"Missing me? really?" Dexter asked sarcastically in a low tone na tanging silang dalawa lang ang nakakarinig. Sa halip na sagutin niya ang tanong ni Dexter ay umayos siya ng tayo at bahagyang humakbang paatras. Muli niya itong matamis na nginitian. Dexter took a deep sigh umiwas ito ng tingin sa kanya na tila naiirita sa presensya niya. It's okay, kaya pa niya. Kaya pa niyang tiisin ang pagiging malamig nito sa kanya. She's at fault after all. Pagkatapos makipag-kulitan ng kanyang pamangkin kay Brixton at humalik sa mga kaibigan ng kuya Drake niya ay agad itong humawak sa kanyang kamay. "Let's go na tita, Sab," ani nito. Sinamahan niya ang pamangkin sa silid nito na dating silid ng ate Althea niya. "You brush your teeth na Faith. Aayusin ko lang ang higaan natin." "Tita, Sophia po.

