Part 2

998 Words
NAGKAKAGULO sa buong gym na siyang venue ng beauty contest. Walang dudang matataas ang energy ng mga naroroon palibhasa ay coronation night ang highlight ng week-long festival sa kanilang bayan. Mas naging magarbo ang taunang festival buhat nang maupong mayor si RGL. Sosyal na sosyal na ang labanan at pang-national level ang stage set-up, sound system and effects. Umuulan ng sponsors buhat pa noong pre-pageant activities. Walang tigatig sa pagkakatayo si Abie. Nginitian niya ang katabi niyang kandidata. Dalawa na lang silang nasa gitna. At ramdam niyang siya na ang tatanghaling panalo. Nasa entablado na rin si Mayor RGL at iba pang local personality na nagsilbing hurado. Nasa kamay ng alkalde ang dalawang bouquet of flowers, na mas kapansin-pansin ang laki ng isa. Pang-grand winner sa ganda at laki. Sa tabi nito ay si Former Provincial Board Member Myke Romero na bukod sa pagiging dating pulitiko ay mas kilalang matagumpay na negosyante at pilantropo sa buong bansa at tubong San Clemente din. Hawak naman nito ang oversized mock check kung saan nakasulat ang halagang isandaang-libong piso na parte din ng premyo, na kumpanya nito mismo ang sponsor. Sa sulok ng mata niya ay nakita niyang nakatitig sa kanya ang mayor. Mataktikang ikiniling niya ang ulo sa gawi nito habang naka-plaster sa mga labi niya ang ngiti. Ni hindi nagbago ang ngiti niya kahit sa pagkakataong nagtagpo ang kanilang mga mata. Kung hindi ba naman siento por sientong playboy talaga, huling-huli niya kung paano nagbago ang timplad ng ngiti nito. Mas tumamis ang ngiti nito. At nagpapungay pa ng mga mata. She knew it. Sa ganoong paraan din siya nahumaling dito ilang taon na ang nakakaraan. Iyong bahagyang kurap lang nito ay nagsisirko na ang puso niya. Iyong konting atensyon lang nito ay parang nawawala na sa balanse ang paligid niya at ito na lang ang sentro ng kanyang mundo. Bago niya ibinaling sa iba ang tingin ay saglit pang naghinang ang kanilang mga tingin. She felt a familiar kind of beat in her heart. Iyong klase ng t***k na dito lang niya iniuukol. No. Not anymore. Past is past, dikta niya sa isip. Iba na ngayon. “Face each other, ladies. Maghawak-kamay kayo,” anang emcee. “And now, our much-awaited moment is here! Drum roll, please.” Lalong lumakas ang ugong ng iba’t ibang reaksyon ng audience kasabay ng malakas na recorded drum roll. “Our Mutya ng San Clemente 2015 is no other thaaaannnnn…” The emcee paused for effect. “Binibing San Roque Abegail Perez Briones!” “Yes! Thank God!” she almost said aloud. Pero sa halip ay nagyakap sila ng 1st runner-up. Binati siya nito pero nababasa niya rin sa mata nito ang konting kabiguan. Bakit nga ba hindi? Hindi ganoon kadaling ikonsola ang sarili sa pagiging second best. Iyong pakiramdam na abot-kamay mo na ang tagumpay pero kinapos ka pa rin para makamtan iyon. Siya na lang ang nasa gitna ng entablado. Habang ina-award sa kanya ni Myke Romero ang mock check, nakita niya sa sulok ng mata niyang inabot ni RGL dito ang mas maliit na bouquet. Nakipagbeso ito at humakbang na rin pagawi sa kanya. “Congratulations!” bati sa kanya ni Myke Romero. Nakipag-kamay ito sa kanya bago nag-beso. “Thank you,” sagot naman niya. Nagpasalamat din siya kay Suzanne na bumati sa kanya at nag-abot ng travel prize certificate niya. “Congratulations, hija,” sinsero ding bati sa kanya ni Governor Charito. Hawak na nito ang sash nang mapalingon ito kay RGL na nasa harap na rin niya. Nasa malapit din ang dating mutya na ready nang iputong sa kanya ang korona. “Ladies first,” bohemyong sabi ng mayor sa mga ito. Umuklo siya para hindi mahirapan ang gobernador na ilagay sa kanya ang sash. Matangkad na siya ay lalo pa siyang pinatangkad ng five-inch high heels na suot niya. “You are indeed a winner. You deserve this crown. Congratulations ulit.” “Maraming salamat po.” At naramdaman na lang din niya na inilalagay na sa kanya ang korona. She smiled at the former beauty queen sweetly. Hinalikan siya nito sa magkabilang pisngi bilang pagbati bago tuluyang tumalikod. Si RGL na lamang ang nasa harap niya. Alam niyang para sa kanya ang hawak nitong malaking bouquet. Nakabitin ang ngiti ni Abie. Ngayong nasa kanya na ang korona, mas lalong dapat niyang ipakita na deserve siya sa koronang iyon. She kept her poise. At makahulugang tiningnan ang bulaklak. Tumikhim ang binata. At pagkuwa ay tinitigan siya nito na para bang silang dalawa lang doon. Napalunok siya. Pagkaraan ng ilang taon ay ngayon lang sila uli nagkalapit ng ganito. Kalma lang, Abie. Don’t forget your poise, Abie. And grace, of course, paalala niya sa sarili. At sa wakas ay inabot na nito sa kanya ang bulaklak. Hindi lang basta abot. Inilagay nito sa mismong bisig niya ang bouquet at sadyang pinaglandas ang palad sa braso niya. Halos yakapin siya nito nang ilapit pa ang sarili sa kanya. At saka siya hinagkan sa pisngi. “Congratulations, babe.” Bumulong ito sa mismong tapat ng tenga niya. Ang pagdampi ng mainit na hininga nito sa tenga niya ay parang kuryenteng mabilis na naglandas sa gulugod niya. Just like that and she almost lost it. Her poise. Her grace. Her calmness. Halos pandilatan niya ito nang sa wakas ay gumawa ng distansya sa pagitan nila at magtama ang mga tingin nila. Sisikmatin niya sana ito kahit pabulong nang lumapit na sa kanila ang emcee. “Excuse me, Mayor. May ceremonial walk and wave pa ang ating mutya.” “But of course, Rod,” nakangiting baling nito sa emcee. “Doon na lang ako sa opisina maghihintay. May pinahanda akong salu-salo para sa ating lahat. Sumunod kayo doon.” Bago ito tuluyang tumalikod ay isang makahulugang tingin ang iniwan nito sa kanya. Damn you, my ex! Gusto sana niyang iganti, pero sa halip, nag-focus siya sa dapat pa niyang gawing pagrampa sa entablado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD