Dexter hugged her tight. Panandalian siyang hindi makagalaw at tanging paglunok lang ang kanyang nagagawa kasabay ng rumaragasang t***k ng kanyang puso. Parang kanina lang ay iniisip niyang puntahan ito, ngunit ngayon ay biglang sumulpot ito. Teka nga! Paano nito nalaman ang kinaroroonan niya? Pano nito nalaman ang address ng condo niya? Ngunit sa halip na tanungin ito ay hindi niya napigilan ang sarili na gumanti ng yakap. Yakap na kasing higpit ng yakap ni Dexter sa kanya. She misses him so much! "You make me worried sick, Savannah. Where the hell have you been?" Ani nito sa kanya habang mahigpit siyang yakap. "I'm sorry, Dex. I'm sorry for leaving without even bidding goodbyes, pasensya na, it's a call of duty," ani niya habang marahang kumalas mula sa pagyakap dito. "A-Anong nangya

