CHAPTER 3

1610 Words
“CASSANDRA!” Magkapanabay ang pagsigaw na ginawa nina Clay at Salve sa radyo matapos marinig ang nakabibinging pagsabog sa lokasyon kung nasaan naroon si Cassandra. “Red Knight! Cassie!” Muli ay sinubukang tawagin ni Clay si Cassandra sa mas mahinahon na paraan gayondin si Salve. But there was no response. “Sh*t!” Napamura na siya dahil sa sobrang pag-aalala para sa dalaga. He's so afraid that he let his emotion get overpower him. “Hey, man, what happened to Cass! Sagutin mo nga ako!” Naiinis na si Alexander habang panay ang kalabit sa kaniya. Noon lang napukaw ang isip niya para bumalik sa kasalukuyan. He ignored Alexander and called Cassandra in the radio again but still, there’s no reponse. He tried again… and again… again.  “Dammit! Cassie! Sumagot ka naman!” Litaw na sa hitsura niya ang labis na pangamba ngunit tanging beep lang ang naririnig nila mula sa radyo ni Cassandra.  “Eagle Eye, 10-20 (your location)?” baling-tanong niya kay Salve. Halos ilang segundo rin bago nakasagot ang matanda. “Your 6 o’clock (behind), Falcon.” Bagama’t ninenerbyos na ay hindi iyon kakaringgan sa tono ni Salve, bagay na nagamay na nito sa tagal ng panahon sa trabaho. Nakasunod ang sasakyan ng mga ito na lulan ang mag-asawang Alejandra at Leonardo sa kanilang sasakyan. “Red Knight, Red Knight, respond!” muli ay tawag niya sa dalaga. Maging ang ama nito ay panay rin ang subok na tawagin ang anak ngunit ngayon ay nawala na ang tunog sa radyo ni Cassandra at tuluyan na iyong nawalan ng signal. Naririnig din niya ang pagkausap ng matanda sa cellphone nito at pagtawag sa kung sino-sino. Sinubukan niya ring tawagan ang cellphone nito ngunit hindi rin iyon sinasagot ng dalaga. “Call Lolo Alonzo, Xander, dali!” utos ni Ara kay Alexander na noon ay ninenerbyos na rin. Mabilis na kinuha ng binata ang telepono at tinawagan ang matanda subalit sa kasamaang palad ay unreachable ang cellphone nito. “Dammit! It’s closed!” Xander’s already on panic mode… well, all of them as a matter of fact. Mayamaya ay nag-ring ang cellphone niya. “Raf! What happened? Kumusta kayo riyan?” sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan habang sina Alexander at Ara naman ay kapwa rin hindi mapakali sa upuan. Kausap ni Alexander ang magulang sa kabilang linya at kumakalap din ng impormasyon. Narinig niya ang kaguluhan, iyakan at sigawan sa kabilang linya habang hinihintay ang sagot ni Raffy. “Hey, Raf!” kuha niya sa atensyon ng kaibigan nang hindi pa rin ito sumagot makalipas ang ilang sandali. Narinig niya ang pagpapakawala nito nang malalim na hininga bago ito sumagot. “Clay, may sumabog sa may bintana kung nasaan si Cassie kanina kaya siya ang napuruhan,” walang-ligoy na imporma ng kaibigan sa kaniya. Narinig pa niya ang pagmumura nito saka ang pagtawag nito kay Cassandra. “Sh*t! Cassie! Gising!” anito. “Nasa’n na ba ang paramedics?” sigaw pa nito. “A-Ano’ng lagay niya, Raf?” Gumapang ang ibayong kaba sa buong sistema niya. “Masama, Clay…” tugon nito saka niya narinig na may kumausap dito. “Anak ng!” Muli itong humugot ng hininga saka siya muling kinausap. “Clay, hindi pinapapasok ang mga Paramedics dito hangga’t hindi raw naki-clear ng bomb squad ang buong hotel.” Obvious na ang iritasyon sa boses ni Raffy. “H-How about Sir Alonzo?” tanong niya sabay tingin sa batang dela Fuerte na nakatitig sa kaniya. “Okay lang sila, Clay. Kami lang ni Cassie ang may tama…” pakli nito saka niya narinig ang muling himutok nito at pagtawag kay Cassandra. “Clay, Cassie’s not responding and she’s in bad shape! Maybe…” Nasa tono ni Raffy ang pag-aalinlangan kung itutuloy pa ang sasabihin o hindi samantalang siya naman ay panandaliang Nawala sa konsentrasyon at tanging mukha lang ni Cassandra ang nasa isip niya. “A-Ano ‘yon? Ano ba’ng lagay niya? Saan siya may tama?” sunod-sunod na tanong niya, trying to be strong though the anticipation is killing him! “I told you, she’s unconscious.” Raffy paused then continued, “She still has a pulse but it’s very weak. May mga shrapnels na tumama sa likod niya and she’s losing lots of blood,” nanginginig na balita ni Raffy na siguro ay nabigla sa nadiskubre habang ini-eksamin ang lagay ng kaibigan, “Clay… Clay, 10-2 (need ambulance) ASAP… k-kung hindi baka maubusan na ng dugo si Cassie!” anito. “What?” Para siyang sinuntok sa sikmura sa sinabi ni Raffy. “Wait…” anito saka natahimik sa kabilang linya. “What happened to Cassie? May tama ba siya? Paanong—” usisa ni Alexander ngunit itinaas lang niya ang palad niya para patigilin ito nang muling nagsalita sa kabilang linya si Raffy. “May nakausap na daw si Sir Angelo para makapasok ang paramedics dito… ang kaso, kailangan daw ng go signal ni…” Alanganin itong tumigil sa pagsasalita. “Nino?” Bagaman at may sapantaha na siya kung sino ang tinutukoy ng kaibigan ay gusto niyang tama nga ang hinala niya bago siya gumawa ng hakbang para maisalba si Cassandra. Narinig niya ang paghugot nang malalim na hininga ni Raffy bago tumugon. “General Mallari,” pakli ni Raffy. Napabuntong-hininga siya saka tumango-tango. Itinaas pa niya ang mukha niya sa nagbuga ng hangin bago sumagot. “10 - 4 (Okay) I’ll call him. Make sure na ampatan n’yo ang dugo sa likod ni Cassie. You know what to do, Raf and I’m counting on you,” paalala niya bago pinatay ang telepono. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa telepono nang magsalita si Alexander. “What the hell is happening? Could you at least tell us!” sigaw nito out of frustration. “Can you please explain to us what happened at the hotel, kina Cass! Papatayin mo kami sa nerbyos, eh!” Nagbilang siya ng sampu para kalmahin ang sarili at huwag patulan ang binata. Isa pa… isa pa, he’s gonna lose his temper! Humugot siya ng hininga saka mahina ang boses na sinagot ang tanong ni Alexander nang hindi humaharap dito at habang hinahanap ang numero ng heneral sa contacts niya. “We’re still trying to figure it out, sir,” tanging sagot niya.   “F*ck!” mura ni Alexander saka padabog na sumandal sa upuan. “Don’t worry. Everything will be all right,” alo naman ni Ara sa nobyo nito habang hinahagod ang likod ng lalaki. Saglit lang niyang tinapunan ng tingin mula sa rearview mirror ang magkasintahan pagdaka’y itinuon ang atensyon sa cellphone niya. Nagpakawala muna siya nang malalim na hininga bago pinindot ang pangalan ng heneral. Sa loob ng tatlong ring ay sumagot kaagad ito. “I need your help,” bungad agad niya sa kausap pagkasagot nito sa tawag niya, na marahil ay inaasahan na nito. “Yes, just the Medics… bomb squad is already securing the area… they’re at the ground floor, meeting room… no, it’s only Cassie… thank you… Copy, 5 mikes (minutes),” matapos niyang pindutin ang end button ay naisabunot niya ang mga daliri sa ulo. If he hadn’t switched with Cassandra, hindi sana ito napahamak. Siya sana ang naroon at hindi ang dalaga! “Oh, my God! Anong nangyari kay Cassie?” nagpapanic at pabulong na tanong ni Ara habang mahigpit na gagap ang kamay ng nobyo nito matapos marinig ang pakikipag-usap niya sa heneral. He kept mum. Time is gold and he needs to move fast. Kaagad niyang tinawagan si Raffy para ipaalam ang napag-usapan nila ng heneral. “Raf, 5 mikes, on the way na ang Alpha Team. Get ready,” pagbibigay-alam niya sa kaibigan. “WILCO (okay will take action), Clay,” Raffy answered with compliance. Nagpakawala siyang muli nang malalim na hininga bago kinausap sa radyo si Salve. “Eagle Eye, Eagle Eye,” tawag niya. “Falcon, status. Omega, Red Knight CP 10-7 (cannot be reached),” anito patungkol sa pagsubok nitong muling pagtawag sa telepono nina Don Alonzo at Cassandra. “Eagle Eye, Omega is safe and secured,” balita niya. “Copy that,” anito bago niya narinig na ibinalita nito ang sinabi niya kina Alejandra at Leonardo. Muli sana siyang magsasalita nang muling tumunog ang telepono niya. It was Raffy’s number. “Yes, Raf?” bungad-tanong niya. Napakunot-noo siya nang hindi kaibigan ang sumagot. “Clay, where’s Salve?” sa halip ay si Don Alonzo ang kumausap sa kaniya. He can sense perturbation and urgency in his voice and his heart was beating like hell! “N-Nasa kabilang sasakyan po, sir.” Kagyat pang nanginig ang boses niya sa pagsagot sa matanda. God, he’s hands are feeling number right now! “Call him and tell him to follow us at GEM Hospital! We will need lots of blood!” wika nito bago ibinaba ang telepono. Tila tumigil ang pag-inog ng mundo niya pagkarinig sa sinabi ng matanda. Nanginginig ang mga kamay na tinawagan niya ang ama ni Cassandra. Hindi niya alam kung paano niya nasabi rito ang kalagayan ng anak nito. The next thing he realized is when Ara was shouting at the driver to drive as fast as he can!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD