KABANATA 5

1682 Words
MAVERICK'S POV TINANGUAN ko ang bartender matapos nitong ilapag nito ang baso ng wine sa harap ko. Pumunta ako sa bar na 'yon nang makita ko si Cinderella na nag-iinom mag-isa. Napakagat labi ako nang sulyapan siya. Nakatitig lang siya sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip. Sinulyapan ko ang bote ng wine na nasa harap niya. Malapit na niyang maubos 'yon.  Kahit mukhang kakaahon niya lang sa pool, naaamoy ko parin ang bango niya na pamilyar sakin at kahit wala na itong make-up, napakaganda parin niya sa paningin ko. Napatitig ako sa labi niya nang tunggain niya ang baso.   I miss you.... gusto kong ibulong sa kanya. Nag-vibrate ang cellphone ko nang pumasok ang text message ni Rico. Rico: Nasaan ka na? Mag-uumpisa na ang program. Nag-reply ako. Ako: I need more minutes.   Tinignan ko ulit si Cinderella. Hindi ko siya kayang iwan lalo pa't lasing na siya.   Muli niyang ibagsak ang baso matapos tunggain ang laman non habang ako tahimik lang at pasimpleng pinapanood siya habang sumisimsim ng wine. "Excuse me." Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya. Na miss ko ang boses na yon! Damn! Tapos napalunok ako nang harapin siya.   "Yes Mam?" sagot ng bartender sa gilid ko na hindi ko napansin na nandoon pala. Pumihit ulit ako pabalik sa posisyon ko kanina saka itinuloy ang pagtikim sa wine. "Ito na ba ang pinaka nakakalasing nyong wine ngayong gabi?"   "Yes Mam." sagot ng bartender. "Really?" tumango lang siya. "Pahingi nalang ng iba para kasing hindi ako nalalasing dito." "Actually, Mam yan lang po ang wine na pwede po naming i-serve ngayong gabi. Yan po kasi ang favorite ng celebrant." Napakagat-labi ako.   Hindi ko favorite ang wine na 'yon. Siguradong parte lang nang taktika ng marketing team namin ang sinasabi ng bartender para sa promotion ng wine na 'yon.. "What the heck?!" taas ng boses ni Cinderella. "Pati ba naman sa wine walang ibang pagpipilian ngayong gabi?"   Nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Ngayong gabi kasi walang lalakeng inimbitahan si Carla sa party ko. Tinugga ko ang lahat ng laman na wine sa baso ko.   Hindi ko gusto ang idea na may gusto siyang ibang lalakeng pagpipilian ngayong gabi. "Okay ganto nalang, ilan bang ganto ang pwede kong inumin para malasing ako?"   "Pero Mam lasing na po kayo at kapag po naubos nyo yang nasa harap niyo baka po diyan na kayo makatulog-" "Bigyan mo pa ko ng isang bote." agap na putol ni Cinderella sa sinasabi ng bartender. "Mam isang bote pa po?" paniniguradong tanong ng bartender. "Pero-" "Please..." hagod ni Cinderella sa sariling batok pababa sa leeg niya. "I want more..." sabi niya sa malambing na tinig. 'Yong paghagod niya sa leeg niya at paglapat ng labi niya sa baso ang nagpatigil sakin. Pero agad akong nakabawi nang maalalang hindi lang ako ang lalaking nakakasaksi nang ginawa niya.   Napasulyap ako sa bartender na ngayon ay titig na titig kay Cinderella.   Napakuyom ang kamao ko nang maisip na pareho kami nang iniisip. Bullshit! Ibinagsak ko ang hawak na baso. "Bartender isa pa nga dito." Nagulat ang bartender sa pinatigas kong tinig. "Yes Sir!" natatauhang sagot ng bartender pero kay Cinderella pa din nakatingin. "Wait Mam, kunin ko lang po ang request mo." ngiti nitong sabi tapos agad na tumalikod. Kinuha ko ang cellphone ko nang maisip na itext si Rico para ipatanggal ang bartender na 'yon.   "Thank you." sabi ni Cinderella sa malambing paring tinig nang iabot ng bartender ang bote ng wine. Binalingan ko si Cinderella, muli na naman akong natigilan nang mapang-akit siyang ngumiti sa bartender. "Bartender, yung order ko?" pangalawang beses ko nang ulit. Nagbabanta na ang tono ko nang sabihin 'yon at parang gusto ko nang sugurin ang bartender nang naging abala ito sa pagngiti at pagtitig kay Cinderella. "He-heto po Sir." lapag ng bartender sa baso sa harap ko habang sinusulyapan pa rin niya si Cinderella na ngayon ay nakapokus na ulit sa iniinom. Sinenyasan ko ang bartender na lumapit sakin nang magkatinginan kami. "Yes Sir, pasensya na po." sabi ng bartender pagkatapos kong bumulong. Napakagat labi ako nang maisip ang panakot kong sinabi sa bartender.   Sigurado akong nakilala niya ako at sigurado akong alam niyang hindi ako nagbibiro.   "How dare you Maverick Vhilonn?" Nagulat ako ng marinig ang pangalan ko mula kay Cinderella. "How dare you Maverick Vhilonn?!" ulit niya sa tinig na naiiritang banggitin ang pangalan ko. Napakagat-labi ako nang maisip na alam niya at hindi niya nagustuhan ang ginawa ko sa bartender. Binalingan ko siya. Napakunot ang noo ko ng hindi siya nakatingin sakin. Nakatitig siya sa bote ng wine saka iniikot nito ang upuan. Parang nag slow-motion nang umikot siya at magkaharap kami. Kumabog nang malakas ang dibdib ko na sa kanya ko lang talaga nararamdaman. Pero lumagpas lang siya sakin at humarap sa direksyon ng pavilion. "How dare you Maverick Vhilonn?! Do you think all the women who can taste your favorite wine will fall in love with you ?!" kumumpas sa ere ang kamay niya. Kunwari ay kaharap niya at dinuduro ang binabanggit niyang pangalan. "Hoy, Mr. Maverick Vhilonn hindi ko gusto ang favorite wine mo?! Hindi nakakalasing!"   Naglabasan ang mga guards at bartender kaya sumenyas akong umalis silang lahat. Ilang segundo lang nawala sila sa paningin ko.   Hindi ko maiwasang mapangisi. Hinayaan ko lang si Cinderella sa ginagawa niya.   Bumaba pa siya ng upuan at humakbang ng isang hakbang palapit sa pavilion. Hindi niya alam na nandito ako. Come on, im here Honey! "Sino ka para ikaw lang ang masunod?! Who are you to make everyone want what you want?" dinig na sa boses niya ang pait nang nararamdaman.   "Sino ka para utusan ang mga tao na magdala ng mga babaeng pagpipilian mo ngayong gabi?!" Nag-iisip ako kung sasagutin ko ba ang mga sinasabi niya at magpapakilala para malaman niyang nandito lang sa tabi niya ang binabanggit niyang pangalan.   "Don't choose me! Hindi tayo para sa isa't isa! Hindi ako ang babae para sayo..." pagod na ang boses nito.  "At sigurado akong lahat ng gusto mo hindi ko magugustuhan... You are so bad... All of this is s**t!" Hindi ko na napigilang magsalita. "Sinasabi lang yan ng mga hindi pa kilala kung ano ang pagkatao ng isang Maverick Vhilonn." nilakasan ko ang boses ko nang sabihin 'yon para masmarinig niya.   Tapos pumihit ulit ako paharap sa iniinom ko.   "Excuse me?!" ngising lingon sakin ni Cinderella. Hindi ko na kinailangang humarap pa sa kanya dahil nakikita ko na ang imahe niya sa di kalayuang salamin sa harap ko. Naisip ko kung napatingin na din ba siya doon at nakita na din ba niya ang itsura ko at nakilala ako. Oo, hindi ako nagpakilala bilang si Maverick Vhilonn noon pero nakaharap at nakausap na niya ako ng ilang beses.   "Do you know him?" Tumuwid ako sa pagkakaupo nang makita ko ang paniningkit ng mga mata niyang nakatitig sa likod ko. "Wow?!" natawa at umirap siya sa ere nang bumalik sa inuupuan kanina.   Hindi niya ako sinusulyapan, nakatingin nalang siya sa iniinom. "May lalaki palang imbitado sa party na to." sa tono niya hindi siya makapaniwala na nandoon ako. Tinitigan ko lang siya mula sa salamin habang wala ata siyang balak na tignan ako dahil sa wine lang siya nakatingin. "As far as I know, only young girls of well -known and big names in society are invited to this party." ngiwi niyang sabi ng hindi parin ako binabalingan. "Imbitado din ang mga malalapit niyang kaibigang lalaki." sagot ko sa kanya nang maisip na hindi magpakilala. "and he doesn't want to-"   "Yeah, right!" painsulto niyang putol sa sasabihin ko nang tumuwid ng pagkakaupo. "But-" "Everyone, in just a few minutes we will be with our celebrant tonight. We know you are excited to greet Mr. Maverick Vhilonn!" dinig naming sabi ng host na umere sa paligid kasunod non ang masigabong palakpakan. "Hindi lahat!" pasigaw na sabi ni Cinderella saka pumihit ulit paharap sa pavilion. "Sa palagay ninyo ba may mag-iinom na kagaya ko kung lahat ng nandito ay nasasabik na makilala siya?!" Napahigpit ang hawak ko sa baso.   "Akala ninyo ba lahat ng babae dito mga nahihibang na i-offer ang sarili nila?"   Gaya ng ginagawa niyang paghusga sa isang Maverick Vhilonn ay nahusgahan ko din lahat ng babaeng nandito at hindi ko inaasahan na may katulad niya na dumalo sa party ko. Lalo ko lang naramdaman ang pag-asam na malaman kung sino siya at saang pamilya siya nabibilang? "Tsk. tsk." iling niya at saka humarap ulit sa iniinom niya at tinungga ang basong hawak. "Ito ang napapala mo sa pagpunta mo dito, mukha kang si Cinderella na isang prinsipe ang tanging pag-asa ngayong gabi!" Tapos nagsalin pa ulit ng wine sa baso.   Pumihit ako paharap sa kanya.   Kapag tinignan niya ko ngayon siguradong makikilala niya kung sino ako.   "Kung ganon, hindi nagpunta dito para batiin ang celebrant?" hindi ko napigilang itanong sa kanya. Tumingin ka Honey para makilala mo ko at kung hindi mo pa nga ako kilala magpapakilala ako sayo! "Kaibigan ka naman niya di ba?" sagot niya na hindi parin ako tinitignan. Magsasalita palang ako nang maunahan na niya ako. "Pakisabi nalang na binabati siya ng isang babaeng gusto lang malasing sa party niya." pilya siyang ngumiti habang nasa baso ang tingin. Oh damn! na-miss ko ang ngiti niyang 'yon kahit na may lungkot 'yon. Nawala ang ngiti niya ng magsalin ng wine sa baso niya. "Pakibigay nalang to sa kanya." tabig niya sa baso palapit sakin saka tumayo at tumalikod. Naalarma ako ng maisip na aalis na siya ng hindi pa ako nakakapagpakilala. "Siya nga pala." habol ko sa kanya. Pero siguro nga hindi pa ulit ngayon. Hindi na naman. Huminto siya pero hindi parin ako nilingon. "Yung celebrant hindi siya yung prinsipe na naghahanap ngayong gabi ng babaeng papakasalan." Bahagyang yumugyog ang balikat niya ng matawa. "Wag kang mag-alala, wala din namang Cinderella ngayong gabi na naghahangad na gustuhin ng prinsipe at iligtas siya mula sa hindi magandang katayuan sa buhay niya ngayon." sagot niya sakin saka nagpatuloy sa paglakad papalayo. Nakaramdam ko ang bigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD