He feels damn frustrated. Natapos nga ng maaga ang appointment niya ngunit tambak din ang mga papeles na nasa mesa niya na kailangan niyang pirmahan. "Analiza!" Tawag niya sa pangalan ng kanyang Secretary. "S-Sir!" "Bakit ang dami nito?" Ani niya sabay turo sa mga papel na nakatambak sa kanyang mesa. "Kasi sir, ilang araw po kayong wala. Kailangan na rin po kasi ng mga yan ng pirma ninyo." Napahugot siya ng malalim na buntong hininga sabay pikit ng mga mata at hilot ng kanyang sentido. He fired her a while ago ngunit nagbago ang isip niya. And now he almost burst into anger, pigil na pigil niya ang sarili na bulyawan ito. "I was here yesterday and the other day, bakit ngayon lang ang mga ito nandito sa mesa ko ha? You are supposed to put all the necessary documents that need my sign

