Part 3

1211 Words
“ABIEEEE!!!!” EKSAHERADO at nagtatatalon sa tuwa na niyakap siya ni Arnie nang bumalik siya sa back stage. “I knew it! I knew it! Congrats, best.” “Thank you, best.” Ilang sandali silang nagyakap at saka una din siyang kumalas. “Tara na, magligpit na tayo.” “Ay, nagmamadali? Luluwas ba tayo? Nagmo-moment pa tayo, eh.” “Uwi na tayo. Sa bahay na tayo mag-moment.” Nag-make face ang bakla pero nagsimula na ring kumilos. “Balita ko, may pa-buffet si Mayor pero uuwi na tayo? Hustisya naman. Kanina pa chicken sandwich at three-in-one na kape ang pa-feeding ko sa small and large intestines ko.” Bahagya siyang nakonsensya pero mas mahalaga sa kanya ang makaalis na agad doon. “Ako na bahala sa lafang mo. Basta tara na. Bilisan mo.” “So, nagmamadali talaga? Hep!” Inawat siya nito sa pagtatanggal niya sana ng korona niya. “Kung iyan ang gusto mo, puwes uuwi tayong naka-korona ka at naka-gown, at may pa-sash pa. Rarampa ka sa sala grande ng mga Briones. At ang utos ng bakla hindi puwedeng baliin.” “Okay. I owe you a lot. Payag na ako.” “Nagmamadali. May iniiwasan,” parunggit nito sa kanya habang palabas na sila ng back stage. “Wala, ‘no. Excited lang akong makauwi.” “Weh! Hindi mo siyang magagawang iwasan. Lalo pa ngayon.” “Best, please.” Naharang sila ng local press, pati na rin local bloggers ayon na rin sa pakilala ng mga ito. Wala siyang nagawa kundi ang magpaunlak sa maikling interview at photo op. At bago pa siya makaalis doon ay naroroon na rin ang isa sa kilalang aide ni RGL, si Bien. “Ma’am, pinapasabi po ni Mayor na imbitado kayo sa celebration. Sa mayor’s office po.” Siniko siya ni Arnie. “Sige, Bien. Salamat. Susunod na lang kami.” “Sinungaling ka,” sumbat sa kanya ni Arnie. Hinintay lang nilang tumalikod si Bien at nagmamadali na silang sumakay sa van. “Akala mo, hindi ka mayayari kay RGL? Humanda ka.” “Huwag mo akong takutin. Bilis na, sakay na.” “Bakit? Kasi takot ka, ‘no? Yari ka,” tirya pa nito sa kanya. “Ano ba. Huwag mo nang isipin iyon. Wala na iyong magagawa kung nakauwi na ako.” “Marami iyong magagawa. Siya nga ang mayor dito, remember?” Inirapan na lang niya ito. “Mamong Elmer, pakibilis po.” “Kung makasabi ng pakibilis, akala mo talaga luluwas,” bulong ni Arnie. “Nandiyan lang naman sa kabilang barangay ang San Roque. Hay naku, Abegail, sasabihin ko kay fatherhood na huwag kang bigyan ng talong at kamatis kapag umani kami. Isusumbong kita. Sasabihin kong pinagkaitan mo ako ng pa-buffet ni mayor.” Hindi siya kumibo. “Kungsabagay, aanhin mo naman ang talong na galing sa tumana kung may talong naman ni RGL na humahabol sa iyo.” Sukat doon ay napabunghalit siya ng tawa. “Sira-ulo ka talagang bakla ka.” “Sira-ulo ka rin,” ganti nito. “Celebration nga iyon para sa iyo sukat tinakasan mo. Basta bukas, may promise kang pakain.” “Oo naman. I don’t break my promises. Hindi naman ako kagaya ng kakilala nating dalawa.” Tumikwas ang sulok ng labi niya. “Marami bang promise na hindi tinupad iyong ex mo?” pabulong na tanong nito sa kanya. “Eh, di ba, alam mo naman? Nagtatanong ka pa.” “Hindi naman sa pang-aano ha, Eh, baka naman pareho lang kayo. Baka ikaw din naman sa kanya may mga promise ka ring hindi tinupad.” Hindi na siya nakakibo.     NAHIMAS NI RGL ang sariling baba nang makita sa pamamagitan ng CCTV monitor ang pag-alis ni Abie. Nakutuban na niyang mangyayari iyon kaya inutusan niya si Bien na sunduin ito. Umaasa siyang kung may follow-up ang imbitasyon ay mapagbibigyan siya nito. Malaking preparasyon ang ginawa ng kanyang administrasyon sa selebrasyon ng town fiesta. At kasali sa week-long festival ang beauty contest na naging tradisyon na rin sa bayan nila kaya naman damay na din iyon. Awtomatikong representative ng bayan nila ang mananalo at handa na rin siya sa suportang ibibigay niya dito sa paglaban nito sa Lakambini ng Nueva Ecija. Ang hindi niya napaghandaan ay ang pagsali ni Abie sa Mutya Ng San Clemente. Malakas ang ugong noon na sasali daw ito pero hindi naman siya naniwala. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makitang isa nga ito sa kandidata. At hati ang loob niya sa kagustuhang manalo ito o paatrasin ito sa laban, sa isang dahilan na hindi rin niya matukoy talaga. Maliban na lang na hanggang sa ngayon, possessive pa rin siya kay Abie kahit na nga ba wala na silang relasyon. Tumututol ang kalooban niya na isa ito sa paparadang naka-sexy outfit bilang parte ng kompetisyon. Isipin pa lang na maraming makakakita sa mahahantad na bahagi ng katawan nito ay umaalsa na ang loob niya. Aaminin niya sa sariling gusto niyang eksklusibo lang sa mga mata niya ang kagandahang angkin nito. Alam niyang mas may magagawa siya sa pagkapanalo nito kesa sa sabihan itong umatras sa laban. Kelan sila huling nag-usap ni Abie? Taon na rin ang binilang. Ilang beses na rin siyang nagtangka na makipag-usap dito pero sarado ang pinto nito para sa kanya, na lalong lumala buhat nang siya mismo ang maupong mayor sa bayan nila. Paano niya ito uutusang umatras sa laban kung hindi nga sila nag-uusap? Pagkatapos ng ilang taon mula sa malabo nilang paghihiwalay ay nagkaharap lang sila ni Abie sa presentasyon ng mga kandidata sa Sangguniang-Bayan. Kung ang iba ay halos mamilipit sa kilig o magpapungay ng mata para mapansin lang niya,  napakalamig naman ng pagtanggap sa kanya ni Abie nang kamayan niya ito bilang pagbati. Hindi pa man nagdadaop ang palad nila ay disimulado na nitong binawi iyon. At noon pa man ay gusto niyang buksan uli ang pakikipag-usap dito. Pero naisip niyang hindi dapat. Hindi pa dapat. Kandidata ito at isa siya sa uupong hurado. Hindi niya gustong magkaroon ng kulay ang resulta ng laban. At hindi rin niya gustong mamalayan ng iba ang isang bahagi ng personal na buhay niya. Napaka-espesyal sa kanya ng nakaraan nila ni Abie. Wala siyang balak na makaladkad iyon sa buhay-pulitika niya. Handa siyang maghintay ng tamang pagkakataon para lamang maiayos ang dapat ayusin sa pagitan nila. Nang ideklara itong panalo ay natuwa siya. Malinis ang pagkapanalo nito. Malinis din ang konsensya niyang hindi niya inimpluwensyahan ang kahit na sinong hurado para taasan ang marka nito. And he was really happy for her. He was proud of her. Dahil din kay Abie kaya siya ang mismong nag-request ng menu sa caterer na kinontrata niya para sa selebrasyon. Isinaalang-alang niya ang mga natatandaan niyang paborito nito. Na ni hindi nito pinag-interesan na matikman. Napailing siya. “Mayor, susunod na daw po sila,” sabi ni Bien na sumungaw sa may pinto ng private office niya. “Sa tingin ko, pauwi na sila,” matabang na sabi niya. “Bien, sabihin mo sa caterer na magtabi ng lahat ng klase ng putahe. Make it presentable.” “Opo, mayor. Ako na po ang bahala.” “Good.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD