Mabilis na lumipas ang ang mga araw. Tunay nga na kapag napuno ng galak ang iyong puso at kasama mo ang taong mahal mo ay hindi mo mamalayan ang takbo ng oras, paglipas ng araw at maging ang pag-usad ng panahon. Walang paglagyan ang matinding galak sa kaibuturan ng kanyang puso pagkatapos malaman na triplets ang pinagbubuntis ng kanyang ate Althea. She is too excited. Kung dati ay dalawa lang sila, ngayon ay nadagdagan ng tatlo, a hindi. Lima pala. Including Drake and Dexter. Nakita niya kung gaano kamahal ng kuya Drake niya ang kanyang ate. Nakita niya kung gaano ito ka protective at ka responsableng asawa sa kanyang kinakapatid. Kaya ang pangamba na kanyang nararamdaman tungkol sa tagong relasyon ng mga ito ay bahagyang nabawasan. Maimpluwensyang tao ang mga Crisostomo. Nasa mataas

