PAUNAWA:
Ang storyang ito ay under revision.
Asahan po ang araw-araw kong pagdadagdag ng chapter.
Salamat po sa pang-unawa.
Please... keep in touch po....
RINA'S POV
ISINAWSAW ko ulit ang mangga sa sawsawang bagoong sabay subo. Sinilip ko ang bintana sa sala namin ng marinig kong dumating na ang sasakyan na susundo sakin.
Hawak ko pa ang mangkok ng pinagsamang bagoong at mangga habang hinihintay ko na bumaba ang assistant ni Maverick na si Rico Mihoya.
Try ko kayang hindi magtoothbrush ngayon? Hmp. Para maamoy ni Rico sa hininga ko ang bagoong na kinakain ko? Tapos dalhin ko tong kinakain ko habang bumabyahe kami? Siguradong maiirita siya sakin.
Kanina pa ako nakahandang umalis.
Hindi na ako nag-effort na maligo ulit, magpabango at magpaganda dahil ayokong maging maayos sa harap ni Rico.
Naka white printed shirt lang ako at ripped short. Gusto ko, sa unang kita sakin ni Rico masabi niyang hindi ako marunong mag-ayos ng sarili.
Bumaba ang isang lalake mula sa driver seat.
At tapos.....
Napaawang ang bibig ko at muntik ko ng mabitawan ang hawak kong mangkok ng makita ko kung sino yun.
Nakangiti ito habang sinasalubong ng ilang maids namin para kunin ang mga gamit kong dadalhin.