CHAPTER 2.2

2408 Words
“GO AHEAD, Eagle Eye (Salve).” Idiniin ni Cassandra ang daliri sa earpiece upang mapakinggang mabuti ang sinasabi ng kaniyang amang si Salve. Kasalukuyang tinatawag sa enteblado ang mga Pilipinong nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa aspeto ng Sports and Arts. “Red Knight, Falcon (Falcon), mag-shuffle kayo, requested ni Omega (Don Alonzo),” sagot nito na ang ibig sabihin ay magpapalit sila ni Clay ng ise-secure na ni-request daw ni Don Alonzo. “Roger,” tugon niya. “Roger,” sagot din ni Clay. Nang na matapos ang palatuntunan ay magkakasabay nang tumayo at lumakad palabas ang buong pamilya ng dela Fuerte. Binuntutan na niya kaagad si Don Alonzo na magiliw na ngumiti sa kaniya pagkakita pa lamang sa kaniya pagdaka’y iginawi ang tingin sa noon ay palapit na si Congressman Angelo kasunod ang personal bodyguard nito na si Raffy. “It’s nice to see you again, Alonzo,” bati ng batang kongresista sa matandang dela Fuerte bago bumaling ng tingin sa kaniya, “Hi, Cassie.” Halatang-halata ang lambing sa tono ng pananalita nito. Pormal lang siyang tumango saka hinintay na magpatuloy sa paglalakad si Don Alonzo na sinabayan sa paglalakad ni Congressman Angelo. Si Raffy naman ay sumabay rin sa kaniya sa pagsunod sa dalawa at pabiro pa siyang siniko. Pinagbantaan niya ito sa pamamagitan ng masamang tingin na ikinatawa naman nito nang mahina bago muling pabirong inginuso ang batang kongresista. Napailing na lang siya. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng mga babae, siya pa talaga ang natipuhan ng batang kongresista. Bagay na talaga namang ikinaiilang niya. Angelo Buenavista came from a well-known family of politicians. He is the youngest son of Senator Raul Buenavista, isa sa mga kaibigang matalik ni Don Alonzo dela Fuerte. Nakilala niya si Angelo sa pamamagitan ng kaniyang ama nang magpahanap ang matandang Buenavista ng personal bodyguard para sa bunsong anak nito. Her father proudly recommended her even though she was still under intense training at the academy as she was part of the prestigious Elite Team of the Special Forces. Her father invited the Buenavistas at the academy to see for themselves how qualified she was. Isinakto talaga ng mga ito na kasalukuyan siyang nasa training grounds para masaksihan siya in action. At hindi naman napahiya si Salve. Angelo immediately told his father and Salve that he wanted her to be his PBG. However, to his disappointment, she declined. It’s a no-brainer for any military personnel to choose the Elite Team over any positions there is. Para kasi sa kanila, pedestal ang mapabilang sa Elite Team. Kaya naman para kang pumapasok sa karayom bago ka makapasa, which she luckily did and she passed with flying colors. But something happened that she had to quit doing what she loved most. When Angelo heard that she left the military, he asked her again to be his PBG but she refused for the second time. Nauna na kasi siyang inalok ni Alejandra na magtrabaho sa mga dela Fuerte bago pa man siya pumasok sa military academy. Isa pa, mas gusto niyang makatrabaho ang kaniyang ama at bonus pa na ang poprotektahan niya ay mga taong malapit sa puso niya. Nang mag-quit si Clay sa Elite Team ay si Salve ang nilapitan nito at nag-apply para maging PBG ng mga dela Fuerte. Eksakto namang nag-resign ang isa sa mga bodyguard ng pamilya kaya natanggap kaagad si Clay. Inirekomenda naman niya ang kaibigang si Raffy sa mga Buenavista nang matanggal ito sa military dahil sa pag-a-AWOL. Hindi man nakapasa sa elite team ang binata, he is talented and capable enough of doing the job properly. “Ahm, Cassie, Angelo will join us in the car, okay? He’s invited sa surprise party ni Leon,” pahayag ni Don Alonzo na bahagyang lumingon sa kanila ni Raffy. Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagsunod sa mga ito nang muli itong maglakad. Sinamaan niya ng tingin si Raffy at binantaan na tumigil na sa pambubuska sa kaniya nang muli siya nitong sikuhin. Raffy is well aware that the young congressman likes her—a lot, at kahit siya ay hindi niya malaman kung bakit at paano nangyari iyon! Naunang lumulan sa sasakyan sina Don Alonzo at Congressman Angelo na umupo sa pinakaloob ng sasakyan. Si Raffy naman ay sa unahan ng mga ito umupo samantalang siya ay pumuwesto sa passenger seat. “Cassie, apo,” tawag sa kaniya ng matanda. Nilingon niya ito para pakinggan ang sasabihin nito. “Yes, sir?” pormal na tanong niya. “Well, Angelo here is wondering if it’s okay for you to have a nice cup of coffee with him at the hotel. Sabi ko, okay lang naman, ‘di ba?” pahayag nito. It was more of a command than asking permission. ‘Hay, nagpapaka-kupido na naman ang matanda,’ naisip niya. “Pero, sir, hindi ko po kayo pupuwedeng iwan basta-basta,” katuwiran niya na hindi tumitingin kay Angelo.  “Salve will be at the hotel along with Clay. They will be enough to keep us safe. Saka mag-uusap lang naman kayo ni Angelo, apo,” malambing na paliwanag ni Don Alonzo. “I’m sorry, Sir, but my main priority is your safety and security lalo at nasa public area po tayo,” tanggi niya bago muling umayos ng pagkakaupo. “C’mon, hija. Pagbigyan mo na ako, please? Saka tigilan mo nga ang kakatawag sa akin ng ‘sir’. You’re like a granddaughter to me, alam mo ‘yan,” nag-galit-galitang wika pa nito para lang kumbinsihin siyang pumayag sa gusto nito. Hindi siya kumibo. Ilang beses na bang nagtangka si Angelo na suyuin siya para pumayag siya na sumama rito upang kumain sa labas na sila lamang dalawa? At ilang beses na rin siyang tumanggi. Paulit-ulit na lang siyang nagdadahilan. Para na nga siyang sirang plaka, eh. Napatingin siya sa salamin at huling-huli niya ang impit na pagngiti ni Raffy. Agad niya itong pinandilatan nang wala sa loob na tumingin din ito sa rear view mirror. Umiwas kaagad ito ng tingin pero naroon pa rin ang ngiti sa mga labi. “It’s alright, Alonzo. Maybe next time…” Bakas sa tono ng binata ang disappointment. “Pero hindi ako magsasawa, Cassie,” anito na tiningnan pa talaga siya sa rear view mirror at nagpakawala ng matamis na ngiti sa kaniya. Napailing na lang siya. She’s got no idea or whatsoever kung bakit humaling na humaling ito sa kaniya. Lalong wala naman siyang gayuma! Angelo is smart, tall and handsome young man. He’s rich and famous. Sa totoo lang, tuwing binabantayan niya si Don Alonzo para makipagmeet sa mag-amang Buenavista, hindi nalilingid sa kaniya na maraming umaaligid na babae rito at lagi na ay maraming nagpapahiwatig ng pagkagusto kay Angelo. Raffy told her that he might have flirted with some of them but he always compares them to her. That she is far better than those girly girls, something that even Raffy found strange. Pagdating sa hotel ay mabilis silang umibis ng sasakyan ni Raffy. Siya ang naunang pumasok ng hotel at napagigitnaan nila ni Raffy sina Don Alonzo at Congressman Angelo. Kasalukuyan silang naghihintay ng pagbaba ng elevator para umakyat sana sa restaurant kung saan idaraos ang surprise party para kay Governor Alejandra nang tumunog ang alarm bago umalingawngaw ang announcement ng bomb threat. Mabilis ang naging instinct nila ni Raffy na protektahan sina Don Alonzo at Congressman Angelo. “Raf, assembly point, my 12 o’clock (straight ahead),” turo niya sa kaibigan kung saan naroon ang assembly point. She knows the ins and outs of the hotel bago pa man mag-stay ang pamilya ng gobernadora doon, for security measures. Nang nasa assembly point na sila ay mabilis niyang tinawagan ang amang si Salve at si Clay. “Eagle Eye, Falcon, proceed to Buen Amor. 10-89 (bomb threat) in the hotel,” deklara niya. “Red Knight, secure Omega.” Narinig niyang sagot ng ama niya. “Mag-ingat ka, anak,” dugtong nito sa nag-aalalang tono. “Roger. We’re at the assembly point now,” tugon niya. Sanay na siya sa ganitong sitwasyon at senaryo noong nasa elite team pa lamang siya ngunit ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong threat mula nang maging personal bodyguard siya ng mga dela Fuerte. Mayamaya ay may narinig silang putok ng baril dahilan para mag-panic ang mga tao sa paligid nila. She immediately covered Don Alonzo and Raffy did the same to Congressman Angelo. “Sh*t! We need to take cover, Cassie!” sigaw ni Raffy. The assembly point is the wide-open space or atrium located in the middle of the four adjacent buildings of the hotel and unfortunately, clearly visible and vulnerable from any attacks on the higher grounds. Iginiya nila ang dalawang pinoprotektahan sa likod ng isang malaking pader. Tumingala siya at eksakto namang nakita niya ang pagkislap ng isang bagay galing sa isa sa mga guestrooms ng hotel. Pagkatapos noon ay pumailanlang ang pag-alingawngaw ng isa pang putok. “Raf… 10-32 (person with gun),” sigaw niya kay Raffy at itinuro ang lugar ng pinanggalingan ng putok sa pamamagitan ng mata niya. “We need to take cover now,” hiyaw naman ni Raffy sa isa sa mga security ng hotel na lumapit sa pinagtataguan nila. “Red Knight, take charge and move out!” Ang narinig niyang wika naman ni Clay sa kabilang linya, bakas sa tinig nito ang labis na pag-aalala. “Cassandra, get the hell out of there!” sigaw ulit nito nang hindi siya kaagad sumagot. Muli niyang pinasadahan ang paligid saka nagpakawala ng buntong-hininga. “Negative, Falcon… 10-12 (stand-by)…” Maingat siyang tumayo at nagkubli sa isa pang pader saka masusi niyang iginala ang kaniyang mga mata sa paligid at nag-obserba. “Raf, we need to take cover now,” aniya kay Raffy na noon ay nakaantabay rin sa kaniya. Napansin kasi niya na may isa pa palang kasama ang nagpaputok kanina. Raffy nodded and took charge. Hindi na nila hinintay pa ang paggiya sa kanila ng security personnel ng hotel. They need to protect Don Alonzo and Congressman Angelo at all cost kaya nauna na nilang binagtas ang daan papunta sa isa sa mga lagusan pabalik sa loob ng hotel. Mabuti na lamang at hindi kita ang bahaging iyon mula sa pinagmulan ng putok kanina. Nauna siyang tumakbo para mai-check ang area bago nag-signal kay Raffy na sumunod matapos masigurong secure ang lugar. Hinawakan nito sina Don Alonzo at Congressman Angelo para sumunod sa kaniya. Maging ang mga guests at ilang hotel employeyado ay nagsisunuran din sa kanila, ngunit hindi pa nga ganap na nakakarating sa kabilang bahagi ang mga tao ay muling umalingawngaw ang dalawa pang magkasunod at malalakas na putok. Lalong nagkagulo at nagsigawan ang mga guests at ang iba naman ay umiiyak na dahil sa takot. Mabilis niyang tinakbo si Don Alonzo na kagyat na bumitiw kay Raffy at tumigil sa pagpunta sa gawi kung saan naroon siya kanina. “Sir, we need to move fast,” wika niya sa matanda na noon ay may inalalayan na mag-ina. Binuhat niya ang kargang bata ng babae saka magkakahawak-kamay nilang tinawid ang papasok sa loob ng hotel. Napasigaw pa ang babae nang may narinig silang ilan pa uling mga putok bago sila tuluyang nakapasok sa loob. “Sarado na ang entrance, sir. Kailangan na po nating i-lock itong meeting room,” narinig niyang wika ng isang hotel security sa superior nito na kasama nila roon sa malaking meeting room. “Eagle Eye, Eagle Eye,” tawag niya sa kaniyang ama. “Go ahead, Red Knight,” sagot ng ama niya. “Fire shots from 14th floor, west wing. 2 Shooters,” she informed then walked towards the window to check for other possible criminal sightings. “Cuckoo (Sniper), Red Knight?” tanong naman ni Clay. “Negative. No Casualties, no injuries…” Kumunot ang noo niya saka muling iginala ang mata sa paligid. She let go a deep sigh then spoke again. “I think, this is a decoy,” pahayag niya habang matamang nakamasid pa rin sa paligid. Kung sniper ang nagpaputok kanina, bakit wala man lang kahit isang tao na tinamaan ng putok kahit pahaging man lang? “10-20 (Where is your location), Red Knight?” Ang ama naman niya ang nagtanong kung nasaan sila. “One of the meeting rooms, Eagle Eye,” tugon niya pagkuway muling iginala ang mata sa loob ng meeting room at tiningnan isa-isa ang mga naroon. Ang mga security at empleyado ng hotel naman ay pawang nag-aasikaso at nakaantabay sa mga guests. Kasalukuyan niyang kausap ang ama at si Clay sa kabilang linya nang lumapit sa kaniya si Raffy matapos nitong kausapin ang head security ng hotel. “Cassie, on the way na ang bomb squad,” imporma nito sa kaniya pagkuwa’y lumapit at bumulong, “May nag-iwan ng bag sa may entrance ng restaurant na nakita ng security sa CCTV. In-evacuate na ang mga staff at guests sa restaurant.” “Cassandra, don’t you dare move a muscle!” Narinig niya agad na banta ni Clay pagkarinig sa sinabi ni Raffy. Animo nalimutan na nito ang technicalities at formalities nito sa trabaho. Sa tagal nilang magkasangga mula pa sa academy, sa Alpha Team ng Elite Team at magpasahanggang ngayon, ay basa na nito ang ligwak ng utak niya. Hindi niya pinansin si Clay, bagkos ay muli siyang tumingin sa labas at nag-obserba. “Something’s not right, Raf,” bulong niya sa kaibigan. “Stay on the line, Red Knight,” utos ng kaniyang ama na sinunod naman niya. Isa kasi iyon sa mga pre-requisite nila lalo na sa mga ganoong sitwasyon. “I’ll check the front, dumating na raw ang bomb squad,” sambit ni Raffy bago naunang humakbang papalayo. “10-12 (stand by),” aniya sa radio bago isinara ang venetian blinds at nagpatuloy sa pagbibigay ng report saka humakbang pasunod kay Raffy. “We’ll try to secure the area—” Napalitan nang malakas na dagundong dulot ng napakalakas na pagsabog ang boses niya sa radio, kasunod noon ay ang pagtilapon nila ni Raffy sa ere at ang pagdilim ng paningin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD