"My ate's life is in danger!" Mariin niyang wika sabay na lumingon kay Phoenix. "I'm sorry but I have to go!" "What the hell are you talking about?" Muling tanong sa kanya ni Craig. Ngunit hindi na siya sumagot. Patakbo niyang tinungo ang kanyang Ducati na nakaparada sa di kalayuan. Mabilis niyang sinuot ang kanyang helmet at sumampa sa kanyang motorsiklo. Bago niya binuhay ang makina ng kanyang motorsiklo ay muli niyang tiningnan ang exact location ng kanyang ate Althea. Tigil, usad ang sasakyan. Hindi niya maintindihan kung bakit ngunit isa lang ang sigurado niya sa mga oras na 'to. Nasa panganib ang buhay ng ate Althea niya. She kicked off the starter of her motorbike. Kasabay ng pagkabuhay ng makina ay ang mabilis na pagharurot ng kanyang motorsiklo. Muli niyang tiningnan ang red

