“ANG LAKAS ng loob mong magpakita dito!” mabagsik na sabi ni Roger nang datnan nito sa sala nila si RGL. Hindi nga nag-aksaya ng panahon si RGL at kinabukasan ng gabi ay pormal ito pumanhik ng ligaw sa kanya. Nagulat si Aleli. Pero kilala niya ang ina. Hindi man ito gaanong nagsasalita ay alam niyang aprubado dito ang pagharap na iyon ng binata. Pero inaasahan na nilang hindi iyon ganoon kadaling tatanggapin ng kanyang ama. “Pormal po akong nagpapaalam sa inyo para hingin ang kamay ni Abegail,” direktang sabi ni RGL dito. Lalong nagalit ang itsura ng dad niya. At siya man ay nagulat din. Hingin ang kamay niya? Ang usapan nila ay manliligaw lang ito uli sa kanya. Hindi siya makahuma lalo at nagtatanong din ang mga tingin na ipinukol sa kanya ni Aleli. “Aba’t ang tapang din naman ng mukh

