YAZMIN POV NAGPALINGA-LINGA SIYA nang lumabas siya sa two-storey house kung saan siya dinala ni Lee. Simple lang ang bahay na iyon gayon din ang mga bahay sa pagilid. Parang normal na mga bahay lang din sa Pilipinas. Pinagmamasdan niya ang mga batang naglalaro sa labas, maging ang mga iilan kababaihan na nasa paligid. Hindi nalalayo ang mga kutis ng mga ito sa kutis ng mga Pilipino. Kayumangi. Napabuntong hininga siya. Sa dinami-daming bansa bakit dito pa sa isa sa pinaka-malayo at maliit na bansa pa. Ilan minuto pa ang lumipas, tahimik lang siya nag iisip, nagmamasid sa paligid nang makita niya si Lee sa 'di kalayuan na nag-jo-jogging pabalik sa bahay na tinutuluyan nila. Umingos siya. "Nakuha pa talagang mag-jogging," pabulong niya na hindi inaalis ang mga mata kay Lee. Kitang-kit

