Nginitian niya ang waiter sabay na kinindatan. Alam niyang naalala pa nito ang pagpapabalot niya ng steak na kinakain pa ni Dexter. Napailing ang waiter sabay ngiti. Dexter ordered their food. Hindi na siya nito tinanong kung ano ang gusto niya. "Anong inorder mo?" Tanong niya. "Same before. Gusto ko lang na makakain ka ng buong lasagna at makain ko rin ng buo ang steak. This place has the most delicious steak and lasagna." Lumingon ito sa kanya sabay halik sa kanyang labi. It was a smacked kiss. Ngumiti siya. Sabay pilig ng ulo sa balikat ni Dexter at gagap ng palad nito. Dexter's hands were soft. Tila mas makinis pa iyon kesa sa kanya, marahil dahil na rin siguro sa nasa loob lang ito ng opisina at puro papel lang ang kaharap at ballpen ang hawak. "Saan tayo pupunta pagkatapos nit

