RINA'S POV
INIHATID ko si Jacky ng tingin.
Habang papalayo siya nag-uumpisa na akong mag-isip kung paano ko haharapin si Maverick Vhilonn.
Inis na napakuyom ang kamao ko sa hawak kong flash disk tapos inihulog ko yun sa tasa ng tsaa.
Wala akong balak na kilalanin ka Maverick Vhilonn!
Kumunot ang noo ko ng makita ko ulit na papalapit sakin ang maid na nagdala sakin ng tsaa kanina. May dala na naman itong kung ano.
"Nagpaluto ba ako sayo ng soup?" Takang tanong ko ng makalapit na ito sakin at makita ko ang dala nito.
Naamoy ko agad ang nakakatakam na amoy ng soup ng ihain niya sakin kaya tinikman ko agad yun.
Napapikit ako ng malasahan ko ang sarap nun at ang ginhawa ng maramdaman ko ang pagguhit ng sabaw sa lalamunan ko.
Ahh...ganto ba talaga kapag may hang-over? Parang kahit na anong mainit masarap para sakin o talagang masarap lang ang soup na to.
"Hindi ko maalalang nagpaluto ako ng soup. But this is good. Thank you." Ngiti ko.
"Hindi nga po Mam kasi may nagpapabigay lang po nyan para po sa inyo."
Natigilan ako. "Nagpapabigay?" Nagtataka kong baling dito. "Sino?"
"Si Maverick Vhilonn daw po."
"Ano? Si Maverick?"