RGL WELCOMED the rain. Masyadong malakas ang buhos niyon kaya hindi na siya nagtaka nang ilang sandali pa ay nakita niyang dumami ang pumaparada sa malawak na gas station. Zero visibility agad ang paligid. Pakiramdam niya ay ibinibigay talaga sa kanya ang pagkakataong iyon. Nilingon niya ang sakay nila sa likod. Mukhang mas tulog na tulog ngayon si Arnie kesa kanina. At saka bumaling uli ang tingin niya kay Abie. “Now, we really have to talk,” seryosong sabi niya. “This is not an ideal place for me para pag-usapan natin ang tungkol diyan. Pero ito na nga siguro ang tamang pagkakataon. After all, apat na taon ang lumipas. Hindi na masyadong mahalaga ang lugar. Ang mahalaga ay iyong magkausap tayo at pakinggan mo ako.” “It doesn’t matter anymore, Rom. Natapos na sa atin ang lahat.” “No,

