UTC: Sealing a deal

1338 Words
Hindi ko agad nabawi ang kamay ko ng banggitin iyon ni Daddy. My f-fiancé? Nakita ko naman ang ngisi ni Cassian, sigurado akong naramdaman niya ang paninigas ko dahil doon. Babawiin ko na sana ang kamay ko ng ilapit niya iyon sa bibig niya at hinalikan ang likod nito sa mas lalo kong kina-ilang. 'B-bakit niya kailangan gawin iyon?' Mabilis kong nahila papalayo ang kamay ko mula sa kanya saka mabilis na naupo sa tabi nila mommy. What are they doing here? Sa pagkakaalam ko magkikita lang kami oras na nasa legal age na ako and that's almost 5 years from now pa because I'm still 13. Hindi kaya— "Remember what we've talked about awhile ago?" tumango naman ako bilang sagot dahil alam kong iyong pagcocollege ko ang tinutukoy nila "Pumayag kami na makapag-enroll ka sa Taverna University at isa sa rason ang malaman naming Ace is studying there too and I hope you'll understand that we can't let you be alone anywhere out of the palace even though you have Matheo, Lore and your other friends hindi parin namin pwedeng ipaubaya ka sa kanila dahil for sure ay may sari-sarili parin silang buhay na kailangan pagtuonan," paliwanag ni daddy "But we don't need to be with each other all the time right? Kailangan ko rin po ng time with my best friends, okay lang naman po iyon diba?" hiling ko kay mommy. "That's fine with me though dahil may mga kailangan din akong gawin kaya hindi rin talaga kita masasamahan 24/7," sabad ni Cassian, great! "Fine pero ieenroll namin kayo sa iisang program lang at magiging magkaklase kayo the entire 4 years ng college niyo," sabay naman kaming tumango ni Cassian "But also put in mind that your relationship will remain hidden dahil alam naman natin that Henrietta's identity is a secret, no one knows that she's the princess of Aurora except you, her friends and cousin. As for Ace, everyone is aware that he is a prince kaya malaking issue kapag may nakatunog that Prince Ace is engaged to Hyllee, a normal college student," "Don't worry Mom, that won't be a problem. Mag-iingat po ako, mag-iingat po kami, right, Cassian?" sinamaan naman niya ako ng tingin dahil sa tinawag ko sakanya pero nginitian ko lang siya. "Right?" napipilitang tumango naman siya saka nagpatuloy sila mommy na sabihin ang mga hindi dapat at dapat naming gawin. Ilang saglit lang ay tumayo ako saka hinawakan ang kamay ni Cassian na kinapagtaka naman niya pero hindi rin bumitaw "Mom, Dad, Tito, Tita can I talk to Cassian for awhile?" nakangiting tanong ko sa kanila na mukhang nagtaka din. "Sure honey," dahil sa sinabing iyon ni Tita ay mabilis kong hinila palayo si Cassian at dinala sa kwarto ko saka iyon nilock para masigurong walang papasok "Anong gagawin mo sakin?" kunot noong tanong niya ng paupuin ko siya sa sofang nasa kwarto ko bago binitawan. "Hey wala akong gagawin sayo no. I just want to talk to you about some things " pagtatanggol ko sa sarili. "H-hindi naman natin kailangan sundin lahat ng gusto n-nila mommy right?" tinaasan naman niya ako ng kilay dahil sa tanong ko saka niya nilaro sa loob ng bibig niya ang dila niya papunta sa likod ng pisngi niya. Alam ko na hindi ko dapat iyon tinanong o sinabi sakanya dahil malalagot kami kapag nalaman iyon nila mommy kahit ako rin ay kinakabahan, gusto ko man iyong bawiin ay hindi ko alam kung papaano without him thinking na maybe I am some kind of a rebel princess or what. Ugh, why did I even ask that? "So what do you want now, Princess?" tila nang-aasar pa siya ng tawagin akong princess. "Nevermind!" tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong hilain pabalik sa pwesto ko kanina. "Let's make a deal," nabalik naman ako sa wisyo ng sabihin niya iyon. "Ang kailangan ko lang gawin ay ang ihatid at sunduin ka sa university to make sure na safe kang makauwi dito at makapasok ng university dahil for sure ligtas ka naman na sa loob. Let's just act that we aren't even close dahil hindi naman talaga. You can do whatever you want just avoid causing trouble and let me do whatever I want either. Deal?" yun lang naman pala eh. Iyon din naman ang gusto ko dahil ayaw ko ng issue dahil sa pagiging malapit sa isang prinsipe knowing na I am just a normal college student at hindi prinsesa sa mata ng karamihan. "Deal! So that does mean na pwede akong pumunta kahit saan with my friends? And hindi ka magsusumbong kela mommy?" puno ng pag-asa na tanong ko sakanya. "Fine just tell me kung may mga lakad ka so that I know where to fetch you," sang-ayon naman niya kaya nagtatatalon ako sa tuwa ng marinig iyon. "But you should also do the same Mr. Cassanova," ayaw ko man makialam sa mga whereabouts niya but I think ayos lang naman na malaman ko ang tungkol dito rigth? In case lang that mommy or tita will call and ask me. "What did you just call me?" natigilan naman ako dahil sa tono ng pananalita niya. Bakit? It's true naman. Kahit na galing ako sa all-girls academy that doesn't mean na wala na kaming alam sa nangyayari sa ibang school. If I'm not mistaken he is the same Ace na kilala bilang Mr. Cassanova dahil kahit sa academy ay marami ang nahuhumaling sakanya kahit na hindi naman nila ito madalas na makita. "What? Ayos lang naman iyon, I mean kahit na ilang beses ka pang makita kung saan na may kasamang babae o magkaroon ka ng ilang girlfriends wala lang yun saakin. It's not a big deal though, hindi naman alam ng iba ang tungkol sa pagiging mag-fiancé natin. Just live your life, I won't take that freedom away from you dahil lang sa tinadhana tayo ng mga magulang natin. I can't do that but at least know your limits," nakangiti kong sabi samantalang siya ay nakatitig lang saakin. "How many exes do you have?" out of the blue na tanong niya. "Uhm for your information I came from an all-girls academy, what do you take me for?" hindi makapaniwalang tanong ko "At bago ako napasok sa academy ay home school ako so to answer your question and hindi sa nagmamalinis ako pero never akong nagkaboyfriend, unlike you " kibit balikat kong sabi. "I never had one, I mean I don't do girlfriends," simple niyang sabi. Hindi ko naman sinasabing hindi ako naniniwala pero hindi ko iyon inangilan pa at nagkibit balikat lang sakanya "Besides we can still have one naman if we want, right?" biglang tanong ko. Matagal naman niya akong tinitigan, kaya napanguso nalang ako. Hindi ba pwede? What if may magustuhan ako? Or what? Hindi ko ba talaga pwede maramdaman ang love at least once in my whole life lang? Yung totoong pagmamahal hindi ang pinagkasundo lang. "Whatever, basta mag-ingat lang tayo dahil pareho tayong malilintikan kapag nahuli tayo and make sure na handa kang makipaghiwalay sa kung sino man before your debut dahil ayaw ko ng issue at maging kabit pa," pagsuko niya. Ngumiti naman ako ng malapad saka nilahad ang hinliliit ko sakanya na kinunutan naman niya ng noo. "Let's seal our deal with a pinky promise then," tinaasan naman niya ako ng kilay. "What are you? 5?" nakangising nakakaloko niyang tanong. Inungusan ko naman siya saka binawi ang kamay ko at ngumuso, ang damot para pinky promise lang. Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong hilain at sinandal sa pader. Hinawakan naman niya ng kanang kamay niya ang baba ko para maangat ang tingin ko at magtama ang mga mata namin. Nakita ko namang bumaba ang tingin niya sa mga labi kong nakabuka ng kaunti dahil sa gulat. Ilang sandali lang ng maramdaman kong may dumapi doon pero saglit lang iyon dahil agad din naman siyang lumayo. "Sealed" Sabi niya saka mabilis akong tinalikuran at lumabas ng kwarto ko. D-did he just s-stole my first k-kiss?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD