"Dexter!" "S-Sab!" That baritone voice. 'Moi, ang daddy!' Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Takbuhin niya ba ito at yakapin? O mananatili lang siya sa kinatatayuan at hayaan itong lumapit sa kanya. Dexter was just standing in front of her, tumingin ito sa kanya sabay muling iwas at lingon sa kung saan, yumuko at kagat ang ibabang labi. Yumuko siya at pumikit kasabay ng pagpatak ng ilang butil na luha. Huminga siya ng malalim saka muling binuksan ang mga mata at libot ng tingin sa kabuuan ng basement. Mainit, madilim, at siguradong puno ng alikabok ang loob ng basement. Paano nito na kayang matulog dito sa loob ng basement? Paano nito na kayang tiisin ang init? "Nasisiraan ka na ba ng bait? Ano ang ginagawa mo dito?" Tila pinipiga ang kanyang puso sa nakikitang sitwasy

