Napahilamos siya sa kanyang mukha. Kasabay ng pagragasa ng matinding kaba sa dibdib. What has he done? Awang ang kanyang mga labi habang nakatingin sa papalayong motorsiklo ni Savannah. Muling kumudlit ang kidlat sa kalangitan kasabay ng malakas na kulog. Napapitlag siya. Hindi, hindi pwedeng hayaan niyang umalis ng ganon na lang si Savannah. Paano kung may mangyari ditong masama? The rain is heavy and he is pretty much sure na madulas ang daan. Sakaling may mangyaring masama sa babaeng mahal niya ay walang ibabang sisisihin kundi siya. His fvcking pride, his damn ego, and his stupid fvcking mouth. Fvck! Fvck! Malutong na mura niya. He grabbed his hair with so much frustration. Muling bumagsak ang malakas na kulog kasabay ng mas lalong paglakas ng ulan. Muli siyang pumasok sa loob

