"Ano ba ang nangyayari sayo, Savannah? Masakit ba ang tiyan mo?" Muling tanong ng ate niya. Pinahid niya ang ilang butil na luha sa mga mata at tumayo saka humarap sa ate Althea niya. Huminga siya ng malalim yumuko siya at mariin na kinagat niya ang ibabang labi. "Anong nangyayari dito?" Mas lalo siyang kinabahan ng biglang sumulpot ang kuya Drake niya. "Savannah ano ba?" Napalakas na ang boses ng ate Althea niya. "A-Ate. Ate b-buntis ako!" "Ano!" Napahagolhol siya sa harap ng ate at kuya Drake niya. Kinabig siya ng ate niya at mahigpit na niyakap. Maging ito ay napaiyak na rin. Niyakap lang siya ng ate niya habang panay ang tapik nito sa kanyang likuran. "Ate!" Sambit niya habang humihikbi. Her ate Althea was crying, panay lang ang ginagawa nitong pagtapik sa kanyang likuran

