“WHAT took you so long to call me?” salubong ng malambing na boses ng nasa kabilang linya. Salve took a deep breath, trying to control his trembling voice, then released it. Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Same thing I should ask you... what took you so long para magparamdam?” His voice was full of sarcasm. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito bago siya sinagot. “Surprise!” nang-aasar pa na wika ng babae. Same old Amanda! Walang ipinagbago ni katiting... oh, well, except on her appearance! “Nasaan ka ngayon?” Hindi niya na lang pinansin ang pang-aasar nito. “Hmmm, why'd you ask? Pupuntahan mo ako?” may himig pang-aakit na tanong nito. “Cut the f*ck off, Amanda! Just answer my question! Nasaan ka?” singhal niya. Tila mauubusan na siya ng pasensya rito. “Alright, alright! Masyad

