“Maupo ka, hijo,” ani Aleli. “Mag-usap muna tayong lahat bago namin kayo iwan,” sabi naman ni Roger. Sa kanya tumabi ng upo si RGL. “Abie, anak, nag-usap na kami ni Rommel. Seryoso siyang hingin ang kamay mo. At ipinaliwanag na rin niya sa akin ang pangyayari nung nakaraan.” Bumadha ang lungkot sa mukha nito. “Patawarin ninyo rin ako na binalot ng galit ang puso at isip ko. Hindi na ako nakinig sa tamang katwiran. At mabigat din sa akin na pumanaw si Ramon na hindi kami nagkausap. Hindi na natin pare-parehong maibabalik ang nangyari. Pero may kakayahan tayong ipagpatuloy kung ano ang meron sa kasalukuyan. Ibinibigay ko ang basbas ko sa relasyon ninyong dalawa. Nagtitiwala ako sa iyo, Rommel, na hindi mo pababayaan ang anak ko. Bukas, dadalawin namin ni Aleli ang mama mo, Rommel. Alang-
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


