Paunawa:
Araw-araw po akong magdadagdag ng chapter.
Ang storyang ito ay under revision.
Salamat po sa pang-unawa
MAVERICK'S POV
AYOKO sa lahat ay pinaghihintay ako!
Haplos ko sa batok ko ng masilip ko ang relo ko at makalkula na may isang oras na akong pinaghihintay ni Rina.
Pero kaya ko pang maghintay! Kahit matagal hanggang sa ikaw na ang mainip na lumabas sa kinaroroonan mo Rina!
Nasa labas ako ngayon ng bahay nila at nakasandal sa sasakyan ko habang patingin-tingin sa pintuan kung saan siya lalabas.
Sa totoo lang kinakabahan ako na makaharap ko ulit siya, makakasama at sa wakas mabibigyan na ako ng pagkakataong makilala niya na ako.
Kung alam lang niya, pinapangarap ko na siya hindi pa niya ako kilala.
"Nasaan ang amo mo?" Sabi ng isang tinig na sumulpot mula sa tagiliran ko.
Bahagya akong napaigtad sa gulat ng marinig ko ang boses ni Rina at maramdaman agad ang presensya niya sa gilid ko.
Hindi ko to inaasahan, na sa ganto kami magkakaharap. Iniisip ko kasi kanina na lalabas siya ng pinto at dahan-dahang lalapit sakin ng nakangiti hindi gaya ng mukha niya ngayong iritado.
Teka... Anong sabi niya? Nasaan ang amo ko?
Tumaas ang gilid ng labi ko ng harapin siya.