Chapter9

1320 Words
Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayon, napatanong din ako sa aking sarili kung bakit siya nandito ngayon. Hindi ako nagpahalatang nagulat ako ng makita siya. All my friends keep on asking her pero hindi niya ito sinagot basta sinabi niya lang na may pinuntahan siya at kaylangan niya ng umuwi. "I gotta go! sige po maiwan ko na kayo dito nagmamadali po ako," aniya sabay lakad ng mabilis na halos takbuhin niya na. Nagtinginan ang mga kaibigan ko sa akin at nagtaka sa inakto niya. Nagkibit lang ako ng balikat, ayoko namang isipin nila na hinahabol ko siya. "Hindi pa ba kayo nag usap lalo na sa issue ninyo," ani naman ng isa niyang kaibigan. "Nope and my attorney will fix that," maikli kong pahayag. "Sabi mo yan ha", ika ni Kennedy. "Bro, hindi ba masarap ang labi niya...hindi mo ba namiss, you kno-" hindi ko siya pinatapos dahil inaasar na naman ako ng mga to. "Dammit...stop asking will you?" Ani ko at nauna nang umalis. I don't wanna talk that accident again akala ko nga sinadya niya yun pala accident lang ang nangyari. Napahawak ako sa aking labi ng maalala ko na naman ang sinabi ng aking kaibigan. Wala na nga bang spark pero bakit parang gusto ko pang maulit yun. Ang lambot ng kanyang labi at napatayo niya agad ang ari ko ng mahawakan niya ito. This is my first time na makaramdam ulit ako ng ganito at sa kanya pa. Simula ng mag hiwalay kami, hindi na ako tumikim pa ng iba. Wala namang nangyari sa amin ni Ivy dahil gusto kong respetuhin siya at sa kasal sana namin saka ko lang siya gagalawin pero hindi na natuloy sa daming mga pangyayaring hindi inaasahan. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing hinahalikan ko siya noon si Jenny ang nakikita ko. Napaayos ako ng upo ng buksan ni Kennedy ang aking sasakyan. Sa akin nga pala sumabay ang kumag na to. Sinabi niya sa driver kung saan siya bababa kaya ng makita naming paalis na ang aking mga kaibigan nagsimula na rin kaming umalis dito. Nag kwento siya ng kung ano ano sa akin, nakinig lang ako pero hindi sumagot. Tumatango lang kapag may sasabihin siya na kaylangan niya ang aking sagot. "Siya nga pala dude, diba nakita mo na yung kasama nila Jenny noon Riza Morales ata ang pangalan," sabi niya na ikinalingon ko. "Anong meron tungkol sa kanya?" Tanong ko naman na nakapikit, sumasakit ulo ko sa daldal ng lalaking ito. "Wala natanong ko lang. Mukhang ok naman siya, single pa kaya yun," aniya na naman na ikinakumot ng aking noo. "Don't tell me type mo yun. Naku Mayor Kennedy iwasan mo na at baka masaktan lang siya sayo," kontra ko na ikinatigil niya. "Grabe ka naman...ang advance mo namang mag isip...ganyan ba kababa tingin mo sa akin, nakakasakit ka naman ng damdamin," drama niya na may pa hawak hawak pa ng dibdib. Isa din tong mapaglaro sa mga babae kaya ayoko na sanang ma involved pa kami sa kanilang magkakaibigan dahil puro na lang pasakit ang naibibigay namin sa kanila. "Basta iwasan mo na siya ngayon din. Ibaling mo na lang sa iba yang pagka gusto mo doon," final kong pahayag. "Sir nandito na po tayo," sabat ng driver ko. Napatingin ako sa paligid nandito na pala sila sa kanilang bahay. "Don't question me or igaya sayo dahil magkaiba tayo.," sagot niya bago bumaba. Hindi ako nakaimik sa kanyang sinagot. Napamura ako sa aking isipan ng sagutin niya ako ng ganon. This is the worst day i had. I admit I am jerk back then but I already move on and change for the best. Tinanong ng driver kung aalis na ba kami, tumango ako at pumikit. Gusto kong matulog na lang para matapos na ang araw na to. I didn't know if makatulog ako ng maayos na naman but I will try. Uminom na ako ng marami kanina pero mukhang nawawala naman na yata ang pagkalasing ko. Pumikit ako at mukha ni Jenny ang aking nakikita. Hitsura niyang ayaw lumapit sa akin, mukhang nilalayuan ako. Nabalik na naman ang eksena sa airport the time when she accidentally kissed me. I was so flustered at that time kaya napamulat ako bigla. Ilang araw nang pabalik balik ang eksenang yun sa akin. Lalo akong hindi nakakatulog sa tuwing naalala ko yun. Nasa kalagintaan ako ng aking pagtulog ng biglang mag pop out ang kanyang mukha sa aking panaginip kaya nagigising ako bigla. Simula noon hindi na ako makabalik pa sa aking pagtulog kaya napipilitan akong uminom ng alak. Hindi naman na bago sa akin ang hindi makatulog sa gabi pero mukhang mas grabe ngayon dahil wala pang ilang oras magigising ako bigla at hindi na makabalik pa sa pagtulog. JENNY POV: Tang inang lalaking yun ah, hindi ko akalain na nandoon pa sila sa dis oras na yun. Paano kaya nila nalaman ang lugar na yun ani ko. Sumakay ako agad ng bus pagkarating ko sa sakayan. Hindi mawala wala yung tingin niya sa akin ng ganoon, nakakapaso at nakaka intimidate. Inalog alog ko ang aking ulo bago umupo ng deretso. This can't be, lagi na lang kami nagkakatagpo sa isang pagkakataon hindi ko alam kung accident lang ba yon or talagang nananadya ang tadhana. Pagdating sa bahay lantang lanta na ako, dumiretso ako dito at hindi na binuksan pa ang ilaw. Naalala ko pa lang naputulan nga pala ako ng kuryente at deadline na din ngayong linggo na to ang bayaran ng tubig. Napabuntung hininga ako, malaki naman ang kinita ko ngayon pero kulang pa rin dahil malaki ang kaylangan sa bahay. Napasabunot ako ng aking buhok sa dami ng iniisip. Mukhang kaylangan ko nang maghanap ng bagong tirahan nito, malaki na ang kaylangan kong bayaran sa upa ko tsaka sa kuryente tapos ngayon tubig naman. Hindi pwedeng mawalan ako ng tubig dito, kaylangan ko ito sa aking pang araw araw na pangangaylangan. Nagtanggal ako ng sapatos at jacket saka nahiga na lang sa sofa, wala akong ganang magpalit at mag banyo manlang dahil sa dami ng aking problema. Nagmessage pa sa akin kanina si Carla at tinatanong kung makakapadala ba daw ako bukas dahil kaylangan niya daw para sa kanyang matrikula. Nasa 2nd year college na kasi siya ngayon kaya lalong lumaki ang binabayaran ko. Nahiga ako at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako sa lakas ng alarm ng aking cellphone, pupungas pungas akong bumangon at nagmamadaling pumsaok sa banyo upang maligo. Ayokong maabutan ako ni Ma'am Connie dito (ang aming land lady) at baka sermon na naman ang abutin ko nito umagang umaga. May palugit pa naman ako ng ilang araw kaya may time pa ako para maghanap ng pambayad. Wala pang sampong minuto tapos na akong maligo, lumabas ako at nagpalit na agad. Sa canteen na lang ako ulit kakain nito, nag suot ako ng uniform ko agad at nagsuklay. Tumingin ako sa orasan at napamura dahil mag 5:30 na pala. Kinuha ko agad ang mga kakaylanganin ko tsaka nagmamadaling umalis na. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan sabay silip sa magkabilaan sa labas. Nang makita kong wala namang tao, bilis bilis kong umalis na. Nagdala ulit ako ng pamalit ko pagkatapos ng trabaho, deretso na ako sa resto doon na ako tatambay hanggang sa shift ko. May pahingahan naman doon, binibigyan naman ako ng pagkain ng mga katrabaho ko kaya ok na sa akin don. Nakahinga ako ng maayos pagkalabas ko sa compound na yun. Deretso na agad ako sa sakayan ng bus, exactly namang pagdating ko doon may dumating na bus na agad. Mag aalas sais pa lang ng makarating ako doon, nagtataka nga sila kung bakit napaka aga ko na raw ngayon. Ngumingiti lang ako at sinasabing inspired lang kahit na hindi naman. Dumiretso ako sa canteen pagdating ko, nakangiti si Ate Ekang pagkakita sa akin. Alam niya na agad kung bakit ako nandoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD