Napakaraming mga pagsubok na pinagdaanan namin noon, maraming masasayang nangyari pero dahil sa hindi pa ako ready sa kanya at bumalik si Ivy kaya nawala siya ulit sa aking sistema akala ko siya na pero hindi pa pala. Mahal ko pa rin si Ivy at tatanggapin ko siya sa kung ano pa man ang pinagdaanan niya. Dahil sa ginawa kong yun, nagkamali na naman ako at nakasakit ng todo.
Kasal kami ni Jenny I'm sure of that pero may expiration yun. May usapan kami na ipapawalang bisa namin pagkatapos ng isang taon. Natupad naman yun, pinirmahan niya ang kasunduan namin pero bakit noong ginawa niya yun hindi naman ako masaya. Diba nga dapat masaya na ako dahil pwede ko nang pakasalan ulit tong si Ivy.
Umalis siya sa bahay na binigay ko sa kanya, sinabi ni Aling Tonia na hindi daw niya tinanggap yong bahay na yon. Lahat ng binigay ko sa kanya binalik niya. Akala ko nga pera lang ang habol niya sa akin dahil lahat ako na ang gumastos nang time na nasa akin na siya pati ang mga gamot ng Nanay niya sinalo ko na. Doon ako nawalan ng gana sa kanya puro pasakit ang nangyari sa aming dalawa.
Iniwan ko siya nang time na kaylangan niya ako at ng magiging anak sana namin kaya hindi ko siya masisi. Masakit para sa kanya na mawala ang anak namin pero mas masakit sa akin dahil hindi man lang niya sinabi. Yah, nagkulang ako dahil hindi ko sinabing nagkabalikan na kami ni Ivy pero sana hindi niya rin nilihim na magkakaanak na pala kami. Puro sagutan at pasakitan na lang ang nangyayari noon kaya I let her go nang time na umalis siya hinayaan ko na lang.
Nag focus ako kay Ivy pero hindi rin naging kami sa huli, kinausap ako ng kanyang mag aama na huwag ko siyang kunin sa kanila. Akala ko naman hindi ko kayang mawala pa siyang muli pero nagkamali ako, lalo pang gumaan ang aking puso't isipan ng siya'y mawala at bumalik sa tunay niyang pamilya.
Umuwi ako at kakausapin sana si Jenny at mag sorry sa mga nasabi ko sa kanya pero pagbalik ko wala na pala akong babalikan. Umalis na daw siya, kwinento lahat ni Aling Tonia ang buong pangyayari kaya lumapit akong muli sa kanya at humingi ng tawad.
Napakarami kong pagkukulang kaya mas mabuti pang mag move on na lang kaming dalawa. Gusto ko siyang sisihin pero alam kong may mali din akong nagawa kaya naisip ko na mas ok na lang na hindi na kami magkita pang muli dahil alam ko sa aking sarili na lalo lang kaming magsisihan kapag pinilit naming magsama pang muli.
Bumalik ako sa America that time at nagpanibagong buhay. Hindi ko na siya ginambala pa. Ngayon after 3 years bumalik ako dahil kaylangan ko nang balikan ang mga trabahong kaylangan ko nang hawakan pa. Hindi ko naman akalain na magkikita kami agad.
Siya ang nasa isip ko simula ng magkita kami. Inaya ko ang aking mga kaibigan na mag bar kami. Ngayon na lang ulit kami magkikita, naging busy na rin kami sa aming mga buhay simula ng ipasa na sa amin ng aming mga magulang ang mga sankatutak na mga trabaho.
I barely talk to James and Kevin already lagi na lang silang busy at sa time laging conflict. Si Kennedy naman laging busy rin lalo na at campaign period na naman. Halos hindi ko na makausap, kaya nag solo na lang ako dito at nag concentrate sa trabaho. Pinalaya ko na rin si Ivy, nagkapatawaran kami at nag move on. Mahal niya na daw ang kanyang asawa at hindi pala niya kayang mawala ito. Nasa ganoon akong sitwasyon ng tapikin ako ni James kaya nabalik ako sa kasalukuyan. Napakunot noo ako ng makitang nandito si sa bar na to at sa ganitong dis oras ng gabi hindi pala gabi kundi madaling araw na.
Nagkita kami sa bagong bar na tayo dito sa Makati. We tried it here, sabi nila maganda din ang bar na to. Halos magdamagan kami dito dahil napasarap ng kwentuhan at inuman. Nagtaka nga ako dahil itong una naming pagkikita sa isang bar na wala silang kasamang mga babae, maraming umaaligid pero hindi nila pinansin.
"Mukhang nagbagong buhay na ata kayo ah! Kaylangan ko na bang magpa misa nito," ani ko. Binato ako ng tissue ng mga gago.
"Hindi ba pwedeng magbago, ikaw nga diyan na pinaka matinik sa amin. Iniiyakan ka nga eh!!! Yan ang matindi," sagot naman ni Kevin na ikinabatok niya.
"Arraaayyyy!!! Dude, bakit ka ba nambabatok? " tanong niya dahil sa natanggap niyang batok kay Kennedy.
"Huwag kang magsalita ng ganyan dahil isa ka rin na maraming pinaiyak," ika naman ng isa.
"Ako nga ang pina-iyak ni Glorina. Wala naman akong kasalanan sa ginawa ng dalawang yan tapos sa akin binagsak lahat. Iniwan ako ni Glorina dahil sa sinaktan daw nila ang kanyang mga kaibigan at baka ganun din daw ang gawin ko sa kanya. Ilang beses ko siyang binalikan at nag makaawa pero wala talaga, tinapon niya lahat ng aking damit sa labas ng kanyang apartment. Hindi niyo alam ang kahihiyan na inabot ko that time na halos lumuhod ako sa harap ng kanyang apartment pero wala pa rin," hinanakit niyang paliwanag habang nakatingin ng masama sa kanyang mga kaibigan.
Napaubo sina James at Nimer sa narinig. Pinipigil naman ni Kennedy ang tawa, hindi niya alam na may ganoong nangyari sa kanyang kaibigan. Supposed to be dapat na si Nimer lang ang kanyang kaibigan pero dahil sa lagi silang magkakasama at naisasama siya lagi ni Nimer sa gathering nilang tatlo kaya napabilang na rin siyang isa sa kanila. Imbes na maawa siya sa sinawalat ni Kevin pero ang nangyari naging katatawanan ito. Hindi niya akalain na my magtatangkang iwan siya.
"Aaahhhheeemmmm, is that for real?" Ika naman ni Nimer na hindi makapaniwala pero sa hitsura mukhang natatawa na rin.
"Sa tingin mo gago ka, huwag kang magpigil ng tawa mo diyan dahil hindi mo bagay." Ika ni Kevin na hindi na nakapag pigil ang dalawa. Tumawa sila ng malakas, napangiti naman tong si James sa kanyang upuan.
"You didn't told us na ganyan pala ang ginawa sayo ni Glorina. Inunahan ka bro," pang aasar ni Nimer na lalong ikinawala ng isa.
"Kasalanan ninyo itong dalawa, sinaktan ninyo ang kaniyang mga kaibigan tapos ako ang sumalo lahat ng ginawa ninyo. Makatarungan pa ba yon? " Dagdag pa niya at uminom ng napaka rami. Inawat siya ni Kennedy at James.
"We're sorry bro...we didn't know...All of us have a lot of problem that we're facing that time. Hindi namin alam na ganyan katindi din ang pinagdadaanan mo. Sorry....really!!! " Mahabang paliwanag ni James.
"I want her back....huhuhuhu...." iyak na sagot ni Kevin sabay yakap sa amin ng gago. Natatawang yumakap din si Kennedy sa amin.
"Dammmn shit...get off me"...ani James na naka ngiwi. Natawa ako sa kanyang hitsura.
"Damn you Miranda...shit shit...nababakla ka na ba? " ika ni James na may accent pa sa kanyang sinabi. Napatawa tuloy kami ni Kennedy.
"Stay still...I just miss you guys...I miss this moment akala ko tatanda na akong ganito. Mabuti na lang bumalik ulit kayo," drama ng gago.
"Ok ok...we're here already...don't be like that...kinda chicken head," ani James. Grabe ang lalaking to kung magsalita puro mura at napaka straight kung mag salita masakit man or hindi bahala ka na ganon.
Nagtatawanan kami at nagdradramahan. Hindi siya makapaniwala na napakarami ng mga pagbabago na nangyari sa tatlong taong pagkawala niya dito. Nag mature na rin ang mga kaibigan niya at lalo pang yumaman ang mga lokong to pero isa lang ang common sa amin. Wala pa kaming mga asawa at girlfriend man lang ata. Mag uumaga na ng kami'y pauwi na ng biglang makita ko dito ang taong hindi ko inaasahan na makita. Nabangga niya si Kennedy kaya napalingon kami sa kanila. Nanlaki ang kanyang mata pagkakita sa amin.