretso ako sa banyo at naligo na lang. Wala naman kalaman laman ang ref ko at wala na rin akong mga pagkain dito kundi tubig lang. Naligo ako at maagang umalis sa aking tinitirhang ito. Maaga akong nakapasok ngayon at dumiretso sa pantry. May libre namang kape dito at mga biscuit. May libre ding lugaw at cup noodles kaya tamang tama sa pagpasok ko ng maaga. "Kunin mo na tong dalawang cup ng lugaw at alam ko namang gutom ka at hetong dalawang pandesal dito sayo na rin," ika ni ate Ekang ang taga luto dito banko na pinag tratrabahuan ko. Alam niya kasi ang lagay ko, mga mababait ang aking mga katrabaho dito. "Maraming salamat ate," sagot ko at nagsimula ng kumain. Nakangiti naman siyang tumango at bumalik na sa kanyang trabaho. Mangilan ilan muna ang mga tao dito dahil sa sobrang aga pa lang. Malapit lang kasi dito ang tinitirhan ko, walking distance lang pero dahil sa may mabait na tricycle driver na nakilala ko na rin dito hinatid ako kaya medyo napaaga ako ng konti. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na agad ako kay Ate Ekang at sa kasamahan niya na aakyat na ako. Pakanta kanta pa akong paakyat dahil napakagaan ng pakiramdam na mayroong mga taong tumutulong sayo sa kahit na sa ganoong kasimpleng bagay lang. Sinimulan ko na ang aking trabaho pagka akyat ko, papasok ako mamaya sa Resto at magtatanong kung may mga raket pa silang alam at papatusin ko talaga. Marami akong mga babayaran ngayon kaya gusto kong makahanap ng iba pang mga raket. Nasa kalagitnaan na kami ng trabaho ng biglang magpatawag ang manager namin na may mahalaga daw kaming bisitang darating kaya kaylangan daw naming maglinis dito at ipakita ang mga trabaho namin lalo na sa aming departamento. Kaylangan daw ipa kita ang flow of work namin. Pinabalik kami agad pagkatapos sabihin yun para magready daw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD