Part 4

1070 Words
“OH, MY GOD, Abie!” maluha-luhang bulalas ng mommy niya nang makita siya nitong naka-korona at sash pa. Halos magmadali itong bumaba sa magarbong hagdanan ng Spanish villa na minana nila sa Perez side. Tipikal na donya ang itsura ng kanyang ina. Bakas na bakas dito ang karangyaan ng buhay na kinamulatan nito. Palaging nakaporma na parang aalis kahit na nasa bahay lang.  “Easy, Mom. Baka mahulog ka,” paalala niya dito. Niyakap siya nito. “Nanalo ka! Congrats, anak. I’m so proud of you, my bunso. At masayang-masaya ako para sa iyo. Too bad, wala ako doon.” Nalungkot ito. “I shouldn’t have missed it.” “It’s okay, Mom. Alam kong physically absent lang naman kayo. Ramdam ko naman ang suporta ninyo mula’t mula pa. By the way, how’s Dad?” “Katutulog lang. Ayaw ngang matulog at hinihintay ka. Kaso hindi na niya kayang labanan ang epekto ng gamot. Pero bago siya nakatulog naitawag na ni Arnie na nanalo ka. Masayang-masaya din siya. Gusto talaga niyang personal na batiin ka.” “Sorry naman, best,” sabad ni Arnie na lumapit din. “Excited akong ibando sa lahat ang good news.” Nakipagbeso ito sa mommy niya. “Wagi tayo, Tita!” “Yes, we are. Tiyak na mga gutom kayo. May pagkain sa kusina. Nagbilin na ako kay Belen na asikasuhin kayo.” “Yown! I love that, Tita. Super gutom talaga kami kasi---” “Mauna ka na sa kusina, Arnie. Di ba mas gutom ka sa akin?” mataktikang sabi niya. “Abie, nasabi ko na rin sa mga kuya mo na nanalo ka,” sabi uli ng mommy niya. “And they are all happy for you. May surprise daw sila sa iyo pag umuwi sila.” She rolled her eyes. “I don’t like surprises, Mom. Alam mo iyan.” “Pagbigyan mo na sila.” Kinawit niya ito sa braso. “Tara kay Dad. Sisilipin ko muna bago ako magbihis.” Gumapang ang lungkot sa puso niya nang makita ang natutulog na ama. Malaki na ang inihulog ng katawan nito. Ilang buwan na rin itong nakakulong sa wheelchair dahil sa aksidenteng tinamo nito. At hindi lang pisikal, mas matindi ang emosyonal na pinagdadaanan nito. Lumapit siya dito at magaan na hinalikan sa noo. “I won, Dad. Para sa inyo ni Mom ang korona ko.” “Sige na. Magbihis ka na at kumain na rin. Bababa ako kapag hindi umingit ang daddy mo. Alam mo namang bahagyang kibot lang, ako ang tinatawag niya.” Iyon din mismo ang dahilan kung bakit wala siyang mga magulang sa audience nang lumaban siya. Hindi maiwan ng mommy niya ang daddy niya. Ang mga kuya naman niya ay naka-base sa Singapore ang isa habang nasa magkabilang dulo ng Amerika ang dalawa pa. “True love, eh. May forever.” “You’ll have yours, bunso. The right one will come at the right time.” Hindi na bagong linya iyon mula sa bibig nito. “At bata pa naman ako, di ba? Hindi ako dapat magmadali?” dugtong niya. “Kelan pa naging matanda ang twenty-four sa panahong ito? Kung ang Kuya Riel mo nga, treinta na’t lahat hindi pa namin inaaapura sa pag-aasawa,” tukoy nito sa kapatid niyang nasa SG. “Enjoy life, Abie. Take your time.” Bagong hilamos na siya at nakapambahay nang pumunta sa kusina. Nagulat siya sa dinatnan. Bukod sa mga pagkaing nakahain sa kasangkapan nila ay ilang aluminum tray ang naroroon. “Oy, bagong hirang na Mutya ng San Clemente, tara, kain na!” aya sa kanya si Arnie. “Bakit ang daming pagkain?” “Ano pa, eh, di sinundan ka ng celebration. Sabi ko naman sa iyo, hindi ka makakaiwas, eh. Pinadala iyan ng ex mo.” Tikwas ang kilay na tinitigan niya ito. “Este, pinadala ni Mayor. Si Bien ang mismong may dala niyan. Sige na, kain na. Gutom tayo, di ba?” “Sina Belen at Manong Elmer, at si Ate Ising?” tukoy niya sa mga kawaksi nilang masaya ring bumati sa kanya kanina. “Kumuha na sila diyan.” Itinulak nito palapit sa kanya ang tray ng beef burgundy. “Paborito mo iyan, di ba? Puro paborito mo pala ang menu sa pa-buffet niya. Hindi pa rin siya nakakalimot.” “Marami nang nakalimutan iyon. Kumain na lang tayo. Nga pala, uuwi ka pa ba sa Sta. Isabel o dito ka na matutulog?” “Uuwi ako. Ipagkakalat ko sa Sta. Isabel ang panalo mo paggising ko bukas na bukas.” “Okay. Magbalot ka niyang pagkain later. Uwian mo si Tatay Arnulfo.” Ulila na sa ina ang kaibigan niya. At super-blessed itong magkaroon ng mapagmahal na ama na tanggap ang kabaklaan nito. “Yan naman, maalalahanin ka talaga, eh.” Nilalantakan na nito ang dessert na malamang ay kasama sa pinadala ni RGL. “Abie, sa palagay mo, naalala pa kaya ni RGL ang feelings niya sa iyo? Tingnan mo naman, puro paborito mong pagkain iyan, ah. I therefore conclude, hindi pa siya talaga nakakalimot.” “Arnulfo Junior, iba ang di-pagkalimot sa ulam kumpara sa pagkalimot sa feelings.” “Aray ko naman, maka-Arnulfo Junior ito, wagas! Arnie lang  or best. Grabe, kumakalampag na Arnulfo Junior. Masakit sa tenga, best. Saka sa heart.” Napailing siya at nagsimulang kumain. Hindi niya kayang tiisin ang beef burgundy. Sa totoo lang ay lalong kumalam ang sikmura niya dahil doon. At talaga namang pagkasarap-sarap ang pagkakaluto niyon. Ilang sandali na puro pagkain ang hinarap niya. “Seryoso ito, Abie,” sabi uli ni Arnie. “Ano na naman iyan.” “Siyempre winner ka. Malamang niyan, maya’t maya magkikita kayo ni ex mo. Este, ni Mayor.” “Madaming bagay ang pagkakaabalahan ko. Hindi naman komo nanalo ako ay araw-araw na akong magta-time in sa munisipyo. Hindi naman ako si Bien na alalay/bodyguard niya. May personal na buhay din ako. May trabaho ako, di ba? Saka buti kung magtagpo ang landas namin. Busy din iyon sa maraming bagay. At sa mga babae.” “Uy, may selos something ang boses niya. Eh, what if nga?” “Bahala na.” Itinirik nito ang mata. “Naks! di siya makasagot. May feelings ka pa sa kanya, ano?” “Tse!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD