Gumawa ako ng report just in case magtatanong sila sa akin. May mas mataas pa naman ang katungkulan kaysa sa akin kaya alam kong hindi ako ang tatawagan para mag bigay ng report pero dahil gusto kong hindi mapahiya kaya pati ako gumawa rin.
Nqgrereklamo na kaming lahat dahil mag aalas dose na pero wala pa rin siya. Sinabi ng boss namin na nag inspect lang daw every department kaya daw natagalan. Gutom na gutom na kami ng makarating siya dito. Nakayuko kaming lahat ng binati namin siya.
Nagsimula na siyang magtanong pero dahil sa boses niya na parang kakilala ko kaya tumingin ako sa kanya at sa gulat ko muntik na akong matumba sa aking kinatatayuan. Napatingin din siya sa akin pero parang wala lang sa kanya, as if naman alam niya ng dito ako nagtratrabaho. Si James pala ang bisita namin, binigay ng aming manager dito ang report sa kany. Pinaupo namin siya at hinihintay ang kanyang sasabihin hanggang sa nagtanong tanong siya tungkol sa report namin. Nang maging ok na kinuha niya ang report at lumabas na sa departamento namin.
Nakahinga ako ng maayos ng lumabas ito. Narinig ko ang bulungbulungan sa paligid na napakagwapo daw niya. Halos mag laway pa ang iba sa katititig sa kanya. Muntik ko ng sabihin na isa itong playboy na magaling maglaro sa mga babae pero nag timpi na lang ako. Saang banda ba ang kinagwapo ng lalaking to, simula ng pinaglaruan niya kami at ng kanyang kaibigan. Wala na akong ganang makita pa sila. Natatakot na rin akong makaharap pa tong si Nimer, ayoko na siyang makita pa sana.
Binilisan kong ayusin ang aking mga gamit at ako'y gutom na gutom na. Tinawag na ako ng aking mga kasamahan dito at inayang sabay sabay na kaming kumain sa baba. Pagbaba ko, palinga linga pa ako sa paligid at baka nandiyan na naman ang mga magkakaibigan na yun. Para talaga silang kabuti kung sumulpot kaya nakakatakot talaga. Awa ng Diyos nakakain naman ako ng maayos at walang istorbo nang nagpakita pa. Naging magaan na rin ang araw ko hanggang sa matapos ito.
Binilisan kong umuwi at nang makapag pahinga saglit at mayang mga alas siyete aalis na ako papuntang Resto. May katabi kasing bar ang restong yun kaya malakas ang kita namin. Maraming kumakain doon na mga mayayaman, pagkapasok ko sa aking tinitirhan tinawag ako ni Aling Myrna ang kapitbahay kong mabait na laging nagbibigay sa akin ng mga pagkain. Binigyan niya ako ng makakain at inayang doon na rin sa kanila maligo, may dalawa siyang anak na nag aaral pero masipag din kasi ang asawa sa pagpasada at siya'y nagtitinda rin ng mga ulam sa labas kaya kung marami siyang tira binibigay yun sa kanya.
Nagpasalamat ako sa kanya pagkatapos kong kumain at maligo sa kanila. Nag paalam na rin ako pagkatapos at dumiretso ng lumabas papuntang Resto. Dalawang sakayan pa hanggang doon yun bago ako makarating, nasanay naman na ako at sa tuwing umuuwi naman ako marami naman akong mga nakakasabay kaya safe naman. Pagdating doon sinalang agad ako dahil marami na raw mga tao sa bar at maraming pumupunta sa amin at umorder ng mga pagkain. Madaling araw na ako natapos, alas dos pasado na kaya para na akong lantang gulay pagkatapos ng aking trabaho. Pagkalabas ko hindi sinasadyang makita ko na naman ang mga animal na magkakaibigan kaya dali dali akong tumalikod at binilisan ang paglalakad pero hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana or what dahil bigla kong nabunggo ang isa nilang unggoy na kaibigan.
"Sorry hindi ko sina-" hindi ko natapos ang aking sinasabi ng bigla akong hawakan sa balikat ng nakabangga ko at tawagan ako sa aking pangalan.
"Wait wait wait...Jenny is that you, Jenny dela Cruz right? " Malawak na ngiting tingin sa akin ni Mayor kennedy. Napamura ako ng di oras sa nakita.
"Hello po Mayor, pasensiya na po at nagmamadali kasi ako," awkward kong pahayag sa kanya at aalis na sana pero ang hinayupak na mayor tinawag pa lalo ang mga kaibigan niyang abnormal kaya napunta sa amin ang kanilang atensiyon. Wala na akong kawala kaya tumingin ako sa kanila at napangiti ng pilit.
"Hi Jenny...what are you doing here?" Ani Kevin at napapalingon sa aking likod na parang may hinahanap. Nakita ko namang nakatingin ang dalawang impaktong naka kunot ang mga noo pagkakita sa akin.
"May sinamahan lang po akong kaibigan kanina, sige po at aalis na po ako." Sagot ko sa kanila at mabilis pa sa alaskwatrong umalis agad. Hindi ko na inabala pang tiningnan si Nimer at baka masira na naman ang araw ko.
Nakahinga ako ng maayos ng makasakay agad ako pagkarating ko sa sakayan. Nanenerbiyos ako sa tuwing nakakaharap ko sila, hindi ko alam kung bakit. Ayoko namang makaharap si Nimer at baka kung ano pang mangyari sa aming dalawa, " bakit may balak ka bang gapangin ulit siya," kontra ng isang bahagi ng isip ko. Wala naman akong balak sa kanya gusto ko lang na lubayan niya na ako at huwag na sanang magpakita pa. Masaya na ako ngayon sabi ko sa aking sarili pero kumukontra naman ang aking isipan "masaya ka nga bang talaga," salitang gumugulantang sa akin. Mabuti na lang at nakarating na rin kami, nawala tuloy ang mga napakarami kong iniisip. Marami na akong problema, dumadagdag pa siya, masaya na yun sa kanyang buhay at sana makalimutan ko na siya ng lubusan.
NIMER POV:
Pagkauwing pagkauwi ko galing America, hindi ko inaasahan na makakaharap ko ang taong matagal ko ng tinalikuran. Mahigit tatlong taon akong nanirahan sa America at inasikaso ang business ni dad doon, simula ng maghiwalay kami wala na akong naging balita pa sa kanya. I know marami akong pagkukulang at kasalanan sa kanya pero pinag sisihan ko na yun at inamin kong hindi pa ako matured that time. Maraming pagkakamaling nangyari at maraming nadamay sa gusot na ginawa ko.
Hindi ko akalain na magtatagpo kami sa isang napaka awkward na sitwasyon, nabunggo niya ako at eksaktong sa labi ko pa tumama ang kanyang labi. Sisigawan ko na sana ang taong nangahas nito pero naumid ako ng makita kong siya pala yun. Akala ko nga sinadya niya noong una pero nagkamali pala ako. Hindi naman ako galit sa kanya pero ang pinapakita niyang para siyang nandidiri sa akin doon ako nagalit kaya ng kukunin ko sana siya doon naman biglang sumulpot ang kanyang kaibigan na galit na galit.
Binato niya ng tsinelas ang ulo ng body guard kong nasa aking tabi, akala ko nga ako ang matatamaan kanina mabuti na lang at mabilis kumilos ang aking tauhan. Pinagsisipa niya ang mga to at sumenyas akong huwag siyang gantihan at baka mapugutan kami ng ulo ni James kapag nangyari yun. Kinuha niya ang kanyang kaibigan kaya hindi ako nakapalag. Hinayaan ko na lang sila tutal magkikita pa naman kami sabi ko sa aking isipan.
Nagalit ako ng makita kong kumalat ang nangyari sa airport pagka uwi ko. Pinapatawag ng aking mga magulang si Jenny pero pinatayan ko lang sila ng tawag. Pina ayos ko na sa aking mga tauhan kanina na walang mag aapload non dapat pero bakit may nakalusot. Pinatawag ko silang lahat at tinanong kung bakit may nakalusot na video pero sinabi naman ng aking mga tauhan na baka pakana ni Jenny lang ng mga yun kaya nagalit ako at tumawag sa aking attorney na sampahan siya ng kaso pero tumawag din ang kayang attorney na haharapin daw kami.
Kakain sana kami sa aming kinakainan dati pero sa hindi sinasadyang pagkakataon nandoon pala sila. Doon kami nag usap pero puro away lang ang nangyari. Walang matinong pag uusap at ang hindi ko pa matanggap kasama na naman nila ang lalaking lagi niyang kasama noon. Masakit sa mata ng makita siyang nakatitig dito at nakangiti kaya hindi sinsadyang nabitak ko ang isang basong hawak hawak ko. Nag walk out ako sa nakita pero sumunod naman ang aking mga kaibigan.