MAVERICK'S POV
"HAPPY Birthday Maverick Vhilonn!"
Napapikit ako.
Parang umeecho pa din sa pandinig ko ang mga bating 'yon ng mga dumalo sa party ko.
Naglalakad-lakad ako ngayon, di kalayuan sa pavilion.
Sabi ko kay Carla at Rico gusto ko lang munang magpahangin pero ang totoo gusto kong hanapin si Cinderella.
Huminto ako sa tapat ng pool. Sinuyod ng mga mata ko ang paligid. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng hindi ko siya makita.
Kanina, bago mag-umpisa ang program, isa-isa naming nilalapitan ni Carla ang table ng mga dalagang nandoon para personal na magpasalamat sa pagdalo nila.
Nagpakita ako ng magandang ngiti sa bawat table na lapitan namin. Pinaghandaan ko ang pagdating ko sa table kung nasaan si Cinderella.
Pero habang tumatagal nawawala na ang masiglang ngiti ko at nakakaramdam na ako ng pagod sa pagsasabi ng "Thank you for coming." lalo na nang naikot na namin ang mga table ay hindi ko pa rin siya nakita.
Iniwasan ko munang magtanong kay Carla nang tawagin isa-isa ng host ang mga bisita. Isa-isa ko silang isinayaw habang sinasabi ng host kung saang pamilya kabilang ang dalaga.
Hindi ko gusto ang gantong set-up kahit pa kaakit-akit ang mga babaeng nandoon. Pinagbigyan ko lang ulit si Carla ngayong taon.
Habang isinasayaw ko sila iniisip ko si Cinderella.
Pagkatapos kong maisayaw ang mga kadalagahan sumunod na nagperform ang ilang mga sikat na performer.
Tapos sumunod na ang highlight ng program. Ang isayaw ang tatlong babaeng napili ngayong gabi.
Una, ang babaeng napili ng board members ng corporation namin. Nakita ko pa ang ilang board members sa isang table habang isinasayaw ko ang babaeng napili nila.
Ikalawa, ang babaeng napili ni Carla, si Mia. Hindi na ako nagtanong kung bakit si Mia pa din ang pinili niya ngayong taon kahit na ang sabi niya kanina ay may ipipilit siya sakin na ipakilalang babaeng gusto niyang gawin kong laruan.
Napangiti ako ng maisip na nagbago na ang isip niya.
Habang kasayaw ko si Mia, pasimple kong iniikot ang paningin ko sa mga taong nandoon para hanapin si Cinderella.
Ikatlo, ang babaeng napili kong huling isayaw ay si Cinderella. Pero hindi ko pa rin siya nakita kaya ipinagpatuloy ko nalang na isayaw si Mia bilang panghuli.
Huminto ako ng lingunin ang pavilion.
Mula sa kinatatayuan ko dinig na dinig ko ang mga nagkakasiyahang mga boses.
Si Carla ang nag-asikaso ng party ko pero wala siyang nagawa kanina ng sabihin ko sa lahat na nag-imbita ako ng ilan sa mga kaibigan at kakilala kong kalalakihan para makasama naming mag celebrate ngayong gabi.
Nakita ko ang excitement ng mga kadalagahan nang pumasok ang mga inimbitahan kong mga kalalakihan. Sa totoo lang hindi lahat sa kanila ay kaibigan at kakilala ko karamihan sa kanila ay imbitado ni Rico.
Natutuwa ako dahil ngayon nagkakasiyahan na sila at isa na doon si Rico. Nakita ko ang irap sakin ni Carla kanina pero ngumiti na din siya ng lapitan ng mga kilala niyang kalalakihan.
Napatingala ako sa mga bituin.
Sana alam ni Cinderella na hindi lang mga kababaihan ang nasa party ko kundi pati mga kalalakihan.
Laglag ang balikat ko na nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pinuntahan ko din ang bar kung saan ko siya nakita kanina pero wala parin siya doon. Naglakad ako sa direksyon kung saan huli ko siya nakitang naglakad.
Sa daan nakita ko ang isang pares ng glass sandals.
Nag-alala ako. Tatawag na sana ako sa security nang matanaw ko sa parking lot ang isang sasakyan na bukas ang pinto at ilaw sa backseat.
Napakunot ang noo ko. Nagmadali akong lumapit doon nang matanaw ko ang paa ng taong nakahiga doon. Suot non ang kapares ng glass sandals na nakuha ko sa daan.
Kagat-labi akong napangiti ako ng matiyak ko na si Cinderella nga 'yon.
Inilibot ko ang paningin sa paligid. Naghanap ako ng kasama niya pero wala akong nakita.
Bakit ba hindi niya naisip kung gaano kadelikado para sa kanya ang maglasing?
Tulog na tulog siya. Walang pakialam sa itsura niya ngayon. Yumuko ako nang hatakin ang bahagi ng gown niya at itinakip sa mga hita niyang nakalantad sa harap ko. Inilapag ko ang nakuha kpng glass sandals niya at hinubad ang isa pa sa paa niya. Pinagpagan ng kamay ko ang isang paa niya na nadumihan.
Biglang may tumunog na cellphone sa ringtone na alam kong hindi sakin.
Natanaw kong nasa ibaba 'yon nang hinihigaan. Umikot ako sa kabilang pinto nang kotse kung saan masmalapit kong maabot ang cellphone.
Naputol ang tawag.
Hindi ko napakawalan ang pagkagat sa labi ko nang mapatingin ako sa bahaging dibdib niya pagbukas ko ng pinto.
Tube top gown ang suot niyang gown at sa position ko ngayon natatanaw ko ang dibdib niya na parang gustong sumilip sa mundo.
Okay Mav, anong ginagawa mo sa gantong sitwasyon?
Naghubad ako ng coat.
Syempre, bantayan ang sarili.
Yuko ko at ikinumot ang coat sa kanya.
Tumunog ulit ang cellphone.
Nasilip kong 'Driver' ang nakarehistrong tumatawag. Inabot ko 'yon pero bigla ding natapos ang tawag.
Natigilan ako ng matagpuan ko ang sarili kong malapit na malapit ang katawan ko sa katawan niya.
Iniwasan kong tamaan ng mga mata ko ang labi niya ng malapitan.
Kahit na magkabaligtaran ang posisyon ng mukha namin malinaw na tumatatak sa isip ko ang bawat detalye ng mukha niya.
Ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya na dumadampi sa balat ng mukha ko. Kahit amoy alak ang hininga niya, umaakit parin 'yon sakin na gawin ang isang bagay na tumatakbo sa malikot kong isip.
Napapikit ako at napalunok ng makaramdam ng init ng katawan.
Fuck! Calm down body! You're over reacting!
Parang gusto ko nang magdasal sa sarili ko para lang makapagpigil pa ako.
Kagat labing napadilat ako saka dahan-dahang lumayo sa kanya. Isinara ko ang pintuan sa bahaging ulunan niya.
Saka ako napabuga ng isang mabigat na hininga ng biglang tumunog ulit ang cellphone na 'Jacky' naman ang naka-rehistro. Sinagot ko yon.
"Hey, ipapaalala ko lang," sabi ng nasa kabilang linya. Magsasalita palang ako nang magpatuloy siya sa pagsasalita. "kailangan mong makaalis bago maghating gabi." tapos biglang naputol ang tawag. Empty battery na ang cellphone.
Naalala ko ang huling sinabi niya kanina.
"Wag kang mag-alala wala din namang Cinderella ngayong gabi na naghahangad na gustuhin ng prinsipe at iligtas siya mula sa hindi magandang katayuan sa buhay niya ngayon."
Sinulyapan ko ulit si Cinderella.
Walang Cinderella ngayon gabi pero naiwan mo ang kapares ng glass sandals mo sa daan at kailangan mong makaalis bago maghating gabi?
Gumalaw si Cinderella. Nahulog ang coat. Pumihit siya patagilid at saka bumaluktot sa pusturang giniginaw.
Umikot ako sa pintuan sa paanan niya saka yumukong inabot ang coat at muling ikinumot 'yon sa kanya.
Kumabog ang dibdib ko nang mahagip ng paningin ko ang mukha niya. Palayo na ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko. Nawalan ako ng balanse.
"Nilalamig ako... Honey." saka payakap akong kinabig dahilan para maglapat ang mga katawan namin.
Pigil ang paghinga ko't ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Ah! I miss her!
Hindi agad ako nakagalaw ng yakapin niya ako't dinama ang init ng katawan ko.
Ramdam na ramdam ko ng kuryenteng bumalot sa buo kong katawan.
Malapit na malapit ang mukha ko sa mukha niya.
"Kiss me... Honey."
Pinigilan ko ang sarili kong dampian ng labi ko ang labi niya.
"Date with me first." bulong ko sa kanya. "I will seal you with a kiss."
"No, you can't seal." dumiin siya sa katawan ko. "Someone is already set to change my last name."
Natigilan ako at napaisip.
Maya-maya'y naramdaman ko ang pagluwag nang yakap niya nang lumalim na ang tulog niya.
Dahan-dahan akong bumitaw nang naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko nang matanggap ang mensahe ni Rico.
Sagot 'yon sa text ko kanina. Ano ang tunay na pangalan at saang pamilya nabibilang si Cinderella.
Naramdaman ko ang lamig ng gabi nang umihip ang panggabing hangin.
Tinitigan ko si Cinderella matapos kong basahin ang ipinadala ni Rico.
Hindi ka nga si Cinderella dahil ikaw si Rinayah Mueztre Rejares.
Napalunok ako nang makaramdaman ako ng saya, pagtataka, sakit at takot.