"Nelia, Betty!" Tawag ng kanyang ina sa dalawang katulong. Agad tumalima ang dalawang katulong at mabilis na lumapit sa kanyang ina. "Ano po yun ma'am?" Tanong ni Nellia. "Linisin ninyo ang kalat ng sir Dexter ninyo. Mag-iingat kayo ha, baka kayo masugatan." Wika ng kanyang ina sa mga katulong. Binuksan ng kanyang ina ang pangunahing ilaw ng mini-bar agad naman bumadha ang liwanag sa loob ng silid. Bit-bit niya ang bote ng whiskey ay marahan siyang naglakad papalapit sa naroong couch at umupo. Lumapit ang kanyang ina sa kanyang kinaroroonan at umupo ito sa kanyang tabi. Kinuha nito mula sa kanyang kamay ang bote ng alak at inilapag iyon sa mababang mesa na nasa kanilang harapan. Ginagap ng kanyang ina ang isa niyang palad at marahang hinaplos iyon. Ramdam niya ang malambot na kamay

