Maaga siyang umalis patungo hacienda dala ang mga papeles na dapat pirmahan ni Drake. Kamusta na kaya ang panliligaw ng damuho niyang kaibigan? Ano na kaya ang nangyari sa proposal nito sa babaeng si Althea? He met Althea at Don Alfredo's wake. Sa unang tingin niya kay Althea ay agad na naagaw nito ang atensyon niya. Althea is simple but beautiful at walang kahit na sinong lalaki ang hindi magkakagusto dito. Ngunit kahit na sinong lalaki ay magdadalawang isip na e approach ito dahil sa taglay na hinhin, tila ito isang babasaging crystal na isang pagkakamali lang ay pwedeng mawasak. Masarap kausap si Althea. Sa maikling panahon na nakasalamuha niya ito he knew how generous Althea is, at sa maikling panahon na iyon ay agad niya na itong nakapalagayan ng loob. Wala sa sariling napangiti s

