
Si Aiah—matapang, palaban, at mayaman. Pero sa likod ng matalas niyang dila at matibay na pader, isang babaeng takot magmahal. Si Calix—mahirap pero disidido, maginoo pero mapanukso. Mula sa pagiging patpatin at inosenteng binatilyo, naging ganap na lalaki. Malalaki ang bisig, matalim ang titig, at pagnanasa ang nasa kanyang mga mata.Sa gitna ng ulan at putik, isang aksidenteng halik ang magpapasimula ng sunog sa pagitan nila. Isang masikip na kubo, isang katawan na handang ipaglaban siya, at isang lalaking matagal nang may tinatagong pagnanasa—hanggang kailan niya ito tatanggihan?
