43

1147 Words

YAZMIN POV NASA DALAMPASIGAN sila, tahimik siyang nakaupo sa isang putol na puno habang nagmamasid kay Lee na abalang nakikipag kuwentuhan sa mga mangingisda. Halatang sanay na sanay ng makipagsalamuha ang binata sa lugar. Magiliw ito sa lahat ng taong nasasalubong nito. Madalas bang magpunta rito si Lee? Kapansin pansin din ang iilang babaeng umaaligid-ligid sa binata. Umingos siya. Obvious naman na nagpapa-pansin lang ang mga babae kay Lee. Nakita niyang may isang morena babaeng lumapit sa binata. Tumaas ang kilay niya nang mapansin nag ngingitian ang mga ito. Well, ano bang pakialam niya kung may lumapit man na babae sa binata? As if naman, may pakialam siya! Naningkit ang mga mata niya nang magtawanan ang morenang babae at si Lee. May pahampas-hampas pa ang babae sa braso ni Lee.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD