CHAPTER 2.1

1121 Words
BAGO sumakay ng sasakyan ay natanaw pa ni Alexander na kausap ni Cassandra ang ama nitong si Salve na nasa kabilang sasakyan kung saan nakalulan ang magulang niya. Pagkatango ng dalaga ay umunat ito at umayos ng tayo saka humakbang papunta sa sasakyan nila. “Ang daya mo, Cassie, ha. You didn’t even give me a small hint na darating si Xander today. Hindi ako prepared!” lambing-reklamo ni Ara kay Cassandra pagkasakay na pagkasakay ng huli sa passenger seat habang sila naman ni Ara ay nasa back seat. Matipid lamang na ngumiti ang dalaga. “Alis na ho tayo,” utos nito sa driver nila. “Kaya nga siya lang talaga ang sinabihan ko, otherwise, hindi na magiging surprise, ‘di ba, Cass?” Siya ang sumagot sa birong-totoo ni Ara. Tiningnan niya sa rear view mirror si Cassandra habang mahigpit na hawak ang kamay ng nobya. Tumingin lang sa salamin si Cassandra saka walang emosyong tumango bago muling ibinaling ang paningin sa kalsada. Nang makarating ang sasakyan nila sa gate ng Malacañang ay agad nilang ipinakita ang pass ng bawat isa maging ang identification cards nila. Matamang checking din ang ginawa sa kanilang sasakyan, bago sila pinayagang pumasok. Pagkatigil ng sasakyan sa may entrance ng palasyo ay nauna nang umibis ng sasakyan si Cassandra para sila pagbuksan ng pinto bago sumunod sa kanila sa papasok ng palasyo. Gamit ang surveillance earpiece habang kausap ni Cassandra si Salve, iginiya sila nito sa upuan kung saan naroon ang magulang niya. Hindi naglipat saglit ay dumating na rin ang Lolo Alonzo niya kasama ang bodyguard na kausap ni Cassandra kanina sa hotel. Tinaasan niya lang ito ng kilay nang bumaling ang mata sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit mabigat kaagad ang dugo niya rito gayong iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang lalaki. Tumango lamang ito bilang tugon saka kinausap si Cassandra. Madami-dami na rin ang mga bisitang naroon sa loob ng bulwagan kung saan gaganapin ang parangal. Maka-ilang beses din na may lumapit at bumati sa kaniyang ina na mga kapwa nito politiko at ang iba naman ay may matataas na katungkulan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong kumpanya. Dumistansya na ang tatlong security officers mula sa table ng mga dela Fuerte nang umakyat na ng entablado ang MC subalit nanatiling nakatayo ang mga ito sa ‘di kalayuan kahilera ang mga palagay niya ay mga tauhan din ng mga matataas na tao na naroon sa ballroom. Tumagal nang mahigit tatlong oras ang parangal. Mula kasi sa national at local politicians ang binigyan ng karangalan ng Pangulo. Mayroon ding binigyan ng parangal mula sa mga karaniwang mamamayan na nagbigay rin ng karangalan sa bansa mula sa iba’t ibang aspeto at larangan. Naglakad na palabas ng bulwagan ang pamilya kasunod ang tatlong bodyguards na masusing nakaantabay sa paligid pagkatapos ang palatuntunan. Nauna nang umalis ang Lolo Alonzo niya dahil maraming tao pa ang bumati kay Governor Alejandra. Hindi naglipat-saglit ay lumulan na rin ang mag-anak sa magkakabukod na sasakyan, but this time, ang bodyguard na ni Lolo Alonzo niya kanina ang sumakay sa unahan ng sasakyan na sinasakyan nina Alexander at Ara. “O, why are you here? Where is Cass?” nagtatakang tanong niya sa lalaki. “Kasama po nina Sir Alonzo,” tugon at pakilala nito nito sa baritonong boses saka ikinabit ang seatbelt habang nakaupo sa passenger seat na kinauupuan kanina ni Cassandra. “What do you mean nina? May kasama pa ba silang iba?” Mag-isa lamang kasing dumating ang kaniyang Lolo Alonzo sa Malacañang kanina dahil nagpaiwan daw ang Lola Bettina niya sa ancestral house nila sa Buen Amor sanhi ng pagsama ng pakiramdam. Hindi ito sumagot — which is just normal for a bodyguard. It’s a big no-no sa isang security personnel ang makisawsaw sa personal na buhay ng kanilang pinoprotektahan. Isa pa, alam niyang sumusunod lamang ito sa utos ni Salve na siyang head security ng kanilang pamilya. “Oh, I forgot, you’re following a protocol to shut up,” sarkastikong anas niya bago humalukipkip. Nawala tuloy siya lalo sa mood. “Ano ka ba, Xander,” marahang saway sa kaniya ng nobya na bahagya siyang kinurot sa tagiliran para mag-behave siya. “What?” painosenteng tanong niya sa dalaga bago umakbay dito. “Okay, fine!” pagsuko niya nang pandilatan siya ni Ara. Nasa kalagitnaan na sila ng daan pabalik sa hotel nang marinig niyang binanggit ng kasama nilang bodyguard na si Clay ang codename ni Cassandra. Awtomatik siyang napabaling sa lalaki at inanalisa ang reaksyon nito habang kausap ang kaibigan niya. “Yes, Red Knight, go ahead,” idiniin nito ang daliri sa earpiece upang matamang pakinggan ang sinasabi ng dalaga sa kabilang linya. Clay clenched his teeth then took a deep breath. Nakita pa niya ang pagkuyom ng kamao nito at halata sa hitsura nito ang pag-aalala. Tumikhim muna ito saka nagpakawala ng buntong-hininga bago bumaling sa nagmamaneho. “Manong, Buen Amor po tayo,” anito saka bumaling sa kanila ni Ara bago pa man siya makapagtanong. “Sir Xander, pasensya na po pero kailangan na nating dumiretso sa Buen Amor,” anito ng walang paliwanag. “Huh? What happened? Akala ko ba sa hotel tayo?” nagtatakang tanong niya. Bigla ay nakaramdam siya ng kakaibang pagtahip ng dibdib, sa kung anong rason, iyon ang hindi niya masabi. Muling nanahimik ang lalaki saka diniinan ng daliri ang earpieace na tila nakikinig sa kausap sa kabilang linya. Hinayaan na lang muna niya ito ngunit hindi siya bumalik sa pagkakaupo nang maayos. Nanatili siyang nakadukwang at nakamata habang hinihintay na matapos itong makipag-usap. Nagpakawala ito nang malalim na hininga saka nagpasyang sabihin na sa kanila ang masamang balita. “May bomb threat daw po sa hotel—” siwalat nito na hindi na niya pinatapos dahil halos mauntog siya sa bubong ng sasakyan nang mapatayo siya mula sa kinauupuan dahil sa pagkagulat at labis na pag-aalala. “What? How about my parents? My lolo and Cass?” concerned na tanong niya. Pakiramdam niya ay naglaho ang dugo sa buong sistema niya dahil sa pagkabigla at takot na agad na lumukob sa kaniya. Hindi nito sinagot ang tanong niya, sa halip ay muli nitong pinindot ang earpiece nito para makipag-usap sa kabilang linya. “Red Knight, take charge and move out!” Malalim ngunit batid niya ang labis na pag-aalala sa baritonong boses nito makalipas ang ilang saglit na pakikipag-usap. Saglit itong tumigil at halos ihilamos sa mukha ang isang kamay out of frustration. “Cassandra, get the hell out of there!” sigaw nito na nakapagpatulala sa kanila ni Ara. He is damn sure that something’s not right!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD