UTC: Fiancé

1039 Words
"Kinausap kami ni Matheo," Napalingon ako kay Mommy ng sabihin niya iyon? "What? Why?" nagtatakang tanong ko. "Tungkol sa pag-aaral niyo sa pasukan kung saan magka-college na kayo," natigilan naman ako dahil doon. Bakit naman sila kinausap ni Matheo? Sigurado akong napakiusapan lang iyon ni Lore dahil alam kong alam nila na hindi ko man sabihin ay gusto ko ring makasama sila sa susunod na pasukan at makasabay silang gumraduate sa isang university pero alam kong labas na ito sa usapan namin nila mommy dahil masyado ng risky saakin ang Taverna University dahil masyado akong ma-eexpose. "I d-don't know kung bakit kayo kinausap ni Matheo, but mom it's okay po if you don't wan—" "Pumapayag kami ng daddy mo sa gusto mo," nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanila. Totoo ba ang narinig ko? "Pero sa isang condition." sabi naman ni daddy Hindi ko na inisip kung ano man ang condition na tinutukoy nila. Mabilis akong lumapit sa kanila at niyakap sila ng mahigpit. "Anything will do Mom, Dad. Gagawin ko po at susundin kahit anong condition ang ibigay niyo. Thank you so much, thank you! I love you both!" masigla kong sabi habang nakayakap sa kanila. Mabilis naman akong tumakbo paakyat ng kwarto ko saka tinawagan ang mga kaibigan ko sa group chat namin. Calling Agápi Agápi ang pangalan ng group chat namin since Agápi means love and affection and we all love the bond and friendship that we created for 4 years and still counting. "Hello ladies!" masayang bungad ko ng sumagot sila. "Saya natin a," nakangiting sabi naman ni Irene. "Yes dahil pinayagan na ako nila mommy na mag-enroll sa Taverna University kasama kayo!" masayang imporma ko na kinatuwa rin naman nila "Pero hulaan ko may kondition," magkakrus ang mga kamay sa dibdib na sabi ni Jasmin Kilala na talaga nila ako pati ang mundong kinagagalawan ko at masaya akong kahit na nalaman nila ang totoo kong pagkatao ay kailanman hindi nag-iba ang naging trato nila saakin. I am so lucky to have these girls. "Yes but that doesn't matter tho, kahit ano pa yan willing akong sundin," nakangiti kong sabi na kinailing naman nila maliban kay Lore na nakangiti lang. "I would do and feel the same kung ako rin ang nasa position mo," sang-ayon ni Lore na mas lalong kina-iling ng iba na kinatawa ko lang sa huli. "Nagkasundo pa ang dalawang anghel," natawa kaming pareho ng sabihin iyon ni Irene "Alam niyo kayo talaga sugko na sa langit ang kabaitan niyo," iiling iling naman na sabi ni Lovely. "Kesa naman sayo hiniwalayan lang kala mo sinapian ng demonyo, lagi ng may galit sa mundo." biglang sulpot naman ni Matheo sa screen ni Lore. Magkasama nanaman nila, as always. "Hindi ako magtataka kung magkatuloyan kayong dalawa," sabi ni Jasmin na kinapula naman ng pisngi ni Lore, cute. Bagay naman sila so why not? Isa pa Lore is good for my cousin dahil nakikita kong tumitino ang isang iyon kahit papaano. "Anyway, nakapag-usap na ba kayo nila tita?" pang-iiba ni Matheo sa usapan na tinanguan ko lang. "So payag ka sa condition?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya dahil sa paraan ng pagtanong niya ay para bang alam niya kung ano ang magiging kondisyon nila mommy at nakumpirma ko lang iyon ng kurutin ni Lore ang tagiliran niya na kinangiwi niya sa sakit "Aray naman Lorelei!" reklamo nito habang hinihimas ang tagiliran "Yang bibig mo kasi Theoden!" knowing Lore, ayaw niyang pinapanguhan ang ano mang bagay na nalalaman niya kahit pa gaano iyon kahalaga dahil para sakanya ay pagrespeto iyon sa privacy ng isa sa amin. "What is it Martin Theoden?" curious na tanong ko. "A-ahhh uhm nauuhaw ako hooh! Kuha muna ako tubig sa baba" biglang sabi niya saka tumayo "Mommy Laraaaa painom po ng tubig!!" rinig pa namin na sigaw niya. "Baliw talaga!" maktol ni Irene. "Just let him be " pagtatanggol naman ni Lore. "Ikaw Lore ha umamin ka nga saamin," sabi ni Jasmin gamit ang naghihinalang tono. "W-what?" nauutal na tanong ni Lore. I know Matheo's feelings towards her dahil laging nag-oopen up saakin iyon at alam kong kahit sila Jasmin ay pansin rin ang nararamdaman nito for Lore sadyang si Lore lang tong manhid at hindi iyon nakikita. Though I think napapansin rin naman niya pero hindi lang siguro nito iyon binibigyan ng malisya. Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok doon. "Just a second," paalam ko sa mga kaibigan ko saka binuksan ang pintuan at bumungad saakin ang isa sa kasambahay namin. "Princess Hyllee pinapatawag po kayo ng reyna," sabi nito habang nakayukod ng kaunti. "Sige po susunod nalang ako." sabi ko saka sinara ang pinto. "Mommy is calling me, maya nalang ulit babes. Love you all!" paalam ko saka pinatay ang tawag at dumiretso na sa baba. "Where's mommy?" tanong ko sa unang kasambahay na nakasalubong ko. "Nasa sala po prinsesa," agad naman akong nagtungo sa sala at nagulat pa ng madatnan ang dalawa pang nakakatanda doon kasama ang isang batang lalake but I think he is older than me. Hindi ko alam pero para akong kinakabahan habang papalapit sa kanila. 'Who are they?' "Hey there baby, come here " sabi ni daddy, agad ko namang binilisan ang lakad ko at lumapit sa kanila. "These are Mr. and Mrs. Kalel of Galicia," lumapit naman ako sa kanila atsaka nagmano at bumeso "It's nice to meet you po, I am Hyllee," nakangiti kong bati. "It was also nice to meet you iha, anyway this is our son Atticus Cassian Ephraim," ang haba naman ng pangalan niya. Mukhang magkapareho lang sila Mr. and Mrs. Kalel at mommy na mahilig magbigay ng mahahabang pangalan because this guy's name is just like mine na 3 names, Henrietta Hyllee Louise. Nilingon ko naman ito at medyo natigilan pa ako ng mapansin na nakatingin din siya saakin pero hindi man lang ito umimik. Lumapit naman ako sakanya saka nilahad ang kamay ko sa harapan niya. "Hello Cassian, I am Hyllee," nakangiting pagpapakilala ko. "Just call me Ace," sabi niya bago tinanggap ang pakikipagkamay ko. But I like Cassian more, siguro ay masasanay din siya kapag lagi niya na iyong maririg at susubukan kong gawin iyon. "He is your fiancé"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD